Chapter 3 New Look

2481 Words
Stella's POV Nandito pa din ako sa bahay nila Mile. Kakagising ko lang at hinihintay ko sila, maaga kasi silang umalis para mag pa enroll. Suot ko pa din ang uniform ko. Kahapon pato, may nabibilhan kayang damit sa mundong to? Ding Dong Narinig kong may nag door bell. Sino kaya yun? Kani-kanina lang umalis sila Mile, natapos na sila agad? Tumayo ako at binuksan ang pinto. Lumaki ang mga mata ko sa sumalubong sakin. Napasigaw ako dahil sa biglang pag tangay ng parang hanging may yelo at natabunan pako nito. Nanginig ang katawan ko. Ang lamig! “Hahahaha!” tawa ng lalaki na may dark blue na buhok at blue na mga mata. Naka T-shirt sya na itim at jeans, may suot din syang jacket pero manipis lang, maputi din sya at gwapo. Pero hindi ko palalampasin ang ginawa nya. “Ano bang trip mo ha?” bulyaw ko sakanya. Napatigil naman sya sa pag tawa at tinignan ako. Kumunot ang noo nya. “Wait, saan si Mile at Bela?” takang tanong nya at tumingin sa paligid. Hindi ata sya na-inform na wala sila dito. “Nagpa-enroll.” simpleng sabi ko at umalis sa harapan nya. Hanggat maaari ayoko makihalubilo sa mga hindi ko kilala. Tsk! jokes on me, I gave my trust to Mile and Bela. “Oh okay. Sorry about that, I thought is was Mile and Bela. Uhm! What's your name miss?” tanong nya at pumunta sa harap ko na may malawak na ngiti. “I'm Stella.” simpleng pagpapakilala ko. Bumuntong hininga ako. Ayoko sanang mag pakilala pero muka naman syang mabait eh. “Nice name, I'm Ice Joseph Jefferson I'm an Ice Wizard.” sabi nya sabay pakita ng umiilaw nyang kamay. May kulay blue na lumalabas don, siguro malamig yun pag hinawakan. “Halata nga.” hindi ko maiwasang sabihin yun. Oo nakakamangha pero… napailing nalang ako. Eto lang ang damit ko, wala akong ibang susuotin. “I'm so sorry about that, I didn't mean it.” sabi nya na may pa puppy eyes pa. Napa buntong hininga nalang ako. “Oo na, apology accepted.” sabi ko. Ang cute nya eh, hindi ko maiwasang magandahan sa asul nyang mga mata at di nya naman sinasadya. “You're pretty.” sabi nya. Napatigil naman ako dahil don. “Hindi mo na kailangan sabihin yan, pinapatawad na kita.” sabi ko. “I mean it, you're pretty.” sabi nya. “No I'm not, I'm ugly.” sabi ko at nag iwas ng tingin. Naalala ko nanaman ang mga pang lalait sakin ni Joanna at ang mga pinag-sasabi nila sakin. Sa mundo kung saan ako nanggaling ay wala pang nag sasabi na maganda ako, maliban kela Mama. Alam kong dahil sa paraan ng pananamit ko, pero tama bang mang lait sa kapwa mo? Naramdaman kong hinawakan ako ng Ice Wizard sa balikat ko. “Hey you look so sad, I'm not kidding. Believe me you're not ugly.” sincere na sabi nya di ako umimik. “Look! Alam mo, tanggalin lang yang makapal mong salamin at bangs mong natatakpan na ang mata mo, makikita na ang ganda mo.” sabi nya. Hmm! Tumango ako, tama nman pero sanay talaga akong takpan ang mata ko. “Wow ah! ngayon lang tayo nag kakilala feeling close kana agad.” sabi ko at tinanggal ang kamay nya sa balikat ko. Natawa sya ng mahina. “I guess. Do you want me to help you with this?” turo nya sa basa kong uniform. Napayakap ako sa sarili ko. “Pwede kana umalis.” agad kong sabi at halos mataranta. Natawa sya ulit. “Okay. Since Mile and Bela are still not here, I'll go now. Nice to meet you Stella see you around, and I'm really sorry about what happen.” sabi nya sabay kindat at naglakad na sya palabas. Napa-iling ako sa huli nyang ginawa. Bumalik nako sa pwesto ko. Makalipas ng ilang oras nakauwi na sila Bela. “Were home!” narinig kong sigaw ni Mile. Tumayo ako at sinalubong sila, may hawak silang scroll paper, yung kulay brown na nirorolyong papel. “Hi! By the way pumunta ata yung kaibigan nyo. The Ice Wizard guy, he just left.” pagbibigay alam ko sakanila. “Ah si Ice, siguro may ginawa nanamang kalokohan yun.” sabi ni Bela. Napa busangot ako. “Oo, gumawa lang naman sya ng blizzard natangay at natabunan pako. Look!” Pinakita ko ang basa kung damit. Medyo natutuyo na din sya. Nag pigil ng tawa ang dalawa. Sinimangutan ko sila. “Loko talaga yun, don't worry pagsasabihan ko yun.” sabi ni Bela. “Musta nga pala?” tanong ko. Nginitian nila ako at binigay ang isa pang scroll sakin. “You're finally enrolled!” tuwang sabi nila. Diko din naitago ang tuwa ko. Binuksan ko ang scroll at nakita ko ang pangalan ko, nandun na ang mga inpormasyon tungkol sakin, may wax stamp nadin na simbolo ng Magiaca Academy. “School start's tomorrow.” sabi ni Bela. “Agad-agad.” sabi ko. Grabe bukas agad, kaka-enroll lang. “Yeah! kaya let's get ready for tomorrow.” maligalig na sabi ni Mile at hinila ako, Muntik pako madapa dahil sa bilis nya, pero tumigil naman sya sa harap ng pinto para hintayin si Bela. “At oo nga pala, you look horrible. Lalo na't medyo basa kapa.” sabi ni Bela. Napayuko ako pero bigla ulit akong hinila ni Mile. “Kaya nga tara na.” sabi ni Mile. Mukang excited na excited sya. “Wait what are we going to do?” nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. “We're going to the mall. We'll buy clothes and uniforms. We're also going to take you on make over, so you will have a new look!” excited na sabi ni Bela at hinihila din ako, at eto ako ngayon nagpapadala sakanila. “Grandine!” sigaw ni Mile. Nagulat ako nang may dragon na biglang lumipad pababa samin. Kulay puti sya at ang laki nya, kaya napatago ako sa likod nila Mile dahil sa takot. “Uyy! That's okay, don't be scared. Meet Grandine don't worry she's nice.” pagkukumbinsi saki ni Bela. Hinawakan nya ang dragon at sumakay na sa likod nito. “Tara sumakay na din tayo.” hinila ako ni Mile pero di ako gumalaw. Natatakot parin ako sa dragon. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan sa buong buhay ko. Jusko! “Ba-bakit may dragon kayo?” may halong takot na tanong ko. “She's a friend of our village. Taga bantay nadin at makikisakay tayo sakanya ngayon.” sagot ni Bela. Napalunok ako. “Ahm hehe! maglalakad nalang siguro ako.” sabi ko sabay bitaw ng kamay ni Mile na naka hawak sakin. Tumalikod nako pero nagulat ako nang bigla ginamit ni Mile ang magic nya sakin at sa isang iglap nasa likod nako ng dragon. Pag ka upo ko ay sumakay nadin si Mile. “Let's go!” sigaw ni Mile at Bela. Lumipad na ang dragon at— “Aaahhh! What the!” ang bilis ng lipad ng dragon. Akala ko matatangay na ako, buti nalang si Mile ay nasa likod ko. “Aaahhh! Ayoko pa mamatay!" hysterical na sigaw ko. Narinig kong tumawa sila. “Chill kalang dyan.” tawang-tawang sabi ni Mile. Ggrr! Curse you. “Jusko po!” sigaw kopa dahil lalong bumilis. “Malapit na tayo.” natatawang sabini Bela. Maya-maya ay bumagal na ang lipad ng dragon at dahan-dahan na itong bumaba. Nang tumigil na ay ako na ang unang bumaba sa dragon. Gumigewang-gewang pako dahil sa hilo. Anak ng! Napatakip pako ng bibig dahil feeling ko masusuka ako. “Are you okay? Wag ka mag-alala masasanay kadin.” natatawang sabi nila. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago mag lakad kasabay nila. Feeling ko talaga masusuka ako. Nakadating na kami sa mall. The mall is huge, there's so many stores, restaurants and shops. Wow! ngayon lang ako nakakita ng mga ganito, muka ding mamahalin ang mga tinda. Meron syang anim na palapag. It's so high and the mall looks Magical. “Tara.” excited na sabi nila at dinala ako sa store na maraming damit. “Teka! hindi ako nag susuot ng ganyan.” pagpigil ko sakanila nang makita ko ang mga pinagkukuha nila. May short, fitted blouse, crop top at dress napang sexy. Akalain mong may ganto sa mundong to? “At saka hindi bagay sakin ang mga yan.” mahinang dagdag ko. “Is that a joke? For me you look hot Stella, don't worrg, makikita mo mamaya.” ngiting sabi ni Bela at nag patuloy sa pag pipili ng damit. Halos naka dalawang oras ata kami sa store ng mga damit. Urgg! Pagod nako kaya umupo na muna ako. “Di pa ba kayo tapos?” bagot na sabi ko. “Di kapa nag bibihis.” sabi nila at binigay sakin ang isang itim na high waist short at crop top na long sleeve. Hinila na nila ako sa dressing room at sapilitang pinasok dun. “Teka lang! Hindi ako sabi nag susuo—” BLAG Diko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang nila sinarado ang pinto. Wala akong nagawa kundi suotin ang binigay nila. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin lumabas lumabas na. “Wow! you look sexy Stella may curb ang katawan mo.” tuwang sabi ni Bela. “But wait, naka black shoes ka pa pala. Tara sa shoe section.” hinila nila ulit ako at pumunta sa shoe section. Ang daming sapatos. Pinagkukuha nila ang mga nakikita nilang maganda. “Te-teka wala akong pang bayad ng lahat ng ito.” sabi ko. Tumigil sila at humarap sakin. “It's our treat.” sabi ni Mile at kumindat pa sakin. Pinili na nila ako ng ibat ibang klaseng sapatos. May heels, sneakers, doll shoes at black shoes. Nalula ako sa dami ng mga pinamili nila. “Eto oh, suotin mo na dali.” excited na sabi ni Mile. Sinuot ko naman yun. Isang sneakers na kulay maroon ang binigay nya. “Ang ganda mo talaga Stella.” nagningning ang mga matang sabi ni Bela. Napa ngiwi ako, onti nalang iisipin ko ng may diperensya ang mga mata nila. “Ang pangit ko kaya.” lait ko sa sarili ko. Nag-iwas ako ng tingin. “Sus! You're lying. Okay next stop is salon!” hinila na nila ko ulit. Mga to talaga! Pumasok kami sa isang salon. “Teka lang hindi nyo na kailangan gawin to.” sabi ko. Napatigil sila. “Nakakahiya naman kasi binibilhan nyo na nga ako ng gamit papa-salon nyo pako.” sabi ko sabay himas ng batok ko. Masyado na silang mabait. “Don't be shy Stella, hayaan mong gawin namin to. Gusto din naming matulungan ka sa ayos mo.” ngiting sabi ni Mile at tumango naman si Bela. Sa huli pumayag nalang ako sa gusto nilang mangyare. “Madame Trina!” sigaw ni Mile at lumabas naman ang isang babaeng mahaba ang buhok. Kulay brown yun at hanggang bewang ang haba. Ang ganda din nya, muka syang anghel, matangkad sya at pang model ang katawan. Nahiya naman ako, I look like a Potato. “What brings you here Mile and Bela?” Waah! Pati boses nya maganda. “Our friend here needs a make over.” sabi ni Mile tumingin naman sakin si Madame Trina. Napatungo naman ako, maya-maya nakita ko syang ngumiti. “Your friend is lovely.” tuwang sabi nya. Siniko ako nila Mile. “Told you.” sabi nila. “We'll wait outside Madame Trina. See you later Stella.” nag wave sila sakin pati kay Madame Trina at umalis na. “Bye girls.” nag wave pabalik si Madame Trina. Ganon din ako, nang nakalayo na sila tumingin sya sakin. “May I know your name?” malumanay na boses na sabi nya at lumapit pa sakin, Ang ganda nya talaga. “Stella po.” magalang kong sabi. “Well Stella, I'm Trina Worelux you can call me Madame Trina like they all do.” sabi nya na may ngiti sa labi. Mabait din sya. “Sige po Madame Trina.” sabi ko. “Anyway I'm a Script Wizard, lahat ng sinusulat ko sa ere nagiging totoo or nabubuhay.” nagsulat sya sa ere ng word na 'Comb' at naging totoong suklay nga ito. “Ang galing naman.” manghang sabi ko. Ngumiti sya. “Now, let's start.” sabi nya tinaas nya ang dalawang kamay nya. Nag karoon ng mga glitters sa paligid at dun nya na simulang ayusan ako. Bela's POV Nandito kami ngayon ni Mile sa labas, hinihintay naming matapos si Stella. Excited nakong makita sya. Nakita na naming bumakas ang pinto kaya tumayo na kami at sinalubong sila. “Girls let me introduced you, the new look of Stella.” sabi ni Madame Trina. Aba may pa-introduction pa. Nakita naming unti-unti nang lumabas si Stella, Napatakit kami ng bibig namin nang nakita na namin sya. “O my gosh!” parehas naming sigaw ni Mile. She's gorgeous. Oo alam naming maganda sya pero di namin inaasahang higit pa don. Bagay sakanya ang damit dahil sexy sya, pwede na ngang pang model ang katawan nya, and her face is so gorg. Grabe wala na yung makapal nyang salamin at wala nadin ang mahabang bangs. Straight na straight na ang buhok nya at naging kulay brown nato, pero ang mas nakatawag ng pansin namin ang mata nya. Ang ganda, itim na itim ang mata nya para syang manika pero at the same time nakakatakot. She looks powerful pag tinitigan mo sa mata. She also resemblance someone, I just don't know who. “Uhm! Okay lang ba?” nahihiyang tanong nya. Lumapit kami sakanya at niyakap sya. “Ang ganda mo na.” sabay naming sabi ni Mile. Napangiti sya, mukang tanggap nya na ngayon ang sinabi namin, kanina lang tanggi sya ng tanggi eh. “Salamat sainyo ah.” sincere nyang sabi ngumiti naman kami. Humarap sya kay Madame Trina. “Thank you so much Madame Trina.” pagpapasalamat nya at nag bow. Ngumiti si Madame Trina. “No problem actually hindi ako nahirapan ayusan ka. That's your true beauty Stella.” sabi ni Madame. Niyakap naman sya ni Stella, that made Madame Trina giggled. “Okay, go now girls, you have school tomorrow.” sabi ni madame. Kaya nag paalam na kami at umalis. Sumakay na ulit kami sa dragon, ayaw pa sana ulit ni Stella, pero sinabi na naming babagalan ang takbo. Sadyang nag madali lang kami kanina dahil sa excitement. Natawa nalang ako dahil mahigpit padin ang kapit nya kay Mile. “Thanks for the new look guys.” sabi nya habang nakangiting nakatingin samin. Tumango naman kami at ngumiti din. Anything for our new friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD