3: People’s Park

2687 Words
QUEEN MERCURY Pabalik na kami ng mga kaibigan kong sina Tricia at Kristine sa classroom. Galing kaming tatlo sa cafeteria at sobrang nakaiinis lang ang dalawa dahil sobrang out of place ako sa kanila dahil Encantadia na palabas ng GMA ang pinag-uusapan nila. Para mabaling ang atensiyon ko at mawala ang inis sa kanila ay binuksan ko na lang ang f*******: account ko. Pagbukas ng account ko ay pinindot ko iyong mga nag-friend requests sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bumungad sa harapan ko ang lalaking hindi ko inaasahan na mag-add sa akin. Si STALLIONNE RODRIGUEZ! Dahil sa tuwa at kilig ko, hindi ko napigilan ang sarili na mapatalon-talon sa sobrang kilig. Dahil mabait akong kaibigan, hinampas-hampas ko ang dalawang kasama ko at nilakasan ko na rin para tumigil na sila sa pinag-uusapan nilang Encantadia na sila-sila lang din ang nakakaalam! Nakaiinis talaga! May mga salita nga silang nakuha roon; avisala at pashnea! Ano kaya iyon? “Aray ko, bes! Bakit ba? Ano ang meron at naging sadista ka?” sigaw ni Kristine. “Para kang baliw riyan, bes. Tumigil ka nga sa katatalon mo! Ako lang ang nahihilo sa ’yo!” pagrereklamo ni Tricia. Huminto na ako sa pagtatalon at ipinakita ko sa dalawa ang friend request ni Stallionne. Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa. Pagkatapos, dahan-dahan silang nagkatinginan. Segundo ang lumipas ay may kasama na ako sa pagtalon. May kasama rin akong kasisigaw. Napatigil naman kaming tatlo nang mapansin na nasa labas pala kami ng opisina ni Sister, ang ginawa naming tatlo ay tumakbo. Diyos ko! Sana hindi kami pagalitan. Nang malayo na kami ay pareho kaming tatlo na naghahabol sa aming hininga. Pero nang muli kong naalala ang friend request ni Stallionne ay napatalon-talon ako muli. Hindi ko na inisip na hinihingal ako. Ang mahalaga sa akin, masaya ako. “Bes, is that real ba? Siya ba talaga iyon? Baka poser lang iyan, bes!?” pag-aalala ni Tricia. “Nope,” nakangiting wika ko. In-accept ko na ang friend request ni Stallionne at daliang ipinakita ang laman ng timeline niya sa mga kaibigan ko. Nang makumpirma ng dalawa, nakita ko ang saya mga mata nila at napatalon-talon muli pa talaga. “Wow! So totoo talaga iyong sinabi mo kagabi? As in hindi ka lang nag-iimbento?” tanong ni Tricia. Sa tono ng pananalita niya ay mukhang binigyan niya na ako ng chance na paniwalaan sa sinabi ko. Tumango ako sabay hampas sa kanilang dalawa. “Oh, ano!? Naniwala na kayo ngayon? Ginawa niyo pa akong si Sisa kagabi! Ang bastos niyo! Nakaiinis!” Hinawakan naman ni Tricia ang noo ko sabay haplos. Tinitigan pa niya ito nang mabuti na para bang may hinahanap siya. “So hinalikan ka niya talaga rito?” nakangiti niyang tanong. “Oo nga!” nagpipigil kong sigaw. Hindi ko lang maitago ang kilig na nararamdaman ng puso ko. “Baka crush ka niya, bes?” kinikilig na sabi ni Kristine. “Baka friendly kiss lang iyon. Hindi muna ako mag-assume. Malabo rin naman kasing magugustuhan niya ako. Hindi naman ako gustuhin talaga na katulad ng famous students' here sa HCDC,” paliwanag ko. “Dina-down mo na naman ang sarili mo. Isa ka kaya sa pinakamaganda rito. Anong hindi ligawin? Ila na ba ang binasted mo, bes? Amnesia lang? Back to the topic, paano mo nasabi na friendly kiss lang iyon?” Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. “Hindi nga kayo friend, ’di ba?! Gosh! Curiosity kills me! May something! I smell something na nakakakilig!” paghirit ni Tricia. Habang nag-uusap kaming magkaibigan ay may tumawag sa akin. Boses iyong ng isang babae. Napalingon naman ako dahil doon at napaisip na rin kung ano ang sadiya niya dahil hindi naman kami magkakilala. Pero sa titig niya sa akin, may kailangan siya sa akin. “Bakit?” pormal kong tanong. Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng isang paper bag. “Sa iyo ’yan, Miss De Jesus,” aniya. “Ano ito?” tanong ko sa hindi kilalang babae. “Pinabibigay ’yan ng atenista hottie, si Stallionne? Swerte mo, miss! Ikaw na! How to be you po?” nakangiting sabi ng babae. “W-Weh? Hindi nga?” nakakunot noo kong tanong. “Promise! Tingnan mo, may selfie pa nga kaming dalawa.” Ipinakita niya sa akin ang wallpaper niya. “Bayad niya sa akin sa paghatid sa iyo. Sana all.” “Hala? Totoo nga! Ano pala ang sabi niya sa iyo?” nagpipigil sa kilig kong tanong. “Ibibigay ko lang daw sa iyo.” “Ah, ganoon pala. Sige. Salamat dito, ha?” Pag-alis ng babae ay agad kong tiningan ang laman ng paperbag na ibinigay niya sa akin na galing daw kay Stallionne. Napangiti na lang ako kasi sobrang daming iba’t ibang klase ng tsokolate at ang mas nakakatuwa rito ay may isang liham din na kasali. “Bes, confirmed! Na love at first sight rin sa iyo si STALLIONNE RODRIGUEZ! Iba talaga ang karisma mo!” sigaw ni Tricia. “Imposible iyan,” sagot ko. “Nararamdaman ko, bes, meron talaga!” giit ni Tricia. Sana? Wahhh! “Bes, basahin mo raw ang letter,” hiling ni Kristine. “Okay. Makinig kayo, ha? Ito na. DEAR MEOW, miming miming miming. Mura man kag iring na nanungkab sa akong kasing-kasing kay abi nimug giniling ni Aling Koring.” Nagtinginan kaming tatlo at sabay na napahalakhak. Ang corny lang ni Stallionne sa bagay na iyon. Pero aaminin kong kinilig talaga ako. Napaisip naman ako kung bakit niya ako binigyan ng chocolates? Ano ang ibig sabihin niyon? Tama na nga ang pag-iisip dahil baka mabait lang talaga ang tao. Ang dapat kong gawin ay huwag na muna akong mag-assume sa ipinapakita niya sa akin. Maaaring sa kanya ay wala lang iyon. Ako lang din ang masasaktan sa huli kapag nagkataon. “Bes, naiingget na kami sa iyo. Mukhang gusto ka na talaga ni Stallionne,” si Tricia. “Baka friendly gift lang ito,” giit ko. “Hindi nga kayo friend. As I said earlier, mukhang na love at first talaga iyan sa iyo. Anyways, ang sweet niya sa iyo, sobra! Hindi pa iyan nagawa ng boyfriend ko, nakakaingget!” “Mabuti pang tanungin mo na lang siya, bes, total friend na naman kayo sa Stallionne sa sss,” suhestiyon ni Kristine. Niyakap naman ako ni Tricia. “Ano ba iyan! Kinikilig ako para sa inyong dalawa.” “Grabe siya. Todo support ka na sa akin. Kagabi, nevermind.” “Sorry na.” Napailing-iling na lang ako dahil sa nangyari. Nang bumuwag na sa akin si Tricia, pinadalhan ko na ng message si Stallionne para pasalamatan siya sa binigay niya sa akin. Tatanungin ko na rin siya kung bakit at anong dahilan niya kung bakit pinadalhan niya ako ng chocolates. Ang mas nakatutuwa sa ginawa niya, siya pa talaga ang pumunta rito. Though hindi kami nagkita pero still, effort pa rin iyong pagpunta niya rito sa school namin. Ang tanging hiling ko na lang, sana ay sasagutin niya na ang tanong ko sa kanya. ••• Tapos na ang buong klase namin kaya dumiretso kami sa G-Mall magbabarkada. Hindi para mag-shopping kung hindi magpalamig lang. Iyon kasi ang ginagawa namin palagi. Nakasanayan lang. Habang sumasandal sa bandang elevator, tiningnan ko ang sss account ko kung nag-reply na ba si Lion sa akin. Pero sadly ay hindi pa. Mukhang sobrang busy ng taong iyon. Nang akmang papatayin ko ang sss account ko, laking ngiti ko nang biglaang lumabas ang kulay berde na bilog sa profile niya at sinyales iyon na online siya. Segundo ang lumipas, nag-reply na siya sa sinabi ko kaninang tanghali. “Welcome, Meow. Masarap ba? Hmm, gusto ko lang bigyan ikaw.” Napangiti naman ako habang binabasa ang reply niya... “Bakit naman? Nahihiya na tuloy ako sa iyo,” reply ko sa kanya. “Basta! Gusto ko lang talaga.” “Pero bakit nga?” “Basta at gusto ko sa personal na sabihin sa iyo. Ano? Kita tayo? Tapos na ang klase ko. Tapos na rin ba sa iyo?” “Oo, tapos na ang klase ko.” “Kita tayo? Sama mo ang mga friends mo.” “Okay lang sa iyo?” “Syempre! Para may makakasama ka. Meow, may sasabihin ako... Sobrang lapit ko lang sa school niyo, sa iyo? Kasi nasa G-Mall ako.” “Totoo? Nasa G-Mall din kami ngayon sa may elevator sa 3rd floor. Saan banda ka?” “Grabe talaga mag-ship si kupido, ’no?” “Ano ang ibig mong sabihin?” “Nevermind. Sige, bababa na ako.” “Saan ka pala?” “Sa puso mo! Joke! ’Wag ka magalit, please. Ito seryoso, nandito ako sa the peak.” “Baliw! Sige, maghihintay ako sa iyo.” Agad kong niyakap ang dalawang kaibigan ko at napatalon-talon sa sobrang saya. Hindi lang ako makapaniwala na gustong makipagkita sa akin ni Stallionne. Para bang ang bilis ng pangyayari. “Bes, ano na naman ang meron?” tanong ni Kristine. “Makikipagkita sa akin si Lion ngayon!” sigaw ko. Wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mailabas ko ang saya na nararamdaman ko sa harap ng mga kaibigan ko. “For real!? I’m so excited, bes, kung gaano ba iyon kagwapo sa personal,” wika ni Tricia. “Ako rin! Diyos ko baka hihimatayin ako sa kilig,” pagbibiro ni Kristine. “Mga bes, umayos kayo. Paparating na si Stallionne. Tumalikod tayo para kunwaring hindi natin alam,” sabi ko. Minuto ang lumipas, dumating na siya at agad naman niya akong tinawag. Umarte naman akong gulat kahit alam kong paparating na siya rito sa amin. Gusto ko lang maging cute tingnan. Ganoon kasi ang mga nakikita ko sa palabas. “Lion? Nandito ka na pala! Ang bilis!” nakangiti kong sabi. “Hi, Meow! Iyan pala ang mga kaibigan mo? Hello sa inyo,” pagbati ni Lion. Iyong akala kong hindi pinansin ng dalawa si Lion pero mali ako dahil natulala lang pala sila. Ang ginawa ko, hinampas ko isa-isa ang noo nila nang bumalik sila sa wisyo. Hinawakan naman nila sa pisngi si Stallionne at pinisil-pisil dahil sa hindi sila makapaniwala. “Nakakahiya kayo mga bes, itigil niyo iyan,” suway ko. “Hayaan mo na lang, Meow. Okay lang naman,” nakangiting sabi ni Lion. “Nagwapuhan lang yata sa iyo ang dalawa kaya nagkaganyan, ” wika ko. Hinawakan niya ang kamay ko. “Mas ikakasaya ko kung pati ikaw.” Tumalikod ako at ngumiti na lang sa sobrang kilig. “Anyways, ang ganda mo ngayon lalo, Meow,” paghirit niya. “Tama nga si Mercury, sobrang gwapo mong nilalang,” wika ni Kristine sabay pisil sa pisngi ni Stallionne. “Naka-surgery ka ba? Ba’t sobrang gwapo mo? Ang perfect ng mukha mo,” si Tricia. “Mga bes, nakakahiya kayo. Magsitigil nga kayo!” suway ko. “Oo na! Last na ito.” Tinitigan niya nang mabuti ang mukha ni Stallionne. “Sobrang gwapo mo talaga. Perfect!” paghirit muli ni Kristine. Diyos ko! Paano ba kumalma sa ganitong sitwasyon na nasa harapan ko ang lalaking bumihag ng puso ko sa unang sulyap pa lang. Paano na lang kaya kung mas makilala ko pa siya? Katulad ngayon, kasama ko siya. “Stallionne, may gusto ka sa kaibigan namin?” tanong ni Tricia. “Huwag mo na sagutin iyan, Lion,” nahihiya kong sabi. “Sagutin mo ako ang tanong ko, Stallionne,” pagpupumilit ni Tricia. “Okay, I’ll be honest... Kung ano ang naramdaman ni Meow sa akin. Sigurado akong iyon din ang naramdaman ko sa kanya.” Napa-ubo ako sa sagot niya. “Gusto kita! Imposible namang gusto mo ako?” “Maganda ka, cute, mabait, magaan kasama, napapasaya mo ang puso ko. Saan ang imposible roon?” paliwanag ni Stallionne. Nagsigawan iyong dalawang kasama ko. “Sh*t! KathNiel! Matakot na kayo sa dalawang nilalang na ito,” si Kristine. “Tumahimik nga kayo,” suway ko. “Lion, hindi mo pa nga ako kilala.” “Sapat na iyong kilala ka ng puso ko. Ano? Libre ko kayo? Saan niyo gustong kumain? Kayo na ang pumili,” aya ni Stallionne. “Huwag na Lion, ano ka ba,” sabi ko. “Please. Saan ang gusto niyo? Meow, saan? Food chain or restaurant?” tanong ni Stallionne. “Food chain, Jollibee! Favorite iyon ni Mercury!” sagot ni Kristine. “Ah, okay! Malakas siya sa akin, e.” Pagdating namin sa Jollibee ay naghanap na kami ng bakanteng mauupuan. Sa sinuswerte nga naman ay agad kaming nakakita. Pinaupo niya muna kami at pumunta na siya sa counter para mag-order. “Bes, si Stallionne na talaga ang Mr. Right mo! Sobrang perfect! Iyong mukha niya ni isang galis ay wala kahit isang pimple ay wala rin! Ang kinis, bes,” pagpuri ni Tricia. “Tapos sobrang bango pa, bes! Iyong mata sobrang maamo! ’Wag mo na pakawalan iyon. Akuin mo na,” paghirit ni Kristine. “Kayo talaga ay puro kalokohan lang ang nasa isip niyo.” “Bes, kung manligaw iyon sa iyo. Tanggalin ko na lang ang kung kasi sigurado akong liligawan ka niyon. Sagutin mo na agad, ha?” “Hindi iyon,” sagot ko. “Baliw ka ba!? Ang sabi niya kanina, kung ano raw ang nararamdaman mo sa kanya, iyon din ang sa kanya,” pagpupumilit ni Tricia. “Tumahimik na kayo, paparating na,” sabi ko. Umupo na siya sa tabi ko si Stallionne at binuksan niya ang bag niya. Ako naman na may ugaling marites, sinilip ko kung ano laman niyon. Napangiti naman ako nang makita iyong camera niya. Inilabas niya iyon at biglang kinunan ako. “Burahin mo iyon, Lion. Ang panget ko roon,” pagrereklamo ko. Inilapit niya ang ulo niya sa akin. “Ganda mo kaya.” “Bolero!” “Guys, pwede kunan niyo kaming dalawa?” hiling ni Stallionne sa mga kaibigan ko. “Sure!” sagot ni Tricia. Ibinigay na ni Lion ang camera niya at umusog siya papalapit sa akin. Pagkatapos, inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko kaya parang naiihi na ako sa sobrang kilig. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nahihiya akong ipakita ang kahinaan ko. Baka kung nagkataon, pagsamamantalahan niya iyong kahinaan ko. Nang natapos na kami nilang kunan ng litrato. Tiningnan na naming dalawa. Tawa naman kami nang tawa sa mga wacky poses namin. Napitigil naman ako sa pagtawa ng ibinigay niya sa akin ang cell phone niya. Napatanong ako kung bakit. Ano ang balak niya? “Umm, save mo ang phone number mo para textmate na tayo,” paliwanag ni Stallionne. Tinutukso na naman kami ng dalawang kaibigan ko kaya pinagpawisan na ako sa halu-halong emosyon na nasa kanta ng Oh, Pag-ibig nina Bailey May at Ylona Garcia. Iyong nakakakaba, nakakaaliw, nakakakilig, at nakakabaliw. Palihim ko namang sinipa ang dalawa kasi nakaiilang na talaga. Minuto ang lumipas, dumating na ang mga order ni Stallionne. Grabe! Ang dami! Mukhang inubos niya ang benta ng Jollibee. Hindi ko naman siya masisisi dahil ang sarap naman talaga. Number 1 sa puso ko, e! Lalo na iyong chicken joy nila? Walang sino man ang makakatalo. Period. Nang natapos na kaming kumain ay agad ng nagpaalam si Stallionne. Ang sabi niya ay hinahanap na raw siya ng lola niya. Napakamasunurin niya lang apo. Mukhang sobrang mahal niya ang lola niya. Ang cute. Nang nawala na sa paningin namin si Stallionne, agad ba namang hinila ng dalawa ang buhok ko. Napangiwi naman ang mukha ko dahil sa sakit. “Aray ko! Bakit ba?” pagrereklamo ko. “Bes, ikaw na! Diyos ko! Sobrang perfect niya! Mabait na, sobrang gwapo pa at ang hot pa!” nakangising sabi ni Tricia. Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tricia. Pero totoo kayang gusto ako ni Stallionne? Ang mas mabuting gawin ko ay kilalanin ko muna siya. Baka nabigla lang iyon at hindi sigurado sa naramdaman niya sa akin. Imposible rin naman kasing magustuhan niya ang isang tulad ko. Parang ang hirap isipin na ewan. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD