STALLIONNE
Nag-aaral ako sa Ateneo De Davao and I'm taking Bachelor of Arts in Pornography, I mean—Photography. Nag-iisa lang akong anak kaya masasabi ko mismo sa sarili ko na spoiled ako lalo na sa lola ko.
May nakarelasyon na ako noon na isang beauty queen at dalawang buwan lang ang itinagal namin. Hiniwalayan ko ito dahil nadismaya ako sa ugali niya. Inaya ba naman niya akong makipag-s*x sa Marco Polo Hotel. Sa totoo lang, gusto ko iyong balak niya. Lalaki ako at hinahanap ko iyon, pero may tinatawag pa naman akong Self-control.
Ang sabi kasi ng mga kaibigan kong Well-experienced...
"Huwag, bro. Nakaaadik! Once na matikman mo. Babalik-balikan mo."
See? Paano kong ma-adik ako? Paano kong makabuntis ako? E, young at heart pa naman ako. Wala pa akong alam sa pagiging isang ama. Hindi ko pa kaya ang responsibilidad na iyon sa ngayon.
Ako iyong taong party goer, labas pasok sa bar to have fun; Torres, Zigudo at Suplados, diyan ang tambayan naming magbabarkada. Pero iba ako sa kanila, 'di kasi ako umiinom at sumasama lang para magsaya.
Ngayon, nandito kami sa Suplados para magpakasaya. Ako lang ang naiwan mag-isa rito sa table. Lumapit kasi talaga ang mga kaibigan ko roon dahil nag-aabot sila ng pera sa babaeng sumasayaw. Ipinapasok nila ito sa loob ng panty at bra ng babae. Minsan pinapaupo sila upuan at inuupuan sila ng babae habang sumasayaw.
Habang natatawa na tinatanaw sila, may lumapit sa akin na isang babae. Iba ang titig nito sa akin but I still manage myself, I gave her my sweetest smile for respect. Tumabi siya sa akin sabay hawak sa hita ko.
Napatayo ako.
"Huwag... Virgin pa ako," sabi ko.
"Sounds good! Can I train you? I'm good in bed? Deal?" Kinindatan pa ako nito.
"Bawal... Magagalit ang lola ko at isa pa ang tanda mo na para sa akin. Sige na, aalis na po ako," pagpapaalam ko.
Lumabas na ako matapos ang pangyayaring iyon. Tinext ko na lang ang mga kaibigan ko na mauna na akong umuwi. Bakit may mga babaeng ganoon? Nalulungkot din ako sa mga katulad nila. Pero hindi ko sila huhusgahan dahil hindi ko naman sila lubusang kilala. Iyon kasi ang unang itinuro sa akin ng mga magulang ko. 'Wag manghusga sa kapwa kung hindi mo naman lubusan kilala dahil lahat ng tao sa mundo ay mayroon sariling istorya. At tama sila roon. Napatunayan ko iyon.
Umuulan na naman pala. Nilaro ang ko ang butil ng ulan sa aking palad. Ang saya lang. Para akong bumalik sa pagkabata. Napangiti naman ako nang gumapos sa katawan ko ang lamig ng hangin. Mukhang mapapasarap ang tulog ko nito.
Pumunta na ako sa kotse ko. Ipinaandar ko na ito at nagpaharurot ng takbo. Nang makarating na ako sa G-Mall. Napahinto ako bigla kasi parang may nag-udyok sa akin na gawin iyon. Ibinababa ko ang bintana ng sasakyan. Nang inilakbay ko ang paningin ko sa labas, nakita ko muli iyong babae kaninang umaga. Napangiti na lang ako dahil mukha talaga siyang pusa. Ang cute lang. Ang sarap niyang pisilin.
"Miss, sakay ka? Ihahatid na kita," sabi ko. Baka mahirapan kasi itong makahanap ng sasakyan lalo pa at ang lakas ng buhos ng ulan.
Tinitigan niya ako. "Buang! Wa ko kaila nimo!" (Baliw! 'Di kita kilala!)
"So magpaila ko nimo dire sa sulod sa sakyanan." (So magpapakilala ako rito sa loob ng sasakyan)
"Ayaw na oi! Hoy! Bawal man muhunong di ha! Hawa na! (Bawal huminto riyan, umalis ka na!)
"Okay! Bahala ka. Kung ayaw mo talagang sumakay, saluhin mo na lang itong payong ko kasi ang lakas ng ulan."
Paghagis ko, agad niya itong nasalo. Nginitian ko ito at kinawayan. Pagkatapos, nagparurot na ng takbo.
Habang nasa biyahe, nagpatugtog na lang muna ako ng favorite song ko, ang 'Kanlungan ni Noel Cabangon'. Ang ganda lang kasi talaga ng kantang iyon.
Sinabayan ko ito...
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangan lumisan
Ilang minuto ang lumipas, papasok na ako sa village namin, ang Camella North Point. Isa sa pinakamagandang village na pagmamay-ari ng bilyonaryong sina Cynthia and Manuel Villar.
"Nangbabae na naman, sir?" biro ng kaibigan kong guwardiya rito sa village.
"Wala, ah. Behave ako. Anyway, may pagkain ako sa likod ng sasakyan, kunin niyo para may makain kayo mamaya."
"Ang bait mo talaga, sir. Salamat."
"Walang anuman. Sige na, mauna na ako baka naghihintay na sa akin si Ms. Minchin."
Pagdating ko sa bahay, nag-sign of the cross muna ako. Pagbukas ko sa pinto, may matandang babae na naka-rocking chair na naman ang bumungad sa akin. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang kanyang pamalo.
"Hala!? Bangkay!" sigaw ko.
"L-I-O-NNNNNNNN!" sigaw ni Lola.
"Hello po, La. Grabe! Ikaw pala iyan? Akala ko talaga nude photo ni Ellen Adarna. Grabe, La. Sobrang may asim ka pa talaga kaya nga hanggang dito naamoy ko ang asim mo."
"BUANGGGGG! (Baliw!)"
"Peace, La."
Lumapit ako rito para magmano. Hinalikan ko rin siya sa pisngi. Iyon kasi ang gusto niyang ginagawa ko sa kanya at hinahanap niya iyon araw-araw, gabi-gabi. Mahal niya kasu ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
"I love you, La. Sige na, matulog ka na sa kwarto mo kasi pupunta na ako sa taas."
"Tapos ka na ba kumain, Lion?" tanong nito.
"Opo, La. Good night! I love you." Tumakbo na ako na kasing bilis ng kidlat.
Pagdating ko sa kuwarto, agad akong tumalon sa kama at 'di mapigilang mapangiti.
Hinawakan ko ang dibdib ko at tinanong ang sarili. Dahil ba ito sa Holy Crossian na babaeng nakilala ko kanina? Pero parang ang bilis ko namang magkagusto? Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Ang gaan lang kasi talaga ng pakiramdam ko sa kanya. Iba! Hindi ko mapaliwanag.
Ito ba iyong tinatawag nilang love at first sight?
Sana makita ko siyang muli. I want to know more about her.
Pumikit na muna ako at bumuntong hininga. Pero hindi talaga siya mawala sa isipan ko. Ang bilis din ng pintig ng puso ko. Parang may nagtatambol dito.
"Pag-ibig nga naman," sambit ko.
~~~