Malakas ang mga suntok at sipa ang pilit na iniilagan ni Dane, habang ang ibang mga atake ay nasasalo ng kanyang avatar at siya namang tunay na nararamdaman ng kanyang katawan. Nagsisimula na ang paglalandas ang malamig na pawis sa kanyang noo. Hudyat na malapit ng masagad ang katawan. Tiniis niya ang lahat ng mga atake at mas nanaig ang kagustuhan na alamin kung hanggang saan ang kayang tiisin na pinsala ng kaniyang katawan. ‘Boom!’ Napaatras siya halos dalawang dipa ng magsalubong ang kanilang mga kamao. Ramdam ng dalaga ang nanginginig niya na mga buto. Galing sa kamay ay halos kumunikta ang lakas na kanyang sinalo. Napangiwi siya habang napangiti. Ito ang unang pagkakataon na sinubok niya ang lakas ng kanilang Luna sa aparato na lagi niyang ginagamit. Alam niya noon na malakas ito, subalit hindi niya alam na ganito ito kalakas. Bilang may mga lahing Lycan ay likas sa kanila ang talino sa pakikipaglaban. Isa ito sa mga ginagamit nila sa akt’wal na labanan. Sa mundong kanyang ginagalawan ay mas tatagal ka kung malakas, matalino at may deskarte ka sa buhay. Masaya ang kanyang pakiramdam at nalulungkot din. Masaya dahil alam niyang kayang-kaya protektahan ng Luna ang sarili nito. Malungkot naman dahil matapos ang maraming taon na pagsasanay ay napatunayan niyang siya ay hindi pa lubusang malakas. Sa bawat araw na nag-eensayo ay bitbit niya sa kayang puso ang pag-asang labis siyang lumakas upang sa susunod na mga panahon ay kaya na niyang protektahan ang sarili at ang mga mahal sa buhay. Paano niya magagampanan ang tungkulin kung ganito siya kahina. Paano ba niya ipagtatanggol ang mga mahal sa buhay kung ito lang ang kaya niyang gawin. Buo na ang loob ng dalaga. Walang masama kung naisin niyang mas lumakas pa. Ang masama ay kung patutunayan niyang isa siyang masamang uri ng nilalang.
Itinuon niyang muli ang buong atensyon sa pagsasanay. Inipon niya lahat ng inspirasyon sa kanyang kaloob-looban at muling nakipagsabayan sa atake ng kalaban. Nasisiyahan siya sa naging resulta, dahil nakikipag sabayan na siya sa kalaban kahit papa’no. Sa pagkakataong ito ay dumudugo na ang labi ng kanyang avatar dahil lakas ng atake na sinangga nito. Hindi pa man tuluyang makakabawi mula sa natamong atake, ay muli na naman siyang sinugod ng kalaban. Sa totoong katawan ni Dane ay Nakakaramdam na siya ng liho. Sumakit ang kanyang ulo at dumudugo ang kaliwang butas ng kanyang ilong.
“Dane! Dane! Dane!” Tumilapon sa malayo ang monitor apparatus ng bigla itong tanggalin ni Dane mula sa kanyang mga mata at wala sa sarili niya itong inihagis palayo. Napaupo siya sa sahig hawak-hawak ang dibdib hanang humihingal.
“Ha-hail . . .”
“May balak ka bang magpakamatay, Dane? Ilang beses na ba kitang pinagsabihan.” Inis at tila nairita si Hail sa kanya sa unang pagkakataon. Tila ay nagising ang dalaga sa kanyang nagawa. Iniangat niya ang kanyang kamay upang hawakan ang gumagalaw palabas sa kanyang ilong. Nangilabot si Dane sa kaniyang nakit. Ni minsan ay hindi pa siya nakakita ng ganitong ka itim na dugo.
“Itim na dugo?” Halos lalabas na ang mata ng dalaga sa gulat nang mas nasuri ang sing-itim ng kadiliman na lumabas na likido mula sa kanyang ilong. Dinama niya ang sarili, subalit wala naman siyang naramdaman na kakaiba. Artipisyal lamang na sakit ang nararamdaman kapag nasa training room, kaya ay labis ang kanyang pagtataka kung bakit bigla na lang may lumabas na dugo mula sa kanya.
“Okay ka lang ba, Hail?” nagdadalawang isip na tanong ni Dane sa kaniyang wolf. Alam ng dalaga na naiinis ito at labis na nag-alala sa kanya.
“Labis mo akong pinag-alala. Dapat talaga makahanap ka na ng mate upang may magbabantay sa ‘yo.” Napalitan ng inis ang kanina ay nararamdaman na guilt sa kaniyang puso. Hindi niya mawari kung bakit ganito ka-atat si Hail sa bagay na ‘yun. Pero siya ay walang ano man na maramdaman sa tuwing nakakakita ng mga lalaking natitipuhan ng kanyang wolf. Kung pagbabasihan niya ang k’wento ng pag-iibigan ng kanyang mga magulang, ay talagang mapapa-sabi siya na ‘wag na lang. Ang kanyang totoong siste ay ayaw niyang danasin ang pait na mawalan at malayo sa mga mahal sa buhay. Kaya kung maaari ayaw niya munang maka-hanap ng kapareha. Ayaw niya muna ang magka-pamilya. ‘Paano kung may gulo at mawala ako? Maiiwan ang aking magiging anak. Haharapin niya ang mahirap na mundo ng mag-isa.’ Ganito kalaki ang takot ng dalaga. Sa bawat hakbang na kanyang gagawin ay laging isinasaalang alang ang realidad ng kanyang buhay. Dinanas na niya ang tumakbo ng walang tigil. Matulog na nagugutom at ilang araw na hindi nakapag bihis. Sapagkat, nagtatago upang maisalba ang kanyang buhay. Para sa kanya ay ayaw niya muna ang mga pabugso-bugsong damdamin hanggat hindi pa maayos ang takbo ng kanyang buhay. Hindi ibig sabihin ay kinupkop siya magiging okay na ang lahat. Kaakibat pa rin ng kanyang pangalan ang nangyari noon. Isa pa rin siyang rogue na hanggang ngayon ay pinapatunayan ang sarili sa iba.
“Dahil ba ito sa palagi nating napapanaginipan? Iniisip mo ba na totoo sila?”
“Parte ng sinabi mo ay totoo. Gusto kong alamin kung nabubuhay sila sa mundo natin. Naaalala mo ba ang kwento na lagi nating binabasa? Paano kung nasa Arzendia sila?”
“Tapos, ikaw ang itinakda at magpapalaya sa kanila. Mukhang pati utak mo Dane ay na-dislocate na. Hali ka, punta tayo kay MM at ipagagamot kita.”
“Sira! Maayos ang aking pakiramdam. Pero sabagay,” turan ng dalaga habang nakatitig sa nanunuyong kulay itim na dugo sa kanyang palad.
Lumabas si Dane sa training room. Hindi niya alintana ang kanyang hitsura. Sapagkat mag-ayos man siya o hindi, ay ganoon pa rin ang tingin sa kanya ng ibang mga kasamahan sa pack. Isang rogue. Isang traydor na ipagkakanuno sila balang araw.
“Da-dane, ma-may dugo sa i-iyong i-ilong.”
“Ew! Sabi ko mate. Hindi isang asungot.’ himutok ni Hail nang makita si Baron na isang half-breed. Siya ay kalahating tao at lobo.
Napakamot na lamang ng kanyang ulo si Dane. Hindi niya malaman kung bakit ganito ka mapanglait ang kanyang wolf.
Inayos muna niya ang kanyang tayo at nakangiting humarap sa nerbyosong lalaki. Sa lahat kasi ng mga taga roon ay tanging si Baron lang ang tanging nakikipag-usap sa kanya maliban sa mga naging kaibigan sa pack. Napatingin si Dane sa hawak ng lalaki. Isa itong maliit na box ng wet wipes.
Alanganin niya ito kinuha mula sa kamay ni Baron. Matapos makuha ay dali-daling umalis ang lalaki upang bumalik na sa base. Iiling-iling si Dane na nakatitig sa kanyang hawak.
“Ang weird ng lalaking ‘yon, ‘no? Magpapatiwakal na lang ako kung ‘yon ang ibibigay sa akin ni Moon Goddess. Baka doon na tayo magkakasundo na mas mabuti ng tumanda ng dalaga.’
“Alam mo! Kukutusan na talaga kita pag ‘di ka pa titigil. Napaka mapanglait mo.”
‘Whatever, Dane!’ Minsan ay napapa-isip ang dalaga na talagang maling wolf ang naibigay sa kanya. ‘Liban sa maarte ito ay talagang mapanlait. Ang tindi ng kabaliktaran nila sa isa’t isa.
“Dane! Napa— Oh! Unahan na kita, galing ka sa training room, ano? Sino na naman kinalaban mo this time?”
“Luna,” turan ng dalaga sa walang emosyon na mukha at tuno. Napapakamot na lang ng ulo si Morgana, ang healer ng kanilang pack. Naghalungkat ito sandali at may iniabot sa kanya.
“Gamitin mo ito. Ilagay mo sa iyong tenga.” Isa itong maliit na korteng bilog na nakalagay sa isang maliit na gold plated na sisidlan, kaya ay mas nagmukha itong earing. Hindi nagsusuot ng anumang palamuti o accessories sa katawan si Dane. Talagang ayaw niya rito dahil pakiramdam niya mukha siyang timang. Pero kung makakatulong naman sa pagiging hot-tempered niya ay kayang-kaya niya namang isuot.
“Pampakalma yan. Alam mo, ikaw ang pinaka kalmadong hindi kalmado na wolf na nakilala ko.”
“MM, talagang ako lang naman ang lagi mong pasyente ‘liban sa mga may sakit.”
“Speaking of sakit, hindi ba masakit ang iyong ilong?” Kumuha si Morgana ng isang cotton buds at pinahid sa loob ng ilong ni Dane. Matapos maka kuha ng sample ay inilagay niya ito sa isang plastic na sisidlan. Napataas ang kilay ni Dane sa ginawa nito.
“Shu! Shu—away na, busy ako.” Walang imik na lumabas si Dane ng kanilang Ospital office at naglakad upang umuwi at ng makaligo na siya.
“Dane, tingnan mo. Ang mga-gwapo ang nasa training field. Hali ka, punta tayo do—”
“Tumahimik ka nga, Hail.” Wala sa mood na naglakad pauwi ang dalaga. Kahit na nakakairita ang mga tinginan na iginawad sa kanyang ng mga kasama ay wala na siyang pakialam doon. Ang tanging dahilan lang ng pagtitiis niya rito ay ang luna, at ang iba pang pack members na pinapahalagahan siya. Simula ng kinupkop siya ng Luna ay naipangako na niya sa sarili na sasamahan niya ito sa kahit na anong harapin nilang panganib. Kung darating man ang panahon na mahahanap niya ang lalaking para sa kanya, sisiguraduhin niya muna maayos na ang kanyang buhay. At hindi magagaya sa kanyang sitwasyon ang kanyang magiging anak. Sa ngayon ay hahanapin muna niya ang sarili at aalamin ang tunay na nangyaring pag dungis sa pangalan ng Ama, maraming taon na ang nakalipas.