STALLIONNE
Kaya pala ako minadaling pinauwi ng aking Lola sa bahay dahil dumating na sina Mama at Papa galing vacation sa Japan. As expected, nag-aabang na sa akin ang mga pasalubong nila. Alam kong uulanin na naman ako ng souvenirs at chocolates. Iyon naman kasi ang pangmalakasan na dala nila tuwing may date sila sa ibang bansa. Nakahiligan na kasi nilang mag-travel dalawa. Syempre, ideya iyon lagi ni Mama. Siya naman kasi talaga ang laging masusunod.
Pagkakita ko sa mga magulang ko, agad ko silang niyakap at nagpasalamat sa sobrang saya. Kahit isang buwan lang silang nawala rito sa bahay, iba pa rin iyong epekto ng presensiya nila sa akin. Kahit malaki na ako, hindi pa rin ako nahihiyang lambingin sila. Pero iyong lambing ko kay Lola kasi mas hindi ako nahihiyang ipakita ang pagmamahal ko sa kanya. Ang sweet ko sa kanya kahit madalas ko siyang inaasar.
“La, riyan ka na sa wheel chair mo. ’Wag ka na sumali sa yakapan namin kasi para lang iyon sa mga presko at bawal ang kulubo—aray!” Agad ba naman niya akong tinapunan ng sapatos. “Grabe ka sa akin, La! Paano kung mamatay ako sa pagtapon mo? Iiyak ka talaga ng ginto ’pag mangyari iyon. Ang mahal pa naman ng mga kabaong ngayon.”
“Kung anu-ano na lang iyang lumabas sa bibig mo. Putulin ko iyang dila mo ngayon,” pagsusungit ni Lola.
Nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit. “Biro lang, La. I love you. Ang ganda mo. Sobraaa.”
“Stallionne, ang sabi ng Lola mo, sobrang gabi ka na raw palaging umuuwi,” pagtataray ni Mama.
“Palasumbong talaga itong si Lola, oh. Kainis.”
“Saan ka pala pumupunta?” tanong ni Mama.
“Sa bar lang naman po.”
“Ihunong na ng sigeg pang*yot nimu Dong, kay kung makabuntis gani ka? Putlon ko ng ot*n nimu!” (Itigil mo na iyang pakikipagtalik mo sa babae dahil kung nakabuntis ka sa ganyang edad? Puputulin ko talaga iyang alaga mo)
Tinakpan ko ang alaga ko. “Wag po! Mama naman, e! ’Di pa nga ako nakasubok. Sige na nga, mauna na ako sa itaas. Punta na ako sa kwarto. Salamat sa pasalubong! I love you, Pa, bye! La, good night!”
Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong binuksan ang laptop at in-open iyong f*******: account ko at sinearch agad si ‘QUEEN MERCURY DE JESUS’. Hindi nagtagal ay nakita ko na ang sadya ko at agad in-add as a friend. Titingnan ko pa sana ang mga posts at photos niya kaso naka private account siya.
Ang arte naman! Matulog na nga lang. Pero natutuwa ako sa ugali niya, napakamaingat niya sa sarili. Hinayaan niyang private ang account niya para walang estrangherong malayang tingnan siya. Katulad ko ngayon, hindi ko man lang masisilayan ang ganda niyang bukod tangi sa lahat. Kahit may mas maganda sa kanya, iba iyong karisma ang meron siya. Mapapaibig ka talaga. Kahit hindi ko pa nga siya lubusan na kilala ay magaan na ang loob ko sa kanya. Sana maging magkaibigan kami at sana lumagpas pa roon. Gusto ko siyang kilalanin para malaman ko mismo sa sarili ko na kung siya na ba iyong the one ko.
Mas mabuti pang matulog na lang dahil maaga pa ako bukas. Marami rin akong hahabulin na assignments. Tinatamad kasi akong gumawa rito sa bahay kaya sa school ko na lang lagi ginagawa iyon. Hindi naman ako nahihirapan dahil araw-araw ko namang dala ang laptop ko sa bag.
•••
Nasa harapan ako ng gate ngayon ng HOLY CROSS COLLEGE OF DAVAO. Ito iyong school na pinapasukan ni Mercury. Nandito ako dahil may gusto lang akong ibigay sa kanya. Mas mabuti na iyong puntahan ko siya rito.
Tinawag ko ang isang babae. Nang humarap siya sa akin ay agad siyang napatalon. Nakita ko ang saya sa mukha niya. Mukhang kilala niya ako.
Actually, nakapasok ako rito dahil sinabi kong mag-inquire para sa kapatid ko. Mabuti na lang ay napaniwala ko ang guard. Kahit ang totoo ay wala naman talaga akong kapatid. Nagsisinungaling ako para makita ang babaeng gusto ko.
“OMG! Stallionne! Totoo ba ito? Si Stallionne ka ba talaga? Pa selfie naman!” sigaw niya.
“Sure pero may kapalit nga lang. Pwede?”
“Ano? Gagawin ko, promise,” masayang sabi niya.
“Pwede pasuyo? May kilala ka bang Queen Mercury De Jesus? Pwede bang pakibigay mo ito sa kanya?” Ipinakita ko sa kanya ang dalang paper bag.
Napangiti naman ang babae na nasa harapan ko. Base sa obserbasyon ko, kilala niya si Mercury.
“Ah! Si Mercury? Yes, kilala iyan dito kasi president iyan sa isang organization.”
“Salamat naman. Hulog ka ng langit sa akin.”
“Iyong selfie ko?” pagpapaalala niya.
“Sure.”
Lumapit na siya sa akin. “Smile Stallionne, 1,2,3 tada! Wacky naman,1,2,3 tada! Done! Thank you so much. Akin na iyang ipabibigay mo kay De Jesus at makakaasa kang makarating ito sa kanya.”
“Thank you. Sige na, aalis na ako. God bless sa iyo, miss.”
Minuto ang lumipas, dumating na ako sa classroom. Kasingbilis naman ng kidlat ang balita. Kasi agad akong sinalubong ng tropa ko.
“Pre, may nakakita sa iyo sa harapan ng Holy Cross. Ano ang ginagawa mo doon? Dahil ba ito sa naikwento mong babae kahapon? Iba ang ngiti mo, ha? Natamaan ka na talaga, pre.”
“Sobrang bilis ko nga, pre, pero iba talaga, e. Hindi na siya mawawala sa isip ko simula noong una kaming nagkita tapos kagabi nagkita na naman kami. Mukhang tadhana na talaga ang nagpapalapit sa amin, pre.”
“Paano iyong ex mo?”
“Edi ipagpatuloy niya ang pangarap niyang maging beauty queen.”
“Maganda ba iyong bagong gusto mo, pre?” tanong ng isa kong kaibigan.
“Mas maganda si ex nang kunti pero cute itong si Meow at ang lakas ng appeal at alam mong mabait talaga tapos mukhang pusa kaya ang sarap mahalin,” nakangiti kong sabi. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.
“Aba! Ang tindi nito, ha?! In love ka na talaga, pre, nakikita namin sa ngiti mo.”
“Kaya nga! Gustong-gusto ko pa siyang kilalanin. Times up! ’Wag na kayong magsalita, okay? Iidlip na muna ako nang sandali. Anyways, may chocolates sa bag. Kainin niyo iyan lahat. Gisingin niyo lang ako pagdating ni Prof., ha? Hoy! Gisingin niyo ako? Pipi ba kayo?”
“Ang sabi mo wala ng magsasalita,” sagot nang pabalang ni Nikko.
“Akin na nga iyang chocolates!” pagbibiro ko.
“Joke lang, pre. Makakaasa ka sa amin. Gigisingin ka namin. Sige na, matulog ka na baka mapaginipan mo ang Meow mo.”
“Salamat sa inyo.”
Matutulog na nga muna ako kasi ’di pa online si Meow. At isa pa, ’di pa niya ako in-accept. Sana paggising ko ay sss friends na kami para masaya ang lahat.
~~~