Stella's POV
Bumuntong hininga ako at humarap na sa puno. Nanginginig ang kamay nang tinapat ko ang palad ko, nanghihina parin ako. Lalo na nang gumawa ako ng higanteng light ball at sa pag-summoned ko kay Sky, masyadong na drain ang lakas ko.
Nakapasok na ako sa portal, hinayaan kong hatakin ako nito at nang maramdaman ko ang lupa ay dumilat na ako. Nandito nanaman ako sa bayan, malapit sa bayan ang puno kaya may mga tao na akong nakikita sa paligid, humakbang ako pero bigla nalang nagdilim ang paningin ko and the next thing I knew... I was lying down on the ground unconscious.
Ice's POV
Sob sob
I heard Kera sobbing. Ngayon ko lang ulit sya nakitang umiyak ng ganyan halos lahat kami malungkot sa pag-alis nya.
The atmosphere was gloomy. Kanina pa kami walang imik dito sa headquarters ng S class. Kasama namin si Mile at Bela na tahimik din.
“She will returned, trust me.” Seryosong sabi ni Blaise. Napatingin kami sakanya, how sure is he?
“Pano pag hindi?” tanong ni Kera at pinahid ang luha sa mga mata nya.
“Tsk! don't be so negative Kera,” singhal ni Blaise. Napayuko si Kera.
“If she'll not comeback, then we have to force her to comeback,” kasing lamig ng boses ni Blaise ang magic ko.
“Sa ngayon kailangan muna nyang mapag isa. Knowing your true identity is mind-blowing, kahit sinong makaalam ng totoong pagkatao nila ay magugulat talaga,” mahinang sabi Bela.
Tumayo ako.
“Let's get some fresh air shall we? Let's go to the village,” yaya ko para naman hindi kami magmukmok nalang dito. Sumangayon sila.
Nang nakarating na kami sa bayan naghanap kami ng pwedeng gawin... nang magsalita si Tob.
“Remember the day we first brought her here? She was like in a different world hahaha,” sabi nya at tumawa.
“Yeah and I remember all of us made a promise,” sabi ko at inaalala ko ang araw na yon.
“WOW!" sigaw ni Asteria at nagtatakbo sa mga bilihang nadadaanan nya. Tumatawa lang kami habang pinapanood sya.
“Hahaha Asteria baka naman gusto mong manghintay?" natatawang sabi ni Kera. Tumingin si Stella sa gawi namin.
“Grabe ang daming tao dito at ang daming paninda. Tara dun tayo!” sa sobrang excited tumakbo na sya sa isang tindahan hindi man lang kami hinintay. Napa iling-iling ako. Sumunod kami sakanya.
She was so cheerful and full of energy before, but now? All I can see to her is confusion, and gloominess in her eyes. She may laugh with us but inside she's empty.
All of the wizards bow down when she passed by them. Asteria is wearing a gown, ibang-ibang sa suot ng mga taong nandito kaya madali syang nare-recognize at kahit na nadudumihan na ang gown nya, dahil sumasayad ito sa sahig ay wala syang pakealam. Lagi din nyang pinapansin ang mga nasa paligid nya, Asteria always greet them with all smile on her face, it's like she's not a royalty but just a simple wizard like us. That's what I like about her, she's humble even know she has all the power to control, she chooses to not let people be intimidated by her presence.
“Manang What's that thing called?” tanong nya sa aleng nagtitinda.
“Nako prinsesa ikaw pala! Isa po itong Shawarma na inimbento ng mga mortal, gusto mo po bang bumili?” malumanay na sabi ng ale sabay ngiti. Tumango si Asteria.
“Opo mukang masarap yan grabe ang bango~” tuwang sabi nya. Natawa ang ale dahil sa kakulitan nya.
Natapos na gawin ang shawarma, binigyan din kami. Nag-abot si Asteria ng gold bar, ayaw sana tanggapin ng ale kasi limang nickel Lang naman ng ginto ang presyo ng binili namin, pero isang buong ginto ang binibigay ni Asteria.
“Sige na po tanggapin nyo," pag-pipilit nya. Walang nagawa ang Ale at kinuha nalang ito.
Nag pasalamat kami pagtapos nyon pumunta kami sa isang open field na puro d**o lang ang makikita. Dito kami umupo at mahiga. Malamig ang simoy ng hangin.
“This is your first time seeing a village?” tanong ko.
Tumigil muna sya sa pagkain bago tumingin sakin at tumango. She has the most beautiful eyes, I can't help but stare at her for a minute.
Katabi nya ako at si Blaise sa isang side. Sa kaliwa ko naman si Mile, sunod si Bela, Kera, Jack, Tob and Mike. Lahat kami naka helera.
“Hindi ako lumalabas ng palasyo kaya pasensya na kung ganto ang naging asal ko,” mahinhin nyang sabi.
Princesses have to act gracefully and well mannered. Asteria just forgot that awhile ago when she started running around the Village.
“Ang saya pala talaga pagnakakakita ka ng bagong kapaligiran,” ngiting sabi nya Biglang sumabat si Tob habang puno pa ng karne ng shawarma ang bibig nya.
“Ehdi shomama kha shamin maglakbay nakhakhalungkot kaya sha palashu at shaka hindi kha makhakhakita ng gwaphong tuhad ko, lagi kasi ako nasha bhayan,” sabi ni Tob sabay halakhak.
Napangiwi kami sa sinabi nya binigyan naman sya ng isang malutong na batok ni Jack, dahil natalsikan sya sa mukha ng karne na galing sa bibig ni Tob.
“Putek na yan!” inis nyang sabi sabay punas ng mukha nya. Tumawa kaming lahat dahil sa reaksyon nya.
“Pero wag ka mag-alala Asteria, pag kasama mo kami marami pa tayong mapupuntahang ibang lugar,” ngiting sabi ni Jack sabay kindat napangiti din si Asteria.
“We're Wizards, there's a lot of magical things that can happen,” sabat ni Mike at inayos nanaman ang salamin nya. This dude still has the same habit of fixing his glasses.
“Dont forget to fight for the sake of Magiaca. When we grow up there's an obligation waiting for us,” sabi ni Kera.
Tama, may kanya-kanya kaming obligasyon, kabilang kami sa magagaling na wizards sa palasyo nila Asteria, in fact our parents are the Palace Council. Kaya kami pumupunta don kasi kahit Bata palang obligado na kaming magbantay sa palasyo.
Sa batang edad kasi maagang lumabas ang kakayahan namin. Saaming mga elemental users lang. Si Bela ay matagal pa bago nalaman, si Mile ay hindi pa gaanong bihasa. Si Jack ay naghahanap palang ng isang bagay na gagamitin para magamit ang magic nya, but he know what he's capable off.
“Then let's go on an adventure together, walang maghihiwalay.” Sabi ni Bela.
“Gusto ko yan! Paglaki natin sama-sama tayong maglalakbay,” maligalig na sabi ni Mile.
Tumango kami at tumingin kay Blaise na tahimik lang. Naramdaman nyang hinihintay naming magsalita sya, maya-maya tumango din sya.
“Yeah an adventure together,” pagpayag nya with a slight smile. Asteria was overjoyed.
“Promise nyo yan ah? we will all go on an adventure together,” sabi nya na may malawak na ngiti sa labi. Napangiti din kami.
Tumingala kaming lahat sa asul na langit.
“Promise,” sabay-sabay naming sabi.
We made a promise, we all wanted that to happen.
Hindi ko inaasahang magki-kita-kita kaming lahat sa isang school. After the war we split in different ways, para magtraining at maging malakas. Nung nagkita-kita kami sa magiaca we found out that Asteria was gone. The councilors, her Auntie and palace auithorities lost hope. We decided to look for her instead.
Nahanap nga namin sya, pero iniwan nya din ulit kami, and worse hindi nya kami maalala.
Habang naglalakad kami nakakita kami ng nagkukumpolang mga tao sa isang daan may mga naririnig din kaming mga bulungan.
“Kawawa naman sya tumawag kayo ng tulong bilis!” sabi ng isang ale.
“Ano kayang nangyare sakanya grabe naman?” bulong ng isang babae. Nagsitinginan kami at sabay-sabay naglakad sa kumpulan ng mga tao.
Nang makita namin kung ano yun, no. hindi 'ano' kundi 'sino'.
“Stella!” gulat na sabi ni Mile.
Agad namin syang pinuntahan. Nauna si Blaise sa pwesto nya, maraming dugo ang nakakalat sa damit nya halatang galing sa pakikipaglaban, mukang hinang-hina na sya.
She's still breathing.
“What the hell happened to her?” bulalas ni Kera. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata pero mas naguumapaw ang pag-alala nya.
“Let's take her to the Academy, now!” maatoridad na sabi ni Blaise.
Dahil nagmamadali kami hindi na kami nag hintay ng masasakyan.
Gamit ang Fire Phoenix sumakay si Blaise habang buhat si Stella. Gumawa naman ng Air Eagle si Kera at dun sila sumakay ni Mile at Bela, pinagkumpol-kumpol naman ni Jack ang mga baraha nya na parang carpet at dun kaming apat sumakay nila Mike at Tob.
Habang lumilipad tinignan namin si Stella, she's finally back, but she's not in a good condition.
Who ever did this to her, shall pay.
Stella's POV
Minulat ko ang mga mata ko, naramdaman kung nakahiga ako sa malambot na kama, puting ilaw ang bumungad sakin. Looks familiar.
“Is this your favorite place,” napalingon ako dahil sa malamig na tinig.
Si Blaise.
I missed this guy. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, nasa infirmary nanaman ako ng Academy.
“This is the third time you're here,” walang emosyon nyang sabi. Ngumiti lang ako.
“Yeah, get my things I'm gonna live here.” biro ko. Lalong sumama ang mukha nya.
“Stupid,” usal nya. Natawa ako ng mahina.
“Is this how you welcome me back?” I said and chuckled again.
“Tsk!" na sabi nya nalang. Ang sungit talaga kahit kailan. Bumukas ang pinto at niluwa nyon sila Mile.
“You're Awake,” masayang sabi ni Kera.
Nangilid ang luha ko ng isa-isa silang humilera sa harapan ko, genuinely smiling at me.
“We're happy that you returned,” sabi ni Mike. Tuluyan nang lumandas ang mga luha ko sa pinsgi ko.
“I'm sorry,” na sabi ko nalang sabay takip ng palad ko sa mukha ko at umiyak.
Naramdaman kong may humawak sa magkabilang wrist ko at dahan-dahang tinanggal ang dalawang kamay ko na nakatakip sa mukha ko.
“We understand, we let go, we waited and now you came back.” sabi ni Blaise na syang may hawak ng wrist ko. I cant help but be emotional, seeing them again makes me so happy.
Ngayon ko lang naramdaman ulit.
“Thank you for waiting,” sabi ko sakanila still crying.
“No. Thank you for returning,” sabi nya and gave me a bright smile na minsan ko lang makita sakanya. Lumapit sila sakin at nag-group hug kaming lahat.
After our drama, kinausap nila ako kong anong nangyare sakin. Sinabi kong nakalaban ko si Zack and Ashra, na gusto nila akong patayin at kunin ang kwintas ko.
Nakita ko ang galit sa mga mata nila, pero napalitan yun ng tuwa ng sinabi kong naalala kona sila. Napangiti ako, nakikita kong masaya sila dahil dun. Damn! this are the people that I forgot for a long time and now I'm here, with them.
Pagtapos pagalingin ang mga sugat ko pumunta kami sa Headmasters Office. Nang binuksan namin ang pinto bumungad samin si Headmaster at Headmistress.
My Auntie.
Mabilis akong lumapit sakanya at binigyan ng mahigpit na yakap.
“Auntie,” bulong ko. Nagulat sya sa ginawa ko pero hindi nagtagal gumanti din sya ng yakap.
“Princess Asteria," sabi nya. Parang lumundag ang puso nang marinig ulit ang pangalan ko.
Humiwalay sya sa yakap at masayang tinignan ako.
“Do you remember everything now?" tanong nya. Tumango ako.
“Naalala ko na lahat Auntie," sabi ko. Kita ko ang tuwa sa mga mata nya.
“I'm so happy, thank goodness," sabi nya at muli akong niyakap.
“But wait,” humiwalay sya sa yakap at seryosong tumingin saming lahat.
“They found you, I heard the news.” sabi nya. Alam ko na ang ibig nyang sabihin kaya tumango ako.
“Yes, but I'm fine Auntie, nagawa kong palabasin si Sky,” ngiting sabi ko napa buntong hininga sya.
“Good thing you knew how to summoned your spirit, I'm so proud,” sabi ni Auntie at hinaplos ang buhok ko.
She's my mother's sister, being with her feels like being with my Mother again. Pinaupo na kami para maayos ang pag-uusap namin.
“Welcome back Stella,” sabi ni Headmaster ngumiti ako he's my uncle.
“Thank you Headmaster," sabi ko. He chuckled.
“Call me uncle for now on Stella, hindi mag tatagal uupo kana sa trono mo,” sabi ni Uncle. Tumingin si Auntie sakin.
“By the way where's Irene and Peter Asteria?” nagtatakang tanong ni Auntie. Natigilan ako at biglang napayuko, they don't know it yet.
“They're g-gone,” utal kong sabi. Kita kong gulat ang reaksyon ng lahat ng nasa office.
“Ma-matagal na silang wala, ang Dark Ma-mages. Sila ang may ga-wa.” nahihirapan kong sabi. Hindi sila naka imik.
“I was there, such a little girl, so naive, so innocent. I didn't know what to do, I didn't know anything, I just watch them fight for me and die it's all my fault,” nakayuko kong sabi habang may mga butil ng luhang tumulo sa mga mata ko.
How many times have I cried? 2? 3? 4? There's so many times yet I still have tears in my eyes. Kailan ba ako titigil sa pagiyak? darn it!
Stella you're so weak.
“Asteria," naramdaman kong yumakap si Auntie sakin.
“It's not your fault, okay? it's not,” pagpapatahan nya sakin.
“Ginna let our princess rest for awhile,” seryosong sabi ni Uncl.
Tmango si Auntie. I dont want to rest but my body seems heavy.
Umalis kami ni Auntie at naiwan ang S class kasama si Mile at Bela sa loob. May paguusapan pa daw sila.
Nag insist si Auntie na dalhin ako sa palasyo, but I refused sanay ako sa simpleng bahay at higaan ang tinutulugan. At Hindi pa ako handang pumunta sa palasyo.
Nakarating na ako sa bahay nila Mile at humiga. Nakatitig ako sa wooden ceiling ng kwarto ko, I touch and hold my necklace.
“Mama, Papa I'm home,” bulong ko after that I slowly fell a sleep.