Chapter 2- Start Her Mission

2350 Words
Sophie Avery Bond POV* Kanina pa ako nakaupo dito habang hinihintay na mainterview sa loob bilang Assistant ng Khaled na yun. Kung di lang sa pera ay naglalaro lang ako ng Vegetable vs Zombie boung araw at gabi. Napabuntong hininga na lang ako at binasa ang nasa bio data ko. Kailangan perfect ang lahat. Kailangan kong makapasok bilang Assistant niya at maliit lang ang isang taon para sa bagay na yun at kung mapapadali ko ang pag aamo sa lalaking iyon ay dadagdagan pa ng Employer ko ang sweldo ko. Magiging mayaman na ako at mapapaaral ko na ang mga alaga ko sa Milk tea shop. Tumingin ako sa oras mukhang matatagalan pa ang pagtawag maglalaro na lang ako sa cellphone ko. Habang nag eenjoy ako sa paglalaro ay di talaga mawawala ang mga taong papansin. "It's so very unprofessional to play games like that." Alam ko na ako ang sinasabihan ng babae sa gilid pero di ko siya pinansin at nagpatuloy pa din sa paglalaro. "Pabayaan mo na yan Sis dahil ang mga kagaya niya ang hindi makakapasok dahil sa mga utak na ganyan mag isip. Hindi siya bagay dito. Mas bagay siya sa mga pambata." Umikot lang ang mga mata ko dahil sa mga chika nila at di na lang nila iniisip ang mga sarili nila. Napansin ko na nabobored na ang nilalaro ko kaya pinasok ko sa bag ang cellphone ko at tumingin ako sa labas ng bintana at ang taas pala ng floor na ito. Di ko napansin nakatulog ako sa inuupuan ko dahil sa pagod sa paghihintay kung kailan pa ako tatawagin. Bigla akong natumba dahil sa nakatulog nga ako. At walang sumalo sa akin ha. Nagmamadali akong umupo at pinunasan ko ang laway ko. My God! Ang tagal talaga! Di pa din natatapos sa loob? Ano ba ang mga tanong na ginagawa nila doon? 100 items ba ang mga tanong nila? Pero nahulog talaga ako sa kinauupuan ko as in? Napabungong hininga na lang ako at napatingin sa gilid ko at nakita ko na natawa pa ang mga kasama ko doon at tinaasan ko lang ng kilay. Anong nakakatawa doon? Parang di natutulog ang mga ito ha. Makatawa parang hindi napapagod. "So very unprofessional." At ayun nagtawanan na naman sila. Ang over ng boses nila nakakarindi. "Hindi ba kayo natutulog? Mabuti na yung nakatulog para fresh ang utak." "So ibig sabihin wala kaming utak?" Mag aaway na sana nang biglang may lumabas. "Okey, next five." Napatingin ako sa nagsalita at mukhang assistant ito na nakatayo sa may pinto at ako ang ika Lima kaya tumayo ako at kinuha ang gamit ko at inayos ang mukha ko at tumayo. Napapansin ko na ang liliit ng palda na sout nila at pencil. Habang ako nakasout ng mataas na pants. At kasama ko pala yung mga Professional Girls. Hays ang aarte sarap ihulog sa bintana. Pero ano ang papasukan nila dito? p**n star? Kita ko na atah ang kaluluwa nila dahil sa sout nilang pang ibaba. Nagpatuloy pa din kaming naglalakad at isa isa kaming pumasok at umupo sa mga upuan dito at nakita ko ang limang nakaupo sa harapan at nasa gitna si Khaled at nakaupo siya habang nakapikit. Hala tulog? Mabuti na yung tulog kesa makita niya ako. Mukhang katulad ko siya nabobored na kaya nakatulog. Lumapit ako sa nagsalita kanina ng unprofessional sa akin kanina dahil tulog ako. "Unprofessional siya noh?" mahinang ani ko sa kanya. Sinamaan ako ng tingin nung babae na nagsabi sa akin na Unprofessional daw ako dahil natutulog ako. Ano na lang ang CEO na nasa harapan namin? "Introduce yourself one by one." At ayun nga nagpakilala ang apat na katabi ko. At tinitingnan ko si Khaled at tulog pa din at hindi nagmumulat para tingnan man lang ang mga babae na nasa gilid ko. Loyal atah sa Asawa ang isang ito eh. Hanggang sa ako na ang sumunod. Kinabahan atah ako eh. "Good Morning, Gentlemen. I am Sophie Avery Bond, 25 years old." Nakita ko na biglang napakunot ang noo ni Khaled habang naka upo sa upuan at dahan dahang nagmulat siya at nagkasalubong ang mga mata namin at agad akong umiwas ng tingin at tumingin sa ibang kasama ni Khaled. Di ako nagpaapekto sa mga tingin niya na tagus to the bones ang pamamaraan sa pagtitig niya at nagpatuloy pa din ako sa pag sasalita hanggang sa matapos na at pakiramdam ko hindi ko na iniisip ang mga sinabi ko dahil sa titig niya sa akin. "What did you eat earlier?" Natigilan ako dahil si Khaled na ang nagsasalita at nakatingin pa sa akin at ako talaga ang tinanong niya eh. Teka sa dami ng sinabi ko yun ang tinanong niya sa akin? Nagpapatawa ba ang lalaking ito? At di ako sanay sa boses niya sa totoo lang dahil ang kilala kong Khaled ay... teka bakit ko binabalik ang nakaraan. Hindi ko na babalikan ang nangyari sa amin noon dahil successful na siya sa buhay niya at di na niya ako kailangan pa dahil may iba ng mag aalaga sa kanya. "Eh? Uhmmm... sweet potato or Kamote in short." Nagmamadali na kasi ako kanina dahil akala ko nalelate na ako at di naman ako natatae kanina dahil palusot ko lang iyon. "Kaya pala nagmamadali kang pumunta sa banyo kanina." Natigilan ako at what the! Bakit niya sinabi ngayon! Nakakahiya sa mga tao. Di talaga hihinto ang bibig ng lalaking ito. At nakikita ko talaga na gusto na niyang matawa sa nangyayari sa akin. "Opo, ganun na nga po. I'm sorry po sa nangyari kanina sa elevator." "Hmm... interesting." Anong interesting ang pinagsasabi ng isang ito? Di ko siya pwede samaan ng tingin dahil nag aapply ako sa kanya bilang isang Assistant. Isang taon lang magpabully ka sa lalaking ito! Sa susunod ako na naman ang gaganti sa kanya. "Are you all singles?" Sabay kaming napatingin kay Khaled dahil sa sinabi niya at nagulat din ang mga katabi niya dahil sa sinabi niya. At bakit siya naghahanap ng mga single? Teka kailan pa siya nangangaliwa? Akala ko loyal ang isang ito? Dahil noon ang sabi niya once na magpakasal siya sa isang babae ay siya lang talaga ang babae sa buhay niya at wala ng iba pero ano ito ngayon? Puro salita lang pala ang lalaking ito. "Me po, Boss." Naging seryoso ang mukha ni Khaled dahil sa sinabi ng apat na babae sa gilid. Teka single pa silang lahat? Sa ganda nilang yan singles sila? Ano na lang kaya ako? "Oh really?" May nararamdaman akong kakaiba ngayon. Parang may mean ang pagkasabi niya kung single ba sila. Parang isa iyon sa mga trust issues bilang isang Assistant. "Girl One, may nobyo ka na at 4 years na kayo. Girl Two, may fiancee ka na at Seven years na kayo, Girl 3, mayroon ka ng Dalawang anak at may ka live in ka na din at ganun din ang ika Apat na may anak ka na din. Yan din ang sagot ng mga nauna sa inyo." Hala paano nalaman ni Khaled ang tungkol sa bagay na yan? Researcher na ba siya? At nakikita ko sa mga mukha ng mga kasama ko na parang tama ang mga sinasabi ni Khaled. "And you, Miss Sophie Avery." Napatingin ako sa isang lalaki na katabi ni Khaled. Lima kaming nandidito bakit di mo kilala ang apat na nagpapakilala kanina? Bakit ako lang tinawag mo at pangalan ko pa talaga! "Ah ako po?" "Yes you, may iba pa bang Sophie Avery dito bukod sayo?" Oo nga naman. Kailan pa ako nahing Bobo? "Single po ako pero may marami po akong pinag aral at pinapakaing mga kabataan." "Are you related to them?" "Hindi ko po sila kaano ano. Pero gagawin ko po ang lahat mapagtapos lang sila para may future silang lahat at hindi mapunta sa maling daanan. Nakikita ko naman na sila yung mga kabataan na gagawin ang lahat makapag aral lang sa kolehiyo." Nagkatitigan naman silang lahat. "Ilan silang pinag aaral mo ngayon at hindi ka na ba magpaplanong mag aasawa, Miss? Pwede naman silang maging scholar ng Kompanya ni Mr. Khaled kung magandang grado lang ang ipapakita nila dito." Nakatingin ako sa mga mata ni Khaled habang nagsasalita sa akin ang isang katabi niya. Binaling ko agad ang tingin ko sa nagtatanong. Bakit personal na ang mga tanong nila sa akin ngayon? Hindi ito pang trabaho na tanong! "Tatanungin ko po sa kanila dahil malaki po ang tulong nun sa kanila. Maraming salamat po. At tungkol po sa tanong ninyo may plano po ako pero nanliligaw pa po yun at di ko pa po sinasagot pero malapit na po kasi uunahin ko muna ang mga batang yun." Napakunot ang noo ni Khaled habang nakatingin sa akin. Yung manliligaw ko kuno ay biro biro lang yun para hindi ako talo sa paningin ni Khaled. Baka ang akala niya ay di pa ako nakaka move on sa kanya. "Ilan na ang naging Boyfriend mo?" Doon na lumipat na ang tingin ko kay Khaled na seryoso na ang tingin niya sa akin. Anong trip ng isang ito? Bakit tungkol sa boyfriend na ang tinatanong niya sa akin? Six years na kaming naghiwalay at di ko na nga tinatanong sa kanya ang tungkol sa buhay niya kasi malaya na siya eh ako na ngayon ang tinatanong niya. "I'm sorry, di ko masasagot ang tanong niyo dahil pribado ko na po iyong buhay at sana maintindihan niyo po, Sir." Napasinghap ang mga kasamahan ko na kasama ko sa pag aapply. Eh? Ano naman ang mali sa mga sinabi ko? Sinabi ko lang naman ang karapatan ko bilang tao. "CEO na yang kausap mo," mahinang ani ng katabi ko. I don't care kung siya ang CEO basta ang alam ko alam dapat niya kung saan ang limitasyon ng mga tanong na itatanong sa akin. "She's right. That's her private life. Di na natin tatanungin ang bagay na yan sa kanya, Mr Khaled." Mabuti nagsalita din ang kasama niya sa gilid. Nagtagisan kami ng tingin kailangan ko pa ding makapasok dito. Please tapusin na ninyo ito di ako sanay sa ganitong lugar parang nasa hot seat ako ngayon habang nakaharap sa kanya. "I'm sorry kung di ako nakasagot sa tanong ninyo. Pero I'll do anything po para sa mga batang pinapaaral ko." Yumuko ako. Isa ito sa mga tinuro sa amin sa training. Swallow your pride. Kalimutan ang nakaraan kung assignment or mission na ang pag uusapan. "Tatawagan lang namin kung sino ang nakapasa bilang Assistant ni Mr. Khaled. You may now all dismiss." Tumayo kami at yumuko. Napatingin ako sa mga daliri ni Khaled at wala namang singsing. Baka hindi niya sinusuot ang singsing niya. Yumuko ako ulit sa kanila at lumakad na pero nakikita ko pa din na nakatingin pa din siya sa akin. Naramdaman ko na nanindigan na parang nag flag ceremony ang mga balahibo ko sa katawan. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa labas na ako at nakatingin ako sa ibang naka linya na nakatingin sa akin. Kailangan ko na talagang makaalis dito baka maaga nila akong maprito ngayon dito. "Ikaw lang ang naglakas loob na sagutin ang CEO ng ganun, Miss." "Oo nga at nakikita niyo ang mga titig ng CEO sa kanya. Grabe diba?" "Oo nga. Napansin ko yun nung nag introduction tayo tapos tulog siya nun at nung nagsalita si Miss Sophie ay nagising siya." Totoo yun pero ang hindi nila alam na ex ko ang CEO nila. Mabuti ma yung ganun kesa malaman nila baka maging laman na ako ng balita dito. "Wag niyo ng isipin yun baka nag iimahinasyon lang kayo. Una pa ako baka umuwi na yung mga Estudyante ko." Umuna na akong lumakad nang napahinto ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Unregistered?" Pumunta ako sa may balcony ng Company at mabuti walang tao baka kasi yung Employer ko ang tumawag. "Hello?" "Be on time tomorrow at 7:30am in my office, Miss Assistant Sophie Avery Bond." Nanlalaki ang mga mata ko dahil ang boses na iyon ay galing sa lalaking kausap ko kanina. Ang boses na yun ay kay Khaled. "N-Natanggap na po ako, Sir Carter?" "Yes, be on time tomorrow, Miss Bond." "Okey po!" Napangiti ako at tumingin sa may pintuan at nakita ko siya na lumabas na at kasama niya ang Secretary niya at mukhang hindi niya ako nakita kasi diretso lang siya papunta sa kabilang room niya which is ang Opisina talaga niya. Napangiti na lang ako at umalis na doon. Success ang isang plano ko na makapasok sa Kompanya niya. Nakangiti akong naglalakad papasok sa elevator nang napahinto ako ng makita ulit ang lalaking weird. Siya yung sumalo sa akin nung nabangga niya ako at yung lalaking parang nahulog na sa akin dahil sa pamamaraan ng pagtingin niya at pagngiti sa may banyo kanina. Nerd siya actually at maraming dalang papeles sa kamay niya. "Ikaw ulit si Miss Angel!" Napakunot ang noo ko. Anong Angel ang pinagsasabi ng lalaking ito. "I'm not Angel." Sisira na sana ang pintuan ng eleveator nang bigla itong bumukas at nagulat ako sa nagpahinto ng pagsira ng pintuan ng elevator at si Khaled iyon kasama ang dalawang gwardya niya at isang Secretary. Nagtama ang paningin namin ni Khaled. Diba nasa opisina pa ang lalaking ito bakit siya nandidito ngayon? Pumasok siya at wala siyang emosyon na nakatingin siya sa katabi ko at tumalikod sa amin kasi nasa harapan namin siya. Nakaisip ako ng paraan at hinawakan ko ang damit niya na kinatingin sa akin ng Nerd. "Sabi mo magdi-dinner tayo mamaya. Saan tayo kakain?" Inunahan ko na baka may planong mang imbita ang isang ito ngayon. "Eh?" Mahina akong nagsignal at mukhang nagets naman niya. "Hala ngayon pala yun. Nakalimutan ko at mabuti napaalala mo sa akin, my Loves." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pinagsasabi ng lalaking ito? "So he's your suitor?" Napatingin ako sa harapan nang biglang may nagsalita si Khaled habang nakatalikod pa din sa amin. Sinamaan ko ng tingin yung nerd at napatingin ulit kay Khaled na nakatingin na pala sa akin dahil siguro sa di ako nakasagot sa tanong niya. "Eh?" ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD