Your Mine 4

1825 Words
Naghihikab na humiga ako sa kama. Balak ko sanang matulog kaya lang inisip ko iyong nangyari kanina. Mukang may kakaibang nagaganap dito sa lugar ko. Nagulantang ako ng tumunog ang cellphone ko at nakita ko na tumatawag si Robert. Ito kasi ang inutusan kong mag-imbestiga. "Robert! Anong balita?" tanong ko. "Ma'am, dadalhin ko na lang po diyan sa bahay ninyo, pakibigay na lang po ng address ninyo sa akin. Saka tama po ang hinala ninyo Ma'am. Hanga na po talaga ako sa iyo," papuri sa akin ni Robert. "Huwag mo na akong bulahin dahil ibibigay ko naman agad ang bayad sa pinagagawa ko saiyo," wika ko. "Ma'am, nagsasabi lang po ako ng totoo. Sige po Ma'am Shy, pupunta na po ako diyan," wika nito at biglang nawala sa kabilang linya. Lumabas ako ng bahay at umupo sa isang upuan. Makikita ko naman dito ang pagdating ni Robert. Napakunot ang noo ko nang may sasakyan ng LBC ang tumigil sa tapat ng gate na kawayan. At nakita kong bumaba si Robert. Nakasuot din ang lalaki ng uniform ng LBC. Napangisi ako habang papalabas ng gate, may ibinigay siya sa akin na nakabalot din sa lagayan ng LBC. "Nandiyan na po lahat Ma'am Shy.Matindi po pala ang Mayor ninyo, sa totoo lang Ma'am, medyo nahirapan pa nga akong mag imbestiga sa kanyan," wika nito. "Salamat kahit kailan ay maasaahan talaga kita. Ako na ang bahala rito," wika ko. Ibigay ko agad ang sobre kay Robert. Tuwang-tuwa naman tinangap iyon ng lalaki. "Maraming salamat po rito, Ma'am." Marahan akong tumayo at pumasok na rin sa loob ng bahay at tumuloy sa kwarto ko.Agad kong binuksan ang plastick ng LBC, kinuha ko agad ang envelope at binuklat iyon. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang Oktagon group. Tumunog ang phone ko at nakita kong si Robert ang tumatawag. "Ma'am Shy," bungad agad ni Robert. Ang Oktagon group po ay isang malaking drugs Syndicate. Ang kaibahan lang po rito Ma'am, ay may mga opisyal na nakaupo sa pwesto ang nakaanib sa oktagon. At kung hindi ako nagkakamali mayroon din silang pagawaan ng druga riyan sa lugar ninyo. Maingat sila sa mga kilos at hindi rin sila basta magtatayo ng pagawaan ng drugs na basta lang makikita. At itong si Mayor ay ang kanilang Leader. Ayon sa aking pag-iimbestiga, nalaman ko rin na nag-aangkat sila sa ibang bansa ng mga druga. Karamihan ang ginagamit nila ay mga OFW. Naghahanap sila ng mga OFW na gustong makapagtrabaho sa ibang bansa. Kalimitan ay mga baguhan ang kanilang punterya. Nag-offer sila ng mas malaking halaga dahil alam nilang papayag agad ang mga ito at dahil nga sa malaki ang perang maiiwan sa kanilang pamilya. Iyan pa lamang po ang nakuha ko dahil masyadong nakatago ang baho ng Mayor ninyo at kapitan," mahabang litanya ni Robert. "So, magkasabwat sila?" tanong ko. "Iyon po ang aking pagkakaalam. Lahat po ng mga detalye ay nandiyan sa envelope na ibinigay ko sa inyo. Napag-alaman ko rin po na may mga pinapatay si Mayor. Binayaran at tinatakot ang pamilyang mahihirap. "Maraming salamat sa impormasyon," wika ko. Napangisi ako sa aking mga nalaman. Kawawa ang mga kababayan ko. Nataranta ako ng may biglang kumatok, kaya nagmamadali kong itinago ang envelope. Agad kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko at tumambad sa akin ang bulto ni Lola Beth. "Lola!" sambit ko. "Isasama sana kita sa bahay ni Mrs Smith. Gusto ka kasing makita ni Ma'am Vera. Noong nakita ka niya ay sampong taong gulang ka pa lang noon." "Ngumiti ako ng alanganin sa aking Lola. Kailan po ba tayo pupunta roon, Lola? Saka nakakahiya kasing pumunta sa bahay nila," angal ko. "Si Ma'am Vera naman ang may sabing gusto kang makita. Saka wala kasi yung anak niyang babae naroon Canada. Apo ko pagbigyan muna si Ma'am Vera," pakiusap ni Lola. "Sige na nga Lola. Kailan po ba tayo pinapupunta doon?" "Ngayon na Apo, dahil linggo ngayon at walang pasok sa opisina si Ma'am Vera." Ngekkk, ngayon na agad? Ang bilis naman Lola," reklamo ko kay Lola. Huwag ka nang umangal pa, Shy. Dahil minsan lang naman humiling si Ma'am Vera. Hala sige! Magbihis ka na dahil aalis na tayo," wika nito. "Lola, umalis na tayo," pagtawag ko sa aking Lola. Nakita kong may kausap sa labas ng gate si Lola Beth. Kaya lumabas na rin ako at lumapit sa mga ito. Tumingin sa akin ang kausap ni Lola. "Ito na ba si Shy, ang iyong apo?" tanong nito kay Lola. "Oo siyanga, bali dalawang linggo na siya rito," wika ni lola. "Ayy, kagandang bata! Ang suwerte mo sa mga apo mo Mareng Beth. Dahil nagsumikap mag-aral," wika ni aling Sita. "Ano bang trabaho mo hija sa manila?" "Isa po akong Nurse roon." "Nurse pala itong Apo mo ano?" "Oo, sige Sita, aalis muna kami nitong Apo ko," paalam ni Lola sa kanyang kausap. Tumango naman si Aling Sita. Naglakad na kami papunta sa mansiyon ng pamilyang Smith. Agad na nag doorbell si Lola sa gate at binuksan naman iyon ng guard. Pinapasok kami sa loob ng bahay. Bigla rin akong napatingin sa suot kong ring sa aking daliri dahil umiilaw ito ang ibig sabihin ay maraming CCTV Camera rito. Nakita ko ang isang may edad na babae pero hindi pa rin kumukupas ang angking kagandahan ng babae. Napatingin ang babae sa amin ni Lola at nakangiting sinalubong kami. "Siya ba ang iyong Apo?" tanong ni Ma'am Vera. "Opo, Ma'am Vera," magalang na sagot ni Lola. Lumapit sa akin ang babae at mahigpit akong niyakap. Nagulat pa nga ako sa ginawa ni Ma'am Vera. "Napakaganda mo hija sampong taon ka lang noon nang makita kita." Hindi ako makapagsalita. Lalo na nang hilahin ako papasok sa mansiyo at pinaupo sa sofa. Tinawag din ni Ma'am Vera ang kanyang kasambay upang magpahanda ng meryenda. Iniwan muna kami ni Lola at pumunta sa kusina. "Salamat dahil pumayag ka sa hiling ko na puntahan mo ako rito hija. Kapag ganito kasing araw ng linggo ako ay nababahot dito sa bahay kaya nang malaman kong dumating ka ay nakiusap talaga ako sa Lola mo. Kahit kasi nandito ang asawa at anak ko ay hindi ko naman makausap ng maayos. Nakakainis nga dahil puro na lang negosyo ang mga nasa utak. Saka nga pala hija ang gusto kong itawag mo sa akin ay Tita Vera." "Sige po Tita Vera," nahihiyang sagot ko. Madaldal din si Ma'am Vera. Panay kasi ang kwento tungkol sa asawa at anak. Mukang may sama ng loob sa asawa niya. "Dito ka na kumain ng tanghalian kasama ang Lola mo mainit sa labas kong ika'y uuwi pa. Hintayin lang nating bumaba ang asawa at anak ko," wika ng Ginang. "Ah, eh, puwede po kayang sa bahay na lang Tita Vera?" tanong ko. "Please, hija! Dito ka na kumain ng tanghalian. Kahit ngayon lang ay pagbigyan mo ako," pakiusap ng Ginang. Sumang-ayon na lang ako sa Ginang, nakakahiya rin kasi kong tatanggi akong muli. Masayang nagkwento na naman si Ma'am Vera. Nakikita ko sa mukah ng Ginang ang masayang awra. Narinig kong may mga papalapit sa amin. Ngunit hindi ako lumingon sa mga taong papalapit. Kahit na sabihin na kating-kati na akong tingnan ang mga lumapit sa amin ni Tita Vera. "Mabuti naman at naisipan pa ninyo'ng bumaba!" nagtatampo pahayag ni Ma'am Vera. "Nagtatampo na naman ang asawa ko matitiis ba naman kitang hindi makita," pagsuyo ni Mr Smith kay Ma'am Vera. "Oohh! May bisita pala ang asawa ko," turang ni Mr Smith. Lumapit sa akin si Ma'am Vera. Hinawakan ako sa pulsuhan ko at marahan hinala papalapit sa dalawang lalaki. "Shy, siya ang asawa ko si Dan." Nakangiting tumingin sa akin si Mr Smith. "Shy, ito naman ang aking anak na si Adam James." Kaya bumaling ang tingin ko sa anak ni Mrs Smith. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa klase ng tingin na ipinagkakaloob sa akin ng lalaki. Para akong hinuhubaran sa tindi ng titig nito. Alanganin tuloy akong ngumiti rito. Tumingin ako sa palad ng lalaki ng itaas iyon at gustong makipag kamay sa akin. Nagdadalawang isip tuloy ako kung tatangapin ko ang pakikipag kamay ng lalaki. Kaya lang ay ayaw kong mapahiya rin si Governor. Kaya inabot ko na lang ang kamay nito. Saka baka sipain pa ako palabas ng mansiyon nila. Malaki ang kamay ng lalaki at talagang sakop na sakop ang kamay ko. Nagulat pa nga ako ng bigla na lang niyang pisilin ang aking palad. Ang alam ko kapag ganoon klase ang pagpisil ito ay nagbibigay ng babala. Kaya mabilis kong hinila ang palad ko sa pagkakahawak ng lalaki. Nakataas ang kilay ko ng tumingin ako kay Governor. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagtaas ng gilid ng labi ng lalaki at na shock din ang buong sistema ko nang ilabas niya ang dila at ipinaikot iyon sa bungad na labi niya. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko'y inaakit ako ng lalaki. Dama ko rin ang pamumula ng mukha ko. "Peste bakit ba ang hot ni Governor!" mahina kong bulong. Nagpunta kami sa kusina. At nasa unahan ang mag-asawa kaya sumunod na lamang ako sa kanila. Ang nasa huli ay si Adam. Parang biglang nagtayuan ang mapipino kong balahibo sa batok. Ramdam ko kasing may mainit na hininga ang nakatapat sa batok ko. Kaya nagmamadali tuloy akong pumunta ng kusina. "Huwag ka ng mahiya sa amin hija," wika ni tita Vera. Halos mataranta ako nang may biglang umupo sa bakanteng silya sa aking tabi. Hindi na ako bumaling dito dahil alam ko naman kung sino ito. Nagtataka nga ako rito sa aking katabi. Ang dami naman puwedeng pwestuhan, eh, dito pa talaga naisipang sa aking sa tabi. Kahit naiilang ako'y kumilos pa rin ako ng nararapat hindi ako nagpahalata na kinakabahan. Kumuha ako ng pagkain ko at hindi ko na lamang pinansin ang lalaki. Pero ramdam kong sinasadya niyang pagkiskisin ang aming mga braso wala pa naman manggas ang suot kong damit. Hindi tuloy ako makakain nang maayos sa ginagawa nito sa akin ng mga sandaling ito. Para akong nakaupo sa hot seat. Ngunit ang lalaki ay patuloy lamang sa pagkain. Nakahinga lang ako ng maluwag nang matapos na kami. Tumayo ako at pumunta sa lababo para maghugas ng kamay. Nagsasabon pa lang ako ng kamay nang marinig kong may papalapit dito sagawi ko.Talaga nga yatang na nanadya ang pasaway na Governor. Akalin ko bang ipitin ako rito sa lababo gamit ang malaking katawan niya. Hindi tuloy ako makagalaw. Narinig kong binuksan ng lalaki ang haging cabinet. Hindi naman nagtagal ay sinarado itong muli ang Cabinet. Na shock ang buong sistema ko nang madama kong may mainit na labi ang dumikit sa batok ko hindi pa na nasiyahan at dinilaan rin ang leeg. Agad akong lumingon ng mawala ang mainit na labi na iyon sumasalakay sa leeg ko. At nakita kong naglalad na paalis ang bastos na Governor. "Jusko po, mababaliw ako sa bahay na ito kailangan ko nang umuwi sa amin," mahina kong sabi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD