2: Roxas Night Market

1102 Words
QUEEN MERCURY Nasa pampasaherong jeep na ako ngayon papuntang school and curiosity kills me kasi itong mga nakatabi ko, sobrang ingay. Ang sabi nila, ang gwapo raw ni Stallionne Rodriguez. Sino ba 'yon? Artista kaya iyon? Model? Dahil sa 'di ako mapakali, sinilip ko sa katabi ko ang display picture nito dahil gusto ko itong i-search through sss or i********:. Hinanap ko na ang pangalan nito sa f*******: at hindi naman ako nahirapan. Pagpindot ko sa DP, sobrang familiar ng mukha niya sa akin. I pressed the zoom. My eyes widened. Siya iyong lalaki kahapon na nakilala ko. Napangiti ako, Stallionne pala ang pangalan niyon. Binasa ko ang 'BIO' niya... "WELCOME TO MY HOTTEST WORLD!" Ang OA naman! Kalalaking tao. Tsk! Tiningnan ko ang 'About' niya. At ito ang Informations na nakalap ko... Ateneo De Davao, Bachelor of Arts in Photography May 12, 1996 In a relationship with GOD Steve Rodriguez (Father) Sherita Rodriguez (Mother) Camella North Point, Davao City May marangya pala talaga itong buhay dahil nakatira sa Camella. Hindi lang siya isang simpleng estudyante sa Ateneo. Mukhang hindi rin naman siya scholar. I read some of his posts. "Basta dabawenyo, loyal!" "Ms. Right, where na you? Nasa tabi na kaya kita?" "Flat chested na babae. Saan ka na?" Napatingin ako sa dibdib ko at napangiti. Ano ba iyan! Ba't ba ako nag-a-assume? Tiningnan ko na ang albums niya at pinindot iyong behind the shoot. Halos maluwa naman ang aking mga mata nang malamang underwear model pala ito. Mukhang hari sa kama ang nilalang na ito. Pagpindot ko sa isang picture na naka underwear lang siya. "Hala! Kadako!" (Hala! Ang laki) Nakayanan niyang magsuot ng brief sa harap nang maraming tao? 'Di ba siya nahiya o naiilang man lang? Nilipat ko na sa ibang albums at sa profile pictures na lang ako tumingin baka kasi ano pa ang masabi ng mga katabi ko na nanunood ako ng pictures ng lalaki, na ang tanging suot ay underwear lang. Inisa-isa ko na ang profile pictures niya at 'di ko mapigilang hindi mapangiti kasi sobrang gwapo niya talaga. Puwedeng pantapat sa mga sikat na artista rito sa Philippines Industry. ••• Papunta kaming Roxas Night Market ngayon at nilakad lang namin ito. May kalayuan, oo, pero sanay na naman kami kasi halos araw-araw namin ito ginagawa. At isa pa, nag-i-enjoy rin kaming magbabarkada habang naglalakad papunta roon mula sa paaralan namin. Nang papalapit na kami sa Ateneo De Davao University. Patingin-tingin na ako sa paligid baka kasi makita ko ulit si Stallionne. Gusto ko rin isauli sa kanya ang payong na pinahiram niya sa akin kagabi. Gentleman din kahit papaano. Na husgahan ko tuloy siya noong first time kaming nagkita kahapon. My bad. Iginiya ko na ang tingin sa building nila. Sobrang taas nito at pinalibutan ng asul na salamin. Ang ganda talaga. Aaminin ko, hanggang ngayon ay napanga-nga pa rin ako sa ganda nito. Ano kayang feeling 'pag nakapag-aral diyan? Private rin naman iyong school na pinapasukan ko, may aircon bawat classroom, pero iba kasi talaga ang pangalang Ateneo at iyong 'di kagandahan at kagwapuhan na nag-aaral diyan nagiging gwapo dahil diyan nag-aral. Magic, 'di ba? Nasa malapit ng entrance na kami at patingin-tingin na ako sa paligid dahil nagbabakasakali akong makita siya, pero sadly, wala. Pero nang papalapit na kami sa Roxas Night Market Ang laki ng ngiti ko nang makita siya, pero napatikom bigla ng may kasama siyang isang babae. Inakbayan pa niya ito. Hinampas ko ang noo ko dahil bakit naapektuhan ako. Wala naman sanang kami at never maging kami. Nasa langit siya at sa lupa naman ako. Yumuko na lang ako habang papalapit na sa kanila. Ayaw kong makita niya ako. Nawalan ako bigla ng sila. Nang makalagpas na ako sa kanila, bigla ba namang may humawak sa balikat ko kaya napanga-nga ako baka kasi si Stallionne ito. Nag-sign of the cross muna ako dahil sa kaba, pero paglingon ko 'Hopia', kaklase ko lang pala. Sinilip ko sila Stallionne at doon pa rin siya sa kinatatayuan nila kasama iyong babae at ang mga tropa niya. "Mauna na kami, ha? Bukas na lang tayo magkwentuhan!" sabi ko sa kaklase ko. Hinawakan ni Kristine ang balikat ko. "Bes, ba't parang nagmamadali ka?" "Excited na kasi ako sa Ice Cream ni Mang Danny..." Pagdadahilan ko. Pero ang totoo, kinakabahan talaga ako. Baka kasi makita ako ni Stallionne. Nahihiya na ako dahil napatunayan ko na talagang gusto ko siya bilang isang lalaki. "Same here, bes," pagsingit sa kanina pang tahimik na si Tricia. Dumating na kami sa ice cream stand ni Mang Danny at agad ng bumili. Favorite kasi talaga namin itong magbabarkada kasi sobrang sarap at worth it iyong 20 pesos mo. At isa pa, sikat na rin ito kasi na featured ito sa Jessica Suho. Kaya isa ito sa pinakasikat dito sa Davao City. Umupo na kami sa gilid para makapahinga at makapagkwentuhan. Minuto ang lumipas, nakapagpasya ang dalawa kong kaibigan na bumili ng mga ukay. Isa rin 'yan sa bonding namin magkaibigan. "Ano bes, sama ka?" tanong ni Kristine. "Ayoko muna. Dito na lang ako," sagot ko sa kanila. Nawalan kasi ako ng gana dahil sa nakita kanina. "Okay. Basta hintayin mo kami, ha?" tugon ni Kristine. "Syempree... Basta bilisan niyo lang," pagpapaalala ko. "Masusunod, inang reyna," pagbibiro ni Tricia. "Baliw! Umalis na kayo,"suway ko. Umalis na ang dalawa kaya iginiya ko muna ang tingin sa paligid para magmasid. Bago pala kasi iyong pagsabog na nangyari rito months ago. Mabuti na lang wala kami rito noong nangyari iyon at sana 'di na talaga mangyari muli ang trahedyang iyon. Nagdulot iyon ng pagwasak ng libu-libong mga puso. Habang naghihintay sa mga kaibigan ko, binuksan ko ang f*******: ko. Iyong feeling na masasabi kong kinain na talaga ni Stallionne ang sistema ko dahil sa wall niya ako dumiretso. Nang makita ko ang picture niya. Tinuro-turo ko ito.... "Hoy! Ba't ba ang gwapo mo! Paano ka ginawa at ganyan ang itsura mo? Ba't ang perfect mo? Tayo na lang, please?" Tawa na lang ako nang tawa kasi nababaliw na ako sa nilalang na ito. Habang tinitingnan ulit iyong mga larawan niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ito. Lalo na iyong display picture niya. Napakaguwapo kasi talagang nilalang ng lalaking ito. Nakababaliw. Kung kanina, nalungkot ako dahil sa kanya. Ngayon, ang saya ko dahil din sa kanya. Mukhang nababaliw na nga ako. Tinitigan ko pa rin ang larawan niya. Napaka-inosente. Nakakaakit. Ideal boy talaga. Habang nagmumukhang baliw sa katititig sa larawan ni Stallionne, bigla ba namang may bumulong sa akin na nagpatayo ng mga balahibo ko. "Ang gwapo, 'di ba?" ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD