Your Mine 3

1511 Words
PINSAN! Nakabihis ka na ba?" tanong ni Amie. "Oo, lalabas na!" sigaw ko. Nagpantalon lang ako at hanging blouse na kitang-kita ang tiyan ko lalo na kapag tinataas ko ang aking braso, nakalugay lang ang buhok ko dahil basa pa ito. Lumabas ako ng kuwarto at nakita kong naghihintay na sa akin ang pinsan ko. Naglakad na lang kami patungo sa sakayan ng tricycle hindi naman kasi masyadong mainit dahil hapon na rin naman. "Pinsan, may boyfriend ka na ba?" tanong sa akin ni Amie. Tumingin ako rito. "Wala pa dahil walang nagkakamali," sagot ko. "Sa ganda mong iyan ay wala ka pang boyfriend?" Umiling na lang ako sa rito, bigla rin kaming napatingin sa mga paparating na mga sasakyan. "Kotse iyan ni Governor. At siguradong maglalabasan na naman iyong mga malalanding babae," nakasimangot na wika ni Amie. Bumagal ang takbo ng kotse ng tumapat ito sa amin hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ko ang paglalakad. Hindi naman nagtagal at nakarating kami sasakayan ng tricycle. "Sasakay kayo Miss?" tanong ng driver. "Oo," sagot ni Amie. "Mukhang may bisita kayo ni Lola Beth?" tanong ng driver kay Amie. "Hindi ninyo ba siya kilala? Siya kaya 'yung Apo ni Lola Beth na nagtatrabaho sa manila bilang Nurse," wika ni Amie. "Ayy, siya na ba iyan! Hindi kita agad nakilala lalo kang gumanda Ineng," papuri ng driver. Ngumiti na lang ako rito. Paanong hindi ako nakilala ng mga ito, eh, hindi naman nagbago ang mukha iyong pa rin ang pagmumukha ko. Ang binago ko lang ay ang kulay ng buhok ko. Nagpakulay kasi ako ng light brown. Tahimik na lang kaming sumakay ng tricycle. Mabilis lang din kaming nakarating sa Smith Mall. Tingin ko'y mukhang mayayaman ang mga pumapasok dito. Nagmamasid ako sa paligid nitong Mall at nakita kong may mga restaurant din dito sa loob nang makaramdam ako ng gutom. "Pinsan, kumain kaya muna tayo," pagyaya ko rito. "Naku! Ang mahal ng mga pagkain dito baka hindi natin kaya ang halaga, saka wala pa naman akong budget na dala. Puwedeng sa labas na lang nitong Mall tayo kumain?" Nag-aalalang wika ni Amie. "Dito na lang tayo kumain. Akong bahala at kapag nagkulang ang pera natin maghuhugas na lamang tayo ng plato," nakangisi kong wika. "May mas mura sa labas nitong Mall, masarap din naman ang mga pagkain doon sa labas," kulit niya sa akin. "Dito na lang, Amie, huwag ka ngang mag-alala akong bahala at ikaw ang kawawa," wika ko na may halong pangangasar. Hindi na rin siya nakatutol ng hilahin ang kamay niya papasok sa loob ng restaurant dito sa Mall. Umupo kami at kinuha ko ang meno na nakalagay sa ibabaw ng table. Aligue pasta with crab claw at sampaguita ice cream ang napili ko. Nag-order din ako ng paella. Kaya parang lalo akong ginutom sa mga pagkain na inorder ko. Tumingin ako sa pinsan ko. Pansin kong wala siyang mapili na oorderin. "Ano'ng order mo?" tanong ko rito. "Wala bang mas murang mga pagkain ang nakalagay dito sa meno?" tanong nito. Napatawa ako ng malakas. "Insan, pumili ka na lang at ako ang bahalang magbayad." "Puwedeng bang ikaw na lang ang bahala mag-order ng kakainin ko," pakiusap niya. "Okay," sagot ko. Tinawag ko ang waiter at agad naman lumapit sa table naman, sinabi ko kung ano ang mga order namin. Hindi naman kami naghintay ng matagal. Agad kong nilantakan ang mga pagkin. Tahimik lang kaming kumakain. Nagulat ako ng biglang may nagkakaingay at para bang mga kinikilig ang mga kababaehan, tumingin ako sa pinto nitong restaurant kaya pala parang mga bubuyog. Nandito naman pala ang idol nila at nag fefeeling artista walang iba kundi si Governor. Adam. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Kaya lang lalong lumakas ang ingay. Nakita ko rin na pumasok dito sa loob ng restaurant kasama ang dalawang tauhan. Umupo ang lalaki malapit sa table namin. Nakita ko rin si Amie na nakatingin sa mga dumating at halatang kinikilig ang pinsan ko. Hindi na ako magtatak dahil sobrang gwapo naman talaga ni Gov. Natapos na kaming kumain at tinawag ko na ang waiter upang magbayad. "Pinsan punta lang muna ako sa cr," paalam ni Amie. Tumango ako rito. Pero ramdam kong may nagmamasid sa akin kaya lumingon ako upang alamin kung sino iyon. Sa uri kasi ng trabaho ko. Alam na alam ko kung may nag mamasid sa bawat galaw ko. Alam ko rin kung saan lugar naka puwesto ang taong ito. Hindi nga ako nagkamali dahil nakikita ko ang pagtitig sa akin ni Governor. Ano kaya ang problema ng lalaking ito at kong makatingin ay para akong kakainin ng buhay. Sinalubong ko ang tingin nito at katakot-takot na irap ang binigay ko sa kanya. Wala naman siyang naging reaction sa ginawa ko. Pansin kong tumayo na ang lalaki at lumabas na ng restaurant at tingin ko'y nagmamadali rin. Napatingin din ako kay Amie na kalalabas lang ng cr. Nagsalubong ang kilay ko at kumunot ang noo ko nang bumangga siya sa tatlong babaeng nasa harapan niya. Natapon tuloy ang dala'ng dessert na hawak ng isang babae at ang masaklapa'y sa damit iyon napunta. Halos magbuga ng apoy ang babaeng napatunan ng dessert. Nagulat din naman si Amie sa nangyari. "Pasensya! Hindi ko po sinasadya ang nangyari, hindi ko rin kasi kayo nakita kaya pasensya na talaga," paghingi ng paumanhin ni Amie. "Aanhin ko pa pasensya mo kung nangyari na ang katangahan mo!" bulyaw nito kay Amie. At alam kung napahiya na ng labis ang pinsan ko.Tumayo ako upang lapitan sila. "Bakit ba kasi nagpapakalat-kalat ang isang tulad mong hampas-lupa at dito pa talaga sa lugar ng mayayaman. Jusko mahiya ka nga sa iyong sarili. Alam mong hindi ka nararapat dito!" bulyaw ng babae kay Amie. "Excuse me!" Malakas kong sambit na sumingit sa usapan nila. Tumingin ang tatlong babae sa akin. "Sino ka naman?" pauyam na tanong ng mga ito. "Hindi mo na kailangan malaman kong sino ako," nakataas ang kilay na sagot ko. "Bakit hindi mo lang tanggapin ang paghingi niya nang paumanhin sa inyo. Nagpapakumbaba nga iyong tao di ba?" asik ko sa babaeng matapobre. "Binangga niya ako kaya nataponan ang aking damit. Alam mo ba kong magkano ang halaga nito?" mapang-mata na tanong ng babae. "Hindi ko alam kong magkano ang damit na iyan, hindi naman kasi ako ang bumili 'di ba? Ang sa akin lang bakit hindi mo tanggapin ang paumanhin niya. O baka naman hindi mo narinig ang sinabi niya sa 'yo na paumanhin? Saka kayo ang biglang sumulpot sa harap niya, kung tutuusin kayo ang may kasalanan!" bulalas ko. "Baka hindi mo kilala kong sino ang kaharap mo?" galit na tanong niya "Hindi naman talaga kita kilala. Bakit sino ka ba? Sa aking pagkakaalam ay hindi ka pa nagpapakilala sa akin. Ohh~wait narinig ko rin pala ang mga panlalait mo kanina. Paano mo naman nasabi na hampas lupa ang pinsan ko. Eh, pari-parihas lamang naman tayong magiging lamang lupa kapag tayo ay namatay," pahayag ko. "Matapang ka ha, kala mo kung sino ka? Nagkakamali ka ng taong kinalaban mo baka magtatakbo ka kapag nalaman mo kung sino ako," mayabang na wika nito. "Sino ka nga ba?" tanong ko. "Ako lang naman ang nag-iisang anak ni Mayor. Dito sa lugar na ito. Baka hindi mo alam kaya kitang ipakulong," pagbabanta nito. Tumingin ako sa paligid at nakita kong sa amin nakatingin ang mga tao. Nakangising bumaling muli ang tingin ko sa anak daw ni Mayor. "Kaya pala matapang ka dahil Mayor ang iyong ama. Parang lumalabas na ginagamit mo ang pagka Mayor ng Ama mo sa pagmamaliit mo sa mga tao at pang-aapi, alam mo bang nakakahiya ang ginagawa mo," pauyam kong wika. Galit siyang tumingin sa akin. "Hindi ko papalampasin ang ginawa mo sa akin at pagbabayaran mo ng mahal ang pagsagot-sagot mo sa akin," banta ng babae. Hihintayin ko ang araw na iyon. Mas matutuwa pa ako kung ganoon nga ang mangyayari," wika kong nakangisi rito. Galit ang nakalarawan sa mukha ng babae. Nagbabanta rin ang tingin niya sa akin bago umalis sa harap namin. "Okay, ka lang ba?" tanong ko sa Pinsan ko. "Salamat sa pagtatangol mo sa akin Pinsan. Kaso natatakot ako. Alam mo bang marami nang naipakulong ang babaeng iyon lalo na kapag kinakalaban siya. Kayang-kaya niyang gawin iyon dahil may pera sila lalo na at Mayor din ang Ama niya," natatakot na wika ni Amie. "Ano'ng pangalan ng Mayor dito sa atin? tanong ko rito. "Si Mayor. Lucas Mendoza," sagot nito. Tumango lang ako sa sinabing pangalan ni Amie. "Pupunta muna ako ng wash room," paalam ko. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng wash room at tinawagan ko ang isa sa mga tauhan ko. "Hello, Maam Shy," bungad agad ng tauhan ko. "Meron akong ipapagawa sa iyo. Gusto kong imbestigahan mo si Mayor. Lucas Mendoza. Kung maaari ay hanapan mo siya ng baho. May kutob akong may tinatagong baho si Mayor na hindi pa sumisingaw. Hindi ako puwedeng kumilos dahil kasama ko ang aking pamilya. Kaya sa 'yo ko ipapagawa ang imbestigasyon," wika ko. "Sige, Maam Shy, ako na ang bahala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD