CHAPTER TWENTY
It's been three days simula nung dumalaw ako kay Aldrin with Jianne, and it's been three days since Kenneth and I last talked.
Hindi siya nagtetext. Hindi niya rin ako kinakulit at inaasar.
Naninibago ako. Ano bang meron? Kahapon, magkatabi kami sa halos lahat ng subject pero di nya ako kinakausap. Ni hindi niya nga ako tinitignan.
I must admit, I'm deeply bothered. Ayoko namang ako ang unang mag approach kasi nakakahiya.
So I kept my silence. Bukas may rehearsal na naman kaya hindi pwedeng hindi nya ako kakausapin.
I sighed. 7 am ang class ko ngayon at katabi ko siya. Nakasalubong ko si Ryan habang papasok ako ng school.
"Hi, Ryan! Kamusta na kayo nung nililigawan mo?"
Nagkamot siya ng ulo. "Eh, ano kasi.."
"Ano? Wag mong sabihing natotorpe ka? Ikaw rin, maunahan ka ng iba."
He shook his head. "Kinakabahan kasi ako. Baka ireject nya lang ako."
I patted his shoulder. "Alam mo Ry, ang rejection parte ng buhay yan. Lahat naman ng tao, at some point nakakaranas nyan eh."
His face lit up. Inakbayan niya ako. "Thank you, Cy. Pinapalakas mo loob ko. Hayaan mo, magtatapat din ako sa kanya, siguro this month. Pero wag muna ngayon, di pa ako ready."
I smiled. "Ikaw bahala."
May biglang humablot sa braso ko kaya napalayo ako kay Ryan. Naamoy ko yung pabango nya!
Hindi ako pwedeng magkamali, isa lang ang taong kilala ko na may ganitong pabango...
"DAMN, GARCIA! What is your problem this time?!" Naiinis na napapalatak si Ryan habang nakatingin kay Kenneth na hanggang ngayon ay nakahawak parin sa braso ko.
Tinitigan ko siya, he's giving me a cold stare. Teka, what did I do?
Inalis nya sakin ang tingin nya at ibinalik ito kay Ryan.
"Anong paki mo? At bakit may paakbay akbay ka pang nalalaman?" Maanghang na sabi nya.
Shit, ano ba to? Lagi nalang silang nag aaway tuwing nagpapang abot!
"Ano namang problema don? She's my friend!"
"Friend?! You're obviously hitting on her! That's not what a FRIEND would do!" He gave emphasis on the word friend.
"H-hitting on her? No!!!" Mabilis na tanggi ni Ryan.
"Oo nga naman, Kenneth. May iba siyang gustong ligawan."
Kenneth smirked at him. "Oh really? Tell that to my ass. Gasgas na style mo, pre." Hinatak nya ang kamay ko papalayo.
Namumula na naman ako. Pinagtitinginan kasi kami.
"T-teka, saan ba tayo pupunta?" Hinihingal na tanong ko.
Huminto kami sa parking lot. Binuksan nya yung car door ng kotse nya.
"Sakay." Malamig nyang sabi.
"Kenneth, saan tayo pupunta? 6:34 na. May klase tayo ng 7."
Sinamaan nya ako ng tingin. "Sabi ko sakay."
"Pero-"
"Sasakay ka ba o hahalikan kita?" Napalunok ako. s**t. Dali dali akong umupo. May topak na naman siya.
Save me, Lord!
Sumakay din siya. Pero hindi nya pinaandar ang kotse. Nakaupo lang kami, tahimik.
After a couple of minutes, he sighed.
"Bakit hinayaan mong akbayan ka nung Ryan na yon? Can't you see he likes you?!"
Sigaw nya. Oh my! Nakakatakot naman. Bakit ba ang init ng ulo nya?
"Wala nga siyang gusto sak-"
"DAMMIT CYRELLE! YOU'RE TOO f*****g DENSE!"
Dense? Manhid? Pano ako naging manhid? Eh wala naman talaga!!! Siya lang yata ang nag iisip nun!
"Ikaw lang ang nagbibigay ng malisya sa pagkakaibigan namin."
"Bakit ba ang bulag mo?" Malamig nyang sabi.
"Hindi na kita maintindihan Kenneth." Sabi ko.
"I don't understand you, too! f**k!" Pasigaw nyang sagot sakin.
"Ano bang problema mo?!" Nagtaas narin ako ng boses. Naiinis narin ako sa kanya.
"Wala." He said in a cold tone.
"WALA? Wala kang problema pero hindi mo ako pinansin ng tatlong araw Kenneth! God. I don't know what is wrong with you. Feeling ko meron akong nakakahawang sakit!"
Tumingin siya sa labas ng bintana. Heavily tinted ito kaya hindi kami kita.
"Iniiwasan mo ako gayong wala naman akong ginawa." Hindi sya sumasagot.
"I thought we're friends now, I thought we're okay." Nadidismaya ako sa inaakto nya ngayon.
"FRIENDS?! FRIENDS, CY, REALLY?! HAH!" Hindi ako sumagot.
"Hindi tayo magkaibigan Cy." Mahinahon pero may diin nyang sabi. Okay, that hurt.
"Why?" I asked coldly.
"Why what?" Balik tanong nya. Pumikit ako ng mariin. Nauubos na talaga ang pasensya ko.
"You know what I mean.."
"I don't know, Cyrelle. So, stop beating around the bush."
Pumadyak ako sa kotse nya. Damn! Dammit! He's still looking out the car window.
I sighed and tried keeping my calm. "Why are you avoiding me? Why are you acting like this? Why do you seem to act like you hate me? WHY?"
"I am not avoiding you."
"Yes, you are! If you're not avoiding me anong tawag mo sa ginawa mo?!" Hindi siya sumagot.
"Answer me, damn! Ano yun, you simply forgot I existed?! Ha?! Ganon ba yon?!" I was really screaming right now.
BAKIT HINDI NYA MASAGOT?!
"NO!" Ganting sigaw nya.
"THEN WHAT THE f**k WAS THAT?!" Hindi ko alam kung bakit ganto ako makareact.
Hindi naman kami. Wala kaming relasyon, but right now I sounded like an angry girlfriend.
But I don't care! He started it!
Umiling iling siya. "I never knew you could be this insensitive, Cy."
He's using his cold tone again. Natawa ako ng patuya.
INSENSITIVE?! AKO PA NGAYON ANG INSENSITIVE SA AMING DALAWA?
Wow, just wow. Bahala na siya. I'm really fed up.
I take one last look at him "You are unbelievable, Kenneth."
After that ay walang pasubaling binuksan ko ang car door at lumabas.
I even slammed it shut.
Nagbulung bulungan yung mga nakakita.
"Girl, did you see that? Lumabas sa kotse ni Kenneth!"
"Pasalya sinara yung pinto, galit much?"
"Oo nga eh. Ang b***h!"
"Hindi naman ganon kaganda!"
"True! Kung ako yun, baka di na ako lumabas ng kotse ni Kenneth!!! hihi"
Inirapan ko lang sila. Mga punyeta! Napakadadaldal. At dahil mainit talaga ang ulo ko, I approached them.
Inuna ko yung babaeng sinabihan ako ng b***h.
"The next time I hear you calling me a b***h, I'll slit your damn throat! Palibhasa mukha kang witch!"
Tapos yung babae naman na sinabihan ako ng hindi maganda. Wag na kayong magtaka kung bakit napaka maldita ko ngayon.
This is what happens when I get really angry. Walang preno!
"Ikaw naman, makasabing hindi ako maganda ha! When's the last time you visited your derma?! Putukin ko isa isa pimples mo gamit spear ni Tarzan eh!!"
Inirapan ko uli sila at iniwan na nakanganga. Nagmamadali akong lumakad papunta sa room.
Nagpupuyos parin talaga ang dibdib ko sa inis. Siya yung umiwas tapos siya pa galit?!
Damn you, Kyle Kenneth Garcia!