YOUR MINE: BY SRRedilla
"Boss! Magbabakasyon muna ako wala pa naman bagong kaso na puwede kong hawakan sa ngayon!" sigaw ko habang papasok sa mansiyon nito.
Namataan ko agad itong nakaupo sa sofa habang nakayakap sa asawa nito. Hindi ko rin akalain makakapag-asawa pa ito sobrang din kasi ang kasungitan nito.
Napansin ko agad ang pagkakunot ng noo ito at masamang tingin ang binigay niya sa akin.
"Ang ang ingay-ingay mo!" bulalas nito.
"Boss, magbabakasyon lang muna ako. Nagtatampo na kasi ang lola ko. Saka ilang taon na rin akong hindi umuuwi sa probinsya. Marami ka namang Agent kaya sila na muna ang bigyan mo ng misyon."
"Sige, umalis ka na dahil naririndi ako sa ingay ng bibig mo!" bulalas nito sa akin.
Nababanaag ko sa mukha nito ang iretasyon. At kung magtatagal pa ako rito ay baka masakal na ako ng boss ko.
"Boss, baka naman puwedeng paabutin mo naman ako ng isang buwan sa aking pagbakasyon," hiling ko rito na may kasamang pakiusap.
"Oo na nga, ang kulit mo!" bulalas ni boss Zack.
Gumanda ang ngiti ko nang payagan akong magbakasyon ng matagal. Maganda yata ang araw ng boss ko ngayon?
"Sige boss. At ako'y aalis na," paalam ko rito.
Agad akong tumalikod sa mag-asawa. Paglabas ko ng bahay ay sumakay ako ng kotse. Balak ko munang pupunta sa Mall na pagmamay-ari namin tatlo ng mga kaibigan ko.
Hindi lang iyon ang naipundar namin. Mayroon din kaming pharmacy. At kahit papaano ay malaking tulong iyon sa amin.
Iyon ang unang negosyo na naipundar ko simula ng magtrabaho ako bilang Agent. May grocery store rin akong na matatawag na negosyo.
Kahit wala akong alam sa business ay pinagpatuloy ko pa rin ang aking balak. Mabuti na lamang at nandiyan palagi ang mga kaibigan ko na handang tumulong sa akin.
Hindi rin kami mayaman kaya nga nagsumikap akong makapagtapos ng pag-aaral. Ang lola ko lamang ang nag-alaga sa aking at nagpaaral hanggang sa magdalaga ako.
Hindi ko rin naman pinabayaan ang aking lola, dahil kahit papaano ay tumutulong pa rin ako rito. Upang hindi ako maging pabigat sa kanya. Kaya lahat ng klase ng trabaho na alam kong marangal ay ginawa ko.
Wala na ang mga magulang ko mamatay sila sa isang aksidente. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa panginoon dahil hindi niya kami pinabayaan. Kahit na maaga nitong kinuha ang aking ina at ama.
Malaki rin ang naging tulong ng pagiging Mayordoma ni lola sa mansiyon ng pamilya Smith.
Ang pamilyang iyon ang pinakamayaman sa lugar namin. Wala akong masabi kundi paghanga sa mag-asawang Smith.
Sobrang bait ng mga ito. At talaga naman na tumutulong sa mga tao na kapus sa buhay. Kaya naman mahal na mahal ito ng mga kababayan ko.
Napag-alaman ko rin na ang isang anak ng mag-asawa ay Governor na sa lugar namin. Siguro'y may mabuting puso rin ito katulad ng mga magulang nila.
Ang totoo niyan ay hindi ko pa nakikilala ang dalawang anak ng mag-asawang Smith.
Noong nandoon pa ako sa probinsya namin ay hindi ko naman nababalitaang umuuwi ang mga anak ng mag-asawang Smith. Pero ang sabi ng aking lola ko ay nag-aaral daw ang mga ito sa ibang bansa.
Napangiti ako ng wala sa oras. Nang pumasok sa aking utak ang lola ko. Sa totoo lang ay sobrang namimis ko na ito.
Five years na ako rito sa Manila. At sa limang taon na iyon ay dalawang beses pa lamang akong nakakauwi ang masaklap pa ay hanggang dalawa o hanggang tatlong araw lamang ang bakasyon ko. Sapagkat pinatatawag na agad ako ng aking boss.
Ang alam ng lahat lalo na ang lola ko ay isa akong Certified Nurse. Iyon ang akala nila pero ang totoo ay isa akong Agent.
Masaya ako sa trabahong pinili ko. Kahit na sabihin pa ng ibang tao na kapag nasa gitna nang laban ay nasa hukay ang isang paa.
Kaya ang tanging sandata ako ay ang laging manalangin at tumawag sa itaas. Pero sabi nga nila ay kung oras para sunduin ni kamatayan ay wala akong magagawa pa roon.
Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa aking pupuntahan. Kaya bumaba ako ng kotse at pumasok sa loob ng Mall.
"Good Moring po, Ma'am Shy," pagbati ng mga empleyadong nakakasalubong ko.
Tumango lang ako sa mga ito at sumakay ng elevetor. Hindi ko rin inaasahan na ang dalawa kong kaibigan ay makakapag-asawa pa dahil sa uri ng trabaho na mayroon kami.
Wala rin kasing kasiguraduhan kung makakauwi pa kami nang ligtas sa aming pamilya.
Sa aming tatlo, ako na lamang ang wala pang-asawa. Hindi pa siguro ipinanganak o baka hinahanap din ako ng lalaking nakatadhana sa akin. Sana lang ay maaga niya akong makita. Ayaw ko rin namang tumandang dalaga.
Bumukas ang pinto ng elevetor kaya lumabas ako roon at nagtuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Nakita ko ang mga kaibigan ko na busy sa kanilang mga laptop.
"Hmmm...lalong tumaas ang sales natin ngayon guy's," wika ni Sky.
Himala nang mga himala walang nakasunod na Hanz, kay Sky. At ganoon din kay Kara. Ano kaya ang nangyari sa mga asawa ng mga ito? Pero hindi na lamang ako nag-usisa pa sapagkat nagmamadali rin kasi ako para makaalis na.
"Mga Bestfriend, kayo na muna ang bahala sa negosyo natin at ako'y magbabakasyon muna. Uuwi muna ako sa lola ko dahil nagtatampo na ito sa akin."
"Uso ba sa 'yo ang magbakasyon, Shy?" tanong ni Sky.
Tumingin ako rito. "Kailangan kong magbakasyon 'di ba sabi ko nga namimis ko na ang kola ko," tikwas ang nguso ko habang nagpapaliwanag sa dalawa.
"Mabuti naman at naisip mong magbakasyon," saad ni Kara.
Wala naman bagong kaso ngayon kaya naisipan kong magbakasyon muna. Baka mga isang buwan ako roon. Nagpaalam na naman ako kay boss Zach," wika ko.
"Pagbalik mo rito bagsak na itong negosyo natin at itinakbo na namin pera mo," wika ni Sky.
"Okay lang papasabugin ko naman ang Sky Mall," wika ko.
Bigla na lang kaming nagtawanan sa mga kalokohan naming tatlo.
Hindi naman ako nagtagal sa Mall at agad rin umuwi ng bahay.
Pagdating sa aking bahay ay naghahanda na akong umalis patungo sa Quezon. Kaunti lang naman ang mga gamit kong dadalhin.
Kinuha ko rin ang maliit na baril na lagi kong dala. Kailangan ko ito dahil sa uri ng trabaho na mayroon ako.
Dapat lagi akong handa kahit pa sabihin na hindi kami nakikita ng mga taong pinakulong ko.
Magpapahatid na lamang ako sa driver ko sa bungad ng Quezon. At sasakay na lang ako papunta sa lugar namin. Malapit lang naman ang Villa Smith.
Ito ang pinakamalaking Hacenda sa lugar namin. At ang may-ari ay ang mga Smith. Bumaba na ako ng hagdan at nagpaalam na kay Manang Lore.
"Aalis na po ako, ikaw na po muna ang bahala rito sa bahay at kung may problema ay tawagan ninyo lamang po ako," sabi ko sa matanda.
"Sige hija," wika ni Manang Lore.
Lumakad na ako patungo sa kotseng naghihintay sa akin. Ngumiti pa nga sa akin ang driver ko nang makita ako. Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakya.
Medyo mahaba-haba rin ang byahe namin, bago kami nakarating sa probinsya kung saan ako isinilang, lumaki at nagkaisip.
Sa awa ng nasa itaas ay ginabayan niya kami. Kaya nakarating kami nang matiwasay sa bungad ng Quezon. Tumingin ako sa paligid nang tumigin ang kotseng sinasakyan ko. Pansin kong ang laki na nang pinagbago rito. Mukhang naninibago ako sa aking bayang kinagisnan.
"Manong, dito na lamang ako. Umuwi na po kayo at mag-iingat po kayo sa biyahe," paalala ko rito.
"Sigurado ka bang dito ka na lang bababa, hija? Malayo pa ang ang bahay mo, 'di ba?" may pag-aalalang wika nito.
"Magsasakay na lamang po ako marami naman po na mga sasakayan dito," paliwanag ko sa aking driver.
Bumaba ako ng kotse at kinuha ko ang bagpack na pinaglalagyan ko ng mga gamit ko. Ito lang naman kasi ang dala ko.
"Mag-iingat po kayo, Ma'am Shy."
Tumango ako rito at ngumiti rin. Lumakad na ako patungo sa isang karinderya. Parang kasing ang sarap kumain sa kainang iyon. Amoy pa lang ng iniluluto sa loob ay matatakam na ako.
Pagpasok ko sa loob ng karinderya ay naghanap agad ko ng table na puwede kong ma-pwestuhan. Agad naman akong nakakita at malapit ito sa bintana. Pagkaupo ko'y lumapit agad ang isang babae at tinanong kung ano ang order ko.
"Kare-kareng pata ang order ko.Tumingin ako sa paligid marami rin ang kumakain dito. At karamihan ay mga studyante. Bumaling ang mga mata ko sa labas ng bintana.
"Smith University," mahina kong bigkas.
May nakatayong na pa lang school rito? Sa tagal ko nang hindi nakakauwi ay parang baguhan na talaga ako sa sarili kong bayan.
Biglang dumating ang order ko. Nakangiti pa nga sa akin ang babae ang ibaba nito ang tray na naglalaman ng mga pagkain.
"Miss, tagarito ka ba rito? Parang kasing ngayon lang kita nakita," tanong nito.
"Tagarito po ako, nagkataon lamang pong sa manila ako nagtatrabaho ko," sagot ko.
"Sinong bang pamilya ang pupuntahan mo rito? Para ka kasing artista hija. Ang puti mo at ang ganda pa, hindi ko nga akalain na papasok ka rito sa karinder ko," wika ng kausap ko.
Tumawa ako rito. "Binola naman po ninyo ako. Si Beth Ledesma po ang kamag-anak ko rito. Lola ko po siya," pahayag ko.
"Apo ka ni Beth? Iyong mayordoma sa Mansiyon ni Governor Smith? Akalain mong mayroon papalang Apo si Beth. Ang akala ko ay si Amie lamang ang Apo niya. Ano ba ang trabaho mo sa manila?" tanong nito.
"Isa po akong Nurse roon," sagot ko.
"Talaga nurse ka roon? Ang swerte naman talaga ni Beth," usal nito.
Narinig kong may mga nagdatingan mga kasasakyan. Kaya biglang napatigil sa pagsasalita ang kausap ko.
"Ayyy! Maiwan na muna kita dahil nandito na pala ang mga hinihintay ko," wika nitong natataranta.
"Sige po," sagot ko.
Nagsimula na akong kumain kahit na nag-iingay sa buong paligid ay wala akong pakialam sapagkat ako'y nagugutom na. Lalo na't kanina pa kumakalam ang aking tiyan. Saka ang sarap pa naman ng kare-kareng inorder ko.
"My God! Ang gwapo ni Governor," dinig kong hiyaw ng mga babae.
"Ang suwerte ng magiging girlfriend ni Gov, lalo na ang magiging asawa niya. Kahit na may kasungitan siya ay ang lakas pa rin ng dating niya. Kaya hindi nawawala ang pagka-crush ko sa kanya, eh," kinikilig na bigkas ng isang babae.
"So, dito rin pala kumakain si Governor Smith," mahina kong sambit.
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain hanggang sa makatapos na ako. Tumingin ako sa paligid bakit parang ang daming tao at karamihan pa ay puro mga babae. bumaling din ang mata ko sa dulo ng kainan at parang pang VIP ang style nito. Ibang-iba ang ayos nito compair dito sa aking kina lalagyan
Napadako ang tingin ko sa isang lalaki at napakurap pa nga ako ng mata dahil sa taglay nitong karisma. Sa edad ko 23-years old ay ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong kagwapong nilalang at halos perfect na siya sa aking paningin.
Naglakbay ang mata ko sa labi, ilong at katawan ng lalaki. Panigurado akong may ABS din ito.
Ang taglay na kagwapuhan nito ay isa lamang sa inaasam namin mga babae. Pero nakakatakot magmahal ng ganyang lalaki baka isa rin itong babaero.
Hindi naman nagtagal ang pagtitig ko sa lalaki baka makahalata ito. Kaya ibinalik ko ang aking paningin sa plato. Bigla akong napatingin sa relong pambisig ko at nakita kong alas-dos na ng hapon. Kaya tinawag ko ang isang tauhan dito sa karinderya upang magbayad.
Kinuha ko ang dala kong bag at naghanda na akong tumayo nang mapadako ang tingin ko sa lalaki. Nagulat ako ng makita kong nakatitig sa akin ang lalaki. Kahit na alam naman nitong nakatingin na ako sa kanya ay hindi pa rin inalis ang tingin nito sa akin.
Parang hinuhubarang ako sa klase ng titig na ginagawa niya sa akin kaya inirapan ko na lamang ito at sabay talikod.
Lumabas ako ng karinderya at naghanap ng masasakyan. Lumapit naman ako sa isang tricycle driver.
"Manong sa Villa Smith po. Sa lupain ng mga Smith," wika ko.
Doon kasi nakatirik ang bahay namin. Ang lupa kasing iyon ay bigay ng mga Smith sa pamilya ko. Wala kasi kaming tunay na lupa. Dahil naibenta noong magkasakit ang lolo ko pero wala rin naman nangyari sapagkat kinuha rin sa amin ito.
Mayordoma ang lola ko sa mansiyon ng mga Smith. At nang malaman ng mag-asawang Smith ang nangyari sa pamilya ko ay agad na nagbigay sila ng tulong. Kaya malaki ang utang na loob namin sa pamilyang Smith.
"Ineng, bisita ka ba ng pamilyang Smith?" tanong ng driver.
"Naku! Hindi po, kay Lola Beth po ang pupunta ko," wika ko.
"Ikaw ba ang Apo niya na nagtatrabaho sa Manila?" tanong nito.
"Opo," magalang na sagot ko.
"Ayy! Kay gandang bata mo naman Ineng. Siguro ay bihira ka lamang umuwi rito dahil hindi kita kilala sa lugar na ito," wika nito.
"Opo, bihira nga po akong magbabakasyon."
"Ganoon ba Ineng. Ay sige sumakay ka na at ihahatid na kita sa bahay ninyo at nang makapagpahinga na ka rin," saad nito.
Tumingin ako sa mga dinaraanan namin ang laki na nang pinagbago rito. Mas lalong naging maunlad ito. May mga Mall na naglalakihan at iisang tao lamang ang may-ari nito ang pamilyang Smith.
Tumigil ang tricycle sa isang napakasimpleng bahay na may pintura na apple green ang kulay. Sa Ngayon ay matatawag na itong bahay, hindi katulad noong umalis ako rito ay parang bahay ng kalapati ang style nito.
Ayaw naman ni Lola na palakihin ang bahay at ang gusto ay simple lamang. Nagbayad na ako sa driver at pumasok sa gate na kawayan.
Bukas naman ang pinto kaya tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Nakita ko agad ang bulto ni Amie. Ito ang kasama ni lola sa bahay. Kamag-anak ko rin ito. Wala na ring itong pamilya kaya nakiusap ako rito na kung puwede ay dito na siya tumira sa amin upang may makasama si Lola Beth.
Sumang-ayon naman ito sa gusto ko. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko rito. Bigla itong napatingin sagawi ko at nakikita ko sa mukha nito ang pagkagulat nang makita ako.
"P-Pinsan!" sigaw nito.
Nagmamadaling tumakbo sa akin si Amie at mahigpit akong niyakap.
"Bakit hindi mo sinabi na darating ka?" tanong nito.
"Biglaan lang kasi ang pag-uwi ko kaya hindi na ako nakapagsabi. Hmmm...nasaan ba si Lola?" tanong ko.
"Naku! Nandoon sa mansiyon, pinasundo kasi ni Mrs Smith.
Paniguradong matutuwa si Lola oras na malaman niya na nandito ka. lpaghahain na muna kita," anas nito.
"Huwag na pinsan dahil kumain na ako sa karinderya, ginutom na kasi ako kanina," paliwanag ko.
"Ganoon ba? Magpahinga ka mo na insan. At pupuntahan ko si Lola Beth at ipapaalam ko sa kanyan na nandito ka na," usal ni Amie.
Nagmamadali itong umalis sa harap ko. Kaya pumasok na mo na ako sa aking kuwarto. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang mga chocolate na dala ko. Ito lamang pasalubong ko hindi na kasi ako nakapamili ng mga pasalubong.
Nagmadali talaga akong umuwi at baka magbago pa ang isip ni boss. Sobrang laki ng aking pasasalamat dahil pinayagan akong magbakasyo.