4.1: Davao Doctors Hospital

2165 Words

STALLIONNE Pag-uwi ko sa bahay galing kina Mercury ay bigla akong pinagpawisan. Ang ipinagtataka ko, hindi naman ako nakaramdam ng init sa katawan. Kung tutuusin ay giniginaw ako dahil malalim na ang gabi at nakabukas pa ang aking mga bintana. Isinara ko na ang bintana at binuksan ang aircon. Nang naramdam na ako ng lamig ng aircon ay pinagpawisan pa rin ako. Ano ba ito? Bakit parang may kakaiba sa nararamdaman ko? Hindi naman ako ganito? Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang beses na nagkakaganito ako. May lagnat kaya ako sa loob? Pero hindi rin naman ako nanghihina. At isa pa, walang sinyales. Ang lakas ko pa nga! Bumuntonghininga na lang ako at napag-isipan na matulog na lang. Baka ito na iyong sinyales na nasira na nga ang mundo dahil sa kagagawan ng mga tao. Climate change kung baga?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD