QUEEN MERCURY
NANLAKI ANG MGA mata ko at napalingon sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pagkakita ko kung sino, agad kong tinakpan ng librong hawak ko ang mukha ko. Hindi ako makapaniwalang nandito sa harapan ko si Stallione Rodriguez. Nakahihiya! Nakita niya kaya iyong kabaliwan ko? Ano na ang gagawin ko ngayon? Baka kung ano na ang isipin niya sa akin. Baka iisipin niya na ang landi ko gayong panay titig ako sa larawan niya sa sss profile niya. Lord, kung naka-focus ka man sa akin ngayon, naway tulungan mo ako. Bigyan mo ako ng lakas na harapin ang lalaking sa unang beses na aming pagkikita, nabihag ako. Nahulog ako!
Tumikhim si Stallione kaya labis ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Muli naman siyang tumikhim kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Inaasar niya kaya ako?
“Salker ka na pala ngayon? Stalker pala kita, ah. Ang cute.”
“Napatingin lang. Ang yabang naman,” nahihiya kong sagot habang nanatiling nakatakip pa rin ng libro ang mukha ko.
“Kilala mo na pala ako? I’m sure napanood mo iyong mga pictures kong naka-underwear? Ano ba iyan nahihiya tuloy ako, pero dahan-dahan lang sa panunood, ha? Baka mabuntis ka niyan. Hindi pa naman ako handa maging Daddy dahil magagalit si Lola,” aniya.
“Ang yabang! Tsk!” singhal ko.
“Biro lang.” Narinig ko ang pagtawa niya. “Anyways, ibaba mo na ang librong nakatakip sa mukha mo kasi sayang iyong cuteness mo kung itatago mo lang. Face reveal naman diyan. Huhusgahan ko.”
“Nahihiya kasi ako,” pag-amin ko. Maaaring dahil sa crush ko siya? Hindi maari kundi sigurado.
“’Wag kang mag-aalala. Sanay na naman akong may nagkakagusto sa akin. Okay lang naman kaya ’wag ka ng mahiya,” pagmamayabang niya. May hangin din palang tinatago ang gwapong nilalang na ito. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil may maipagmamayabang naman talaga.
“Hindi ka rin pala mayabang, ’no?” pagtataray ko. Tsk!
Tumawa siya nang napakalakas. Habang ako naman ay nagkasalubong ang mga kilay dahil sa tawa niya. Pero ano kaya ang itsura niya kung tumatawa? Gwapo pa rin kaya? Hot? Pero bakit ba ako focus sa itsura niya? Ang cheap ko kung ganoon. Dapat ugali dapat. Attitude matters most.
Nang tumigil siya sa pagtawa mas tuloy akong kinabahan. Kahit wala akong nakita dahil sa libro na nakatakip sa mukha ko, pero malakas ang pakiramdam ko na nakatitig siya sa akin. Hinding-hindi ako magkakamali sa nararamdaman ko. Ginalaw ko naman nang kunti ang libro kaya nakita ko ang sapatos niya at paharap iyon sa akin. Tama nga ako! Seryoso siyang nakatitig sa akin.
“Tanggalin mo na nga ’yang nakatakip sa mukha mo nang masilayan ko muli ang ganda mo,” hiling niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya binaba ko na ang libro na nakatakip sa mukha ko. Nang tumingin na ako sa kanya. Nginitian niya lang ako. Pagkatapos, bigla niyang hinawakan ang ID ko. Tiningnan pa niya ito habang tipid na ngumiti.
“So Queen Mercury pala ang pangalan mo. Ang ganda! Bagay na bagay sa mukha mo. Nice to meet you again,” aniya. Sa sandaling ito, narinig ko ang katapatan sa boses niya. Mukhang mali ang panghuhusga ko na mayabang siya. Mabait siya.
“Same rin, Stallionne,” nakayuko kong sabi.
“Ulaw-ulaw man ka naku oi.” (Huwag ka nang mahiya sa ’kin)
“E, kasi... Nevermind, Stallionne,” usal ko.
“Lion na lang. Roar,” hiling niya.
“Okay, Lion. Umm, salamat pala sa payong mo, ha? Isasauli ko na. Salamat talaga rito nang sobra.”
“Sa ’yo na ’yan. Remembrance,” nakangiting sabi niya. Hindi ba siya nagsasawa sa pagngiti? Pero iba talaga ang itsura niya. Nakasisilaw!
“Sure ka na ba na sa akin na ito? Kakapalan ko talaga ang mukha ko. Tatanggapin ko talaga. Thank you! Ano ba iyan! B***t!”
“H-Huh? A-Ako b-bwesit? B-Bakit?” utal na tanong niya.
“H-Hindi ikaw. Kung hindi ang panahon...” Tumingala ako sa kalangitan. “Para kasing uulan na naman. Ayaw ko kasi talaga ng ulan,” litanya ko.
“Baliktad pala tayo. Ako kasi ay favorite ko talaga ang ulan.”
“Paano mo iyon naging favorite? E, perwisyo ang dulot niyon... Causing traffic, babaha, ang putik ng daan, ang ingay ng bubong, nakatatamad, ’tapos minsan may kasama pang malakas na kulog at kidlat. Nakaiinis kaya. Sobra,” gigil kong sabi sa kanya.
“Ang magandang naiidulot niyon, inalam mo ba? ’Wag ka namang unfair. You should be fair and square. When we first met. Biglang umulan,” seryoso niyang sabi.
“Tapos? Connection?” takang tanong ko.
“Nakita mo na ang lalaking pinapangarap mo sa buhay,” sagot niya.
“Hambog!” singhal ko.
“Biro lang, meow. Peace?” aniya.
“Meow?” tanong ko.
“Oo.” Tumango pa siya.
“Bakit meow?”
“Mukha ka kasing pusa. Ang cute lang at ang sarap kurutin.”
“Compliment ba iyan or pang-iinsulto? Iyong totoo?” paninigurado ko.
“Compliment syempre. Ang cute mo kaya.”
“Hindi nga?”
“Bahala ka. Kung ayaw mo maniwala sa akin. Nasa iyo na iyon. Anyways, ikaw lang ba mag-isa rito?”
“Kasama ko mga kaibigan ko pero bumili lang muna sila ng ukay.”
“Hindi ba kayo natatakot na baka patay na ang may-ari ng mga damit na iyon tapos baka may skin decease iyong totoong may ari. Iyong mga ganoon?” tanong niya. Mukhang seryoso talaga siya sa tanong niya.
“Palibhasa anak mayaman ka, pero may punto iyong sinabi mo, ha. At gusto kong malaman mo na naiisip din namin iyon pero wala kaming choice. Iyon lang ang kaya namin, e. Labhan lang nang mabuti at lagyan ng downy then okay na,” paliwanag ko. Sana naman magkaroon din siya ng kaalaman na nanggaling sa akin.
“Sabagay.”
“May tanong ako, Stallionne.”
“Lion nga. Oh? Ano ang itatanong mo? Kung gwapo ako? Oo ang sagot ko,” pagmamayabang niya.
“Ang yabang talaga! Ganito lang naman. Hindi ba underwear model ka? Hindi ka ba nahihiyang magsuot nang ganoon sa harapan ng maraming tao? Maraming nakakikita. Hindi ko naman sa dina-down sila, ha? Ang perfect niyo kaya tingnan. Ang gusto ko lang malaman iyong nararamdaman niyo habang ginagawa iyon.”
“May dapat bang ikahiya sa katawan ko? Parang wala naman, ah? 6 packs abs! Makinis! Biro lang! Ganito kasi, photography ang course ko. Syempree darating din ang panahon na ako na ang kukuha ng ganoon kaya sanayan na lang. At isa pa, marangal na trabaho iyon. Ikaw ba? Ano ba ang course mo?” tanong niya.
“Bachelor of Secondary Education. Major in Mathematics.”
“Wow! Hi, Maam De Jesus, 1+1-1?” pagbibiro niya.
Napangiti na lang ako kasi iyon talaga ang gusto ko na tawaging Ma’am. Tapos siya pa ang kauna-unahang nagsabi niyon sa akin. Sasagot na sana ako, pero biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya agad kaming napatakbo para maghanap ng masisilungan. Ibinuklat ko na ang payong at sumukob naman ang lalaking kasama ko sabay akbay sa akin. Nang makahanap na kami ng masisilungan, tumambay na muna kami roon. Nang aakmang isasara ko na ang payong, bigla niya akong binulungan.
“See? Nang dahil sa kinaiinisan mo ay nagkasama na naman tayo. Kaya kung ako sa iyo, baguhin mo na ang pananaw rito. Rain is life or I must say love rain.”
Hindi ako nakasagot at tumahimik na lang. Inakbayan niya akong muli kaya napatayo ang mga balahibo ko sa lahat ng katawan ko. Multo ba ang nilalang na kasama ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang lakas ng tama niya sa akin.
“Stallionne, umalis ka na baka may dumating dito na babae at sasabunutan pa ako. I’m sure may girlfriend ka na,” sabi ko sa kanya.
“H-Huh!? Wala, ah? Hiniwalayan ko na,” sagot niya.
“Ang sama ng ugali! Ganyan ba talaga kayong mga lalaki?! Mapanakit sa aming mga babae?” pagsusungit ko.
“Judgmental ka rin, ha? Tanungin mo kaya ako kung bakit? Kayo talagang mga babae,” pagrereklamo niya.
“Okay. Sorry. Hmm, bakit nga ba?” Tinuro niya sa akin ang Marco Polo Hotel na nasa kabilang kalsada. “Bakit? Ano ang meron diyan?”
“Nag-aya,” sagot niya.
“Nang ano?” tanong ko rito.
“Wrestling sa kama.”
“Totoo? Hindi nga?”
“Oo. Matanong lang, bakit kayong mga babae ay ano lang ang habol sa aming mga gwapong lalaki?”
Hahampasin ko na sana kaso bigla niya akong niyakap sabay sabing.
“Naririnig mo ba?” tanong niya.
Kumawala na siya at tinitigan ako. Napanganga na lang ako sa ginawa niya at may kasunod pang nangyaring hindi ko talaga inaasahan kasi bigla niya akong hinalikan sa noo. Nang nakita niya ang reaksiyon ko ay lumapad ang ngiti niya.
“Sorry, nadala lang. Uuwi na ako kasi magagalit na ang lola ko,” pagpapaalam niya.
“Sandali lang, Lion. Bakit ka sana lalapit sa ’kin kahapon?” mabilisang tanong ko.
Pinisil niya ang pisngi ko. “Nakyukyutan kasi ako sa iyo kaya gusto ko pisilin ang matambok mong pisngi. Sige na, bye! Magkikita muli tayo, Meow!”
Tumakbo na siya paalis kaya agad ako napatalon sa kilig at nilabas lahat ng emosyon ko sa pangyayari. Grabe! Hindi ako makapaniwala!? Totoo ba talaga iyon na ang isang ATENISTANG si STALLIONNE RODRIGUEZ ay NIYAKAP ako at HINALIKAN pa sa NOO?! Napa-isip naman ako bigla na pinasamantalahan niya ang p********e ko dahil naramdaman niyang may gusto ako sa kanya. Pero bahala na! Mabuti naman siyang tao! Kahit ninakawan niya ako ng halik sa noo, hindi naman ako nainis, kinilig pa nga. Ang cheap ko nga! Pasensiya na, marupok lang.
Dahil hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko ay sumigaw ako sa sobrang saya hanggang sa sinuway ako ng matandang nagtitinda ng mani sa gilid kaya ito shut up na lang ako. Sigurado akong nabasa iyon si Lion dahil tumakbo ba naman kahit umuulan kasi magagalit daw ang lola niya. Lola’s boy pala ang Stallionne na iyon? Ang cute.
Minuto ang lumipas, dumating na ang mga kaibigan ko galing sa pamimili nila ng ukay. Mukhang marami-rami rin ang nabili nila.
“Mga bes, kurutin niyo nga ako baka nanaginip lang ako,” pagpupumilit ko sa kanila.
“Okay!” sagot ni Kristine.
“Sh*t! Ang sakit! Ano ba!” sigaw ko.
“Sabi mo, e. Oh? Bakit ba? Ano ba ang meron?” tanong niya.
“Nagkasama kami kanina ni Stallionne,” sigaw ko nang hindi ko mapigilan ang labis na saya.
Nagtinginan ang dalawa at tumawa nang malakas. “In your dreams! Kinain na nga ni Stallionne ang sistema mo, bes!”
“Hindi kayo naniniwala?” tanong ko.
“I feel you, bes, ganyan din ako kay James. Iyong pagbukas ko pa lang ng pinto akala ko nandoon siya at sumasayaw ng beat energy gap sabay flying kiss sa akin pero iyon ay isang imahinasyon lang pala dahil sa ako ay patay na patay sa kanya!” paliwanag ni Tricia.
“At ako rin, bes, kay Enrique. Ganyan na ganyan din ako,” si Kristine
“Promise mga, bes, totoo talaga,” pagpupumilit ko sa kanila.
“Tara na nga! Ikain na natin iyan ng kwek-kwek! Baka nalipasan ka lang ng gutom!” pang-aasar niya.
“Hinalikan ako ni Stallionne sa noo,” sabi ko.
Humarap ang dalawa at muling tumawa nang malakas. “Mag-mental ka na, bes, samahan ka namin. Libre ka na namin ng pamasahe! Tara na! Lakas talaga ng tama mo!”
Napakamot na ako sa ulo. “Niyakap ako ni Stallionne at sabi niya cute raw ako!” sigaw ko. Gusto kong maniwala sila sa akin.
Lumapit ang dalawa at binatukan ako. “Oh! Ano? Gising ka na sa panaginip mo?”
“Bahala nga kayo riyan! Basta!” pagsusungit ko.
Nakaiinis naman ang dalawang kaibigan ko. Ayaw talaga nilang maniwala sa akin. Naturingan ko pa naman na mga kaibigan.
~~~