Nagising ako sa ingay sa labas ng bahay na inuupahan ko bumangon ako at sumilip sa bintana. Napakunot ang noo ko nang makita si Kapitan Reyes na parang may sinasabi sa mga tao. Lumabas ako ng bahay para magtanong kung ano ang mga sinabi ni Kapitan Reyes. Lumapit ako kay Aleng Saling na may-ari ng tinutuluyan ko. "Manang ano ho ang nangyayari at parang tuwang-tuwa ang mga tao?" tanong ko rito. "Paanong hindi sila matutuwa, eh, ang sabi ni Kapitan Reyes invited daw ang mga tao rito sa barangay natin sa darating na lunes, dahil daw birthday niya," pahayag nito "Saan daw ho ba gaganapin ang handaan?" tanong ko rito. "Doon daw sa bagong gawang bahay at ang sabi ay ipapa blessing na rin daw iyon sa mismong araw nang birthday ni Kapitan. Kaya nga nakikiusap si Kapitan na kung puwede ay humi