LEO Kinabukasan maaga akong gumising. Medyo masakit ang ulo ko dahil sinamahan ko na uminom ang kapatid ko na emotero at na lasing ako kasama nito kagabi. Aligaga tuloy ako ngayon na bumangon dahil ayaw ko na magmukha akong may hang-over sa pagharap ko kay Yara. Hindi ko lang talaga matanggihan si Liam kagabi. Hindi ko pwedeng iwan na uminom mag-isa ang kapatid ko dahil baka kung ano na naman ang mangyari oras na iwanan ko at tinupak ito. Mabuti na nga lang na kasama ako ng dalawang kapatid ko ng pumasok si Shaira na may dalang mga hinog na mangga na galing umano sa likod ng bahay nito. Ibibigay sana sa mommy ko pero ang baliw na si Lyndon inutusan ang kasambahay namin na papuntahin si Shaira sa gilid ng pool kung saan kami umiinom. Ang resulta napagbalingan ni Liam si Shaira at sinab