CHAPTER TWO
Kapag minamalas ka nga naman talaga. Ang mayabang na lalaking ito ay kaklase ko pala. Nakangisi parin siya sakin. Tinignan nya ang empty seat sa tabi ko. At dito nya pa yata balak umupo.
Oh no, you wont. I wont let you.
Inilagay ko dun ang bag ko. Hah! Lumapit siya sakin at itinuro ang bag kong nakapatong sa upuan.
"Would you PLEASE remove that piece of trash on my chair?" He eyed me impatiently.
"Sa ibang upuan ka umupo at wag sa tabi ko."
"This is the only vacant seat left. Unless you want the son of this school's owner to sit on the floor while your bag is enjoying the privilege of sitting on a chair." Nakipagtitigan ako sa kanya.
Edi umupo siya sa sahig!! I dont care.
"Mr. Garcia, bakit di ka pa umuupo? Ms. Guevarra please remove your bag." The prof said. Napilitan tuloy akong tanggalin ang bag ko.
"Thank you." He said, with his devilish grin.
Bumalik na sa pagdidiscuss ang prof. Kenneth gave me a devious smile. I rolled my eyes and mouthed the word Jerk. He chuckled.
Natapos na ang subject namin ngayon. Which is architectural design. Ang daldal ng herodes na katabi ko. Tss.
Lunch na. Thank God. Im famished. Inaya ako ni Jianne na sumabay sa kanya. We went to the cafeteria and ordered our meals. Tapos umupo na kami sa bakanteng table.
"Kilala mo pala si Kenneth." -Jianne
"Huh? Di ah. I just bumped into him dun sa fountain."
"Whaaat?! Pumunta ka don? Kung gusto mo ng matinong buhay dito sa St. Therese number one rule. Fountain off-limits. Kay?"
"Bakit naman? Ano bang meron dun sa lugar na yon?" My curiousity kicked in kaya itinanong ko. Naalala ko yung encounter namin ni Kenneth dun kanina.
She shrugged.
"Basta tambayan niya yon."
"Oh." Tinuloy ko nalang ang pagkain ng salad ko.
"Btw, saang school ka galing?"
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Pero sa huli, sinagot ko rin yung tanong niya. "Harris University.."
Nanlaki yung mata niya. "Wait!! Harris University?! Teka diba yun yung nabalita last year yung may naaksidenteng couple?! Di ba yun yon?!" Walang prenong tanong nya.
"A-ah. Oo.." Aldrin....
Bago pa siya makapgsalita uli ay may lalaking huminto sa tapat ng table namin. May dimples siya.
And I must say, he's cute. Nilipag niya yung tray nya. "Hi." He said while smiling.
"Uy hello!!! Upo ka. Siya nga pala, Cy si Ryan. Ry, meet Cy. Wow rhyme!" Natatawang sabi ni Jianne.
"Hello, Cy."
"Uhm, hi." Umupo siya sa tabi ni Jianne.
"Magiging kaklase nyo ako sa Graphics, Visual at Design." Nakasmile paring sabi niya.
Nagkwentuhan kming tatlo. Madali silang makaclose na dalawa. Im so glad may mga kaibigan na agad ako.
Nagpalitan kami ng number. After nun tumunog na yung bell at tumuloy na kami sa next class. Katabi ko sa subject na to si Ryan at Jianne.
Ang boring. And at last, dismissal na. Nagpaalam na ko sa kanila.
"Bye Jianne, bye Ryan. Una na ko."
"Mag-ingat ka pauwi, Cy." -Ryan
"Oh sige na. Bbye uli." -Jianne
Bumili ako ng bulaklak at cake. Pupuntahan ko si Aldrin. God, I missed him...
Magkikita na tayo uli, drin.
Naglakad na ako. My phone rang. Si Mama tumatawag. I pressed the accept button.
"Hello Ma. Why?"
"Pupuntahan mo na ba siya, anak?"
"Y-yes. Im on my way."
"Ibati mo nalang ako sa kanya. Mag ingat ka, i love you Cy."
"Love you too, Ma.."
She ended the call. I continued walking. Natatanaw ko na si Aldrin. Pabigat ng pabigat ang mga paa ko habang palapit sa kanya.
Nagbabadyang tumulo ang mga luha. Hanggang sa tinabihan ko siya. "I miss you."
Hindi siya sumagot. Gnito naman lagi. Ako lang ang nagsasalita.
"Namiss mo ba ako, Drin? Kasi ako sobra. Sorry ngayon lang kita napuntahan ha? Nagtatampo ka siguro no?"
Wala paring sagot...
Sinindihan ko nalang yung cake at nilagay ang bulaklak sa tabi nya. Hinaplos ko yung lapida niya.
Tumulo na yung luhang pinipigilan ko kanina pa. It's his death anniversary today, and also his....
"H-happy Birthday Aldrin. I love you..."
meanwhile....
KYLE KENNETH'S POV
Cyrelle Audrey Guevarra. Hah! Yun pala ang pangalan niya. Maganda nga matalas naman ang dila. Hindi man lang natakot na ipaexpel ko. Teka bat ko nga ba iniisip ang babaeng yon?
Napailing ako. Pumunta ako sa parking at hinanap ang kotse ko. Ayun! I hopped in.
I put my hands on the steering wheel. And instantly, memories of THAT NIGHT flashed before my eyes.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pinaandar ang kotse.
Naabutan ko si Mommy sa bahay.
"Wow. Andito ka pala. Ang aga mo ha. Miracle." Nanunuyang sabi ko.
Hindi nya pinansin ang tono ng pananalita ko. "I decided to come home early. Is that how you greet your Mom?"
"May nanay pa pala ko. *smirk* Anong meron? Kadalasan busy ka sa St. Therese diba?"
"Well not today, honey. Akala mo ba nakalimutan ko?" She beamed at me.
Tinungo nya yung ref at may nilabaas doon. It was obviously a cake.
Nilapag nya to sa table at tinignan ako. Tsaka sya ngumiti at biglang yumakap sakin.
"Happy birthday, son."