4: Davao Doctor Hospital

2236 Words
QUEEN MERCURY ILANG BUWAN ANG lumipas, buntis na ako! Biro lang! Sa totoo lang, wala pang nangyari sa aming dalawa ni Stallionne. Hinahayaan ko lang ang sarili ko na mahalikan niya pero hanggang doon lang iyon. What I admire him, he respects me so much. Kailanman ay hindi siya sumobra. Ni hindi nga niya hiniling ang bagay na iyon. Pero kung hilingin man niya sa akin sa akin iyon ay wala rin namang masama. Hindi ikababa ng pananawa ko iyon sa kanya. Alam ko sa sarili ko na minsan ay nanggigigil na siya sa akin. Natatawa na lang ako dahil alam kong sa halik siya bumabawi. Halos lunukin na niya ang ang dila ko. Ang mas nakakabilib sa lalaking mahal ko, walang nagbabago sa ugali niya simula nang naging kami. Araw-araw niya pa rin akong pinapakilig. He always make sure na mapapaligaya niya ako at hindi siya bigo roon. Mas na iyong first monthsary naming dalawa kasi ipinakilala na niya ako sa parents at lola niya sa bahay nila. Sa totoo lang, grabe iyong kaba ko sa araw na iyon kasi ang taray ng mukha ng lola niya sa akin. First impression ko rito ay halimaw, pero kabaliktaran pala ang lahat kasi sobrang bait ni Lola. Itsura lang pala ang mataray dahil may mabuti iyong puso. Nararamdaman ko nga na gustong-gusto niya ako para sa apo niya. Kahit naman sina Tita at Tito ay magaan ang loob sa akin. Hindi nila ako pinakitaan ng hindi maganda. Noong nasa bahay ako nila Stallionne, mas nakilala ko siya. Nasaksihan ko kung gaano siya kabuting anak at apo. Sobrang mahal niya ang lolo niya. Ang nakatatawa lang sa kanya ay lagi niyang niloloko si Lola na para bang kaedad niya lang ang turing. Mukhang walang respeto tingnan kung baga, pero makikita mong sobrang mahal niya talaga kasi matapos niya ito aasarin ay agad niyang yayakapin at hahalikan sa noo. Ang sweet niya lang kaya mas akong na in love sa kanya. Katulad nang ginawa ni Stallionne, ipinakilala ko na rin siya sa pamilya ko at sobrang close na nila lalo na sa mga kapatid ko. Lalaki kasi ang mga kapatid ko kaya magkasundong-magkasundo sila. Minsan may LQ din kami kasi agad siyang nagtatampo kapag matagal akong naka-reply. Ang napansin ko sa kanya, seloso siya. Pero at the end of the day, hihingi rin naman siya ng patawad sa akin. Lalambingin niya ako hanggang sa wala pang minuto ay makukuha niya na agad ang loob ko. Ganoon ako karupok pagdating sa kanya. Ganito naman talaga siguro kapag mahal mo ang tao. Hindi mo kayang tagalan ang away niyo. Kunting suyo lang, bibigay agad. At least, hindi naman sobra iyong galit niya kapag nagseselos. Malalaman ko lang iyon kapag tahimik na siya. Minsan natatawa na lang ako sa nguso niya kapag nagtatampo. Para bang bata na hindi binigyan ng piso. Ang ganda ko nga sa part na ako ang magtataray sa kanya. Isa rin sa napansin ko na ugaling mas nagustuhan ko sa kanya, hindi niya pinapansin ang mga babaeng panay chat sa kanya. Tiningnan ko isang beses ang messenger niya at wala talaga siyang kababalaghan sa buhay. Sa sobrang gwapo niya, nagiging praning din ako minsan. Pero ngayon, hindi na. Kasi alam kong ako lang talaga. Focus siya sa dream niya at sa akin. Sana lahat na lang na isinali ko pa ang sarili ko. Ngayon, nandito kami sa isang studio dahil may photoshoot ulit siya ng underwear. Ito iyong first time kong mapanood siya na mag-brief kaya nanginginig na ang tuhod ko sa kaba na may halong excitement. Ewan ko ba! Kahit babae ako, hindi ako mahihiyang aminin na minsan na rin pumasok sa isipan ko na what if mag-se*x kaming dalawa? Pero hanggang isip lang naman ako dahil alam kong hindi ko rin naman iyon gagawin. Nakikita ko kasi sa mga pics niya na malaki iyong sa kanya kaya natatawa akong isipin na paano kung pumasok iyon sa akin. Napangiti naman ako rito sa kinaroroonan ko, natatawa lang ako sa sarili ko. Minuto ang lumipas, lumabas na si Stallionne sa dressing room. Pagtingin ko sa suot niya, nakasuot siya ng bathrobe. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na mapalunok ng laway. Ang hot niya lang tingnan. Paano na lang kaya kung tanggalin niya iyon? Diyos ko! Paano ba kumalma sa hotness ng boyfriend ko. Dahil nahihiya akong makita siyang tinitingnan ko siya, yumuko na lang ako. Lumapit naman siya sa akin at tinabihan ako. Sa totoo lang, nanginginig na ang tuhod ko. Pinagpawisan din ako nang wala sa oras at hindi talaga magawang tingnan siya. Sinandal naman niya ang ulo niya sa balikat ko. “Hay? Bakit ang tahimik mo?” tanong niya. “H-Huh? Hindi, ah! Busy lang ako sa f*******:, oh,” pagdadahilan ko. “Hindi naman iyan f*******:, ah? i********: iyan,” sabi niya. “Ay, sorry.” Napakamot na ako sa ulo. “Naiilang ka sa akin, ’no? Dahil sa bathrobe ko? Ang hot ko, ’di ba?Sanayin mo na ang sarili mo, Hay, kasi ikaw lang din naman ang makikinabang nito, soon!” Napaubo ako sa sinabi niya. “Baliw ka talaga.” “Bakit? Hindi ba? Tayo naman hanggang sa huli, ’di ba?” tanong niya. “Oo naman, Bu,” nakangiti kong sagot. Siya naman lang talaga. ”So ikaw pa rin ang makikinabang ng lahat ng ito kapag gagawa na tayo ng maraming-maraming babies,” sabi niya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya dahil siguradong-sigurado na talaga siya na ako ang babaeng papakasalan niya. Sana nga kami hanggang sa huli. Napakasuwerte ko lang kung mangyari iyon. Stallionne is beyond perfection. Ang sarap niyang mahalin maliban sa literal siyang masarap. Hala! Anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan na siya. “I love you, Bu, sobrang salamat sa pagmamahal mo sa akin. Anyways, may pasa ka sa braso.” “H-Huh? Saan?” tanong niya. “Sa braso mo. Hahawakan ko, ha?M-Masakit ba?” “Nope. Hindi naman.” Tiningnan niya ito at hinawakan. “Hala! Saan ito galing?” “Hindi ka natamaan ng kahit ano? O may nanghampas sa iyo?” “Natamaan oo.” “Ng ano?” nag-alalang tanong ko. “Hindi ng ano, Hay, ng sino dapat. Sa iyo po, Hay,” nakangiti niyang sabi. “Ano ba! Iyong totoo, Bu?” “Wala akong natatandaan talaga, Hay. Hayaan muna iyan. Gwapo pa rin naman ang Bu mo kahit may pasa pa siya.” Napangiti na ako. “Tama nga naman! Sobrang gwapo ng my only Bu ko.” Minuto ang lumipas, tinanggal na ni Stallione ang bathrobe na suot niya at ibinigay niya na iyon sa akin. Ang sabi kasi ng photographer at director ng shoot ay magsisimula na siya. Iyong feeling na hindi ako makapagsalita kasi naiilang ako. Ang gwapo lang kasi ng boyfriend ko lalo na ngayong naka-underwear lang siya sa harapan ko. Nakaiilang iyong bakat niya. Ang laki nga! Sa zoom ko lang iyon natitigan noon, ngayon, nasa harapan ko na. Para bang may waffles sa loob. “Hay? Maganda ba?” tanong niya sa akin. Tumango lang ako, ngunit binulungan pa niya ako. “’Wag ka kasi maiilang.” “Oo na! Bu, magsisimula na kayo. Pumunta ka na roon sa harapan,” sabi ko. Tumango siya at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos, dumiretso na siya sa photoshoot. Pagdating niya roon, nagsimula na sila agad. Kahit hindi ko intensyon na tignan iyong ano niya ay mapapatitig na lang ako dahil sa laki ng bakat sa brief na suot niya. Tumingin siya sa akin at kinindatan ako. Ang ginawa ko, nginitian siya at kinawayan. Nang natapos ang first shoot, nagbihis na naman siya ng bagong underwear. Kung kanina ay puti ang suot niya, ngayon naman ay itim. Kahit anong kulay naman ang suotin niya ay bagay naman sa kanya. Wala naman kasi siyang katulad. Oras ang lumipas, tapos na ang lahat ng shoot niya kaya pwede na kaming umuwi. Pagpasok namin sa elevator, nanlaki ang mga mata ko nang may tumulong dugo sa ilong niya. “Bu, may dugo sa ilong mo. Tumingala ka muna para huminto,” sabi ko. Nang makalabas na kami sa elevator. Naghanap agad ako ng mauupuan. Pinaupo ko muna ang kasintahan ko kasi sobrang nag-aalala ako sa kanya. Kinuha ko naman iyong tissues sa bag ko at pinunas sa ilong niya. “Bu, wala ka bang sakit na nararamdaman sa katawan mo?” tanong ko. Umiling-iling siya. “Wala, Hay, ang lusog ko kaya. Baka sa init lang ito ng panahon... Parang pagmamahalan nating dalawa.” “Tsk! May gana ka pang mambola!” Hinawakan ko ang pisngi niya. “Nag-aalala na nga ako sa iyo. Magpatingin ka na lang kaya total malapit lang naman tayo sa hospital, tara na...” “Ayoko! Natatakot ako! Promise, Hay, walang masakit sa katawan ko kahit bugbogin mo pa ako ngayon.” “Sige na, naniniwala na ako sa iyo... Basta! Sabihin mo lang sa akin kong may sasakit sa iyo, ah?” “Okay po, kiss mo ako, Hay,” paglalambing niya. “Sure.” Hinalikan ko siya sa pisngi. “I love you.” “Tara na, Hay, kasi gumagabi na.” Nasa sasakyan na niya kami at nasa kalagitnaan ng traffic. Bigla naman akong kinabahan dahil sobrang seryoso niya. Sa totoo lang, ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganito. Sa tuwing nagseselos siya, seryoso siya pero hindi ganito katahimik. Parang may kakaiba. Ano kaya ang nasa isipan niya? “Bakit ba ang seryoso mo, Bu?” lakas-loob kong tanong. “May itatanong lang ako, pero sana ’wag ka maiilang, ha? Reresputuhin ko naman ang sagot mo kasi sobrang mahal kita,” sabi niya. “Ano ba iyan? Kinakabahan na tuloy ako.” “Pero promise, Hay, hindi ako magtatampo sa iyo kung ano man ang sagot mo.” “Hoy, Bu! Ano ba ang itatanong mo?” “Ganito kasi... Nahihiya ako.” “Ano, Bu?” “S*x tayo. Isang beses lang. Please,” nakapikit niyang sabi. Napanganga ako sa sa sinabi niya at nagpanggap na walang narinig. Natatakot kasi ako dahil masakit daw iyon sabi ng mga kaibigan ko. At isa pa, hindi pa talaga ako handa sa ganoong bagay kahit minsan may time na gusto ko iyon. Hinawakan niya ang kamay ko kaya tumayo ang balahibo ko. “Ano, Hay? Okay lang naman kung ’di ka pa handa. ’Di ako magtatampo.” “Kasi...” “So hindi ka pa handa? Okay lang. Nirerespeto ko iyon,” “Okay lang talaga sa iyo, Bu? Hindi ka magtatampo?” “Mahal kita at maghihintay na lang ako sa text mo kapag ready ka na. To the rescue lang ako,” pagbibiro niya. “Baliw ka talaga, pero salamat sa pag-iintindi sa akin, ha?” “Welcome, Hay. I love you.” Dahil nasa stop pa ang traffic light ay hinalikan niya muna ako sa labi. Naghahalikan na lang muna kami at doon inilabas ang mga panggigil namin sa isa’t isa. Minuto ang lumipas, may bumisina na kaya tawa lang kami nang tawa. Nang umilaw na ang green light, pinaandar na niya ulit ang sasakyan. Habang nasa biyahe, iniisip ko iyong pagyaya ni Stallionne kanina sa akin. Hindi ko talaga kaya kahit anong pilit ko baka mabuntis pa ako nang hindi pa nakapagtapos. Ano na lang ang masasabi ng parents ko? Naming dalawa? I really love Bu so much, but hindi naman tama kung mahal mo ang isang tao ay agad kang hihiga at bumukaka. Minsan isipin din natin ang kalabasan ng pansandaliang kaligayahan na iyon. At sobrang saludo lang ako sa mahal ko kasi nirerespeto niya ang pagtanggi ko. Kumanta naman siya ng favorite song niya na Kanlungan ni Noel Cabangon kaya kinikilig lang akong tinitingnan siya. May maganda rin kasi siyang boses kaya ang sarap niyang pakinggan. “Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno't halaman Bakit kailangan lumisan.” “Ang galing, ha?” pagpuri ko. “Ano ba iyan! Nahihiya tuloy ako.” “Cute mo talaga kaya sobrang mahal kita, e.” Oras ang lumipas, nakarating na kami sa bahay. Dahil sa sobrang traffic kanina kaya natagalan kami. Magkasabay naman kaming pumasok ni Bu sa bahay para magmano siya kina Mama at Papa. Ang sweet niya, ’di ba? Iyan ang pinagmamalaki kong boyfriend. Basta dabawenyo, maginoo! “Bu, uwi ka na dahil gabi na. Baka hahanapin ka na ni Lola,” sabi ko. “Hala po, oh! Papauwiin na ako ng anak niyo.” Ngumiti siya. “Biro lang po! Sige na po, future mother and father in laws. Uuwi na po ako kasi magagalit na ang misis ko.” “Okay, Dong. Ingat.” Hinatid ko na si Stallionne sa labas. “Paano iyan... Umuwi ka na at huwag ka ng pumunta sa kahit saan, ha?” Niyakap niya ako. “Opo, my Hay.” “Bu, ingat ka. I love you. Good night.” Bumuwag na siya sa pagyakap sa akin. “I love you too, Hay. Sige na, aalis na ang asawa mo. Good night!” “Bye! I love you again! Ingat.” Having that kind of boyfriend ay isang napakalaking biyaya na bigay ng Diyos sa akin. Sobrang sarap lang niya talaga mahalin. Nasa kanya na ang lahat. Salamat sa Diyos dahil ipinagkaloob niya sa akin ang nag-iisang Stallionne Rodriguez. Ang lalaking iibigin ko habang-buhay. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD