Alas-otso inpunto ng umaga. Mabuti na lang at nakarating ako sa tamang oras dito sa bahay ni Boss Zach. Nagsidating na rin ang mga kasamahan kong Agent. Nabaling ang tingin ko kay Agent Bell, na papalapit dito sa pwesto ko. Nakasuot ang babae ng malaking salamin sa mata at mahaba rin ang suot na palda ni Bell.
Nerd kong tawagin si Bell ng mga taong nakakakita rito. Ngunit mapapanganga at mamamangha kapag nakita na ang tunay na anyo ni Agent Bell. Wala akong masabi kapag nasa gitna na nang labas ang Agent na ito.
"Hi, Shy! Pagbati ni Bell.
Gumanti ako nang ngiti sa kasamahan kong Agent.
"May bagong ka bang Mission?" tanong nito.
"May ibibigay daw si Boss Zach," sagot ko.
"Sabi ni Boss Zach lahat daw tayo ay mayroon hahawakang kaso," wika ni Bell.
"Wow!" sagot ko na lang kay Bell.
Nakita kong papalapit si Boss Zach. At pinagbibigyan kami ng folder. Sampo kaming Agent ang nandito. Wala pa nga iyong iba dahil nasa mission pa rin.
"Shy, ikaw muna ang uunahin ko, follow me."
Tumayo ako at sumunod sa Boss ko. Umupo ako sa sofa at binuklat ko ang hawak kong folder. "Oktagon Syndicate," malakas kong bigkas.
Napakunot ang noo ko at tiningnan ko rin ang mga picture ng mga babae.
"Sila ang mga OFW na nawawala. May mga OFW na rin ang mga natagpuan kaya lang ay wala na silang buhay," pahayag ni Boss Zach.
Kinuha ko ang isang picture ng babae nakataas ang damit, at wakwak ang tiyan. Hindi ko alam kong inaswang ba dahil sa sobrang laki ng hiwa sa tiyan.
"Mayor Lucas Mendoza. Alam kong kilala mo siya Agent. Dahil siya ang Mayor sa bayan ninyo. Siya ang pinaghihinalaan na utak sa crimen na ito baka isa rin siyang leader ng Oktagon Syndicate, wala pa naman tayong matibay na ebidensya.
At ito ang sinasabing kanang kamay ni Mayor. Si kapitan Luis Reyes. Alam kong kilala mo rin siya dahil kapitan din siya salugar ninyo," pahayag ni Boss Zach.
Binuklat ko ang dala kong bag at kinuha ang brown envelope sa loob. Mabuti na lang hindi ko ito na inalis dito sa bag. Agad kong ibinigay kay Boss ang brown envelope
"Saan ito galing?" tanong ni Bos.
"Nagkaroon kasi kami ng encounter o nagkasagutan ng anak ni Mayor. Ang malala pa'y nagbabanta pa ang bruha. Kaya pina-imbestigahan ko. Ayon sa usap-usapan ng mga tao sa lugar namin ay madali lamang nilang naipapakulong ang mga tao. Hawak din nila ang mga kapulisan kaya madali na lang nilang nagagwa ang naisin," pahayaag ko.
Tiningnan ni Boss Zach ang mga dala kong papel. "So, hindi pala alam ni Governor Smith, na mayoong pagawaan ng druga sa kanyang na sasakupan. Sabagay hindi siya basta makakilos dahil isa siyang Governador," wika ni Boss.
"Ang ibig ninyong sabihin Boss. Si Governador Smith ang lumapit sa iyo upang humingi nang tulong sa kasong iyan."
"Yeah! Pero alam kong kumikilos din siyang mag-isa, dahil sa aking pagkakaalam ay dati siyang FBI sa ibang bansa. Wala rin nakakaalam kong bakit siya nagbitaw sa pagiging FBI. Sa bagay sa daming negosyo ng Pamilya nila," wika ni Boss.
"Sa iyo ko ibibigay ang kasong ito, dahil alam kong alam mo ang mga pasikot-sikot sa lugar ninyo. Nandito ang mga kailangan mo, Agent, mag-iingat ka," wika ni Boss.
"Salamat, Boss!"
Agad kong kinuha ang bag na naglalaman ng mga gagamitin ko sa mission ko. Tumayo ako at nagpaalam na sa aking Boss.
Agad akong sumakay sa aking kotse. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Robert. Mabilis naman sinagot ng lalaki ang aking pagtawag.
"Na paamin na ba ninyo?" tanong ko kay Robert.
"Ma'am Shy, hindi raw nila kilala kung sino ang pinuno nila."
"Itanong mo sa kanila kong saan ang kuta nila, mukang mga taga bundok ang mga iyan. Tawagan mo ako agad kong may makuha kang impormasyon," utos ko.
"Sige po Maam Shy."
Pinatakbo ko na ang kotse ko. Hindi ako naniniwala na walang alam si Governor. Kung hindi ako nagkakamali sa aking kutob, na kaya lang lumapit si Governor kay Boss Zach. Upang mabuwag ang grupo ng Oktagon. Malaking tulong ang magagawa ni Boss Zach.
Salaki nang kinabibilangan kong organisasyon ay alam kong kayang-kayang mabuwag ang Oktago group. Hindi lang kami basta Agent lang dahil bihasa kami sa pakikipaglaban. Ngunit ang isa sa mga kinakatakot naming mga Agent ay ang hindi na makauwi ng buhay. Kahit na sabihin magaling sa pakikipaglaban, eh, paano na lang kong abutin ng kamalasan.
Umuwi muna ako sa bahay ko para kumuha nang ilang gamit na kakailanganin ko. Agad na nagbiyahe ako pabalik ng Quezon province. Maghahanap muna ako ng pwede kong matuluyan, hindi kasi ako puwedeng magtigil sa bahay ng Lola ko. Hindi ako makakilos nang maayos kapag doon ako mamalagi.
Kailangan ko rin pag-aarlan itong kasong hawak ko. Itinigil ko ang kotse sa tapat ng isang paupahan. Titingnan ko kong bakante pa. Kinuha ko ang sunglasses ko at isinuot ko bago mulabas. Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumapit sa isang matanda upang magtanong.
"Manang, puwede ba akong magtanong."
Tumingin siya sa akin. "Anong ba ang maipaglilingkod ko sayo, hija?" tanong ng Matanang babae.
"Itatanong ko lang po kung may bakanteng paupahan pa po kayo?"
"Ayy, oo ineng," wika nito.
"Puwede ko po bang makita, dahil balak ko na pong lumipat ngayon araw din," wika ko.
"Sumunod ka sa akin, Hija, at ipapakita ko sayo."
Kaya sumunod ako sa matanda. Pumasok kami sa maliit na gate. Hindi masyadong kalakihan ang bahay, kaya tama lang ito sa akin, habang nag iimbestiga sa kasong hawak ko. Sana'y makakuha agad ako ng mga ebidensya nang matapos na agad.
"Ngayon ka na ba lilipat, hija?" tanong ng matanda.
"Opo," sagot ko.
"Sige at ipapalinis ko agad itong bahay, hija."
Bumalik ako sa loob ng kotse para ipasok sa gate, mabuti na lamang at mayroong paradahan dito ng kotse. Hindi naman ako naghintay ng matagal. Natapos na rin silang maglinis kaya pumasok na ako sa loob ng bahay ko. Inilabas ko ang mga gagamitin ko.
Kinuha ko ang sa brown envelope upang pag-aralan ang kasong hawak ko. Tiningnan ko ang picture ni Luis Reyes. Dito ako magsisimula. Mayroong tatlong anak at puro mga babae. May dalawang groceries store sa bayan.
May dalawang bakery shop. At dalawang taon pa lang sa pagiging kapitan, pero ganito na agad ang naipundar niya. Bago siya humangad ng kapitan ay isang sari-sari's store lamang ang mayroon siya. Ang bilis naman niyang makaipon ng pangnegosyo.
Tumingin ako sa relong pambisig ko. Alas kwatro ng hapon na pala. Nagpalit ako ng damit, kinuha ko rin ang baril ko at inilagay sa bewang ko. Maluwang naman suot kong damit.
Kinuha ko ang sombrero at sunglasses ko.
Lumabas ako ng bahay at inilock ko ang pinto. Naglakad ako papunta sa sakayan ng trycle pupuntahan muna ako sa bahay ni Lola. Mabilis lang akong nakarating sa bahay ng lola ko.Tuloy-tuloy akong pumasok sa kabahayan. Naaninag ko agad si Lola na nanood ng tv.
"Lola!" tawag ko.
Gulat ang nakikita ko sa mukha ng lola ko. Masayang lumapit sa akin si Lola at mahigpit akong niyakap.
"Shy! Nandito ka na uli?"
"Mayroon kasi kaming medical mission sa bayan, Lola," wika ko.
Jusko, sana'y mapatawad ninyo ko sa aking pagsisinungalin. Ayaw ko lang mag-alala ang lola ko. Mas lalong ayaw kong mapahamak siya dahil ito na lamang ang mayroon ako.
"Dito ka ba magtitigil, Apo ko?" tanong ni lola.
"Hindi po Lola. Dumaan lang po ako rito."
"Dito ka na lang kumain ngayon gabi Apo," paglalambing ng Lola ko.
"Sige po."
"Shy nalaman ko ang nangyari sa inyo ng Anak ni Mayor. May mga pumuntang pulis dito at gusto ka nilang ipakulong. Sa kadahilanang na pinaratangan mo raw siya nang masasakit na salita," anas ng Lola ko.
"Ano'ng sinabi po noong nalaman na wala ako rito?"
"Pauwiin daw kita at harapin mo ang kasong isinampa ng anak ni Mayor. Natatakot ako para sa 'yo Apo ko. Baka bigla ka na lang damputin ng mga pulis at ikulong.
"Huwag po kayong mag-alala Lola. Wala po akong kasalanan, kaya wala silang karapatan na ikulong ako," pagpapalubag loob ko sa lola ko.
"Marami silang salapi, Apo. Kaya nilang baliktarin ang batas."
"Huwag kayong mag-alala lola ako ng bahala sa lahat."