Chapter 3- Her Human Props

2014 Words
Sophie Avery Bond POV* "Eh?" "I said, siya na ba ang nanliligaw sayo? Yung sinabi mo kanina sa interview?" Napalunok ako sa tanong ni Khaled. Anong trip niya bakit siya ganyan magtanong? "Ah yes po, Boss. Siya po ang taong iyon." Napatingin ako sa katabi ko at hinawakan ko ang braso niya at mahina siyang kinurot at sabay nakangiti. Ito ring isang ito mukhang gusto din ang sinabi ko. "Ako po ang nanliligaw po kay my loves. Hindi ko nga alam na nag apply ka pala dito, my loves?" "My Loves? Hindi kayo pero my loves na ang tawag sayo. Ang corny naman. Makaluma na ang ganyang tawagan." Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya na kinaiwas ko ng tingin. Ano bang trip ng isang ito? Hindi ko naman siya pinaghihimasukan sa buhay niya pero siya bakit ganito ang mga pananalita niya? Di ako makapagsalita dahil sa sinabi niya baka kung magsasalita ako baka mawala ang lahat ng mission ko ngayon. Gaya nga ng sinabi ko swallow your pride lang may oras sa paghihiganti. Tumingin ako sa floor at hinawakan ko ang wrist nitong lalaking katabi ko at tumingin ako sa ID nitong katabi ko Blue Kenjie Yamamoto ang whole name niya. Ang weird ng name niya katulad niya weird. Napatingin ako sa elevator at nasa ground floor na kami. "Una na po kami ni Bughaw, Sir Carter. Wag po kayong mag aalala bukas dahil bukas ng umaga maaga akong gigising para makapasok agad. Yumuko ako ng kaunti at lumabas na at hila hila ko pa din ang isang ito sa elevator. At nagmamadali akong naglalakad hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas. Di ko siya tiningnan ay diretso diretso lang ako sa paglalakad. "Bughaw? Ano yun may tawagan ka na sa akin? I'm so special." Napahinto ako sa paglalakad at binitawan ko ang kamay niya at napahinto sa paglalakad at napabuntong hininga na lang ako habang nakatalikod pa din sa kanya. "Sana wag mong i-big deal ang sinabi ko kanina sayo. Palusot ko lang iyon." Tiningnan ko siya at nagulat ako dahil ang lapit lapit ng mukha ni Bughaw sa akin. Naduduling ako habang nakatingin sa kanya. "You can use me anytime and anywhere, Miss?" Tinulak ko ang noo niya gamit ang hintuturo ko na kinatawa ko dahil ang pangit niya sa malapitan. "Sophie. I'm Sophie Avery Bond." "Nice to meet you, my Beautiful Lady. I'm Blue Kenjie Yamamoto. You can see in my name that I'm a Japanese." "Pati din sa pagmumukha mo. Pero ang galing mong magtagalog ha." "Ah yeah, no choice eh. My Auntie is a Filipina." "Kaya pala." Napatingin ako sa dala niya. Kanina pa niya pasan ang lahat ng gamit na dala niya. "Hala baka late ka na. Kanina mo pa dinadala ang mga gamit na yan oh." "Hala oo! Actually kay Sir Carter ito na pina uutos niya sa akin at mukhang papatayin niya ako. Parang may something sa kanya kanina. Magkakilala ba kayo?" Nanlaki ang mga mata ko. Hala mukhang na destorbo ko siya. Sana hindi siya matripan ni Khaled. "I don't know him. I'm sorry nadamay ka pa kanina. Ang weird lang naman kasi ng CEO dito." Natawa naman siya at tumango tango. "No problem. Ako na ang bahala kay Sir at sanay na ako sa ugali nun." "Don't worry babawi ako sa susunod. Pasensya na talaga nagamit kitang props." "Hindi ako gamit at anong props? You can use me anytime and anywhere. Ah kung gusto mong bumawi how about tonight? Kain tayo ng dinner. Itutuloy na lang natin ang date natin." Napakunot ang noo ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Friendly date ba. Yun yung mean ko." "Ahh akala ko kung ano. Sige game ako." "May calling card ako at kunin mo sa bulsa ko sa loob ng polo ko." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. May pa calling card pa ang isang ito oh. "Di ako makakagalaw dahil may hawak ako. Please na kunin mo." Napabuntong hininga na lang ako at kinuha sa loob ng polo niya. "Ahh..." Nanlaki ang mga mata ko dahil umungol siya. Mabilis kong nakuha ang calling card niya at hina ko siyang sinuntok sa braso niya. "Ouch... bakit nanununtok?" "Ang landi mo eh. Mabuti walang tao ikaw talaga paano na lang kung may nakarinig. Baliw ka talaga." Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa nagtawanan na lang kaming dalawa dahil sa kabaliwan niya. Mukhang mababaliw ako sa kakatawa sa kanya pag dito na ako magtatrabaho. 3rd Person's Point Of View* Sa di kalayuan ay nakatayo si Khaled at nakatingin sa kanila at napakamao siya dahil sa nakita. Walang emosyon ang mukha niya at nakakunot ang noong umalis sa lugar na yun. Naglakad siya at ang lahat ng taong nakakasalubong niya ay namumutla at agad napayuko. "Boss, may problema po ba?" tanong ng Secretary niya sa kanya. "Ayusin mo ang mesa ng bagong Assistant at wag mong ilagay sa labas ang mesa niya. Ilagay mo sa tabi ng mesa ko sa loob ng opisina ko." Nagulat ang Secretary niya dahil sa sinabi ng Boss niya. Noon kasi ayaw niya na may ibang kasama sa Opisina nito pero ngayon gusto nito na magkatabi pa sila ng upuan. "Masusunod po." Nakayukong ani nung Secreatry niya at inilagay sa notes niya ang tungkol sa paglipat sa Opisina ng Boss niya. Nagpatuloy sila sa paglalakad nang may maalala siya. "Boss, may dinner po kayo ng CEO ng Sy Company mamayang gabi." "Okey." At nagpatuloy sila sa paglalakad papunta sa meeting room at naalala na naman ni Khaled ang sweetness ng dalawa kanina. "Tingnan natin kung naka move on ka na ba talaga sa akin." Sophie Avery Bond POV* Nakarating na ako sa Milktea Shop at napaupo ako sa upuan at inilapag ang mga gamit ko. "Good Afternoon, Boss!" bati ng mga tauhan ko sa akin. "Hmm..." "Kumusta po ang pag apply ninyo?" Napatingin ako sa kanila. Teka paano nila nalaman na nag apply ako? "Teka paano niyo nalaman? Sinusundan niyo ba ako?" Napakunot ang mga noo nila dahil sa tanong ko. "Boss, yung outfit mo para kang mag tatrabaho sa isang kompanya tapos yung biodata mo ayun oh at nakita ka kanina ni Stephen na pumasok sa Kompanya kanina nung papunta siya sa School. Okey na po ba yung reason kung bakit alam namin." Ang talino ng mga batang ito oh. "Oo na nag apply nga ako." "Then? ano pong resulta?" "Ano pa ba. Gisingin niyo ako ng maaga ha 7:30am ang pasok ko doon dapat 7am nandodoon na ako sa Kompanya." Natigilan silang lahat sa sinabi ko. Anong trip nilang lahat? "Natanggap si Master Boss!" At ayun silang lahat nagbunyi at napatawa na lang ako dahil sa kanila. "Libre ka naman ng dinner, Boss." Natigilan ako sa sinabi nila. Dinner? May dinner din kami ni Bughaw. "Sige na, Boss. Matagal tagal na tayong hindi nakakakain sa labas." Napabuntong hininga na lang ako at kinusot ang ilong nung nagsalita. "Okey, okey, pasalamat kayo dahil mahal ko kayong lahat." "Yehey! Mahal ka din namin, Boss!" Simula bata pa sila ay ako na ang nagpalaki sa kanila. Sampu sila at ang iba ay may mga magulang pero hindi sila kayang pag aralin at meron ding iba na wala na talagang mga magulang at ginagawa nila ang lahat mabuhay lang at makapagtrabaho. Lima pa ang nandidito ngayon dahil ang lima ay papauwi na din yun galing paaralan. "Saan kaya tayo kakain ngayon?" Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila. Sila yung mga bata na nasa kalsada noon pero ngayon maayos na ang mga suot nilang damit. Napatingin kami sa pintuan na bigla itong bumukas at pumasok ang Lima. Para di ako maguluhan ay ang mga pangalan nila ay puro numero lahat at nakadepende yun sa kung sino ang unang naampon ko. "Hala anong kaguluhan ito? Anong meron?" "Kakain tayo sa labas, Bro!" "Hala talaga anong meron?" Ani nila Eight, Four at Nine. "Natanggap sa trabaho si Boss! Mayaman na tayo!" ani ni One at ayun nagtatalon talon silang lahat dahil sa sinabi ni One. "Party party tayo!" Napakunot ang noo ko. Anong party party? "Anong Party?" Nakangiti silang nakatingin sa akin. Oh anong tingin tingin niyo diyan? Nandito na kami ngayon nakaupo sa Jobee. Naalala ko na matagal na nilang gustong kumain dito simula bata pa sila. Kawawa ang mga babies ko. "Woah, parang nananaginip ako ngayon." "Heto." Biglang sinampal ng mahina ni Two si Five at nagulat si Five na akala namin iiyak. "Waaa hindi nga ako nananaginip!" Natawa na lang sila at napailing iling na lang ako at kinuha ang cellphone ko. "Kuha tayo ng litrato," ani ko. "Tawag tayo ng waiter para makuha tayong lahat," ani ni Eight. At tumango naman silang lahat at nagmamadali namang tumayo si Ten at tumawag siya ng kukuha sa amin ng litrato. Kaya pumwesto na kami agad at kinuhaan kami ng mga litrato na magkakasama kaming lahat. "Oh, tapos na tayong kuhaan ng litrato uwi na tayo." Natawa kami sa sinabi ni One at ang iba mukhang sineryoso ang sinabi niya. "Waaa hindi pa tayo kumakain uuwi na agad?" "Kuya One naman eh!" "Joke lang naman. Kayo talaga. Oh ayan na ang order natin." Nanlalaki ang mga mata nila dahil isa isa sila ng super meal. "Thank you Mama, you really know we love Jobee!" "Thank you mama!" Natawa na lang ako dahil ginaya nila yung trending ngayon sa social media. "Welcome mga anak." Pagkasama ko sila ay nabubuo talaga ang araw ko sa mga kalokohan nila. "Kumain lang kayo, hanggang bukas niyo yan na pagkain." Natigilan sila sa pagkain. "Boss naman eh!" Natawa ulit ako sa mga reaksyon nilang lahat. "Kung may gusto pa kayo sabihin niyo la--" "Ice cream!" sabay ani nilang lahat na kinatawa ko ulit. "Tung mga batang ito talaga." Nakangiti akong nakatingin sa kanila. "Kumain pa kayo dahil wala na tayong kakainin bukas." "Gagawin namin ang lahat para mas lalong lumakas ang milktea shop, Boss!" "Aasahan ko yan ha. Once may mga barumbado anong gagawin?" "Sumbong muna sayo para alam namin ang aksyon na gagawin namin." "Good. Kumain na kayo." Ang bilis ng panahon ay lumaki na sila. Kahit ilang taon ko pang nakasama ang mga batang ito ay malapit na ang loob ko sa kanila. Biglang bumukas ang pinto at nung napatingin ako sa may pinto ay muntik ko na akong mabulunan dahil sa nakikita. Bakit nandidito ang lalaking ito? May kasama pa siyang babae ma nakahawak sa braso niya. Napataas ang kilay ko kasi ang yaman yaman niya tapos sa fast food lang niya dinadala? Mabuti na yung kami pa ay di pa kami--- what the hell I am saying? Basta bakit siya nandidito sa Jobee! Teritoryo namin ito doon sila sa mamahaling restaurant! My gosh! Bakit ako affected sa kanya? "May problema ba, Boss?" Napatingin ako kay One na nag aalala sa akin. "Ah hindi ay I mean Oo. Banyo muna ako mukhang... alam niyo na." Nagmamadaling umalis naman ako at dumiretso sa banyo. Nakahinga na ako ng maluwag nang makapasok na ako sa loob ng banyo. My gosh ang pawis ko parang boung tubig sa katawan ko ang lumabas ha. Napahawak ako sa puso ko. Damn ang akala ko makalimutan ko na ang lalaking iyon! Bakit ganun pa din ang reaksyon ko! Bakit affected ka pa masyado. Wala ng kayo at wala na kayong pake sa isa't isa. Isa na lang kayong Boss at Empleyado at wala ng mas lalamang pa doon. Past is past never to discuss na... Hindi na ba talaga mababalik ang past? Aba malamang present ngayon tapos ang future lang ang parati na ting hinihintay. Nang matapos na ang pagriritual ko sa loob ng kubeta ay lumabas na ako nang biglang may nabangga ako. Napahawak ako sa ilong ko. Grabe ang tigas ng nabangga ko. Dahan dahan akong tumingin at nanlalaki ang mga mata ko dahil ang lalaking iniwasan ko kanina ay heto na siya ngayon sa harapan ko mismo. Tulala kaming napatingin sa isa't isa. Bakit nandidito ang lalaking ito! Syet! ang puso ko ay lalabas na! Paano ako makakatakas ngayon dito! I NEED BACK UP! ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD