Chapter 2

2370 Words
“f**k him!” Galit na bulalas ni Daphne ng matapos niyang tunggain ang laman ng hawak niyang kopita. Nasa Bar silang dalawa ng kaibigang si Ara sa sandaling iyon. Niyaya kasi niya ito para kahit papaano ay mabawasan ang inis na nararamdaman niya para sa Ex-boyfriend niyang cheater. Tama nga ang hinala ni Daphne na niloloko siya ni Carlos. Dahil napatunayan niya iyon noong sundan nila ito sa Cesare Hotel na pinuntahan nito. Dahil noong katukin nila ang room number na posibleng kinaroroonan nito ay nando’n nga ito. At do’n din niya nalaman kung sino ang pinagpalit nito sa kanya. Si Stephanie. Pamilya ng babae ang may-ari ng pinagta-trabahuan ni Carlos. And to be honest, mas mayaman si Stephanie sa kanya dahil hindi lang Engineering firm ang pag-aari ng pamilya nito, may iba pa. Hindi din siya makapaniwala na ipinagpalit siya ni Carlos kay Stephanie, eh, alam nitong inis siya dito. Schoolmate silang dalawa ni Stephanie noong college. Hindi nga sila magkasundo na dalawa. Kung ano kasi ang gusto niya ay gusto din nito. Hindi lang iyon, lagi din siya nitong sinisiraan sa mga kaklase niya. And she’s getting on her nerves. Nang mahuli nga ni Daphne sa akto ang dalawa ay hindi siya nag-eskandalo sa harap ng mga ito. Hindi nga niya sinampal si Carlos o si Stephanie. Sinabi lang niya kay Carlos na break na sila at saka na siya umalis do’n. Hindi na niya ito pinagsakitan ng ulo sa pagloloko nito sa kanya hanggang sa malaman niya ang pinagkakalat nito at ang pinalit nito sa kanya. “And how dare him para ipagkalat na infertile ako?” Hindi din niya napigilan na sabihin din iyon sa kaibigang si Ara. Hindi siya nagagalit kay Carlos dahil niloko siya nito, nagagalit at naiinis siya sa pinagkakalat nito sa circle of friends nila na in-fertile siya! Ang kapal ng mukha nito na ipagkalat iyon, eh, hindi naman ito naka-first base sa kanya! “Baka si Stephanie ang nagkakalat niyon? Hindi ba, inis din sa ‘yo ang babae?” wika naman sa kanya ni Ara. “Iyan din ang hinala ko,” sabi naman niya dito. Mayamaya ay sinalinan ulit ni Daphne ng alak ang wala ng lamang baso niya at saka niya iyon inisang lagok ulit. Gumuhit nga sa kanyang lalamunan ang pait ng alak pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. “Daphne,” mayamaya ay tawag ni Ara sa pangalan niya. “What?” Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. “Uwi na tayo,” wika nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagsasalubong ng kanyang kilay. “Kararating lang natin, ha?” sabi naman niya sa kaibigan. Napansin naman niya ang pagtagos ng tingin nito sa likod niya. Sinundan naman niya kung ano ang tinitingnan nito. Lalo nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang Ex-boyfriend niya at si Stephanie. Nasa gitna ang mga ito ng dance floor habang sweet na nagsasayaw. At mukhang naramdaman ni Stephanie na may nakatingin sa mga ito dahil nag-angat ito nang tingin patungo sa dereksiyon niya. At nang makita siya nito ay awtomatiko na umangat ang dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi. Hindi lang iyon, mas lalo pa nitong idikit ang katawan kay Carlos. The nerve of this woman. Inakala yata nito na magseselos siya sa ginagawa nito! Inalis naman niya ang tingin sa mga ito. Pagkatapos niyon ay nilagyan ulit ang baso niya ng wala nang alak at inisang lagok ulit niya iyon. Hindi nga din niya mapigilan ang mapakuyom ng kamay sa hawak na baso. Nangigigil talaga siya kay Stepanie at Carlos dahil sa ginawa at pinagkakalat ng mga ito. At sa sandaling iyon ay gusto niyang ipakita sa dalawa na mali ang pinagkakalat ng mga ito. Tumayo si Daphne mula sa pagkakaupo niya pero agad din naman siyang humawak sa silya ng makaramdam siya ng pagkahilo. Saglit naman siyang napapikit ng mga mata at nang medyo um-okay ang pakiramdam niya ay nagmulat siya. “Where are you going?” tanong naman ni Ara sa kanya. “May gagawin lang,” sabi naman niya dito. Pagkatapos niyon ay iginala niya ang tingin sa paligid sa bar hanggang sa tumigil ang tingin niya sa isang lalaking nakaupo sa Bar Counter malapit sa kinaroroonan nila. At mukhang naramdaman nito na may nakatingin dito dahil sumulyap din ito sa gawi niya. At napasinghap si Daphne nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. The man looks like a Greek God while staring back at her. At pakiramdam niya ay natutunaw siya sa titig na pinagkakaloob nito sa kanya lalo na nang makita niya ang pagpasada nito ng tingin sa kabuuan niya mula ulo hanggang paa. She was wearing a fitted jeans and white sleeveless na pinaresan niya ng itim na stilleto. Sa suot niya sa sandaling iyon ay makikita ang curves ng katawan niya. Ipinusod din niya ang mahabang buhok in a messy bun style. May ilang hibla nga ng buhok ang kumawala mula sa pagkakapusok niya. Napalunok siya ng makailang ulit ng bumaba ang tingin nito sa mukha niya. Daphne stared back at him for a moment. At nang may dumaan na isang lalaki sa harap niya na may hawak na baso na may lamang alak ay basta na lang niya iyong hinablot at saka niya iyon ininom para magkaroon siya ng lakas na loob na gawin ang pina-plano niya. “What the?” bulalas ng lalaki sa ginawa niya. “I’ll just pay you later,” sabi niya dito. Hindi na din naman niya ito hinintay na magsalita dahil nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa lalaking hanggang ngayon ay nakatitig pa din sa kanya. Huminto naman siya sa harap nito. At habang may lakas pa siya ng loob ay sinabi niya dito ang pakay niya. “May I dance with you?” wika niya dito. Napansin naman niya ang bahagyang pagtaas ng isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. “Please?” dagdag pa niya ng hindi pa ito sumasagot. Inakala niya na mapapahiya siya pero mayamaya ay umalis ito mula sa pagkakaupo nito sa stool sa harap ng Bar Counter. Tumingala naman siya para magpantay ang tingin nilang dalawa. Naka-suot na siya ng stilleto pero hindi pa siya umabot sa balikat nito. “Okay,” he said in a deep and baritone voice. At pagkatapos niyon ay naglakad ito palapit sa dance floor. He looked like a Greek god as he walked closer to the dance floor. Napansin nga niya ang ilang kababaihan na napapatingin dito, pati nga si Stephanie ay napatingin dito. Napangisi lang si Daphnie, agad din naman siyang sumunod sa lalaki. At nang nasa gitna na sila ng dance floor ay hindi na niya alam ang gagawin, nakatayo nga lang siya sa harap nito. Pero nang mapansin niya na nakatingin sa kanila si Carlos ay agad na pumulupot ang kamay niya patungo sa batok ng lalaki. Saglit din itong hindi kumilos hanggang sa naramdaman niya ang kamay nito na humawak sa baywang niya. Sa ginawa nito ay nakaramdam siya ng parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya sa sandaling iyon. They started to sway their bodies. Halos hindi din naghihiwalay ang tingin nilang dalawa. At mayamaya ay inalis niya ang tingin dito at napatingin siya kay Carlos at Stephanie na ngayon ay nakatingin sa kanila, nakita niya ang pagkunot ng noo ni Carlos habang nakatingin sa gawi niya. Nakangising tinaasan naman niya ito ng isang kilay hanggang sa i-alis niya ang tingin dito at ibinalik niya ang tingin sa lalaki na titig na titig pa din sa kanya. At habang malakas pa ang loob niya at habang nakatingin pa si Carlos sa dereksiyon nila ng lalaki ay ginawa na niya ang plano niya. She stared back at him. At pagkatapos ay tumingkayad siya at hinalikan niya ito sa labi. Naramdaman naman niya na saglit itong natigilan sa ginawa niya. Naramdaman nga din niya ang paghigpit ng kamay nito na nakahawak sa baywang niya. Nanatili namang maglakapat ang mga labi nila hanggang sa ipinikit niya ang mga mata at dahan-dahan niyang iginalaw ang labi sa ibabaw ng labi nito. At first, she bit her lower lips to tease him until she kissed him fully on the lips. At akmang ilalayo niya ang labi dito nang maramdaman niyang hindi ito gumaganti ng halik sa kanya nang mapatigil siya ng hapitin nito ang baywang niya palapit sa katawan nito. And he opens his mouth so he can kiss her. Sa pagkakataong iyon ay siya na naman ang natigilan sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Pero nang kagatin nito ang ibabang labi niya ay hindi na niya napigilan ang mapaungol. And then he snake his tongue inside her mouth. Wala naman siyang nagawa kundi ibuka ang bibig para bigyan ng kalayaan ang estrangherong lalaki na halikan siya. Mas lalo nga siya nitong hinapit palapit sa katawan nito habang patuloy ito sa paghalik sa kanya. Halos hindi nga niya masabayan ang halik na pinagkakaloob nito sa kanya. Now her body is burning. Nag-iinit ang katawan niya sa sandaling iyon. Hindi naman niya alam kung dahil ba sa alak na ininom niya o hindi kaya sa mainit na halik na pinagkakaloob nito sa kanya. But one thing is for sure, she felt hot and she wants something more. Daphne kissed him back. She kept moaning when she felt his hand gliding down her butt. Naramdaman nga din niya ang pagpisil nito do’n. Sa ginawa nito ay mas naramdaman niya ang init na kumalat sa buong katawan niya. And she felt her wetness down there. Mas umalab nga ang halik nito sa kanya. Ilang minuto pa silang naghalikan na dalawa hanggang sa pakawalan nila ang labi sa isa’t isa. And they both gasp for air. At napansin niya na mas lalong tumingkayad ang itim na mga mata nito habang nakatitig ito sa kanya. “Your place or mine?” he asked her in a hoarse voice, his eyes were darker as he stared at her eyes. Bubuka sana ang bibig ni Daphne para sagutin ang estrangherong lalaki nang mapatigil siya ng maramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura niya. Agad naman niyang tinutop ang bibig niyang maramdaman na parang nasusuka siya. Pagkatapos niyon ay mabilis niyang hinawi ang lalaki at patakbong naglakad patungo sa CR ng nasabing Bar. Agad naman siyang pumasok sa cubicle at saka siya sumuka do’n. “f**k!” mura niya pagkatapos niyang maisuka ang dapat niyang isinuka. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya sa cubicle at lumapit siya sa may sink. Nagmumog naman siya at naghilamos siya ng mukha. Tumingin naman siya sa salamin na naroon at kitang-kita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. And right at the moment, her body is still burning. Hindi pa din nawawala ang init na nararamdaman ng katawan niya, naiinitan talaga siya. Hindi naman niya alam kung bakit. Saglit naman siyang nanatili sa loob ng banyo hanggang sa naisipan niyang lumabas do’n. Pero paglabas niya ay may humarang sa kanya na isang lalaki, kung hindi siya nagkakamali ay ito iyong lalaking hinablutan niya ng baso na may lamang alak. “Excuse me,” wika niya sa lalaki. Nang hindi pa ito umaalis sa harap niya ay dumaan siya sa gilid nito. Pero hindi pa siya nakakahakbang ng hawakan nito ang braso niya. Napapikit naman siya ng mga mata ng para siyang mapaso sa paghawak nito. “You’re a good kisser,” wika nito sa kanya. “Sayang at hindi ako ang nakahalikan mo kanina,” dagdag pa na wika nito sa kanya. Nagmulat siya ng mga mata. At agad na tumutok ang pagnanasa sa mukha nito. “That drink is not yours, para sana sa ibang babae iyon. Pero hindi naman ako lugi sa ‘yo. You’re beautiful and fuckable,” puno ng pagnanasa na wika nito, nakita pa niya na dinilaan nito ang labi ng pasadahan nito ang kabuuan niya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya, kung bakit nag-iinit ang katawan niya. Mukhang may inilagay ang lalaking droga sa alak na ininom niya kanina. Nakangising hinawakan siya ng lalaki sa baywang at hinapit siya nito sa katawan nito. Tumaas ang lahat ng balahibo niya nang ilapit nito ang bibig sa tainga niya. Lalo siyang nag-init sa ginawa nito. “I want you to kiss me the way you kissed that man a while ago,” sambit pa nito sabay halik sa punong tainga niya. Gusto ng isip niya na itulak ito pero ayaw naman ng katawan niya. May inilagay nga ang lalaki na Droga sa baso na bitbit nito kanina, mukhang may pagbibigyan ito no’n pero siya naging biktima nito. At akmang hahalikan siya ng lalaki ng bigla itong nawala sa harap niya ng may humablot dito. “What the f**k!” Narinig niyang mura ng lalaki. “Who the hell are you?” galit pa na wika ng lalaki sa humablot dito palayo sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang isang matangkad na lalaki, foreigner. Napansin niya na blanko ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin ito sa lalaki. Hindi naman ito sumagot kaya na nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki. “Leave us alone. Kung gusto mo ay pumila ka pagkatapos ko sa kanya,” wika naman nito sa lalaking foreigner na humablot sa kanya, napansin din niya ang pag-ngisi nito. Napapikit naman si Daphne ng mga mata ng makaramdam siya ng pagkahilo, parang umiikot ang ulo niya. “Because this woman is mine,” narinig pa niya na wika ng lalaki. “No,” mayamaya ay narinig ni Dapne na wika ng parang pamilyar na boses na iyon. Kahit na nahihilo ay nagawa pa niyang magmulat ng mga mata at hinanap niya kung sino ang nagsalita. At there he is, the stranger man she kissed earlier in the middle of the dance floor. Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa ng suot nitong pantalon. And he looks like a Greek god as he walked closer to them. And he noticed his deadly gaze on the man he was talking to earlier. “You don’t own her,” he said in a cold but dangerous voice. “Because she’s mine,” dagdag pa na wika nito sa mariing boses sabay sulyap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD