Tumigil ang kosteng sinasakya ko sa tapat ng isang Mansiyon na pag-aari ni Adam. Hindi mo na ako bumababa ng sasakyan hindi kasi ako naniniwala na may sakit ang lalaki. Binuksan naman ng driver ang pinto ng kotse. "Ma'am nandito na po tayo puwede na po kayong bumaba," wika ng driver. Tumingin ako sa driver. Nang uusig ang tingin ko rito. "Sigurado ka bang may sakit ang iyong Amo?" tanong ko rito. Nakita ko itong medyo namutla napangisi ako dahil halatang nagsisinungalin siya. Ngayon alam ko ng walang sakit si Adam. At kahit hindi sabihin ng driver nito ang totoo, ang nakikita ko agad sa tabas ng mukh ng lalaki. Hindi na ako nagsalita, kusa akong bumaba ng kotse at lumakad papasok sa loob ng bahay. Nakasukod lang sa akin ang driver ni Adam. "Nasaan ang Amo mong nagkukunwaring may saki