Stella's POV
“Pa-pano ko na-nakapunta dito?” gulat kong tanong sa sarili ko.
Nasa isang bayan ako, malinis at maaliwalas ang paligid. Pero ang pinagtataka ko ay bakit maraming nakalutang? May mga nakikita pakong ibang nilalang at iba ang itsura ng mga tao dito. May matitingkad silang mga damit, kulay ng buhok at mata.
“Hi!” napaatras ako sa babaeng pasigaw na binati ako.
Nasa malayo sya pero nagulat nalang ako nang bigla syang tumakbo ng napakabilis papunta sa harapan ko.
“Hehe Hi!” maligalig nyang sabi.
Nakatulala akong tinignan ang paligid lahat ng tao nakatingin ngayon sakin. Tinitigan ko sila, yung iba umiilaw ang mga kamay at lumulutang. Parang gumagamit sila ng magic. Tinignan ko ang babae sa harapan ko.
“Teka okay kalang?” tanong nya.
Malinaw naman ang pag kakatanong nya sakin, pero parang wala akong naintindihan. Ayaw mag sink in sa utak ko kung anong nakikita ko.
“Uyy! bakit ang putla mo?” nag-aalalang tanong nya.
Tulala parin ako, bumigat bigla ang talukip ng mga mata ko at maya-maya naramdamang ko ng bumagsak ako sa sahig.
And everything went black.
Mile's POV
Nagulat ako dahil bigla nalang syang nahimatay. Hala! Anyare?
“Waah! Ate gising!” taranta kong sabi at tinapik sya sa pisngi.
Namumutla sya, kita ko ang labi nya na nanunuyo. Inulit kopa ang pag tapik pero ayaw nya parin gumising.
“Hala Iha, dalhin mo muna sya sainyo at pagalingin.” nag aalalang sabi ng Ale.
Tumango ako. Tama ang Ale mukang kailangan nya ng tulong, saan kaya sya nanggaling at pawis na pawis din sya?
“Sige po.” pag-sangayon ko.
Binuhat ko sya at ginamit ang speed ko para makapunta agad sa bahay, kung saan sya papagalingin.
“Bela!” pasigaw kong tawag sa bestfriend ko.
Narinig ko ang mabibigat nyang hakbang na parang tamad na tamad mag lakad.
“Ano ba yan Mile ang ingay mo." antok nyang sabi.
“Pagalingin mo si Ate, bilis.” agad kong sabi at hindi na nag patumpik-tumpik pa.
Nanlaki naman ang mga mata ni Bela dahil ngayon nya lang napagtanto na may kasama ako. Tumakbo sya at halos madapa pa sa kakamadaling lumapit sakin.
“Okay-okay, tara sa living room.” dali nyang sabi at hinila pako habang karga-karga ko pa ang babae sa likod ko.
Binaba ko sya sa sofa, tinanong muna ako ni Bela kung anong dahilan ng pagkahimatay ng babae. Umiling naman ako at sinabing hindi ko alam. Nakita ko lang sya kaya binati ko, nasa mood kasi ako ngayon kaya kung sino-sino binabati ko. Nasaktohang isa sya sa nga taong yun.
Nahimatay kaya sya dahil sa sigaw ko? Nako wag naman sana, parang naging kasalanan kopa tuloy.
Binigyan ako ni Bela ng pamunas para punasan ang pawis ng babae, si Bela naman ay nag simula ng pagalingin ang babae.
Stella's POV
“Okay naba sya?” rinig kong sabi ng isang babae.
“Oo nga eh, paulit-ulit?” rinig ko pang sabi ng isa pang babae.
Aray ko! nahihilo pako. Teka? ano bang nangyare? Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
“Aahhh!” sigaw ko at lumayo sakanila.
“Aahhh!” sigaw din nila.
“Si-sino kayo?” tanong ko at umayos ng tayo. Umayos din sila ng tayo.
Kasi naman, ang lapit ng mukha nila. Sino ba namang hindi magugulat pag gising diba? Diko pa naman sila kilala. Sinuri ko ang sarili ko at wala naman nangyare saking masama. Napahinga ako ng malalim.
Tumikhim ang babae una kong nakita bago mag salita.
“Hehe sorry. Uhm I'm Mile Laine Rondala. Ako yung nakita mo at ako din ang nag dala sayo dito.” sabi nya at nilahad ang kamay nya. Inabot ko naman yun.
Tinignan ko sya. Maikli ang straight nyang buhok at kulay abo. Nakasuot sya ng blouse na fitted sakanya at jeans, tas naka sneakers na black. Napansin ko din ang kulay brown nyang mata. She's pretty.
“I'm Bela Megumi Lumina, ako yung nag pagaling sayo dahil nahimatay ka.” ngiting sabi ng isa pang babae at nakipag shake hands din sakin.
Maikli din ang buhok nya pero curly at may blue highlight, naka T-shirt naman sya at short. Ocean blue naman ang kulay ng mga mata nya. She's lovely, muka naman silang mabait.
“Ikaw anong pangalan mo?” tanong nung Mile.
“I'm Stella Mayumi Montella.” pakilala ko.
“San ka nga pala nakatira?” tanong nung Bela.
“Dyan sa Avenue Fairhigh.” sabi ko kumunot naman ang mga noo nila. Parang may sinabi akong kakaiba kaya bigla silang nagtaka.
“Avenue Fairhigh? eh diba sa Morta—” nanlaki ang mga mata ni Mile at Bela.
“Gosh! sa Mortal World ka galing?” gulat na tanong ni Bela. Napakunot ang noo ko. What is she saying? Sa Mortal world ako galing?
Natampal si Mile sa noo nya, si Bela naman napasandal sa sofa at taimtim akong tinignan. I'm starting to get conscious because of their stares. Kaya nag tanong ako.
“Mortal world? Ano namang klaseng tawag yan? Taga ibang bansa ba kayo?Pero alam ko nasa pilipinas padin ako,” taka kong tanong. Umiling sila. Huh?
“Halika, we'll show you something.” sabi nila at hinila ako palabas.
Nang makalabas na kami, akala ko puro building's, kotse at kalsada makikita ko, pero hindi eh. Katulad ng kaganina,yun parin. Isang bayan na maaliwalas at malinis nasaan ba talaga ako? Humarap sila at nginitian ako.
“Stella, Welcome To Magiaca World Where Magic Exist.” sabi nila na may malawak na ngiti.
Magiaca World? Tinaas ko ang dalawang kamay ko at iyugyog sa harapan nila.
“Teka nga lang! Magic? Exist? nag papatawa ba kayo?” sabi ko na medyo natatawa na.
May mga naniniwala pa pala sa magic-magic na yan? Napa iling-iling ako sa kanilang dalawa, pero umiling din sila. Napatigil ako, pinanliitan ko sila ng mata. Muka silang seryoso, ibig sabihin totoo ang sinabi nila? Hindi biro?
“Well if you don't believe us see for your self.” sabi ni Bela. Nagulat ako nang bigla nyang sinugatan ang sarili nyang kamay. Nanlaki ang mga mata ko.
“Wait! What are you doing?” nagaalalang tanong ko. Ngumiti lang sya.
Is she out off her mind? Nakita ko ang pagtulo ng dugo nya sa lupa. Muntik nako mahimatay ulit pero nasa likod ko si Mile na naka banta.
“Watch carefully.” sabi nya.
Watch carefully pa? Eh hindi nya naman kailangan sugatan sarili nya!
Nakita kong unti unting humilom ang sugat nya. Doon ay natulala ako.
“How? Medyo malaki ang hiwansa kamay mo, bigla nalang humilom?” nagtatakang tanong ko.
“I'm a Healer Wizard, I can heal anyone even myself.” sabi nya.
Wizard? Wizard sya? Lalo akong natulala. Pero parang gusto ko ulit tumawa, pft! Wizard? Hindi lang natuloy ang balak kong pag tawa nang inagaw ng atensyon ko ni Mile.
“Now watch me Stella.” sabi naman nya.
“Nakita mo yung ibon na yon at yung matandang mabagal na naglalakad?” tanong nya.
Lumingon ako sa tinuro nya at tumango. Inangat nya ang dalawang kamay nya at tinutok sa ibon at ang isa sa matanda. Bigla nalang bumilis ang pag lipad ng ibon na parang jet plane at yung matanda kanina na mabagal lang maglakad ay mabilis na tumatakbo. Maya-maya tinigil na ni Mile.
Napakurap-kurap nalang ako. Wala akong masabi.
“I'm a Speed Wizard Stella, I can make everything fast with just a sway of my hands, I can run fast too.” sabi nya.
Panong— pano nila to nagagawa? Magic? Napahawak ako sa noo ko, hihintayin ata ako ulit.
“See Stella? you're in Magiaca World a place full of Magic.” sabi ni Mile.
Awkward akong ngumiti sakanya at pasimple kong kinurot ang sarili ko. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit, napalakas ang kurot ko kaya ang hapdi tuloy.
Pero ibig sabihin… hindi ako nanaginip?
“Totoo ba talaga lahat ng ito?” tanong kona may pagka-mangha at onting kaba. Tumango sila.
“Pero teka! Pano ko makakabalik sa Mortal Word? Este sa mundo ko? Sa Earth? Pilipinas? Ay basta sa pinanggalingan ko.” tanong ko nang mapagtanto kong kailangan ko pala bumalik. Hindi pwedeng manatili ako dito.
Ano gagawin ko naman dito diba?
“Madali lang. Yung sa punong binaksakan mo kanina, pupunta lang tayo don.” at katulad ng sabi nya pumunta nga kami sa punong binaksakan ko.
Iyon yung puno na kaparehas ng puno don sa Giaca Forest. Parang mag kapangalan sila?
“Teka! kaya ba Giaca Forest yung tawag dahil kaduktong to ng Magiaca World?” hula ko.
“Oo. Kasi yun yung parang gate sa Mortal World. Para makapasok dito.” sagot ni Bela.
Tumango ako. Nang makadating napalunok nalang ako sa sobrng laki ng puno. Hindi ko ito napansin sa abalang pag takas kanina.
“Ano nang gagawin natin?” tanong ko.
Napatitig lang ako sa puno. Wala akong nakitang butas, ang alam ko may butas dito eh. Kaya nga ako naka lusot sa loob.
“Kailangan ng magic para makagawa ng portal.” sabi ni Mile. Portal?
“Sige, gawin nyo na.” sabi ko. Tumingin naman sakin sila Mile.
“Bakit?” takang tanong ko.
“Sayo mismo kailangan manggaling ang magic. Kung sino gusto pumasok o lumabas, kailangan itapat mo ang kamay mo sa puno at hintaying umilaw. Kusa ng mag bubukas ang portal.” paliwanag ni Mile.
Tama ba ng narinig ko? Sakin daw kailangan manggaling ang magic?
“Di ba pwedeng kayo nalang gumawa?” tanong ko sabay kamot ng batok.
“Pwede naman pero kung ako gagawa, Ako lang makakalabas.” sabi nya. Napatitig nalang ako sa kanila.
“It's also for our security, ayaw namin na may makatuklas ng mundo namin. Lalo na ang mga mortal, kaya kung papasok ka dito kailangan may sarili kang Magic.” paliwanag naman ni Bela. Napayuko naman ako.
“Bakit Stella?” tanong ni Mile at lumapit sakin.
“Ahm ang totoo nyan… wala kasi akong magic eh.” nakayukong sabi ko at napangiwk. Kita ko naman ang pagtataka nila.
“No, you have one. Pano ka naka pasok kung wala?” tanong ni Bela.
“Dahil sa kwintas ko.” sabi ko at pinakita ang kwintas ko.
Nagulat ako nang matignan ko ito, parang nag iba ang kwintas ko. Hindi na sya masyadong gold at parang kumupas yung naka ukit na bitwin. Anong nangyare? Nag muka na syang luma at medyo pumangit.
“Hmm parang pamilyar yang kwintas mo, pero baka kaparehas lang.” sabi ni Mile.
“Umilaw to kanina kaya nag karoon ng butas ang puno. Tapos nag pagulong-gulong nako don.” pag bibigay alam ko habang nagtatakang hawak ang kwintas ko.
“Subukan mo itapat sa puno baka sakaling gumana.” suhestiyon ni Bela,
Ginawa ko ang sinabi nya pero nag taka ako ng di gumana. Inulit ko payon pero ayaw parin. Nawalan tuloy ako ng pagasang makabalik.
“Pano nayan?” nanlulumong sabi ko.
“Hindi gumana. Wala tayong magagawa kung di alamin ang magic mo.” ngiting sabi ni Mile. Napayuko ako.
“Pero wala nga akong magic.” nakasimangot kong sabi.
Mortal lang ako, Hindi ako katulad nila na— uhm? Wizards? Oo, hindi ako katulad nilang Wizards.
“Kala mo lang, pero meron yan. Hindi ka makakapasok dito kung wala kang magic.” siguradong sabi ni Mile.
“Saka may mga wizards talagang hindi agad nalalaman ang magic nila hanggat hindi pinapag-aralan.” sabat ni Bela.
“Hindi ako nanggaling sa mundo nyo Bela, imposibleng may magic ako.” sabi ko. Parang masyado naman silang confident na may magic ako.
“Hindi masamang subukan Stella.” ngiting sabi ni Mile. Bumuntong hininga ako, wala nga namang masama pag sinusubukan ko.
“Pano ko malalaman ang magic ko?" tanong ko.
“Easy! kailangan mo lang pumasok sa Magiaca Academy, school for Wizards like us. Don malalaman kung anong magic, kung pano ma-control at ma-enhance ang magic mo.” sagot ni Bela.
“Baka di ako pwede don?” mahinang sabi ko.
“Basta Wizards lahat pwede don Stella at isa ka samin kaya pwede ka.” sabi ni Mile habang naka ngiti kaya napa ngiti nalang din ako.
Kahit mukang imposible ang sinasabi nilang may magic ako, sumangayon parin ako.
“Hindi pa nagsisimula ang pasukan dito, so tamang-tama enrolan na bukas. Kami na mag-eenroll sayo. Don'tont worry about everything, kami na bahala.” sabi nya pa.
“Salamat ah. Naging abala pako sainyo.” nahihiyang sabi ko. Ang babait naman nila.
“That's nothing!” sabay na sabi nila at parehas akong niyakap.
Medyo naluluha ako, ngayon lang ako nakakita ng taong mabait sakin. Well let me correct that, they're Wizards, pero kahit ganon masaya ako. Kumalas na sila sa yakap at lumakad na kami pabalik sa bahay nila. Tumingala ako sa langit at pumikit.
“Magiaca World… a place full of Magic.” bulong ko sabay hinga ng malamin, at muli nakong nag patuloy na sa paglalakad kasama ang dalawang wizards na kakakilala ko lang ngayon.