PROLOGUE
“f**k!”
MURA ni Alessandro Cesare pagkatapos niyang makausap ang Family Lawyer ng ama niya na si Lucas Cesare.
Well, Lucas Cesare is not his biological father. He is his adopted father. Thirteen years old pa lang siya nang makita siya nitong halos wala nang buhay nang minsang bumisita ito ng Pilipinas.
His life is living in hell before he met Lucas Cesare. Ulilang lubos na siya, wala na ang mga magulang niya noong sampung taong pa lamang siya dahil sa isang vehicular accident. At napunta siya sa poder ng kamag-anak niya nang maulila siya. Pero palipat-lipat siya sa poder ng kamag-anak niya dahil walang gustong kumupkop sa kanya hanggang sa mapunta siya sa kapatid ng Mama niya.
Pero hindi din siya nagtagal do’n dahil lumayas siya. Lasenggero at adik kasi ang asawa ng Tita Agnes niya. At kapag lasing at lulong ito sa Droga ay pinagdidiskitahan siya nito. Binubogbog siya nito, ginagawa siya nitong punching bag. Pinipigilan naman ni Tita Agnes ang pambubugbog ng asawa nito sa kanya, pero kapag ginagawa nito iyon ay ang Tita naman niya ang sinasaktan nito. Ilang buwan din siyang nagtiis noon hanggang sa umalis siya sa poder ng mga ito.
Naging palaboy si Alessandro ng ilang taon, hindi din naging biro ang buhay niya sa lansangan, sa gilid-gilid lang siya natutulog, minsan nababasa pa siya ng ulan dahil wala siyang masisilungan. Nasubukan din niyang magkalkal ng basura para lang may makain siya. Namamalimos din siya at naging barker siya sa jeep para may pambili siya ng makakain at mabuhay siya. Pero hindi din maiwasan ni Alessandro na may makaharap siyang kabataan na gaya din niyang palaboy. Pilit na kinukuha ng mga ito ang perang pinaghirapan niya. At nang hindi niya iyon ibinigay sa mga ito ay binugbog siya. Hindi lang iyon, sinaksak pa siya ng isa hanggang sa hindi na siya makalaban. Pagkatapos ngang makuha ng mga ito ang perang pinaghirapan niya ay iniwan na siya ng mga ito ng duguan at halos wala nang buhay. At inakala niyang do’n na magtatapos ang buhay niya pero hindi niya inaasahan na may tutulong sa kanya.
Dahil nagising na lang si Alessandro na nasa ospital siya. Halos tatlong linggo din siyang nasa ospital. At nang medyo um-okay ang lagay niya ay may kumausap sa kanya na isang lalaki, foreigner ito pero may konti itong kaalaman sa pagtatagalog.
Tinanong siya nito kung gusto niyang sumama dito at mukhang mayaman ang lalaki dahil nakita niya na marami itong bodyguards. At nagpakilala ito bilang si Lucas Cesare.
At dahil pakiramdam ni Alessandro na kapag sumama siya dito ay magbabago na ang buhay niya ay kaya siya pumayag.
At nang tuluyan nang um-okay ang pakiramdam niya ay dinala siya nito sa Italy kung saan ito nakatira. Nagpunta pala ito sa Pilipinas for Business Trip.
Pagdating nga nila do’n ay may pinapi-pirma si Lucas sa kanya. He wanted to adopt him. Hindi naman na siya nagdalawang isip, agad niya iyong pinirmahan. At simula noong ampunin siya nito ay do’n na nagbago ang buhay ni Alessandro. Hindi lang pala basta-basta ang umampon sa kanya. He was a wealthy man from Italy. Marami itong negosyo. Insurance, Bank, mining and many more. At kapag sinabing maraming negosyo—it includes illegal business. Money Laundering, Prostitution, Arms Dealing and Human Trafficking. Props lang nito ang legal na negosyo para pagtakpan ang mga illegal na negosyo nito. Nalaman din niya na ito ang Leader ng isang Secret Organization sa Italy, na tinatawag na Segreto--isang Criminal Organization, malalaking tao sa buong bansa ang kasapi sa nasabing Organisasyon na iyon.
At namulat na din siya sa mga illegal na negosyo ni Lucas Cesare. Hindi lang iyon, bata pa lang siya ay enensayo na siya nito sa mundong ginagalawan nito.
At nang mamatay ito dahil sa isang aksidente ay sa kanya napunta ang ari-arian nito dahil legally adopted siya nito. Hindi lang iyon, napunta sa kanya ang pamamahala sa Organisasyon. May mga miyembro ng Organisasyon ang hindi sumang-ayon sa kanya bilang bagong mamumuno. At numerong unong tutol ay ang kamag-anak ni Lucas na si Federico Cesare. Dapat ito o ang anak nitong si Adriano ang mamuno sa Organisasyon dahil ito ang tunay na kadugo.
Pero nanindigan si Alessandro, hindi siya nagpatinag sa mga ito. Isa sa mga natutunan niya kay Lucas ay dapat manindigan siya. At hindi niya isinuko ang karapatan niya at lalo ang pagiging Leader ng Segreto. Dahil kapag ginawa niya iyon, kapag isinuko niya ang pagiging leader ay mawawala sa kanya ang lahat kung ano ang mayro’n siya. Iyon nga ang madalas na sabihin sa kanya ni Adriano, na kapag ito ang mamumuno sa Segreto ay sisiguraduhin nitong babalik siya kung saan daw siya nararapapat.
At ayaw na ni Alessandro na bumalik siya sa dati kung saan ay sobra siyang nahirapan, ayaw na niyang bumalik sa kahirapan na halos lumuhod siya sa ibang tao mabuhay lang siya. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Kaya kahit na tutol ang mga ito ay ipinaglaban niya ang karapatan niya bilang isang Cesare.
At ipapakita niya sa miyembro ng Organisasyon na kaya niyang pamunuan ang Segreto. Gagawin niya ang lahat para makuha niya ang loob ng mga ito. At akala ni Alessandro ay sina Federico at Adriano lang ang magiging problema niya sa pamumuno ng Segreto. Hindi pala, dahil halos dalawang linggo bago namatay ang umampon sa kanya ay kinausap siya ng Family Lawyer ni Lucas. Inakala niyang ililipat na nito ang lahat ng aria-arian sa kanya. Hindi pala, kinausap lang siya nito para sabihin na sa nawawalang anak ni Lucas mapupunta ang lahat ng aria-arian nito. Hindi lang iyon, nasa last will din ni Lucas na gusto nitong ipahanap ang anak nitong hindi nito nakilala. Sanayin at ito ang mamumuno sa Segreto.
Sa loob ng taon na kasama niya si Lucas ay inakala ni Alessandro na wala itong anak, wala kasi itong sinasabi sa kanya. Ngayon lang niya iyon nalaman ng kausapin siya ng Lawyer nito. Huli na din daw noong malaman ni Lucas na nabuntis pala nito ang isang Pinay na nabili nito sa isang ilegal na Bidding.
At tanging impormasyon na ibinigay nito sa kanya ay nasa Pilipinas ang mag-ina. At gusto ngayon ni Lucas na hanapin niya ang anak nito at sanayin para pamunuan ang Segreto.
Nang malaman ni Alessandro ang tungkol sa Last Will ni Lucas ay mahigpit niyang binilinan ang Family Lawyer na huwag sabihin kina Federico at Adriano ang tungkol sa iniwang Last Will dahil kapag nalaman ng mga ito iyon ay baka maunahan siya ng mag-ama sa paghahanap sa tunay na tagapag-mana ng lahat ng ari-arian ni Lucas at baka gamitin pa ang anak nito para pabagsakin siya.
“Magnus,” tawag ni Alessandro sa pangalan ng kanang kanay niya. Mayamaya ay pumasok si Magnus sa library na kinaroonan niya.
“Yes, Lord Alessandro?” wika nito ng tuluyan itong nakapasok sa loob.
“Ready the plane. We’re going to the Philippines,” he ordered him.
At hindi papayag si Alessandro na mangyari iyon. Uunahan na niya si Federico at Adriano sa paghahanap sa tunay na anak ni Lucas Cesare.