QUEEN MERCURY
DAVAO CITY is one of the best and safest cities all over the world. Hindi sa dahil dito ako nakatira kaya nasabi ko ang mga salitang 'yan, just because it is proven and tested. Bumabaha rin ng ebidensiya kahit saan dako ka man pumunta. Lahat ng iyon ay kagagawan ng aming mayor na si Digong na our beloved president na ngayon.
One great leader is peace and unity.
Nakatira ako sa isang village rito sa baranggay Tigatto, ang Victors Village. Sikat ito sa katagang 'white house', puti kasi lahat ng mga bahay at ang ganda ng pagkagawa. Mukhang magaling na enhinyero at arkitekto ang kanilang nakuha upang mabuo ang ganito kagandang village. Maaliwalas ito sa mata. At ang maganda, nakadestino ito sa pinakamataas na bahagi ng aming baranggay kaya matatanaw mo ang ganda ng buong kapaligiran. Una na rito ang mga matataas na puno, magagandang istraktura, mga subdivisions at ang kunting bahagi ng Davao river.
Nag-aaral ako ngayon sa Holy Cross College of Davao and I am taking Bachelor of Secondary Education. Gusto ko kasing maging magiting na guro. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na maibahagi mo ang iyong kaalaman sa iba. Sa pamamagitan ng iyong pagtuturo, may buhay kang mabigyan ng liwanag para sa tatahakin nilang landas.
Nang matapos akong mag-ayos ng aking itsura, nagpaalam na ako kay mama. Naglakad lang ako papuntang waiting shed sa gilid ng HB1, isang sikat na convenience sa baranggay namin. Malapit lang kasi ito sa amin.
Minuto ang lumipas, nakarating na ako roon. Umupo muna ako sandali at inayos ang aking buhok. Napangiti naman ako nang may makitang marine students sa kabilang parte ng kalsada. Ang guwapo lang nilang tingnan sa uniporme nila, ang linis.
Itikom ko na ang aking bibig sabay taas ng aking kaliwang kilay. Gusto ko lang magmukhang suplada. Nabasa ko kasi sa isang post ng iilang lalaki na cute raw tingnan ang babaeng masungit. Kaya ito, trying hard.
Habang naghihintay ng masasakyan. Mayroon talagang 'di nakatiis at tinawag ang pangalan ko na kinuha sa tindahan ng mga gamot.
"Mercury!" sigaw ng isang lalaki.
Nilingon ko ito with conviction pero nasayang lang ang effort ko dahil pinsan ko lang pala. Pero nang masilayan ko ang bulto ng kanyang kasama, kuminang ang aking magandang mga mata. Kasama niya ay ang mga kaibigan niyang seaman-loloko in the near future.
"Bakit?" sigaw ko with my mezzo suprano voice.
"Hihingi raw sila ng phone no. mo," sagot nito. Itinuro pa niya ang guwapo niyang kasama.
Napataas ang kilay ko. Kahit guwapo sila, hindi ko basta-basta ipamimigay itong number ko sa hindi ko kilala. Mabubuhay pa naman akong walang lalaki sa buhay. Sapat na sa akin ang aking ama at ang bunso kong kapatid.
"Umm, wala akong cell phone! Sige na, aalis na ako baka mahuli pa ako!" pagsisinungaling ko sabay tayo nang may makitang humintong pampasaherong jeep.
Pagpasok ko, inisa-isa kong tiningnan ang mga pasahero. Hindi ko namalayang napangiti na lang ako kasi walang mas maganda sa 'kin. Kaya ang ibig sabihin, ako lang ang nag-iisang dyosa ni Manong driver.
Akin ang korona.
Nang makarating ako sa G-Mall. Hinintay ko na ang dal'wang kaibigan ko para sabay na kaming maglakad papuntang school. Actually, nasa likod lang ng mall na ito ang school namin kaya minsan ito ang ginagawa naming tambayan o tagpuan.
Nang bahagyang dumilim, napatingala ako sa kalangitan. Mukhang masama na naman ang panahon. Diyos ko! Huwag naman sanang umulan para hindi masira ang araw ko. Pretty please.
Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko. "Hello, Tricia? Saan na kayo!? Kainis naman, oh! Ang tagal! Napapadalas na 'yan, ah!"
"Sobrang traffic kaya, bes." Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa. "Hindi ka pa ba nasanay?"
"Duh! Saan banda na pala kayo?" tanong ko.
"Abreeza Mall... Ang lapit na kaya. Uminahon ka muna riyan, okay?"
"Fine. Ano ang magagawa ko? Tsk!"
Tawa lang ito nang tawa. "Sige na. Bye!"
Ang tagal naman ng dalawang iyon. Hindi ko talaga mapagkaila na mas mabilis pa ang pagong sa kanila. Magpasalamat talaga sila dahil kaya kong magtiis sa mga kabagalan nila.
Habang nababagot ako sa kahihintay, may mga magbabarkadang atenista na paparating at dadaan sa gilid ko. Tinitigan ko sila, mga ngiti pa lang nila ay alam mong ipinanganak na may gintong kutsara. Sa magbabarkadang paparating, nakuha ng isang lalaki ang atensiyon ko. May mukha kasi itong maihahalintulad sa awra ng isang Daniel Padilla. Ang cool niya lang tingnan kasi Canon iyong nasa leeg niya instead of ID.
"Mayabang ito, alam na," bulong ko sa hangin.
Nagkatitigan kaming dalawa. I gave him my sweetest smile pero hindi man lang ako nito pinansin. Hindi man lang gumanti for respect? I'm hurt.
"Pssttt!" tawag ko. I need to confront him. Napahiya ako kaya kailangan ko siyang kausapin.
Lumingon ito at tumingin sa akin. "Bakit?"
"Bakit hindi mo man lang ako pinansin? Respeto na lang sana sa ganda ko. Sayang iyong ngiti ko," mataray kong sabi.
Lalapit na sana siya sa akin pero biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya napatakbo na lang ito pabalik sa mga barkada niya.
Sino kaya iyon? Bakit kaya siya lumapit? Susuntukin niya kaya ako? Pero parang hindi rin naman kasi mukhang matino kahit na suplado. I heard the sincerity of his voice. Mukhang hinusgahan ko agad ang pagkatao niya kanina. My bad.
Tiningnan ko lang siya habang lumalayo sa paningin ko. Hindi ko namalayang napangiti na lang ako. May ganito pala kaguwapong nilalang na nakatira rito sa Davao City? Ang ibig kong sabihin, maraming guwapo dito, pero iba iyong taglay na meron siya.
Close to perfection. I am moved.
Habang nag-iisip, biglaan ba namang may humampas sa batok ko kaya napalingon ako. Dumating na pala ang dalawang kaibigan ko. Hindi ko man lang namalayan.
"Hoy! Sino ang dahilan ng ngiti na 'yan?!" tanong ni Tricia.
"W-wala," pagtanggi ko.
"Nanglilihim na si bes!" singit ni Kristine.
"Sige na nga. Ganito kasi, may atenistang dumaan sa gilid ko, as in sobrang gwapo. Nginitian ko siya pero tiningnan niya lang ako na parang walang nakita. Ang ginawa ko, tinawag ko siya. Lalapit na sana siya akin pero biglang bumuhos ang ulan kaya tumakbo na lang siya paalis," litanya ko.
"As in? So ba't ka napangiti," tanong ni Tricia sabay akbay sa akin.
"Sobrang gwapo kasi talaga. Tapos may Canon pa siya na nakasabit sa leeg, ang cool lang..."
"So na love at first sight ka na parang eksena sa isang cliche na drama? 'Wag na bes, Atenksta iyon! Ang TYPE niyon ay A-TE-NIS-TA rin. Saan ka nga nag-aaral?" pagpapaalala ni Kristine.
"Hindi naman ako umaasa, ah!" Grabe! Wala man lang supporta sa akin? Kaibigan ko ba talaga sila? Tsk!
Hinampas ako nito. "Well see? Mukha, e."
"Kayo talaga... Napaka-judgmental niyo. Tara na nga, punta na tayo sa school!" inis kong sabi sa kanila.
Nang makarating na kami sa school, dumiretso muna ako sa banyo. Nadumihan kasi ang sapatos ko kaya nililinis ko ito.
Ba't pa ba kasi umulan. Nakaiinis!
Habang naglilinis ng sapatos ko. Iyong ngiti sa labi ko ay 'di talaga mawawala kapag naaalala ko iyong Atenista na iyon.
Mukhang tinamaan na yata ako.
As fast as lightning.
Pero ganoon naman daw sa love, 'di ba?
Hindi mapaliwanag.
Bumuntong hininga na lang ako sabay himas sa dibdib ko. Ang bilis lang talaga.
~~~