Nandito na kami sa Prisento dahil gusto talaga akong ipakulong ni Selena. Gusto ko na lamang matawa sa nangyayaring ito. "Miss Ledesma, puwede po kayo magbigay nang iyong pahayag upang maipagtanggol mo rin ang iyong sarili. Saka maya-maya po ay nandito na rin si Miss Mendoza." Tumingin lang ako sa pulis na kaharap ko. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang hinihintay namin. "So! Nahuli ka na rin sa wakas. Ano nasan ang yabang mo ngayon? Masyado ka kasing nagmamayabang isa ka lang naman hamak na Nurse. At ako pa talaga ang kinalaban mo. Mukang nalunok muna ang dila mo. Kasi hindi ka na makapagsalita," pauyam na wika nito. Tumawa ako ng malakas sa mga sinabi ng babaeng kaharap ko. "Miss Mendoza, kailan lamang tayo nagkita ay namis mo na agad ako? Iniisip ko tuloy may pagtingin sa