Alas-otso ng gabi ay nandito pa rin ako sa bahay ng aking Lola. Nakiusap kasi ito na dito muna ako matulog. Kaya sumang-ayon na lamang ako sa nais nito.
Pumasok na lamang ako sa aking kwarto at lumapit sa bintana upang sumagap ng hangin na pang gabi. Biglang kumunot ang aking noo nang makita kong may tao sa labas ng naming gate, pansin kong gusto nitong pumasok sa loob. Kaya agad ako kinutuban.
Pasimple akong umalis sa harap ng bintana at kumuha ng baril, nakita ko rin ang kutsiluo at ang maliit na flashlight.
Sumampa ako sa binta upang makalabas ng bahay. Hindi naman ako makikita dahil nakapatay ang ilaw dito sa aking kwarto. Hindi rin ako mapapansin dahil nakasuot ako damit na kulay black. Marahan akong lumapit sa gate na kawayan.
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid at baka kasi may ibang tao pa na makakita sa akin. Nang masiguro kong ako lamang ang nandito ay agad akong lumapit sa pader.
Hindi naman kataasan ang pader kaya mabilis lang akong nakatawid. Tumalon ako malapit sa lalaking na pasilip-silip sa gate namin.
Ha?" gulat ng lalaki sa biglang pagsulpot ko sa kanyang harapan.
Mabilis ang mga pagkilos ko. Umikot ako sa ere sabay sipa sa mukha ng lalaki. Isang flying kick din ang ibinigay ko rito at bumagsak ang lalaki na namimilipit sa sakit nang matamaan ko ang leeg niya. Lumapit ako rito at hinawakan ko ang kuwelyo ng damit niya sabay hila papalapit sa akin.
"Sino ka?" tanong ko na may kasamang babala.
"N-napadaan lang po ako," sagot ng lalaki.
"Uulitin ko ang tanong. Sino ka? At ano ang ginagawa mo rito ng ganitong oras ng gabi?" mabalagsik na tanong ko.
"Nagsasabi ako ng totoo. Kaya puwede ba pakawalan muna ako," wika ng lalaki.
"Huwag mo akong pinagloloko dahil maikli lang ang pasensya ko," mariing wika ko.
Ngunit ngumisi lamang ang lalaki sa aking sinabi at para bang minamaliit ako nito. Kaya sa inis ko sa lalaki ay hinila ko siya sa madilim na bahagi. At Inilabas ko ang kutsilyong dala ko.
"Ibabaon sa katawan mo ang kutsilyong ito oras na mali ang sagot mo sa lahat ng mga tanong ko sa 'yo. Ngayon uulitin ko ulit ang tanong ko sa 'yo. Sino ka? Anong ginagwa mo sa lugar na ito?" mapang-usig na tanong ko.
"Ang kulit mo! Sinabi ngang napadaan lang ako sa lugar na ito," mabayang na sagot ng lalaki.
Hindi na ako nag-isip. Inilapit ko ang hawak kong kutsilyo sa braso ng lalaki sabay hiwa roon.
"Peste kang babae ka!" sigaw nito.
Agad kong tinakpan ang bibig nito gamit ang panyong na sa aking ulo upang hindi makalikha ng ingay.
Huwag mong hintayin na mabaliw ako at baka maaga kang mamatay. Tresspassing ka sa lugar na ito. Kaya hindi mo ako maloloko. Uulitin ko uli ang tanong. Sinong nag-utos sayo?"
Inalis kong muli ang panyo sa bibig nito upang makapagsalita ito.. "Huwag kang maingay baka magulat ako at mabutas ako ang leeg mo," babala ko rito.
"Hindi ka rin makulit o sadyang bingi ka? Napadaan lamang ako sa lugar na ito," mayabang na sagot ng lalaki.
Hindi na ako nag dalawang isip at walang salita na binaon ko ang kutsilyo sa hita ng lalaki. Sabay pasak muli ng panyo sa bibig nito. Namilipit ito sa sakit ngunit hindi ko iyong pinansin dahil alam kong kalaban ito
"Ano kaya pa ba?" tanong ko.
Nakita kong may sasabihin ito kaya inalis kong muli ang panyo sa bibig nito.
"P-patayin muna lamang ako."
"Huwag muna dahil nag-eenjoy pa ako."
Inilabas ko ang maliit kong flashlight upang tingnan ang braso ng lalaki. Oktagon din ang tattoo ng lalaki. Tama nga ang hinala ko. Tumingin muli ako sa lalaki.
"Ayaw mo talagang magsalita? Madali naman akong kausap."
"Wala naman akong sa sabihin sa 'yo dahil wala akong alam. Saka totoong padaan lang ako rito. Kaya patayin muna lang ako ng matapos na," galit na wika nito.
"Okay," sagot ko.
Isinaksak kong muli ang ang kutsilyo sa kabilang hita nito. At kitang-kita kong halos mamilipit ito sa sakit. Mukhang matigas at walang balak na umamin. Kaya inilabas ko ang baril ko at tinutok sa sugat niya sa kanyang hita.
"Aahhhhh!"
Mukhang natakot ang lalaki sa aking gagawin. Kaya ngumisi ako rito.
"Gagawin ko ang nararapat sa 'yo, ikaw kasi ayaw mo pang umamin sa akin masasaktan ka tuloy ng sobra," wika ko.
Tinunok ko ang baril sa sugat ng lalaki sabay kalabit ng gatilyo ng baril ko na siyang kinapilipit niya sa sakit. At
diniin ko rin ang dulo ng baril ko sa sugat niyang nagdurugo. Para maramdaman niya ang sakit.
"Aamin na ako," nahihirapan nitong wika.
"Good! Aamin ka rin naman pala pinahirapan mo pa ako. Sino ang nag-utos sayo?"
"Iyong anak ni Mayor. Si Selena Mendoza. Siya ang nag-utos sa akin na patayin si Shy Ledesma. Ang Apo ni Beth Ledesmas."
"Ooh, I see! Isang mahirap na tao lang si Shy Ledesma. Bakit siya pinag-aaksayahan nang panahon ng amo mo?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam! Pakawalan mo na ako dahil nasabi ko na sa 'yo ang totoo." wika nitong hirap sa pagsasalita.
"Ahhh! Mabuti na lang pala at wala dito si Shy Ledesma. Kung nagkataong nandito siya ay siguradong napatay mo na siya.
Okay, para naman patas tayo. Magpapakilala rin ako sayo.
Ako ang bantay sa lugar na ito kapag ganitong oras ng gabi, kung baga ako ang tanod rito.
Ngayon, bilisan mong umalis sa harap ko at baka magulat ako ay makalabit ko ang gatilyo ng hawak kong baril at baka maaga kang sunduin ni kamatayan," pagbabanta ko.
Nakita ko siyang nagmamadaling umalis sa harap ko. Halos madapa nga ang lalaki makalayo lang sa akin.
"Selena Mendoza!" Malakas kong sambit.
Kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan si Robert. Ipadala
mo si Uno at Dos dito. Sapagkat delikado ang pamilya ko, hindi nila kailangan magpakita sa kina lola. Ang gagawin nila ay sunda ang pamilya kong saan pupunta.
"Sige, Ma'am Shy, papapuntahin ko na agad sila diyan ngayon din."
Naglakad na ako sa madilim na parte at bumalik sa loob ng aking kuwarto. Nagtungo ako sa cr upang maligo dahil malansa ako gawa sa dugo. Dito na muna ako matutulog habang walang bantay sa pamilya ko.
Nagising ako sa mgavkatok sa pinto ng aking kuwarto. Kaya bumangon ako upang binuksan ang pinto.
"Apo, may naghahanap sayo," wika ni Lola.
Pansin kong kabado ang Mukha nito. Kaya panakunot ang noo ko.
"Sino po?" tanong ko.
"Mga pulis, kasama rin nila si Governor Adam. At gusto ka raw makausap. Shy ito na nga ang sinasabi ko sayo,"wika ni lola.
"Huwag po kayong matakot Lola," wika ko.
Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas ng kuwarto ko. Lumapit ako sa mga panauhin ko.
May maipaglilingko po ba ako?" Mahinhin kong tanong.
"May tao po kasing nagreklamo sayo, Miss Ledesma. At ang taong ito ay sis Miss Selena Mendoza. At ayon po sa kanyang reklamo ay minura mo siya at pinahiya sa maraming tao. At pinagbuhatan mo rin nang kamay. Sa katunayan po ay may dala kaming Warrants of arrest."
Kinuha ko ang warrant of Arrest, upang tingnan. Umiiling ako ng makita kong fake iton.
"Okay, sasama ako sa inyo," wika ko.
"Magbibihis lang po muna ako Sir. Huwag po kayong mag-alala hindi ako tatakas."
Tumingin ako kay Governor. Nakatingin siya sa akin, katakot-takot na irap ang binigay ko rito bago akong tumalikod. Nagpunta ako sa kuwarto agad kong kinuha ang cellphone ko at naglagay din ako ng kutsilyo sa ilalim ng sapatos ko at maliit na tracking device sa tainga ko. Kinuha ko ang mini gun ko at inilagy sa loob ng bra ko.
Lumabas ako ng kuwarto. Nakita ko si lola kasama ang pinsan ko. Nag-aalalang ang mga itsura ng mga ito.
"Pinsan, tetistigo ako sayo," wika ni Amie.
"Iyan ang huwag na wag mong gagawin Amie," wika ko rito.
"Pero pinsan! Paano ka naman? Ayaw kong makulong ka."
"Sshh~ kaya ko ang sarili ko. Si Lola, alagaan mong mabuti," bilin ko.
Lumakad na ako sa mga naghihintay na mga pulis. Nakatingin pa nga sa akin si Governor habang papalapit ako.
"Maaari ko bang makausap muna si Miss Ledesma?" tanong ng lalaki sa mga pulis.
"Sige po, Governor."
''Follow me!"pa-bruskong utos ng lalaki sa akin.
Sumunod ako rito. Pumunta kami sa likod bahay. Hindi ko alam kong ano ang sadya sa akin nang lalaking ito.
"Wala ka bang balak humingi ng tulong sa akin, Miss Ledesma?" tanong nito.
Sa tono ng pananalita ng lalaki ay alam kong may kapalit ang pagtulong niya sa akin.
"Huwag na tayong mag lokohan, Mr. Smith, alam kong sa pagtulong mo sa akin ay mayroong kapalit. Hindi ka marunong magtago nang pagnanasa mo sa akin," wika ko.
Tumawa ng malakas ang gwapong Governor.
"s**t na s**t! Bakit ang guwapo ng lintik na lalaking ito?" Mahina kong bulong at tanong sa aking sarili.
"Wala naman masama sa hihinging kong kapalit sa 'yo? Pag-isipan mong mabuti, Miss Ledesma," mapang-akit na anas nito.
Lumapit pa nga sa akin ang lalaki at ramdam ko ang mainit na labi nitong dumampi sa akin pisngi.
"Ikaw ang kakaibang babae na nakilala ko. Alam mo bang nag-iinit ang katawan ko sa 'yo kapag nakikita kita," paos na bulong ng lalaki.
Nagulat ako nang marahang kinagat nito ang punong tainga ko. Hindi naman ako na saktan. Ngunit iba ang kabog ng dibdib ko. Nanigas din ang buong katawan ko sa ginagawa ng lalaki. Hindi nagtagal at umalis din siya harap ko. Nakita ko na lamang na papalayo na ito sa kinaroroonan ko.