Stella's POV
Binuksan ko ang mga mata ko.
I'm in a dark place. Nasaan nanaman ba ako? Lagi nalang ako napupunta sa ibat-ibang lugar.
Bigla napatakip ako sa mata ko dahil sa liwanag na bumabalot sa paligid.
Napadpad ako sa isang kwarto.
“Mama.” narinig kong tawag ng batang babae at tumakbo sa kinaroroonan ng isang magandang babae. Teka si Mama Karen yun ah?
“What is it my Princess?” tanong ni Mama sa bata. To my surprise ako ang batang kausap nya.
“Look I made a light Ball,” sabi ng bata or me? Hindi ko alam, naguguluhan na ako.
Pinakita nya ang kamay nyang umiilaw, napaka bata ko pa dito siguro mga 6 years old ako.
“Ang galing namang ng Princess namin.” binuhat ako ni Mama at niyakap. Tumingin ako sa paligid, nasa isang palasyo ako hula ko sa magiaca world to, pero bakit wala man lang akong maalala?
Halos sabunutan ko ang sarili ko sa sobrang paka-frustrate.
“Irene!” biglang pasok ni Papa sa kwarto ni Mama. Irene?
“Bakit Peter?” tanong ni Mama. Peter? Napahawak ako sa ulo ko ng biglang nanaman itong kumirot.
“Nilulusob tayo ng mga Dark Mages,” sabi ni Papa. Piglang tumayo si Mama at pumunta kay Papa, lalabas na sila pero bago yun...
“Princess, stay here. Whatever happens, don't come out,” seryosong sabi ni Mama. Naalala kung ganon din ang sabi nya sakin dati, bigla akong kinabahan.
Hindi na nila hinintay mag-salita ang batang ako at lumabas na sila.
BOOOSSGGGHH
Nakarinig kami ng pagsabog malapit sa palasyo, sa sobrang lakas yumanig ang lupa. Biglang na out of balance ang batang ako kaya sinubukan ko syang saluhin pero lumusot lang sya sa kamay ko sakanya.
Biglang tumayo ang batang ako sa pagka-bagsak at tumakbo palabas. Ako ang na-stress sa sarili ko, sabi ni Mama wag lumabas!
Sinundan ko sya. Habang tumatakbo kami ay sari-saring ingay ang naririnig namin, mga pag-sabog, mga armas na nag sasalpukan, sigawan at daing ng mga tao.
Pagbaba namin halos bumaliktad ang sikmura ko sa nadatnan ko. Mga patay na Wizards, may mga sandatang nakasaksak sa ibat-ibang parte ng katawan nila, yung iba naliligo na sa sarili nilang dugo, hindi na makilala. Ganto ba talaga kalupit ang mga Dark Magic Users?
Sob sob
Narinig ko ang maliliit na hikbi ng batang ako, kahit may gusto akong gawin wala akong magawa. Hindi ko alam kung anong nangyayare, pero sigurado ako, hindi ito isang ilusyon.
“STELLA!” narinig kong malakas na sigaw ni Papa. Lumingon kami sakanya naglabas sya ng fire ball at binato sa likod namin. Natamaan ang isang Dark Mage na hondi namin namalayang nasa likod pala namin.
Nakita naming naging abo ito dahil s aginawa ni Papa.
“Papa!” tumakbo sya kay Papa. Kasama nya si Mama.
“Peter we need to get out of here,” alalang sabi ni Mama. Biglang may sumulpot na lalaking naka cloak na may hood, sya yung nakita ko dati na lumusob sa bahay namin. Nakuyom ko ang dalawang kamay ko.
Naglabas sya ng itim na enerhiya sa kamay nya at binato samin. Nilagay nila Mama ang batang ako sa likod nila at sabay silang gumawa ng shield isang light at fire shield. Pinagsamang liwanag at apoy, ngayon ko lang napagtanto na todo protekta sila sakin, kahit sa mortal world.
BOOOSSGGGHH
Malakas ang naging impact nyon kaya halos tumilapon kami. Susugod na dapat ang lalaking naka cloak nang may biglang nang istorbo. Isang babae, bigla itong sumulpot at walang tigil na binato ng earth ball. Ayon sa magic nya isa syang Earth Wizard.
“ATE UMALIS NA KAYO, AKO NA BAHALA DITO!” sigaw ni...
Headmistress Ginna? Teka Ate? Ibig sabihin mag kapatid talaga sila ni Mama?
Tumango si Mama at Papa. Tumakbo na sila palabas, sumunod ako sakanila.
“Peter saan tayo pupunta ngayon?” natatarantang tanong ni Mama
“Wala tayong choice kundi...” huminga ng malalim si Papa.
“Sa mortal world,” duktong nya. Nakita kong nagulat si Mama pero hindi nagtagal tumango na din sya. Nagpatuloy sila sa pagtakbo at huminto sa higanting puno.
Nilingon nila ang batang ako.
“Princess?” tawag ni papa pero hindi sya umimik. Patuloy lang sya sa pagiyak.
“Peter let's go,”sabi ni Mama. Pumasok na sila, pumasok din ako maya-maya nakadating na kami sa giaca forest.
“Irene nanginginig si Stella,” alalang sabi ni Papa. Sya ang may hawak sa batang ako at kanina pa walang imik at nanginginig.
“Mukang na trauma sya,” malungkot na sabi ni Mama.
“Princess?” malumanay na tawag ni Mama. Tumingin sya kay Mama, yumakap sya at humagulgul.
“Ssshh tahan na,” patuloy parin itong umiiyak.
Na trauma nga talaga ako.
“Let's go,” sabi ni Papa. Susundan ko sana sila nang biglang umikot ang paligid at napunta ako sa ibang lugar.
Nandito ako ngayon sa bahay namin.
“Princess please eat your food,” narinig kong pakiusap ni Mama. Wala syang imik at tulala lang.
Bumukas ang pinto at pumasok si Papa na may hawak na libro, binigay nya yun kay Mama. Tinignan ko ang libro at ang librong hawak ko, magkaparehas sila.
“We have to do this. Para bumalik na sya sa dati, para na din ma-protektahan sya sa mga Dark Mage. They're still searching for her, that's why we have to change our identity,” malumanay na sabi ni Papa. Tumango si Mama. Anong gagawin nila?
Binuksan ni mama ang libro tinapat nya ang palad nya sa noo ng batang ako. Nakita kong napakurap sya at nagtatakang tumingin kela Mama at Papa. Isang tipid na ngiti lang ang binigay nila.
“Memoria memoria memoria borra la memoria de lo trágico la gente, la felicidad y el lugar que ella conoce cuando te despiertas eres una nueva persona,” dahan-dahang sabi ni Mama kasabay non ang pag-ilaw ng palad nya.
“Memoria memoria memoria borrar borrar borrar,” mahinang sabi nya at nawala na ang ilaw. Bumaksak ang batang ako at nawalan ng malay. Binuhat sya ni Papa at hiniga.
“When the day comes, she will remember everything again.” sabi ni Papa. Tulala akong nakatingin sa natutulog na ako. They erased my memory? kaya ba wala akong maalalang pangyayari sa magiaca?
Bigla ulit umikot ang paligid.
“Mama, Papa alis na ako ah?!” paalam ng 8 years old na Stella.
“Keep safe Princess,” sabi ni Mama. Nag-wave naman sakanya si Papa
Lumabas ang 8 years old na ako na may ngiti sa labi, naka uniform na sya at mukang papasok na. Ito ang araw na namumuhay na kami ng normal, malaki na ang bahay namin dito at muka na akong ibang tao.
They did this for me, for my safety.
“Stella,” narinig kong may tumawag sakin. Paglingoy ko...
“Light Goddess,” sabi ko. Ngumiti sya.
“Ano ba tong mga nakikita ko?” takang tanong ko. I want to clarify everything.
“This is your memory and you are a real princess Stella,” magsasalita na dapat ako nang tinapat nya ang palad nya sa noo ko. Umilaw to at parang nag-flashback lahat ng nangyayari kanina. Pero may mga dumagdag sa memorya ko.
Nakita ko lahat ng mga masasayang araw ko sa magiaca, ang pagiging prinsesa ko at ang araw na nagkaroon ng digmaan. Ngayon naaalala ko na lahat.
“All hail Queen Irene Karen Latimer and King Peter Ronald Latimer!” dalawang mag-asawang naka upo sa trono habang nakangiting kumakaway sa mga wizard ng magiaca.
Their my parents at sila talaga ang Hari at Reyna, tama si Headmistress or should I say Tita Ginna, tama sya.
“Let's welcome our Princess Asteria Mayumi Latemir!” isang batang babae ang lumabas na may ngiti sa labi habang kumakaway. Naka suot sya ng gown at korona, masayang-masaya nyang tinignan ang mga tao sa paligid nya.
Tumulo ang luha ko ng isa-isang nag-flashback lahat sakin. Ito ang mga araw na buhay pa sila Mama, mga masasaya at malulungkot na araw, ang pagkilala sakin bilang prinsesa naaalala ko na.
Ako si Asteria Mayumi Latemir.
Maya-maya tumigil na ang pag-pasok ng mga eksena sa memorya ko pero tuloy parin ako sa pag-iyak.
“All this time... all this time my home is really in magiaca,” walang tigil kong pag-iyak.
Biglang may sumulpot sa alaala ko.
“Hi bata ano pangalan mo?” nakita ko si Ice mga panahong bata pa kami. Nasa garden kami ng palasyo.
“Hey respect the princess,” biglang sulpot ni Mike. Kahit na bata may salamin parin syang suot.
“Ayy ikaw pala yung prinsesa haha pasensya na,” nag-bow sya.
“My name is Ice,” sabi nya at nakipag shake hands.
“I'm Mike,” nakipag shake hands din si Mike. Biglang dumating sila Kera.
“Uyy kausap nyo pala ang prinsesa, hello Princess, I'm Kera.” Pagpapakilala nya.
“Ako naman si Bela,” kumaway sya sakin.
“Hi! ako si Mile,” maligalig naman nyang pag papakilala at inikutan pa ako gamit ang speed nya.
“Toby is the name and handsome is my middle name ang pinaka gwapong water wizard,” sabi ni Tob sabay kindat sakin. Natawa ako dahil dun, una palang mahangin na talaga sya.
“I'm Jackson. Jack for short, nice meeting you your highness,” sabi ni Jack at katulad nung una naming pagkilala hinalikan nya din kamay ko. Binatukan naman sya ni Kera.
Napatingin ako sa batang seryoso ang mukha.
“I'm Blaise,” nagulat ako. Kala ko hindi sya mag-sasalita pero nagkamali ako naglahad pa sya ng kamay. Masaya ko naman tinanggap.
“Masaya akong makilala kayong lahat, by the way I'm Princess Asteria just call me Asteria,” sabi ko namay ngiti. So thats why hindi nila ako agad nakilala they known me as Asteria not Stella.
Pagtapos ng pagpapakilala naglaro kami gamit ang mga magic namin. Masaya kaming nagta-tawanan naglo-lokohan at naga-asaran. Ang mga araw nato ang unang pagkikita naming lahat sulit na sulit ang araw na nakasama ko sila. Buong araw kaming nagkasama mula umaga hanggang gabi bihira lang akong lumabas sa palasyo hindi ako yung tipon ng taong lalabas ng walang gagawin wala akong naging kaibigan nun dahil lagi akong nasa palasyo nagkataong napadpad ako sa garden nun simula ng nakilala ko sila nag karoon ako ng dahilan para lumabas at makihalobilo sa ibang tao hindi ko inaasahang yun ang magiging pinakamasayang araw ko.
Umikot ang paligid ko at napunta ako sa paraiso.
Humagulgul ako. All this time, tinalikuran ko ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Naramdaman kong may yumakap sakin.
Si Light Goddess.
“Walang pag-aalingang iniwan ko sila, hindi ako naniwala. I-i doubted them,” iyak kong sabi. Kasalanan koto, you really are stupid Stella.
“You can still go back, they're waiting for you,” sabi ni Light Goddes. Tumingin ako sakanya.
“Natalo ako. Nakuha na ako nila Zack,” malungkot kong sabi. Umiling si Light Goddess.
“Buhay kapa Stella, lumaban ka. The battle is just getting started.” ngiting sabi nya unti-unti syang naglaho kasabay nun ang pagbalot sakin ng liwanag.
“Arrrgg!” daing ko dahil naramdaman ko nanaman ang sakit sa katawan ko.
Buhay pa ako.
“Z-zack she's still alive, akala ko ba pinatay mo na sya?!” gulat na sigaw ni Ashra.
“I don't know. hey! what did you do?” galit na sigaw sakin ni Zack. Nanatili akong walang imik, sabi ni Light Goddess lumaban ako, pero pano?
Nakita kong umilaw ang kwintas ko, dahil dun may naalala ako.
“Spirit world?” gulat kong tanong.
“Yes Master, kami ang spirits mo. Kahit anong oras at saan pwede mo kaming tawagin, with the help of this keys,” sabi ni Sky.
Hinawakan ko ang kwintas ko inisip ko si Sky, naging Air ang simbolo ng susi. Kahit masakit ang katawan ko napangiti ako, oras na para lumaban.
“Hoy nakikinig kaba?! ano nginingiti mo dyan?” sigaw ni Zack at gigil na gigil hinawakan ang Ice Cage.
Hindi ko sya pinansin. Umilaw ng napaka-liwanag ang kwintas ko.
“What is she doin—” Ashra.
“HINDI AKO SASAMA SAINYO!” malakas kong sigaw.
Hinawakan ko ang kwintas ko lumitaw dun ang susi ni Sky. Tinuro ko sa langit ang susing hawak ko.
“Gate of the Hurricane's I summoned you, Air spirit.” sigaw ko sa langit.
“Sky!” pagtawag ko ng pangalan nya.
Tiiinnnggg
“Master,” lumitaw si Sky kasabay nun ang pagwala ng Ice Cage. Kita kong gulat ang ekspresyon nila Zack.
Kahit ako nagulat.
“What the hell? you managed to summoned your spirit,” gigil na sabi ni Zack. Kung kanina naka-ngisi sya ngayon natatangis na ang bagang nya.
“Zack let's finish her. Now!” malamig na sabi ni Ashra. Nawala ang kaninang mapaglaro nyang tawa.
“Let's go,” sabay nilang sabi at sumugod na. Pumunta si Sky sa harapan ko.
“Pahinga ka muna princess,” sabi ni Sky. Magsasalita na dapat ako nang tumakbo sya at sinalubong sila Zack.
“Shadow Clone!” Zack.
Umiwas si Sky sa paparating na anino ni Zack.
“Dark ice Spike!” gamit ang dalawang kamay tinapat ni Ashra ang palad nya sa lupa.
Tumalon si Sky para iwasan ang mga patusok sa lupa na gawa sa yelo ni Ashra. Hawak ang dalawang pamaypay pinaypay nya yun sa gawi nila Zack.
“Hurricane Dance!” bigkas ni Sky nagkaroon ng malalaking ipo-ipo sa gawi nila pero naka ilag sila.
“Dark Ice bear!” gumawa si Ashra ng bear at nilusob nun si Sky.
“Hot Air,” sabi ni Sky. Nagulat si Ashra ng unti-unti natutunaw ang Ice Bear nya.
“Got you!” ngising sabi ni Zack. Hawak ng Shadow's nya si Sky.
Nahihirapan gumalaw si Sky kaya pilit akong tumayo at gumawa ng light ball, pinalaki ko yun at buong lakas na binato sa direksyon ni Zack. Natamaan sya at dahil malaki ang light ball na ginawa ko, nagkaroon ng pinsala yun sa katawan nya. Nahihirapan na syang tumayo ngayon.
“Dark Ice Army!” narinig kong bigkas ni Ashra.
I saw how her eyes turned pitch black the next thing I knew there are now several dark ice army surrounding us.
Kahit gamitan ni Sky ng hot air ang mga army ni Ashra papadamihin lang nya ito plus matagal matunaw ang yelo nya ngayon. It's like she's using her pitch black eyes to be stronger.
“Black eyes, symbolize are Darkness,” I heard Zack said. I looked at him, his now standing. His eyes are turning pitch black like Ashra, this is bad.
“Master can you stand,” sabi ni Sky. Tumango ako, sinubukan ko ulit tumayo and luckily nagawa ko.
“Sakay ka sa likod ko master, I'm getting you out of here,” katulad ng sabi nya ay sumakay ako.
Nakita kong gumalaw ang mga army ni Ashra, bago nya pa kami mahuli lumipad na kami gamit ang air eagle. Hahabulin sana kami nila pero nakagawa ni Sky ng hurricane dance. Marami ang ginawa nya at malalaki ang ipo-ipo kaya masasabi kong mahihirapan silang lagpasan yun. That would buy us some time to escape.
Lumapag ang air eagle kung san ang puno papuntang magiaca.
“Thank you Sky,” pagpapasalamat ko kita kong malaki din ang naging pinsala nya sa katawan. Pero ngumiti padin sya.
“It is my duty to protect my Maste,” sabi nya. Nag-bow sya at hindi nagtagal nawala na sya sa paningin ko.
At this day... I almost died. Thank you for protecting me, my spirit.