AKMANG tatawagan ni Daphne Abegail Agustin ang boyfriend na si Carlos nang mapahinto siya ng magsalita ang kaibigang si Ara.
“Daphne, look?” wika nito sa kanya. At nang sulyapan niya ito sa kanyang tabi ay nakita niyang may itinuro ito. Sinundan naman niya ang itinuturo nito hanggang sa nakita niya ang papalabas na kotse ni Carlos sa pinagta-trabahuan nito.
Kanina pa silang dalawa ni Ara sa labas ng pinagta-trabahuan nito. Hinihintay kasi nila ang paglabas nito para sundan si Carlos. Nag-undertime nga siya sa trabaho para magawa niya ang binabalak. At sinamahan din siya ni Ara na sundan ang boyfriend niya.
Nakakaramdam kasi si Daphne na kakaiba sa boyfriend niya. Pakiramdam kasi niya ay may iba itong babae, napapansin kasi niya na madalas itong may ka-text kapag kasama siya nito. At hindi mapakali si Daphne kaya naisipan niyang sundan ito.
Boyfriend ni Daphne si Carlos Diaz--isang itong Architect sa isang Architectural Firm sa bansa. Pareho silang Architect na dalawa, samantalang siya ay nagta-tranaho sa Agustin Architectural and Engineering Firm na pag-aari ng pamilya niya. Nagkakilala silang dalawa ni Carlos noong pareho silang um-attend sa isang Convention ng mga Architect apat na buwan na ang nakakaraan.
Do’n sila unang nag-meet na dalawa. Carlos is a Handsome man. He is nice, too. Nagka-crush nga siya dito sa unang pagkikita nilang dalawa. At nang kunin nga nito ang numero niya ay hindi na siya nagpakipot pa, ibinigay niya dito ang number niya at pagkatapos nga ng convention ay nag-text ito sa kanya. At do’n na nag-umpisa ang lahat.
They meet again at tinanong siya nito kung pwede ba itong manligaw. At dahil crush niya ito ay pumayag naman siya. At sa loob ng isang buwan na panliligaw nito ay sinagot niya ito.
Nang makita niya ang paglabas ng kotse nito ay agad niyang pinaandar ang kotse para sundan ito. Well, hindi niya iyon, kotse. Kotse iyon ng Mama niya na bihira lang nitong gamitin. Kapag kotse kasi niya ang gagamitin niya ay baka makahalata si Carlos, mapurnada pa ang pagsunod niya dito.
Nanatili naman si Daphne sa likod ng kotse nito. Hoping na hindi nito mahalata na may nakasunod dito. Tinawagan niya ito kanina, niyaya niya itong kumain sa labas pero sinabi nito sa kanya na may ka-meeting daw ito. Babawi na lang daw ito sa kanya kapag hindi na ito masyado busy.
Pero alam ni Daphne na nagsisinungaling ito, malakas ang kutob niya na ang ka-meeting nito ay walang iba kundi ang pinagpalit nito sa kanya na si Stephanie. Hindi naman niya napigilan ang pagkuyom ng kamay na nakahawak sa manibela.
“Relax, Daphne,” wika naman ni Ara sa kanya ng maramdaman nito ang inis na nararamdaman niya.
Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga para ma-relax siya. At mayamaya ay napansin niya na niliko ni Carlos ang kotse nito sa isang hotel. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo.
Dito ba ang tagpuan ng taksil niyang Boyfriend at ang babae nito?
Niliko din naman niya ang kotse do’n at ipinark niya iyon sa bakanteng parking malapit kung saan nakaparada ang kotse nito.
Nakita naman niya ang pagbaba ni Carlos sa kotse nito at naglakad na patungo sa loob ng nasabing Hotel.
Sumilip naman si Daphne sa labas ng bintana ng kotse para basahin kung anong Hotel iyon.
“Cesare Hotel,” basa ni Daphne sa pangalan ng Hotel. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay niya, it was Luxurious Hotel. Ang social naman ni Carlos, naisip niya. Siya nga, hindi siya nito ma-date sa mamahaling restaurant.
Ilang minuto naman silang nanatili ni Ara sa loob ng kotse hanggang sa lumabas sila do’n. At bago siya lumabas sa kotse ay kinuha niya ang drinks na in-order nila kanina sa isang fastfood chain bago sila pumunta sa pinagta-trabahuan nito.
Ibubuhos kasi niya iyon kay Carlos kapag nahuli niya itong niloloko siya.
“Let’s go, Ara,” yakag naman niya sa kaibigan.
Nauna naman na siyang naglakad. Nakasunod naman ito sa kanya. At dahil ang isip niya ay na kay Carlos at kung ano ang gagawin niya kapag nahuli niya ito ay hindi niya napansin ang lalaking papasalubong din sa kanya. Nabangga niya ito. Pero para naman siyang bumangga sa pader dahil siya pa ang napaatras.
Narinig nga niya ang pagsinghap ni Ara ng sandaling iyon nang makita nito ang nangyari.
At napakagat naman si Daphne ng ibabang labi nang makitang natapon ang hawak niyang drinks sa suot nitong long sleeves.
“Sorry,” wika naman niya ng hindi tumitingin sa mukha nito. Mabilis din niyang kinuha ang panyo sa bulsa ng suot niyang pantalon at saka niya pinunasan ang long sleeves nito na natapunan niya.
Pero napahinto siya sa pagpupunas ng hawakan nito ang kamay niya. Natigilan naman si Daphne nang makaramdam siya ng kakaiba. Parang kasing may boltahe ng kuryente na dumaloy sa buo niyang katawan ng hawakan siya sa kamay ng lalaki.
Sa pagkakataong iyon ay dahan-dahan naman siyang nag-angat ng tingin patungo sa mukha nito.
At napaawang ang bibig niya ng sumalubong sa kanya ang gwapong mukha ng isang lalaking estranghero.
The man in front of her is devilishly handsome. Hindi naman niya napigilan ang mapatitig sa itim na mga mata nito. His eyes is charcoal black na kung makatitig ay parang nakakatunaw.
And she couldn’t explain to herself why she couldn’t take her eyes off him. Para ngang may magnetiko na naghihila sa kanya na titigan ito.
Binitawan naman ng estrangherong lalaki ang kamay niyang hawak nito. Pagkatapos ay pinagpag nito gamit ang kamay ang narumihan na long sleeves nito dahil sa kanya.
“Look where you’re going,” he said in a deep and cold voice. Sa sobrang lamig ng boses nito ay pakiramdam niya ay nilamig din siya.
Napakagat naman si Daphne ng ibabang labi. Napansin naman niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya na kagat-kagat niya. Napansin din niya ang pagkunot ng noo nito.
“Sorry ulit,” hingi niya ng paunmanhin dito. Pagkatapos niyon ay tumingin siya kay Ara na ngayon ay titig na titig sa lalaki. “Ara, let’s go,” yakag naman niya dito, mukhang natulala ito sa ka-gwapuhan ng lalaki.
Sa pagkakataong iyon ay do’n lang naman kumilos si Ara. Umalis naman na suya sa harap ng lalaki at sabay naman na sila ni Ara na naglakad palapit sa Reception Area.
“Good afternoon, Ma’am,” bati naman ng babaeng receptionist sa kanilang dalawa ni Ara.
“Good afternoon,” bati din niya dito.
“What kind I do for you, Ma’am?” Magalang na tanong nito sa kanya.
Saglit mo na siyang tumingin kay Ara bago naman siya ibinalik ang tingin sa babae. “Hmm...pwede ko bang malaman kung anong room number noong lalaking pumasok dito. His name is Carlos Diaz,” sabi niya dito.
Apologetic naman na ngumiti sa kanya ang babae. “I’m sorry, Ma’am. Pero confidential po ang tinatanong niyo,” sabi naman nito. “We cannot disclose the privacy of our customer,” dagdag pa nito.
“Please, Miss,” sabi naman niya. “Boyfriend ko kasi ang lalaking iyon. At malakas ang kutob ko na kakatagpuin niya ang babae niya dito.” Wala siyang balak na sabihin iyon sa babae pero wala siyang choice. Dahil kung hindi niya iyon sasabihin ay hindi ito maawa sa kanya.
“I’m sorry to hear that, Ma’am. Pero hindi talaga po namin pwedeng sabihin sa inyo ang hinihingi niyo.”
Kagat naman ang ibabang labi na napatingin si Daphne kay Ara. “Paano iyan?” tanong niya dito.
“Better luck next time, I guess,” sabi naman nito sa kanya.
Nagpakawala naman si Daphne ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay nagpasalamat pa din siya sa babae. Naiintindihan naman niya ito, ginagawa lang babae ang trabaho nito.
Laglag naman ang balikat ng humakbang na sila paalis do’n. At mayamaya ay napahinto siya sa paglalakad ng marinig niya ang boses ng babae na kausap niya kanina.
“Good afternoon, Sir,” narinig niyang bati nito.
Lumingon naman si Daphne sa likod at nakita niya na kausap ng babaeng receptionist ang lalaking nabangga niya kanina. At do’n lang niya napansin na matangkad pala ang lalaki. At sa tantiya niya ay nasa lagpas anim na pulgada ito.
Nakita at napansin din niya na in-accomodate ng mga ito ang lalaki. Napansin din niya na parang natatakot ang dalawa na magkamali sa harap ng estrangherong lalaki.
VIP ba do’n ang lalaki o ito ang may-ari? Bigla namang nakaisip si Daphne ng magandang ideya sa isiping iyon. At nang makita niyang umalis ang lalaki sa harap ng Reception area ay sinundan niya ito.
“Hintayin mo ako diyan, Ara,” wika naman ni Daphne sa kaibigan. Pagkatapos niyon ay sinundan niya ito.
“Sir, wait,” tawag naman niya dito.
Napahinto naman ang lalaki at ang kasama nito ng marinig ang pagtawag niya. At nang lumingon ito ay nakita niya ang pagsasalubong ng kilay nito. Inisang hakbang lang naman niya ang pagitan nila. At akmang haharangan siya ng lalaking kasama nito ng mapahinto ito nang makita niya ang pagtaas ng isang kamay ng gwapong lalaki sa harap ng kasama nitong lalaki. Para bang pinigilan nito ang pagharang sa kanya.
Bahagya naman itong yumuko sa estrangherong lalaki at bumalik sa pwesto nito. Pero napansin niya na nakamasid ito sa kanya.
“Pasensiya na,” wika niya ng tuluyan siyang nakalapit.
“What do you need?” he asked her in a deep and baritone voice.
Saglit naman siyang hindi nagsalita, sinasalubong lang niya ang titig nito. “You’re wasting my time,” mayamaya ay wika nito ng hindi pa siya nagsasalita, napansin din niya ang pagtalim ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
“Sorry,” sabi naman niya. “Hmm...are you the owner of this hotel?” she asked him.
“Why are you asking?” tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
Hindi naman na nagpaligoy-ligoy si Daphne. Sinabi niya dito ang pakay niya. Ayaw pa naman nitong sinasayang ang oras nito.
“My boyfriend is here with her lover. At gusto kung mahuli ng dalawang mata ko ang boyfriend ko para hindi na siya makapag-deny sa akin,” sabi niya. “Pero ayaw sabihin ng receptionist sa akin kung ano ang room number ng boyfriend ko,” dagdag pa niya.
“They are just doing their job,” malamig ang boses na wika nito.
“I know. Pero...pwede mo ba silang kausapin, Sir. This is life and death situation,” sabi pa niya. Pilit naman niya sinasalubong ang malamig na titig nito. Pagkatapos ay pinagsalikop niya ang dalawang kamay sa harap nito. “Please, Sir?” pagmamakaawa pa niya, hindi niya inalis ang titig dito kahit na nanlalambot na ang mga tuhod niya sa klase ng tingin na ipinagkakaloob nito sa kanya.
Darn. May ganoon palang klaseng tingin?
Sa halip naman na sagutin siya ng lalaki ay tumingin ito sa kasama nitong lalaki.
Tumango naman ang lalaki bago ito umalis sa harap niya. Mata lang yata ay nagkakaintindihan na ang dalawa.
At nang sundan ni Daphne ito ng tingin ay nakita niyang lumapit ito sa harap ng receptionist.
Hindi naman nagtagal ay bumalik ang lalaki sa tabi nila. “Here,” wika nito sabay abot sa maliit na papel sa kanya.
Kinuha naman niya ang inabot nito. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita at mabasa kung ano ang nakasulat sa papel.
It was a room number. At sigurado siya na room number iyon ni Carlos.
Nag-angat si Daphne ng tingin patungo sa gwapong lalaki. At nag-freeze ang ngiti sa labi niya nang makitang titig na titig ito sa kanya. Wala naman siyang mababakas sa ekspresyon sa mukha nito dahil blanko iyon.
“Thank you for this, Sir,” sabi niya sabay taas sa hawak niyang papel.
Sa halip naman na sagutin siya nito ay tumalikod na ito at naglakad na paalis. Sinundan naman niya ang papalayong likod nito.