Sophie Avery Point Of View*
Grabe kakaba ang puso ko nang makita ko siya ngayon sa harapan ko. Paano ako makakatakas ngayon? Nasaan na ang mga anak ko? I need back up!
Sinilip ko sila at ayun busy sila sa kinakain nila.
"Ms. Bond."
Nagpapanik akong napatingin sa kanya. Ano ba ang gagawin ko? Kahit anong gawin ko hindi talaga titingin ang mga alaga ko sa akin.
Sa susunod sa turo turo ko na sila papakainin at hindi sa mga ganitong lugar kasi di ko inisip na pupunta si Khaled dito with his date.
"Ms, Bond, are you okey?"
Akmang hahawakan niya ang ulo ko nang agad akong napaatras.
"P-Po? Ah nandyan po pala kayo, Sir!"
Agad na ani ko sa kanya kahit ang lalaki na ng pawis ko. Nakikita ko na bubunot sana siya ng panyo nang agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan pawis ko.
"Bakit ka pawisan? Para kang nakakita ng multo o baka galing ka na naman sa kubeta? Di ka pa ba gumagaling sa diarrhea mo?"
Namumula na naman ang mukha ko at napakagat sa labi. Wala na akong ipapalusot! Alangan naman sasabihin ko na mumula at pinagpapawisan ako sa mukha niya.
Hindi, wala na akong nararamdaman sa kanya. Promise yan!
"And Ms. Bond, I think you really like my chest."
Napalipat ang tingin ko sa dibdib niya at ang kamay ko ay nakahawak pala doon.
Pwede ba akong lamunin ng semento ngayon dahil sa ginawa ko! Agad kong kinuha ang kamay ko doon. Pero infairness ang tigas ng chest niya. Ang sarap siguro hawakan ng dib--- Mahina kong sinampal ang dalawang kamay ko na kinakunot ng noo ni Khaled.
"Why did you do that?"
"Hala, pasensya po, Sir. Nagulat lang ako. Mauna na po ako. Pasensya po ulit di ko po ulit gagawin ang bagay na yun."
Akmang aalis ako nang humarang na naman siya na kinahinto ko at tumama na naman ang mukha ko sa dibdib niya at muntik na akong matumba at agad niya akong nasali na kinatingin namin sa isa't isa.
Naalala ko na naman ang nakaraan na magkalapit ang mga mukha namin at ang kanyang mga magagandang mata na nakatingin sa akin, ang mahahabang pilik mata, ang matangos niyang ilong ang mapupula niyang mga labi. Akmang hahawak ako sa mukha niya nang magising ako at agad akong napatayo ng maayos at ang pula pula na ng mukha ko.
Napaiwas ako ng tingin at nagbuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. Chill lang may mission ka pa sa lalaking ito.
Ano na naman ang trip ng isang ito? Hindi ba ako padadaanin ng maayos?
"Sir, may kailangan pa ba kayo?"
Tinago ko ang pagka inis ko dahil sa ginagawa niya. Bakit naman siya paharang harang kasi.
"You need to get up early tomorrow. 6:30am."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 6:30? teka 8am ang pasukan nila bakit naman ang aga?
"Sir, bakit ang aga po?"
"May gagawin pa ako sa opisina kaya be early or else... palitan kita diyan."
Nanlaki ang mga mata ko at agad tumango.
"Okay po, Sir. Maaga po ako bukas po. Wag po kayong mag aalala."
Tumango tango naman siya at pinadaan naman ako at nakahinga ako ng maluwag nung nakadaan na ako at tumingin ako sa kanya sa likod at nakita ko na nakatingin siya sa akin kaya napabalik ang tingin ko sa harapan at bumalik ang paningin sa harapan.
Nagmamadali akong pumunta sa mga kasama ko.
Sabay silang napatingin lahat sa akin na may pagtataka.
"Bakit natagalan ka, Boss?"
"May insektong humarang sa dinadaanan ko."
"Insekto?"
"Tao ba yan? Sabihin niyo sa amin at wawasakin namin mukha ng taong yun, Boss."
"No need to do that. Dalian niyo sa pagkain diyan kasi maaga pa ako bukas sa trabaho."
Natatawang ani ko sa kanila at tumango na lang sila. Napatingin ako sa kabilang upuan at nandoon naghihintay yung babaeng ka date ni Khaled.
Sino naman kaya yan? Hindi yan ang Asawa ni Khaled.
"Boss, di niyo kinakain ang burger na binili ninyo?"
"Nawalan ako ng gana. Kainin mo na Ten."
"Opo, Boss."
Biglang lumabas si Khaled sa banyo at agad akong napaiwas ng tingin at nakita ko na may palaman ang gilid ng bibig ni Ten kaya kumuha ako ng table napkin at pinunasan ang bibig nito.
"Ang dungis mo ha."
"Thank you, Boss."
"Boss, kami rin."
Napatingin ako sa siyam at mayroong mga dumi ang mga bibig nila na kinalaki ko. Nilagyan nila ng dumi para punasan ko.
"Hoy, anong ginagawa ninyo."
Di ko mapigilang matawa sa kanila. Ang cute nilang lahat!
May time din na para silang mga bata lahat. Ang edad nila ay nasa 17 hanggang 24. Pinapasok ko sila sa Milk tea shop para sa kanilang pag aaral dahil hindi na kaya ng mga magulang nila ang pag aaral nila.
Napatingin ako sa upuan at wala pa din doon si Khaled. Nasaan naman kaya ang taong yun.
Napatingin ako balik sa mga alaga ko at nagulat ako kung saan sila nakatingin at dahan dahan akong yumingin sa likod ko at nakita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap... teka sinong hinahanap?
"S-Sir!"
Agad akong napatayo at tumingin sa kanya.
"I think heto na silang lahat?"
Nagtataka akong tumingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?
"Sino siya, Boss?"
Napatingin ako sa mga alaga ko.
"Ako ang bagong Boss ni Sophie."
Nanlalaki ang mga mata nila sa sinabi ni Khaled. At magsasalita sana ako nang biglang tumayo si Two at hinawakan ang kamay ni Khaled.
"Sir, kayo na po ang bahala sa Boss namin."
Tumayo naman si Ten at hinawakan din ang kamay ni Khaled.
"Sir, wag niyo pong pagutumin po ang Boss namin. Minsan po inaatake po siya ng ulcer po niya."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ten at nag agree naman ang iba sa sinabi ni Ten.
"Hey, dalian niyo na nga sa pagkain diyan may ka date pa si Sir Khaled."
Tumango naman sila at humarap ako kay Khaled.
"Pasensyahan na po ninyo ang mga alaga ko."
"Boss, sana may susunod pa po na ganito," ani ni Seven at tumango naman ako.
"Kung gagalingan niyo po sa eskwela ay babalik tayo dito."
"Top naman po kami lahat sa klase namin."
"Let them join in my Company Scholarship."
Napatingin ako kay Khaled na biglang nagsalita.
"Alam ninyo kung makasali kayo sa Scholarship sa Kompanya ko ay may allowance kayo every month at iba pa ang p*****t sa pambili ng school supplies at sa scholarship naman ay 100% ang makukuha ninyo."
Nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin.
"Grabe, totoo po ba, Boss?"
Tumingin silang lahat sa akin na nag sasabi kung totoo ba ang sinasabi ni Khaled.
Tumango ako sa kanila at nanlalaki ang mga mata nila.
"Mabuti na po yun malaking tulong po yun sa inyo, Boss. At may mga pangbibili ng project at baon na lang po kasi sagot na nila ang Scholarship."
Tumingin ako kay Khaled at ngumiti sa kanya. Agad kong hinawakan ang dalawang kamay niya habang nakatingin sa mga mata niya. Masaya ako kasi may dagdag inspirasyon sila ngayon.
"Salamat po, Sir Carter."
Bigla siyang napatingin sa kamay ko na kinatingin ko doon.
"Ay... sorry po."
Agad kong binitawan ang kamay ko at pagtingin ko sa mga alaga ko at nakangiti sila.
"Boss, si Sir na lang po. Wag po yung manliligaw niyo na parating pumupunta sa bahay."
Naalala ko may manliligaw din akong nasa kabilang bahay lang at araw araw pinupuntahan ako sa milktea shop para magpapogi eh tambay lang naman at walang ginagawa.
"Sino ang nanliligaw sa kanya? Nerd ba?"
"Marami po eh may siga, may professional Teacher, Police, Tindero, at marami pang iba pero wala pang pinili si Boss doon," ani ni Five.
"Mukhang kulang pa ang kinakain niyo. Umorder pa nga kayo doon pang take out kasi uuwi na tayo."
"Yehey!"
At ayun nagpuntahan sa counter.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Khaled.
"Kanina pa po kayo hinihintay ng kadate niyo po."
Tinuro ko sa kabilang mesa at nandodoon yung babae na kanina pa may pinipindot sa Laptop nito.
"Mas gusto kitang kasama."
Napakunot ang noo ko at umatras ako patalikod ng isang hakbang.
"Sundan ko na po ang mga alaga ko. Ingat po kayo maaga pa po tayo bukas."
Yumuko ako ng kaunti at tumalikod na at lalakad sana ako nang hawakan niya ang kamay ko na kinatingin ko sa kanya.
"Boss?"
"Ako na ang mag babayad sa mga inorder nila ngayon."
"Nako, ayos lang po may pera po ako at minsan ko lang po sila---"
Pero di na niya ako pinakinggan at pumunta siya sa cashier at binigay ang Black card niya.
"Sir..."
"Nah, ako na ang bahala. Choose what you want, Boys."
"Yehey! Thank you!"
Napahawak na lang ako sa noo ko. Bakit niya ginagawa ang bagay na ito?
"You can choose what you want too."
"I'm done eating, Sir Carter."
"Two Big meals for her."
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"I know you like that."
Ngumiti siya na kinakunot ng noo ko.
"But, Si--"
"Ayoko ng Assistant na hindi kumakain at bigla na lang nagkakasakit."
"Tama po ang sinabi ng Sir mo, Boss."
At nakikisakay din ang mga pangit na ito oh.
"Boss, bigla na lang po siya namimilipit sa sakit at nag aalala po kami sa kanya."
"Oo nga po, minsan po dinadala na po namin sa Hospital po dahil di na po niya nakayanan ang sakit."
"Busy po kasi siya parati at nakakalimutan talaga niyang kumain sa tamang oras. Kaming mga empleyado niya sa Milktea shop ay nag aalala na sa kanya."
Hala bakit ang oa nilang lahat!
"Wag kang maniwala sa mga pinagsasabi nila."
"Shhh... you don't need to explain yourself, Ms. Sophie."
Tumingin siya sa Cashier.
"Pakideliver na lang ng Card ko sa upuan namin doon."
"Yes, Sir."
Namumula ang mukha ko at tumingin sa mga alaga ko.
"You, all!"
"Waaaa! Nagiging monster na naman siya! Takbo!"
At ayun nagtakbuhan sila paalis sa Jobee at napabuntong hininga na lang ako at lumabas na din.
Nasa kwarto na ako ngayon at inaalala ang nangyari ngayong araw. My God sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon.
Ang liit na lang ng mundo namin ni Khaled at siya pa ang mission ko ngayon.
Napahawak ako sa Aso na binigay niya sa akin noon. Isa itong Husky at nasa Pitong taon na siya ngayon.
Ito ang binigay ni Khaled sa akin sa aming 6 years anniversary at hanggang ngayon nandito pa din sa akin ang Aso namin. Ang pangalan niya ay khafie isa siyang babaeng husky.
Nasa higaan ko nakahiga ang Aso namin at ginawa ko siyang unan habang hinahaplos ang balahibo niya.
"Khafie," tawag ko sa kanya at napatingin siya sa akin.
"Alam mo ba na bumalik na ang Daddy mo?"
Ginawa na kasi naming Anak si Khaphie. Ako ang Mommy niya habang Daddy naman niya si Khaled.
"Arf!"
Umupo ako sa higaan at tiningnan siya at nanlalambing siya.
"Hindi ko pwedeng balikan ang lalaking iyon dahil may Asawa na ito at siguro may Anak na iyon sa Asawa niya pero ang pinagtataka ko ay bakit may iba siyang babaeng ka date?"
"I think nagbago na ang Daddy mo. Hindi na siya yung Daddy mo noon na mapagmahal at stick to one lang."
Hindi na siya katulad noon at nakikita ko na hindi na din niya ako Mahal.
"Bakit ko binabalikan ang nakaraan kung wala na talagang pag asa. Nakamove on na ako noon pa, Khaphie. Tulungan mo kong makalimutan ang lalaking iyon pero paano ko yun makalimutan kung simula bukas makikita ko na siya araw araw? Bobo lang?"
Napangiti na lang ako sabay iling iling.
"Ito na ang huling feelings ko sa kanya."
Niyakap ko si Khaphie at doon lumabas ang luha ko.
"Kakalimutan ko na ang lalaking iyon. Kakalimutan ko na talaga siya."
Di ko napansin hanggang makatulog na ako sa tabi ni Khaphie.
Kinabukasan at maaga akong nagising at nagmamaneho ako ng scooter ko papunta sa kompanya ni Khaled.
Nagmamadali ako hanggang makarating ako sa Entrance ng Kompanya at napakunot ang noo ko dahil sirado pa at wala pa kahit isang Security.
Eh? Ang sabi niya 6:30am? bakit malapit na mag 7am ay hindi pa din bukas?
Teka parang naisahan atah ako ha.
*****
LMCD22