Your Mine 2

1722 Words
"Shy apo!" narinig kong patawag sa akin ni lola. Kaya nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. Nakita ko agad na papasok ng bahay si Lola. Nakangiti kong sinalubong si lola Beth "Lola Beth!" masayang pagtawag ko sa mahal kong lola. Hindi maipaliwanag ang tuwa na nakikita ko sa mukha ng lola ko. Kaya mahigpit din akong niyakap rito. "Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka ngayon Apo ko. Mabuti naman at naisipan mong magbakasyon," nagtatampong wika nito. "Lola, huwag ka ng magtampo nandito na nga ako," wika ko na may paglalambing. "Magtatagal ka ba rito, Apo?" tanong nito. "Hindi ko po alam Lola ang mahalaga po ay nandito na po ako," wika ko. Tumango siya sa akin. "Sana naman ay tumagal ang bakasyon mo rito," pahayag ni lola. Hindi na lamang ako nagsalita sa pahayag ni lola dahil hindi ko rin alam kung magtatagal ba ako rito. "Pahinga ka na muna Shy alam kong pagod ka sa biyahe. Magluluto muna ako ng paborito mong ulam," wika ni lola. "Sige po lola," sagot ko rito. Umalis na si Lola sa harapan ko at pumunta ng kusina. Magpapahinga muna ako dahil inaantok ako. Kaya tumayo na ako upang pumunta sa aking kuwarto agad akong nahiga sa kama at tuluyang ipinikit ang mga mata. Nagising lamang ako sa mga katok sa pinto ng aking silid, tinatamad pa nga akong bumangon dahil inaantok pa ako. Kaya pikit matang binuksan ko ang pinto. "Pinsan, pinasasabi nga pala ni Lola Beth na sabay-sabay na raw tayong kumain," wika ni Amie. Tumango lang ako rito. Kaya kahit inaantok pa'y nagpumilit akong lumabas ng aking silid upang sabayang kumain ang lola ko Naging masaya ang hapon namin tatlo habang masayang nag-uusap. Ito ang namimis ko lalo na kapag nakabalik na ako sa Manila. Gusto ko na ngang isama si Lola sa Manila. Pero ayaw naman iwan ni Lola ang bahay ito. "Mga Apo, ako ay aalis muna dahil pinababalik pa ako ni Mrs. Smith sa mansiyon at baka roon na rin ako matulog ngayon gabi, mag-iingat kayo rito," wika ni Lola. "Lola, bakit babalik ka pa roon? Ano bang meron doon Lola?" tanong ko. "Birthday kasi bukas ni Mrs Smith. At ang gusto ng mag-asawa ay ako ang magtitingin pagdating sa mga pagkain, 'di ba sinabi ko na sa iyo dati na mas may tiwala sila sa akin pagdating sa mga pagkain na lulutuin. Saka marami ko naman magiging kasama roon," paliwanag ni Lola. "Lola ayaw ko lang na mapagod ka nang sobra lalo na at may edad ka na po, ang gusto ko nga ay dito ka na lamang sa bahay," turan ko. "Sos! Ikaw na bata ka, lalo lamang akong manghihina kapag nandito lang sa bahay," katuwiran nito. Umiiling na lang ako rito. Kahit kailan talaga hindi ako mananalo kay Lola pagdating sa debati. "Sino ho ba ang kasama ninyo papunta roon sa bahay ng mga Smith?" tanong ko. "Si Mareng Sita. Dadaanan daw ako rito kaya huwag na kayong mag-alala sa akin, malakas pa ako," pagyayabang nito. "Mag-iingat na lang po kayo roon Lola." Pumunta na rin ako sa aking silid para makapagpahinga na. Nagising lang ako sa ingay sa labas ng bahay. Hindi na rin ako muling nakatulog pa. Kaya lumabas na lamamg ako ng aking silid, nakita ko agad si Amie na busy sa pagluluto. "Good morning, Cousin!" bungad na pagbati ko. "Good Morning din, tamang-tama at maluluto na itong umagahan natin, maupo ka na rito at nang makakain na tayo. Siyanga pala tumawag si lola Beth hindi pa raw siya makakauwi ngayon," wika ni Amie. Tumango na lang ako rito. "Bakit ba parang ang ingay sa labas ng bahay pinsan?" tanong ko rito. "Naku! Ang mga taong dumadaan na papunta sa bahay ni Mrs. Smith. Lahat ay invited sa kaarawan ng Ginang, alam mo bang karamihan sa mga pumupunta roon ay mga kadalagahan sapagkat gusto nilang masilayan si Governor Smith. Baka raw kasi isa sa kanila ay magustuhan ng guwapong Governor. Ang tataas nang lipad, lalo na iyong anak ni Kapitan na nagfefeeling maganda wala na naman i-gaganda pa," inis na wika ni Amie. Napapangiti na lang ako sa itsura ng mukha ni Amie. Mukang inis na inis ito sa anak ni Kapitan. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na rin ako rito. Pumunta ako sa maliit na sala at naupo. Kinuha ko ang cellphone ko upang alamin kong may mensahe sa akin ang boss ko. "Pinsan gusto mo bang sumama?" tanong sa akin ni Amie. "Saan?" nakakunot-noo na tanong ko. "Pupunta ako ng ilog, para kasing ang sarap maligo ngayon," wika nito. "Sige, sasama ako!" masayang sagot ko. "Namamadali akong pumunta sa kuwarto upang magpalit ng kasuotan, isang short na hanggang hita at black t-shirt ang napili kong isuot." "Let's go, cousin!" Sigaw ko. Nakita ko siyang may dalang basket. "Ano ang mga iyan?" tanong ko. "Mga pagkain natin ang mga dala ko at baka kasi magutom tayo roon." Naglakbay ang mata ni Amie sa kasuotan ko. "Dapat nagsuot ka ng pajama insan ang init sa daraanan natin. Lalo na mamaya kapag-uumuwi na tayo," puna nito sa aking suot. "Okay na itong suot ko, Pinsan," wika ko. Hindi na muling nagsalita si Amie. Lumakad na lang kami patungo sa ilog. "Hindi ba pinagbabawal maligo sa ilong at dumaan dito sa lupain ng pamilya Smith ?" tanong ko. "Pinapayagan naman maligo sa ilog, huwag lang daw magkakalat iyon ang bilin ni Governor," wika nito. Malapit na kami sa ilog ng makarinig kami nang mga yabag ng kabayo na papalapit sagawi namin. "My God! Nandito si Governor," kinikilig na wika ni Amie. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Amie. At pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Ako kasi ang nasa unahan kaya tuloy-tuloy lang ang hakbang ko. Narinig kong bumagal ang takbo ng kabayo. Hanggang sa tumigil na nga ito. "Good morning po Gov," dinig kong turan ni Amie. Napatigil din ako sa paghakbang. Ngunit hindi agad lumingon sa mga ito. "Saan ba kayo patungo? Mukang may kasama kang dayuhan?" tanong ng lalaki na tinawag na Governor ni Amie. "Ano raw, dayuhan ako?" Nakasimangot na humarap ako sa dalawang nag-uusap at bumaling ang tingin ko sa lalaking nagsasabi na dayuan ako. Muntik nang mahulog ang panga ko sa lupa, mabutina lang nahawakan ko ito. Sino ba naman hindi magugulat kong iyong tinatawag nilang Governor at iyon ding lalaki sa karinderya na kung tumingin sa akin kala mo'y hinuhubaran ako ay iisang tao lamang. Hinila ako ng pinsan ko papalapit sa lalaki. Bumaba naman ang lalaki sa kabayo. "Hindi po siya dayuhan, Governor. Sa katunayan ay pinsan ko po siya. Hmm.. siya po si Shy Ledesma, Apo rin ni Lolo Beth, sa Manila po siya nagtatrabaho," paliwanag ni Amie. Tumingin lang sa akin ang lalaki at tumango, tingin ko'y hindi ako nakilala nito. Tumalikod na uli ang lalaki at sumakay sa kabayo. "Mag-iingat na lamang kayo," paalala ng lalaki sa amin. Hindi man lang ako pinansin at mukang masungit ang Governor dito, aahh. Naglakad na ulit kami papunta sa ilog. Malayo pa lang ako'y naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga tao na naliligo sa ilog. Siguro'y maraming naliligo ngayon. "Pinsan ang gwapo talaga ni gwapo ni Governo. Adam Smith. Alam mo bang marami rito sa atin ang naghahangad na mapangasawa ng ating Governor," kinikilig na wika ni Amie. Kaya lang ay may pagkasuplado si Governor. Hindi siya basta tumatawa. Pero pagdating sa mga taong bayan, lalo na sa mga nangangailangan nang tulong ay pinupuntahan agad niya at nagbibigay agad ng tulong sa mga kababayan natin. Kaya mahal na mahal siya ng taong bayan. "Okay," sagot ko. "Hindi ka ba nagaguwapuhan kay Governor Adam?" tanong ni Amie. "H-hindi, saka marami na akong nakikitang guwapo sa Manila. Nakakasawa na ngang tingnan," labas sa ilong na kaila ko. Pero sa totoo ay ito lamang ang pinaka guwapong nakita ko pero hindi ko puwedeng sabihin sa pinsan ko ang totoo. Nakarating kami sa ilog. Ang laki ng pinagbago rito. Mayroon na ring mga mga kubo, table nagawa sa semento. "Si Governor, ang nagpagawa niyan, basta't huwag lang daw magkakalat dito, tingnan mo ang linaw ng tubig dahil araw-araw ay may naglilinis dito sa ilog, kahit maligo ka maghapon hindi ka maiinitan kasi may mga puno sa paligid. Tumingin ako rito na nakataas ang kilay. "Hmmmm...alam na alam mo pinsan, ah! Siguro..." hindi na pinatapos ang sasabihin ko. "Hindi aahh!" Kaila niya ngunit namumula ang mukha. Tumawa ako ng malakas na lalo kinapula ng mukha nito. Mukhang crush talaga nito ang Governador. "Maligo na nga tayo pag-iiba ko ng usapan." Agad na tumalon ako sa tubig at lumangoy. Ang pinakaganda talaga rito ay ang ginawan nilang falls. Humiga ako sa isang malaking bato habang bumabagsak sa katawan ko ang tubig, ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig ko ring may mga dumating na mga tao at mukhang maliligo rin ang mga ito. Napamulat ang mata ko nang may maalala ako. Iingitin ko ang dalawa kong kaibigan. Napatapik ako sa noo ko nang wala nga pala akong dalang cellphone. "Couz! May dala ka bang cellphone?" tanong ko sa aking pinsan at sana lang ay marinig niya ang sigaw ko. "Ha, ehh, wala bakit ba?" tanong niya. "Magpapakuha sana ako ng picture," wika ko. "Okay lang ba na manghihiram ako ng cellphone rito tapos ipapasa ko na lang sa 'yo?" tanong niya. "Huwag na insan, kapag pumunta na lang ulit tayo rito!" sigaw ko. Nakita kong marami ng tao sa paligid ang naliligo. Si Amie, ay may mga kausap na rinbmga babae na hindi ko masyadong kilala. Lumangoy ako patabi upang umahon na sa tubig at pumunta sa isang kubo na alam kong nandoon ang mga dala namin pagkain. "Pinsan!" tawag ni Amie. "Ano uuwi na ba tayo?" tanong nito. "Maligo ka muna," wika ko. "Baka kasi gusto mo ng umuwi eh," wika ni Amie. "Ayos lang ako pinsan, sige na maligo ka muna," pahayag ko. "Wait lang pinsan magpapaalam lang ako sa kanila na balak na nating umuwi," anas ni Amie. Hindi naman nagtagal ay bumalik na rin si Amie. "Akala ko ba maliligo ka pa?" tanong ko. "Okay lang iyon mayroon din naman kasi akong pupuntahan mamaya. Ano sasama ka ba?" tanong nito. "Saan?" tanong ko riyo. "Sa Smith Mall, gusto ko kasing mamasyal at makasagap nang sariwang hangin. Ano, sasama ka ba?" tanong niyang muli sa akin. "Sige," tugon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD