Chapter 5- Hate Him

1900 Words
Sophie Avery Point Of View* Nakapikit ako habang pinapakalma ang sarili. Baka kasi magiging halimaw ako ngayon sa harapan ng Company ni Khaled. Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinawagan si Khaled kung buhay pa ito o hindi na. Maaga niya akong pinapagising pero siya hindi niya kayang magising ng maaga. At hindi pa niya sinasagot ang tawag ko. Napadabog ako sa paa ko at umupo sa hagdanan dahil sa inis. Para akong tanga sa unang pasok ko dito. Kung di lang dahil sa pera ay matagal na akong umalis dito at di tinanggap ang pagiging Assistant niya. Napahawak ako sa tiyan ko dahil gutom ako. Sinong hindi magugutom maaga kang umalis sa bahay dahil late na sa napag usapang oras na pumunta dito pero pagdating dito ay hindi bukas at close pa talaga. As in walang tao sa paligid. "Damn you, Khaled!" Sinuntok ko ang pader sa gilid ng tatlong beses dahil sa galit. "Isa ba ito sa mga balik mo sa akin. Grabe ha ako dapat ang magalit sayo." Napakamao ako habang sinasabi iyon napakagat ako sa labi ko at tinago ko ang mukha ko sa tuhod ko. "Wag kang umiyak, Sophie. Hindi mo deserve ang umiyak. Umuna na siyang bumitaw kaya kailangan mo na din siyang bitawan. Nakikita mo naman na naka move on na siya ng tuluyan sa relasyon ninyo noon." Para akong tanga dito na kinakausap ang sarili. Tumingin ako sa orasan at 7:30am na pala at mukhang mga 30mins na akong nakaupo dito. Ito ba ang sinasabi niyang 6:30am? Napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa tiyan ko na sumasakit na naman dahil sa walang kain. Naghahanap ako ng makainan at wala akong makitang kainan dito eh kung mag momotor naman ako ay aabutan na ako ng traffic. Malayo layo ang mga fast food dito. Napakagat ako sa labi ko habang sumasakit ang tiyan ko. Kailangan kong tiisin ito baka may biscuit sa loob. Noon hindi ako ganito noon na gugutumin dahil si Khaled ang taga luto ko noon. Mapa baon papunta sa School noon nung nag college kami ay siya ang nagluluto. Sa Sampung taon na pag sasama namin ay siya ang umaalaga sa akin at nagsimula ang ulcer ko 6 years ago nung umalis na ako sa buhay niya. Wala na akong maayos na kain at trababo nun at pakiramdam ko mamamatay na ako dahil wala na ang mahal ko at ikakasal na sa iba na wala man lang sinabi kahit katiting. Naalala ko yung Tita ko na ganyan din ang buhay na may iba ng Fiancee ang live in niya at sinabihan siyang mas mahal niya ang Fiancee niya kesa sa kanya. Ganun ang iniisip ko noon kaya na ako tuluyang umalis at di ko na kailangan ang explaination niya. Ito na ang oras para maghanap na ng makapartner sa buhay. Kinuha ko ang cellphone ko. At binuksan ang dating apps at napakunot ang noo ko dahil ilang next next ko ay wala akong maski isang type sa kanila. Hindi sila marunong magluto at hindi maalagain. Puro lakwatsya ang inaatupag. Napabuntong hininga na lang ako at inilagay sa gilid ang cellphone ko nang biglang tumunog ang cellphone ko at napakunot ang noo ko dahil may nakalagay nahinart ko yung isang mukha sa dating apps at sinabi din doon na hinart din niya ako. Pero mas lalo akong nagulat nung nag message ito sa akin. 'Hello, how are you doing?' Napalunok ako at binalikan ang litrato niya at naka hat siya at may hawak na dog at tanging mapupulang labi lang ang nakikita ko at hindi ang boung mukha niya. Maputi siya at makikita mo na matipuno din ang katawan nito. Pero mas lalong kinaattract ko ay ang hawak niyang Aso. Ang cute! Tiningnan ko ang name niya at ang nakalagay doon ay Mat-Mat. Napakunot ang noo ko dahil ang pangalan niya ay nickname dito sa Pinas. "Ang cute." Binasa ko ang info niya at single siya at hindi smoker at ocassion lang umiinom at wala ding anak. mahilig mag luto at pet lover. Yun na ang hinahanap ko sa isang lalaki. Cooker and pet lover. Matatanggap niya si Khaphie. 'Ang tagal mong mag reply.' Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. 'Nainlove ka na ba sa mukha ko.' At ayun grabe na ang tawa ko sa sinabi niya. Wala naman siyang mukha eh kasi nakatakip ng cap niya. 'Feel free to look at my face hanggang hindi mo na ako makalimutan at hanggang sa future iisipin mo na ako na ang makakasama mo hanggang sa huling hininga natin.' "Bolero ang isang ito ha." Natatawa ako sa kanya at rereplayan ko na lang. 'Napaka hangin mo. Wala naman akong makitang mukha sa profile mo. Naku-kyutan lang ako sa aso mo kesa sayo.' Nakangiti ako habang tinatype iyon. 'Sa akin ba hindi ka na ku-kyutan?' 'Paano ko nga masasabi na cute kung di ko naman kita ang mukha mo.' 'Ay, I forgot nakatakip pala ang mukha ko.' At ayun grabe ang tawa ko habang nakatingin sa malayo bago binalik ang tingin sa cellphone. "Unbelievable... may ganito pa pa lang tao ngayon?" Dahil sa pagkukwentuhan namin ay di ko napansina na uminit na pala. Kaya agad akong sumilong sa puno. At naputol ang conversation namin nang biglang tumawag ang hinayupak na si Khaled. Agad ko yung sinagot. "Where are you?" tanong niya. Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Pero chill lang dahil nagtatrabaho ka pa sa kanya. "Kanina pa po ako sa labas ng kompanya niyo po." "Okey, wait me there in 1 hour." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. So dadating siya mga 8:40am? Pinagtitripan ako ng isang ito? Nanghihina akong napaupo sa gilid ng punuan. "Okay, Sir. Hihintayin po kita." Ako na mismo ang pumutol sa tawagan namin. Damn ang sakit na ng tiyan ko dumagdag pa ang isang ito. Napatingin ako sa Entrance at may Guards na nasa loob. Lumapit ako sa Entrance. "Kuya Guard." "Yes, anong kailangan ninyo?" "Ah, ako po yung bagong Assistant ng CEO po. Kahapon pa po ako natanggap po." "Oo nabalitaan ko iyon. Napaka aga mo naman 8am na pero pumapasok ang CEO ay 8:30am pa." "Oo nga po eh. Ang sabi pa niya 6:30am pa. Tapos 8:30 pala siya papasok." "Puntahan mo na lang kaya ang Mansion niya. Diba yan ang trabaho ng Personal Assistant?" Oo nga noh. Bakit kaya di na lang ako pumunta doon? "Saan po ba bahay niya?" "Sa pagkakaalam ko nag iisa lang naman ang Mansion niya dito sa Pinas." Nagulat ako sa sinabi niya. Nag iisa? May dati pa siyang Mansion at yun ay ang Mansion ng mga magulang niya at iba din yung tinirhan namin na hindi malaki at yun nga binenta ko na. Baka yung Mansion nga ng mga magulang niya ang tinitirhan niya ngayon. "Ah okay po. Yun po ang aalamin ko kung magkikita kami ni Sir Khaled." "Mag iingat ka din dahil ang Boss natin ang pinaka kinatatakutan sa mundo ng business. Sa isang araw marami siyang napapaalis na empleyado." Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit naman daw? Ano po ang meron?" "Ang gusto ng Sir natin hindi palpak ang nga gawain kaya lahat ng mga napapalpak ay agad niyang pinapaalis na walang ikalawang pagkakataon. Malamig ito at heartless sa lahat ng tao dito." Hindi siya ganun noon. Hindi ganun ang ugali niya na mananapak ng ibang tao at binibigyan niya ito ng ikalawang pagkakataon sa pagkakamali nito. "Kahit ang Assistant niya noon ay ganun din ang nangyari dahil sa kapeng binigay nito at hindi niya gusto kaya ito napaalis noon." Nanlaki ang mga mata ko. Kape? Dahil doon napaalis yungd dating Assistant niya? Ang babaw ng kagustuhan niya! "Mag iingat po ako." Ngumiti naman si Kuya Guard at pinaupo ako sa sofa dahil hihintayin ko pa si Khaled. Tiningnan ko ang relo ko at dapat nandidito na siya ngayon. Sumasakit pa din ang tiyan ko dahil sa ulcer ko. "Kuya Guard, saan po ba dito ang Canteen. Gutom na po kasi ako eh. Bibili sana ako ng kahit biscuit lang." "Nako, Iha. Sa susunod kumain ka. Mas importante ang kumain ka kesa magpapagutom. Doon ang Canteen mukhang bukas na sila ngayon." "Salamat po." Lalakad sana ako nang makita ko si Khaled na papasok ng Entrance. Waaa! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Pero hindi! Bibili na ako ng Biscuit. "Ms. Bond." Natigilan ako sa paglalakad ko at napatingin sa kanya. "Where are you going?" "Sa Ca---" "Nevermind, hold my bag." Napatingin ako sa gwardya niya at inilahad sa akin ang bag niya at ngumiti ako sa kanya kahit sa ilalim gusyo ko na siyang patayin sa totoo lang at walang halong biro. Umuna na ako sa paglalakad at dumiretso sa Elevator at pinindot ang up bago tumayo ng matuwid at nung bumukas na ang pinto ng Elevator ay pinauna ko siyang pumasok at akmang papasok sana ako nang pinahinto niya ako. "Gamitin mo ang hagdanan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pero kalma lang at yumuko ako habang nakangiti kahit gutom na gutom na ako. Pag uwi ko talaga mamaya kakain talaga ako! Umatras ako sa elevator hanggang sumira na ang pinto. Pinagsisipa ko at suntok ko siya sa kahit sa imagination ko lang iyon. "Aaaarrggghhh!" Nalabas ang lahat ng galit ko sa pamamagitan ng pagsigaw at kumalma ako. "Kaya ko ang lahat ng ito at kaya ko ito." Napatingin ako sa likod ay nakita ko na nakatingin silang lahat sa akin. Ang gulat sa itsura nila ay pag aalala ang naging titig nila sa akin. "Miss, kaya mo yan!" Nagulat ako sa sinabi nila dahil binibigyan nila ako ng determinasyon na kina ngiti ko. "Aja!" At lumakad na ako at binuksan ang pinto at nakita ko ang mataas na hagdanan. "Kakayanin ko ito." "My Love!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Bughaw. "Good morning, Bughaw. Pasesya ka na pinatigil ko ang friendly date natin kagabi yung mga alaga ko kasi." "Nako ayos lang yun. Marami pang gabi na pwede tayong mag date. Teka anong ginagawa mo dito sa harapan ng hagdan? Di naman sira ang elevator." "Dito ako papaakyatin ng Boss natin. Hindi daw ako pwede sa elevator. Kaya mauna na ako." Akmang tatakbo ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Sus, maliit na bagay. Samahan na kita. From now on bestfriend mo na ako at sasamahan kita sa lahat ng hirap." "Wag na madamay ka pa." "Gusto ko din mag ehersisyo. Kung sino ang mahuhuli ay siya ang maglilibre mamayang gabi." At ayun tumakbo na siya at natawa ako at niyakap ang bag ni Khaled at tumakbo na din papunta sa taas. Nakikita ko din na mataas ang hangin ng isang ito at kailangan naming maakyat ang 30 floor na opisina ni Khaled. Hindi ngayon pero balang araw humanda ang lalaking iyon. Nakarating na kami sa 25th floor kakatakbo nang biglang sumakit na naman ang ulcer ko na kina kapit ko sa gilid ng hagdan. "Damn, ngayon pa." Napaluhod ako habang namimilipit sa sakit. "My lab, anong nangyayari sayo?" Hindi ako magiging ganito kung di talaga ganito kasakit. Nakita ko na nasa harapan ko na si Bughaw at nag aalalang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko para alalayan. "Dadalhin na kita sa clinic." Napaiyak na ako sa sobrang sakit. Hanggang sa mawalan na ako ng malay. Damn you, Khaled. Di ko kakalimutan ang pinapagawa mo sa akin! "Sophie!" ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD