Nang nakauwi galing sa failure na misyon sa Russia ay agad na dumeritso ng kanyang bahay si Dane. Siya ay isang introvert na grabe kung magmahal. Kaya lubos ang dalaga pag nagbigay ng importansya. Napapailing na lang siya sa tuwing naaalala kung gaano ka short-tempered ang kanyang Luna Desiree. Minsan iniisip niyang may pagtatangi sa kanyang luna ang kanilang boss sa organization na tila ay pinaglihi sa sama ng loob. Ni minsan ay hindi pa nila ito nasisilayan, inakala na nilang mukha itong bisugo kaya ayaw magpakita. Hindi man mahilig makipag-usap sa iba ay mahal na mahal naman ng dalaga ang pack. Sa tuwing nasa misyon siya ay lage pa rin niya itong kinakamusta. At kung wala namang misyon ay panay ang kanyang pagbabantantay dito at alerto siya sa lahat ng oras.
Unti-unting napalitan ng antok ang kanina ay papikit-pikit lang na ginagawa ni Dane. Ngayon lang niya napagtanto ang labis na pagod dahil sa stress na ibinibigay sa kanya sa tuwing sasabak sa misyon. Ang pinaka ayaw sa lahat ng dalaga ay ang pumatay. Sapagkat, nitong mga huling misyon niya ay hindi niya matansya ang sarili. Nanlulumo pa rin niyang inaalala ang huling beses na nakapatay siya ng mga masasamang loob na labis niyang ikinasaya. Tila mayroong sinindihan sa kanyang kaloob looban na nagagalak siyang maka kita ng gutay-gutay na katawan at mala-fountain na bulwak ng dugo. Ang mga alalahanin na ’yun ay labis na bumabagabag sa dalaga. Napapailing siyang pilit na inaalis sa alaala ang madugong bagay. Ang eksina kung saan ay nakikita niya ang sariling naliligo sa dugo habang maymalapad na mga ngiti sa labi. Kung maaari ay ayaw talaga niya itong iniisip. Sa tuwing nakakakita siya ng pinaslang ay naaalala niya ang madugong labanan maraming taon na ang nakalipas. Hindi man kanais-nais subalit ’yun ang huling bagay na natatandaan niyang mukha ng kaniyang mga magulang. Matagal na siyang lumampas sa edad na kung saan kadalasan sa mga kasamahan sa pack ay nahahanap na ang kanilang kaparehas, ang tinatawag nilang mate. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nararanasan. Masasabi rin niyang ni minsan ay hindi naman siya naghangad na mahanap ito. Marahil ay ipinagkaloob lang ng Moon Goddess ang nais ng kaniyang puso.
“Magkakaroon pa kaya tayo ng kaparehas?” tanong ng kanyang wolf na si Hail. Sa kanilang dalawa ito ang atat na makita ang kanilang mate.
“Wala ka bang balak na maghanap, Dane? Tumatanda na tayo. Baka hindi na natin kayanin ang pag-aano at maging wild.” Tila naririndi na ang dalaga sa palaging tanong nito. Nagbibingi-bingihan na lamang siya at hindi na ito pinansin. Minsan ay kusa naman itong tumitigil sa kadadada kaya ay hindi na lang siya kumikibo.
“Yohoo! Dane! Natutuyo na ako. Kailan ka ba magpapadilig?” Kuyom ang mga kamay ng dalaga at tila hindi na matiis ang ka-praningan ng kanyang wolf.
“Gusto ko na talaga ang magpa—”
“For pete’s sake! Hail, birhen pa tayo. Please ‘wag mo akong paandaran d’yan na tuyo-tuyo mo na ‘yan.”
“Pero napag-iiwanan na tayo ng ating mga ka edad.”
“Kung gusto mo talaga! Hala sige! Maghanap ka ang matigas d’yan at ilagay mo r’yan sa ano mo,” wala sa loob na sabi ni Dane at mas lalong ipinikit ang kanyang mga mata. Siya lamang ang tanging nakakarinig kay Hail. Kagaya ng iba na sila lang din ang nakakarinig ng kanya-kanya nilang mga Wolf. Masasabi niyang, siya lang yata ang werewolf na ayaw makausap ang kanyang wolf. Talagang mas gusto na lang niyang matulog kaisa makinig sa mga kalandian nito. Minsan ay naisip na niyang baka mali ang binigay na wolf sa kanya ng moon Goddess, dahil talagang hindi sila magkaugali. Kung gaano siya ka pursigidong mapag-isa, ganun naman ka pursegidong makahanap ng mate si Hail. Kahit na matagal ng lumipas ang kanyang pagiging sixteen years old ay hindi naman umabot sa sistema niya ang maging despirada sa paghahanap ng makakapareha. Para sa kanya ay mas marami siyang mga bagay dapat pagtuunan ng pansin at lakas. Naging maaliwalas ang mood ng dalaga ng hindi na nagsalita pa si hail. Hindi na niya namalayan na ang kanyang pagmamasid sa paligid ay nauwi sa tuluyang pagtulog.
“Dane . . . Help us! Ilayo mo kami rito.”
“Magbalik ka sa amin, Dane. Matagal ka na naming hinihintay.”
“Makakasama mo ma kami. Hindi ka na mag-iisa. Palayain mo na kami.”
“Mahal ka namin . . . Kami lang ang tanging magmamahal at tatanggap sa ‘yo.”
“Dane . . .”
“I’m here . . . I’m coming.”
Pinagpapawisan si Dane habang pabaling-baling ang higa. Nanaginip na naman ang dalaga at pilit niya itong hinahabol. Umupo siya galing sa pagkakahiga sa atip. Unti-unting tumayo at pilit na inaabot ang kawalan.
“I’m com—”
“Ah! Oh! Damn it! f**k!”
Hindi magkamayaw ang bibig ni Dane dahil sa sakit ng kanyang paa, sapagkat, una itong tumama nang bumagsak siya sa ibaba mula sa bubong. Hindi na niya namalayang nag sleepwalking na naman siya. Hindi lang ito ang unang beses na nalaglag ang dalaga mula sa bubong. Nang nagsimula ang kanyang panaginip ay lagi na siyang lutang kung matulog. Minsan ay iniiwasan na muna niya ang pag tambay sa bubong kahit na gustong-gusto niya itong gawin.
“Dane! Dane!” Napapitlag ang dalaga nang marinig ang boses ng kaibigan na si Astraeana sa kanyang isipan. Hindi naman siya palakaibigan na wolf, subalit mahal na mahal niya ang mga kasamahan sa pack.
“Hey! Dane!” Agad siyang naging alerto. Gumagamit lamang sila ng mind communication sa tuwing may emergency sapagkat nakakapagod itong gawin. Tanging ang Luna at alpha lamang ang mas may kakayahan na gumamit ng pangmatagalang mind communication.
“Yes! I’m here. I’m sorry at matagal akong nakasagot.”
“Nandito na ang Luna. Magmadali ka at mukhang bad-mood talaga siya.”
“Lagi naman, naba-bad mood lang naman si Dey-dey dahil sa boss nating ipinaglihi sa sama ng loob.”
“Shh! Halika ka na rito!”
“Fine! Papunta na.”
Nang makapasok na si Desiree sa protection sheild ay natatanaw na nila ang nakasimangot na mukha nito.
“Welcome back, Dey-dey. Kumusta ang lakad ninyo?” tanong ni Dane, habang sinisipat ng maigi kung nasaktan ba sa misyon ang kanilang luna.
“Okay lang naman,” bored na sagot ni Desiree sa kanya na halatang naiinis pa rin.
“Mukhang bad trip ka, ah? May nangyari ba?” tanong ni Astraena na labis ding nag-alala sa Luna.
Hindi kalaunan ay nakahinga sila ng maluwag ng nagsimulang tumawa si Desiree. Talagang ganito ang kanilang Luna. Mistula itong drama queen sa galing magtago ng totoong nararamdaman. Nang matapos ang kanilang kumustahan ay nagpaalam na ito sa kanila dahil kailangan pa raw nitong mag report sa kanilang boss. Dahil sa nangyari sa pumalpak na misyon. Nagsisimula ng maglakad paalis si Dane nang mapansin siya ni Astraena.
“Dane, saan ka na naman pupunta? At bakit na paikaika r’yan kung maglakad?” Talagang gusto ng maunang umalis ni Dane sa tanggapan. ‘Liban sa sumasakit ang kanyang paa ay hindi niya matagalan ang mga nang-uuyam na tingin ng ibang mga kasamahan nila sa pack. Mahigit siyam na taon na rin ang nakalipas subalit hanggang ngayon ay itinuturing pa rin siyang iba at delikado ng ibang mga kasamahan nila.
“Mag-eensayo muna ako. Kailangan kong igalaw-galaw itong na sprain ko yata na paa,” wika ng dalaga kahit alam niyang naghihilum din ito ilang sandali lang.
“‘Wag mong sabihin na nalaglag ka na naman sa bubong.” Tanging ngiti lamang ang ibinigay niya sa kaibigan. Naiintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin kaya ay hinayaan na lang siya nitong makaalis. Sa katulad nilang likas ang pagiging malakas ang katawan hindi malaking bagay ang mabalian o masugatan. Itinuturing lamang nila na isang seryoso ang mga bagay-bagay kung ang may dala nito ay isang silver, dahil silver ang kahinaan ng mga wolf.
Nang makarating sa training facility ay agad na pumasok ang dalaga sa isang silid. Nilagay niya ang kanyang code, at nang ma-activate ang automatic sparring partner ay lumabas ang isang anyo na kanyang napili. Mayroon itong pulang mga mata at itim na furr. Inihalintulad din niya ang kakayahan nito sa kanilang Luna na labis na hinahangaan. Pumikit muna ang dalaga ng maramdaman ang tuluyan na pagkawala ng pamamaga sa kanyang paa. Dahil sa bilis ng metabolismo ng isang mixed blood wolf ay oras lamang ang ginugol ni Dane sa pagpapagaling sa na-dislocate na buto. Iminulat niya ang kanyang mga mata at muling nasilayan ang nilalang sa kanyang panaginip. Ito rin ay hudyat upang simulan ang kanyang training. Sa isang iglap iglap lang ay naglaho na sa harapan ni Dane ang kalaban.
‘Boom!’ Umalingawngaw sa isipan ng dalaga ang isang tunog ng tumama ang kanyang training avatar sa pile ng barrels. Habang suot niya ang training apparatus ay nararamdaman niya ang mga nangyayari na parang nasa isang totoong labanan siya. Ang pagpili ng makakalaban at pag sabak sa laban habang nag tri-trianing ay basi lamang sa isipan. Gamit ang isang aparato na na nakakabit sa katawan ay makikita ang isang scenario na nais gawin. Ang silid na kinaroroonan ni Dane ay isang malawak at blangko lamang na silid. Malaya siyang nakakagalaw basi sa kanyang avatar na nasa loob ng training technology na likha ng kanyang isipan.
“Let this movement be perfectly executed,” turan ng dalaga na mistula sinisilaban ang sarili at handa ng lumaban.