STALLIONNE
Pagdating ko sa bahay ay agad kong kinuwento kay Lola ang tungkol kay Mercury. Sinabi ko na rin sa kanya na balak kong ligawan ito dahil napapasaya niya ako. Wala akong tinira na dapat sabihin kay Lola dahil alam kong kaya niya akong pakinggan hanggang sa mapaos ako. Nakikita ko naman sa mga mata niya na natutuwa siya sa akin. Hiniling naman niya sa akin na gusto niyang masilayan ang gandang taglay na meron si Mercury kahit sa litrato man lang daw. Dahil mabait akong apo, ipinakita ko sa kanya ang larawan ng babaeng gusto ko. Ito iyong larawan namin kanina na kinuha ng mga kaibigan niya. Habang hawak-hawak ni Lola ang DSLR ay walang tigil siya sa pagngiti. Mukhang kinikilig pa siya sa aming dalawa.
“Pagkagwapang bayhana.” (Napakagandang babae.)
Inakbayan ko si Lola. “Alangan! Buotan pa jud na, La! Puhon, dal-on naku na siya dire kung kami na.” (Syempre! Mabait din iyan, La. Soon, kung maging kami ng dalawa ay dadalhin ko siya rito sa bahay.)
“Sige, Dong. Maghulat jud ko.” (Sige, Lion. Maghihintay ako.)
“La? Saan si Mama?” tanong ko.
“Nag-grocery.”
“Ah, okay. Sige, La, alis na muna ako.”
“Pashnea! Saan ka!?” sigaw ni Lola nang buong lakas.
“Hagor? Ikaw ba iyan?” pagbibiro ko.
“Hapakon taka ron!” (Hahampasin kita riyan ngayon!)
“Brilyante ng hangin, pigilan mo si Lola,” pagbibiro ko.
Natapos kong masabi iyon ay tumakbo na ako papuntang kwarto para magbihis. Pagkatapos ay agad na akong bumaba para umalis. Sasama kasi ako sa mga barkada kong gumala dahil iyon naman ang night routine namin. Dahil may phone number na ako ni Mercury, gusto kong magpaalam sa kanya. Dahil liligawan ko siya, I let her to know kung nasaan ako. Baka kasi kapag wala akong gagawin na something sa kanya, hindi siya maniniwala na seryoso ako sa kanya.
“Hi, Meow? Si Lion ito. Manliligaw mo.”
“Hi! Salamat sa foods kanina. Nabusog kami. God bless, Lion.”
“Welcome. Nasaan ka na po?”
“Nasa bahay na.”
“Hala!? Paano nangyari iyon? So sino itong nasa puso ko ngayon?”
“Nangbobola ka, e!”
“HAHA. Meow? Bakit gusto kita?”
“Ewan ko sa iyo. Hmm, saan ka ba ngayon?”
“Papunta ako ngayon sa Zigudo kasama ang mga friends ko.”
“Papunta? So meaning ay nagmamaneho ka ngayon?”
“Yes!”
“Baliw! Baka maaksidente ka! Huwag ka na lang muna mag-reply sa akin.”
“Ayaw mo ba na mamatay ako? E, patay na nga ako... sa iyo! Patay na patay.”
“Tsk! Mamaya na lang nga! Ang tigas ng ulo mo. Mag-focus ka na sa pagmamaneho mo!”
“Biro lang. Hindi ako ang nagmamaneho. Actually, nagpahatid pa ako sa driver namin para ma text lang kita. Ganoon kita gusto makausap.”
“Bolero mo talaga!”
“Bolero? Iyong tagagupit? BOLERO?”
“Waley! Ano ba. HAHA.”
“HAHAHAHA. Tumawa ka pa. Please, meow?”
“HAHAHAHAHAHA. Okay na po?”
“Yes! Um, kita na naman tayo bukas? Pwede ba?”
“Baka magsasawa ka na sa akin niyan? Ayaw ko sanang mangyari iyon.”
“Parang hindi naman. Pakiligin mo lang ako. Sapat na iyon sa akin.”
“Ako nga ang kinilig sa iyo. Sorry. Marupok lang. HAHAHA.”
“HAHA. Sige, pakikiligin pa kita nang todo hanggang sa sagutin mo na ako at marinig ang matamis mong oo.”
“Sagutin? E, hindi ka nga nanligaw sa akin?”
“’Di ba may kasabihan na... MAS MAGANDA GAWIN KAYSA SABIHIN?”
“Oo na with heart emoticon.”
“Kinikilig ako sa emoticon mo, Meow, ’di ako makahinga. Pahingi ng oxygen diyan.”
“Blue Heart.”
“Blue heart? Wahhhh! Kinikilig talaga ako, Meow! Oxygen pleaseeeeeee.”
“Sir, ang laki ng ngiti mo, ha?” tanong ni Kuya Driver.
“May babae kasing nililigawan. Grabe lang, Kuya! First time ko itong naramdaman kahit nagka-gf na ako dati.”
“In love ka na talaga, Sir.”
“Sinabi mo pa.”
Bakit hindi pa kaya nag-reply si Mercury? Baka may ginagawa pa o hindi kaya may tinatapos na assignments. Mas mabuti pang hintayin ko na lang siya mamaya.
Minuto ang lumipas, dumating na kami sa Zegudo. Umalis na rin si Kuya driver kaya ako na lang mag-isa ang papasok ng bar. Nang nakapasok na ako, hinarangan ako ng mga kakilala kong bekis na palaging tumatambay rito sa bar.
“Ano na naman?” tanong ko. Ngumuso pa ako matapos sabihin iyon.
“Pahawak, bhe.”
Napakamot ako sa ulo. “Bawal nga. Strict ang Lola ko. Sige na, padaan.”
“Ang damot talaga.”
“Magpakalalaki na kasi kayo.”
“Ew!”
Nginitian ko lang sila. “Sige na, paalam na.”
Nakakatuwa talaga iyong mga beki na iyon. Nang nakaraan na ako sa mga bekis, agad kong nakita ang mga kaibigan ko. Nag-iinuman na sila at may kasamang mga babae sa tabi nila. Actually, mga bagong babae na naman. Ganoon naman kasi lagi iyong ginagawa nila. Pero hindi ko naman sila pwedeng husgahan dahil wala naman silang mga girlfriend. At isa pa, gusto rin ng mga babae ang ginagawa nila kaya patas lang ang lahat.
Nang nakita ako ng isa sa mga kaibigan ko, napatayo siya. Ako naman ay lumapit sa kanila. Para hindi ako makaramdam ng bagot, pumunta muna ako sa counter at bumili ng softdrinks. Pagkatapos, bumalik na ako sa kanila at nakisali na sa usapan nila.
•••
DALAWANG BUWAN ANG lumipas, sobrang close na namin ni Mercury. Mas naging malapit kami sa isa’t isa nang halos araw-araw kaming nagsasama. Madalas na rin kasi kaming lumalabas kaya mas nakilala ko siya. Hindi nga nagkamali ang puso ko na siya ang ginusto. Nasa kanya na ang lahat. Kahit minsan ay madaldal siya, hindi iyon hadlang para mas mahalin ko pa siya. Nakakatuwa kaya ang ugali niya. Kahit sobrang lapit na namin sa isa’t isa ay wala pa ring kami. Hindi pa niya kasi ako sinasagot. Sa totoo lang, araw-araw akong mas nahulog sa ugali niya. Kahit naramdaman kong gusto niya rin ako, hindi pa rin niya ako sinasagot. Hindi siya easy to get kaya sobrang challenge iyon para sa akin. Habang tumatagal ang nararamdaman ko sa kanya ay masasabi kong siya na talaga at wala ng iba pa. Hindi ko siya susukuan hanggang sa hindi siya mapapasaakin.
Linggo ngayon at kasama kong nagsimba sa San Pedro Cathedral ang babaeng mahal ko. Ang mas gusto ko sa kanya ay hindi niya kinakalimutan magsimba tuwing linggo. Sa ugali naming ganoon ay magkasundo kami. Makulit akong tao pero palasimba ako. Malakas kasi ang pananalig ko sa Diyos.
Nasa tabi ko si Mercury at hawak ko ang malambot niyang kamay. Sa totoo lang, sobrang saya ko. Baka nga sasabog na ako. Nang tumahimik na ang lahat para sa peace sign, umusog papalit sa akin si Mercury. Paglingon ko sa kanya, nakangiti siya. Pagkatapos, inilapit niya bigla ang bibig niya sa tenga ko at binulungan ako ng 'yes'.
“Anong yes?” pahina kong tanong.
Binulungan niya ako muli. “Sinasagot na kita, tayo na, Lion. Girlfriend mo na ako.”
Dahil sa sobrang saya ko, nakalimutan kong nasa simbahan ako. Napasigaw naman ako sa sobrang saya. Agad tinakpan ni Mercury ang bibig ko. Napalingon naman ako sa paligid at nasa akin halos ang mga tingin nila.
“Bastos na bata!” suway ng matanda sa gilid namin.
“Ang lalandi!” sabi ng ale.
“Sa labas kayo maglandian,” sabi ni Manong.
“Sorry po. I’m so sorry,” paghingi ko ng paumanhin sa mga nagagalit. Binulungan ko si Mercury. “As in tayo na talaga?”
Tumango naman siya kaya hindi matawaran ang saya ko. Grabe rin ang bilis ng pintig ng puso ko. Parang may kabayong nagkarerahan sa loob.
Minuto ang lumipas, tapos na ang simba kaya agad na kaming lumabas. Inakbayan ko naman siya habang papunta kung saan naka-park ang sasakyan ko.
“Tayo na ba talaga, Meow? So pwede na tayong magkiss sa lips?” tanong ko.
Hinampas niya ako. “Kiss agad ang nasa utak mo? Lalaki talaga!”
Niyakap ko siya latalikod. “Pwede na kitang yakapin nang ganito, I promise na hindi ka magsisisi na sinagot mo ako. I will be your perfect boyfriend. I love you, you are my other half now dahil isa na tayo at buo na ako dahil binuo mo.”
Humarap siya sa akin sabay hawak sa balikat ko. “You don’t need to be perfect. All I need is a man who will truly love me and accepting me for who I am.”
Niyakap ko siya. “I love you, Meow.”
“I love you more, my Lion king.”
“Raorrr! I love you more and more and more and more! Hanggang langit...”
“Bakit hanggang langit?”
“Baka papanaw ako.”
“Huwag ka nga magsalita ng ganyan! Kainis ka,” sabi niya. Nakita ko ang inis sa mukha niya.
“Hindi na po mauulit my cat woman,” paglalambing ko.
“Huwag ka ng magsalita nang ganoon, ha? Hindi nakatutuwa. Kahit in a biro way pa iyan, still, hindi maganda pakinggan.”
“Sorry na. Hindi na mauulit.”
“Dapat lang.”
“Please, ’wag ka ng mainis. Date na lang tayo.”
“Ikaw bahala.”
Napangiti naman ako dahil alam kong okay na siya at nawala na iyong inis niya sa akin. Nakakatuwa talaga ang mahal ko. Ang dali lang suyuin! Hindi ako mahihirapan.
Pupunta na kaming dalawa sa People’s Park kasi maganda roon lalo na kapag gabi. Napaka-romantic lang tingnan dahil sa dami ng ilaw. May fountain rin na may lightings effect pa. Tahimik sa park na iyon kaya mas maganda.
Pagdating namin sa People’s Park ay bumili muna kami ng makakain sa labas. Hindi ko naman inaasahan ang nangyari dahil nandoon din si Claire. Ang ex girlfriend ko na beauty queen. Ngumiti siya at niyakap ako kaya agad akong bumuwag. Ayaw ko lang na baka may isipin pa sa amin si Mercury.
“Claire, si Mercury pala... Girlfriend ko,” pagpapakilala ko.
“Hi, Mercury,” pagbati ni Claire.
“Hello. Kilala mo ang Lion ko?” tanong ni Mercury.
Binulungan ko ang girlfriend ko. “Ex ko.”
“Sige, Stallionne at Mercury. Mauna na kami,” pagpapaalam ni Claire.
“Okay. Ingat,” sabi ko.
Nang nawala na sila Claire at nakabili na kami ng pagkain ni Mercury ay pumasok na kami sa loob. Habang naglalakad, napansin ko na sobrang tahimik ni Mercury. Actually, kanina pa siya hindi kumikibo simula nang nakita niya ang ex girlfriend ko.
“Kanina ka pa tahimik. May problema ba?” tanong ko.
Tipid siyang ngumiti. “Ang ganda kasi ng ex mo. Pagkatapos sa isang katulad ko lang ang ipinagpalit mo,” palungkot niyang sabi.
“’Wag mo nga isipin iyan.”
“Baka pinagtawanan ka na ng mga kakilala mo.”
“At bakit naman? Mabait ka, matalino, maganda! Wala ng kulang sa iyo. At isa pa, wala na silang magagawa kung ikaw ang dream girl ko.”
“Talaga?”
“Oo kaya ’wag mong isipin iyon. You’re enough at ’wag mong ibababa ang sarili mo.”
“Oo na po,” nakangising sagot niya.
Umupo na muna kami sa bandang bridge at kumain. Sinubuan ko naman siya at iyon tawa nang tawa dahil naiilang siya. Pinilit ko naman siya hanggang sa napapayag ko siya. Mabuti na lang talaga. Ayaw ba niyang pagsilbihan ko?
“Dahil tayo na, Meow, dapat may tawagan tayo,” hiling ko.
“Ano naman gusto mo?” tanong niya.
“Pili ka. Mahal? Bebe? Honey? Darling? Ma? Pa? Bhe? Ano pa ba? Umm? Lovie? Sweetie?”
“Iyong bago dapat! Iyong tayo lang dalawa ang may tawagan na ganoon sa mundong ito? Ang cute niyon.”
“Ahhh! Gusto mo bago tapos unique. Ito na lang! Ako si BU at ikaw naman si HAY para kung pagsamahin BU-HAY!” wika ko.
Pinisil niya ang ilong ko. “Bu? Wow! Ang cute, ha? Iba ka talaga ”
“Hay? Healthy ang iyong atay?” pagbibiro ko.
“Baliw!”
“Kiss mo ko, Hay, kahit sa cheek lang. Please.”
“Sure. Ipikit mo ang mga mata mo, Bu.”
Nang bahagyang ipipikit ko na ang mga mata ko ay bigla ba naman niya akong hinalikan sa labi. Napangiti naman ako at agad nagpasalamat sa ginawa niya. Ang saya ko lang.
~~~