Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas sa Mansiyon.
Pinagpawisan din ako ng sobra. Agad kong pinunasan ang pawis ko sa aking noo. Naglakad na ako pauwi sa bahay namin hindi naman kasi kalayuan. At nang makarating sa bahay ay agad na pumunta sa kawarto ko.
Hindi ko makakalimutan ang nangyaring ito sa akin.
Hindi ko alam kung sinasadya ba o guni-guni ko lamang ang lahat na nangyari kanina. Narining kong tumunog ang phone ko. At nagulat ako sa tumatawag at walang iba kundi ang boss ko.
"Boss! Nagkamali ka yata ng tinawagan? Akala ko ba'y isang buwan ako rito," tuloy-tuloy na wika ko
"Agent Shy, mahigit dalawang linggo ka ng nagbabakasyon," wika ng Boss ko.
"Boss! Ang usapan natin ay isang buwan ako rito," pagmaktol ko sa aking Boss.
"Wala tayong pinirmahan na contrata na isang buwan ka riyan Agent. Siguro'y sapat ang ang dalawang linggo mong baskasyon. Ang mahalaga ay nakapagbakasyo ka Agent," wika ng Boss ko.
"Boss! Kahit kailan talaga hindi ka marunong tumupad sa usapan," angal ko.
"Okay, papipiliin kita Agent."
"May pagpipilian pa talaga Boss?"
"Yeah! Dahil maraming may gusto ng kasong ibibigay ko sayo. Agent Shy, makinig kang mabuti at pumili ng maayos. Hmmm~ bakasyo o dalawang milyong peso? Pumili ka na Agent. At bibilangan kita hanggang sampo. 5,6,8,9---."
"Sige Boss! Dalawang milyon ang pipiliin ko. Boss ang daya mo talaga kahit kailan. Ang sabi mo 1 to 10 ang bilang. Pero nag umpisa ka na agad sa number 6. Kung hindi malaki ang perang makukuha ko ay bakasyon ang pipiliin ko," naiinis na wika ko.
"Pasensya ka na hindi kasi ako marunong magbilang dahil absent siguro ako noon pinag-aralan namin ang magbilang ng 1 to10," paliwanag nito.
Abnoy talaga ang Boss ko. Mabuti at napagtitiisan iyo ni Ma'am Ella?
"May meeting bukas ang lahat ng Agent at ngayon pa lamang ay umalis ka na diyan. Alas-otso, magsisimula ang meeting bukas," sabi ni boss Zack.
"Okay Boss," wika ko.
Inayos ko ang mga gamit na dadalhin ko. Kinuha ko ang baril ko at inilagay sa bewang ko maluwang na naman ang suot kong damit. Hintay ko lang si Lola na dumating. Nakasuot ako ng sunglasses at jacket na may hood.
Narinig kong dumating na sila lola at sigurado akong malulungkot na naman si Lola sa aking pag-alis. Lumabas ako ng silid para magpaalam na. Malungkot na tumingin sa akin ang mahal kong lola.
"Aalis ka na, Apo?"
"Opo, Lola, tumawag na kasi ang big boss ko."
"Sige mag-iingat ka sa biyahe, Shy at sana ay mas dalasan mo pa ang iyong pag-uwi," wika ni Lola.
Maluha-luhang niyakap ako ni Lola Beth. Tumingin din ako sa pinsan ko.
"Ikaw na ang bahala sa Lola natin, Amie," wika ko.
Kinuha ko ang sobreng naglalaman ng pera. At ibinigay ko iyon sa Pinsan ko. Ayaw pa ngang tanggapin kaya lang ay makulit ako at pinagpilitan ko talaga. Sinabi ko rin na bumili ng mga gamit niya. Inabinigay ko rin sa Lola ko ang isang sobre na naglalaman ng pera.
"Shy, ang dami naman nitong ibinigay mo? Baka wala nang matira sayo, Apo," wika ni Lola.
"Lola, kasama na po riyan ang budget ninyo. Kailangan ko na pong umalis Lola," usal ko.
"Ihahatid ka namin sa terminal, Shy."
"Naku! Huwag na po Lola," pagtanggi ko.
Hindi na nga naka-angal si Lola ng lumabas ako ng bahay. Mag commute na lang ako pabalik sa Manila. Sinuot ko ang sunglasses. Nang may makita akong sasakyak ay agad napahatid sa terminal ng bus.
Mabilis lang akong nakakuha ng ticket at sumakay ako ng bus at sa gitnang bahagi ako nakaupo. Wala pa akong katabi rito sa kina-uupuan ko. Dito kasi ako naka pwesto sa tapat ng bintana. Hindi naman naglaon ay may umupo na rin sa bakanteng upuan dito sa aking tabi.
Ngumiti ako sa matandang babeng kauupo lang. Masayang ngiti rin ang iginanti niya sa akin. Paalis na ang bus kaya muli kong isinuot ang salamin ko sa aking mata, inilagay ko rin ang hood sa aking ulo. Malakas kasi ang buga ng aircon nitong bus na sinasakyan ko.
Biglang tumigil ang bus at muntik na nga akong mapasubsub, dinig ko rin ang malakas na pagpreno ng bus. Biglang nagsigawan ang mga tao rito sa loob ng bus.
Kaya tumingin ako sa mga taong nagkakagulo. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang limang kalalakihan na nagsipasok dito sa loob ng bus.
May mga dala rin silang mga baril. Kay kinapa ko ang dalawang baril ko na nakalagay sa bewang ko. Kinuha ko rin ang bottle spray sa bulsa ng bag kong dala.
"Huwag kayong kikilos ng masama, dahil patay ko kayong lahat!" sigaw ng isang lalaki at nakatutulok ang baril sa mga tao.
Mga iyak ng mga pasahero ang aking naririnig. Mga nagmamakaawa ang daing ng mga ito. Ngunit parang bingi ang mga lalaaki at nagtatawanan pa sila. Ilang mga kababaihan ang mga pinaghihila ng mga armadong lalaki para dalhin sa unahan ng bus.
Umiiling na lang ako sa mga pinag-gagawa ng mga armadong lalaki. Nakita kong papalapit ang isang lalaking pangit dito sa pwesto namin ng matanda. Kaya kinuha ko ang extrang mask ko at ibinigay sa matanda.
"Suotin po ninyo," pabulong kong wika.
Nanginginig ang kamay ng matanda nang kuhanin ang mask sa aking kamay, dama ko ang takot ng babae.
"Hoy!" ikaw alisin mo nga iyang mask mo?" sigaw sa akin ng lalaki.
Umiling lang ako rito. Nakita ko sa mata ng lalaki ang galit. Kaya lumapit siya sa akin at balak sanang tanggalin ang mask kong suot. Ngunit mas mabilis ako sa kanya. Agad kong itinaas ang hawak kong bottle spray at inispray sa ilong ng lalaki.
Walang malay na bumagsak ang lalaki. Bumaling ako sa matandang katabi ko, nakanganga pa nga ito at halos hindi makapaniwala sa nakita kaya nagsinyas lang ako na huwag magpahalata.
"Ano'ng nangyari, bakit biglang bumagsak?" Tanong ng isang kasamahan na armado. Agad na lumapit ito sa lalaking nahimatay. Tumingin sa amin ang lalaking kalbo nang uusig ang mga mata.
"Sino sa inyong dalawa ang may kagagawan kong bakit nahimatay ang kasama ko?" tanong sa amin ng lalaking kalbo.
Tumingin sa akin ang lalaking kalbo. "Ikaw alisin mo ang iyong salamin at mask," utos niya sa akin.
Napupunong tumingin ako sa lalaki. Masyado na akong naaabala ng mga pasaway na lalaking ito. Tumingin ako sa relong pambisig ko upang alamin kong anong oras na. Alas dos ng hapon na. Naiinis na tumayo ako.
"Manang, magpalit po tayo ng pwesto," wika ko sa matanda.
"Aba't, matapang kang babae!"
Tumayo ako at lumabas ng upuan. Anak ng tinapa, dahil mas mataas pa nga ako sa lalaking ito. Pero kung makaasta ay wagas. Tumingin din ako sa tatlong lalaking nasa unahan ng bus. Lumapit pa nga iyong isa sa amin. Hindi na ako nakapagpigil sa galit ko sa mga ito.
Mabilis kong itinaas ang kaliwang paa ko papalapit sa lalaking nasa harapan ko. Mabilis ko ring binunot ang baril sa bewang ko at itinutok iyo sa lalaking papalapit sa amin sabay kalabit ng gatilyo ng baril.
Malalakas na putok ng baril ang naririnig dito sa loob ng bus. Sapol sa kamay ang dalawang lalaki at iyong isang lalaki ay sa hita tinamaan. Tumilapon rin ang hawak na baril ng mga lalaki. Mabilis akong lumapit sa mga ito walang babalang binigyan ko nang magkakasunod na suntok at sipa sa mga sikmura nila. Kinuha ko ulit ang baril ko at itinutok sa mga ito.
"Kuhanin ninyo ang mga baril nila," utos ko sa mga babaeng pinaghihila nang mga armadong lalaki kanina.
Muli akong lumapit sa mga lalaking hindi makabangon. Napupuno pa kasi nang galit ang dibdib ko. Ang pinakaayaw ko pa naman ay iyong inaabala ako sa aking pupuntahan.
Hindi na ako nakapagpigil at pinagsusuntok ko uli ang mga lalaki. Napadako ang tingin ko sa braso ng isang lalaki. May nakasulat doon na Oktago.
Mukang malaking sindikato nga ang Oktagon. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko ang isang lalaki na pasimpleng kinukuha ang baril sa hita niya.
Walang pag-alinlangan na kinuha ko ang baril ko at agad na itinutok sa lalaki, napahiyaw ito sa sakit dulot ng pagtama ng bala. Agad na lumapit ako sa lalaki. At kung hindi ako nagkakamali ay ito ang pinakang leader nilang lima. Dahil tinatawag nilang bossing ang lalaki.
Napatingin ako sa nagdurugong hita ng lalaki. Hindi rin maipinta ang mukha niya. Umupo ako at sa harapan ng lalaki.
"Alam ba ninyo na malaking abala ang ginawa ninyo sa akin," galit na wika ko.
Tumingin ako sa driver at base sa mukha ng driver ay sobrang natatakot din ito.
"Manong, patakbuhin muna itong bus nang makarating na tayo sa Manila. At huwag kang kabahan Manong, dahil na sa iyo nakasalalay ang mga buhay namin," wika ko.
Tumingin uli ako sa lalaking nagdurugo ang hita. At inilapit ko sa sugat niya ang dulo ng baril ko pagkatapos ay diniinan ko iyon.
"AHHHHH!" sigaw ng lalaki.
"Masakit ba?" tanong ko.
"O-opo, M-masakit," wika ng lalaki at halos maluha na rin.
"Siraulo ka pala, eh, sabay suntok muli sa mukha ng lalaki."
Kinuha ko rin ang bottle spray sa bulsa ng jacket ko isa-isa kong inispray sa ilong ng mga lalaki. Walang malay na bumagsak ang mga armadong lalaki. Bumalik ako sa dating upuan ko at kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan si Robert.
"Hello, Ma'am Shy," bungad agad ni Robert.
"Kailangan ko ng mga pulis Robert. At bago pumasok ng Manila ay dapat nakaaabang na kayo dahil may ibibigay ako sa inyo," wika ko.
"Sige po, Ma'am Shy, kami na ang bahala."
Nawala na sa kabilang linya si Robert. Hindi nagtagal ay malapit na kaming pumasok sa Manila. Malayo pa lang ako'y nakikita ko na ang mga tauhan ko. Puro mga naka damit ng pampulis. Kahit kailan ay maasahan ko talaga ang aking mga tauhan. Sinabi ko rin sa driver na itigil ang bus dahil ipapakulong ko ang mga armadong lalaki.
Tumigil ang bus. Nagsipasok ang mga tauhan ko sa loob at pinagkukuha ang mga lalaking walang malay. Sumunod naman ako sa mga tauhan kong nagsipagbaba na ng bus.
"Paaminin ninyo ang mga iyan. Alamin ninyo kung kabilang sila sa oktagon at kung gaano kalaki ang sindikatong iyon," wika ko.
"Kami na po ang bahala sa mga ito tatawag po ako kapag may nakuha ng impormasyon."
"Sige, salamat," wika ko at bumalik muli sa bus.