19

954 Words
CHAPTER NINETEEN "Je t'aime." He said while looking at my eyes. Nagulat na tumingin ako sa kanya. Totoo ba to? Hinawakan nya yung pisngi ko at pinagdikit ang aming mga noo. "Pouvez-vous repeter s'il vous plait.." I told him. (Please say that again..) Natawa siya at nagkamot ng ulo. "Cyrelle naman. Alam mong hindi ako marunong magfrench. Sinearch ko lang sa google yung sinabi ko. Di kita maintindihan eh!" Natawa narin ako, he wiped my tears. Tears of joy. "Sabi ko ulitin mo yung sinabi mo kanina!" I pouted. Ngumiti siya. "Je t'aime. I love you. I really really love you, Cy." Niyakap ko siya. s**t! Umamin siya sakin. This is the best birthday present ever. Niyakap nya lang din ako. "Wala bang sagot dyan?" Tudyo nya sakin. I smiled. "And I love you too, Aldrin Gutierrez." "Ayoko ng patagalin pa. So Cy, will you be my girlfriend?" He was holding my hand while kneeling. Oh my god! My eyes are tearing up again. "Yes." Tumayo siya at niyakap ako. Tawa lang siya ng tawa. Ang saya saya nya. "Sa susunod na luluhod ako sa harap mo, forever mo na ang hihingin ko." Nginitian niya ko ng matamis. My heart, i think, is melting. Nagising ako bigla. Panaginip lang pala. I miss him, sobra. Akala ko natakasan ko na yung mga alaala nya, hindi pa pala. Dadalawin ko uli siya mamaya. I sighed and checked the clock. 9:30 am. Wala akong pasok ngayon. I called Jianne. "Hello Cyrelle?" "Ji, pwede mo ba akong samahan?" "Saan naman?" "Kay Aldrin." "Aldrin? Sino si Ald-ooooohhhh. I almost forgot, ex mo nga pala. Sige, what time?" "Mamayang one." "Okay. Punta ko sa inyo." "I'll wait for you. Thanks Ji!" "Yep, no prob." I hung up. My phone vibrated. A text from.. My heart started racing. Why does this guy have this effect on me. I opened his msg. Bonjour mademoiselle! (Goodmorning miss!) Nagpapalpitate yata ang puso ko! Bakit ba ganito. I inhaled and exhaled to steady my breathing. I replied. Goodmorning to you, too. Up early, huh? Wala pang ilang minuto ay nagtextback siya. Up early? Nah. More like up all night. Just couldn't sleep after what happened last night. Nangamatis ang pisngi ko. Hindi naman niya ako nakikita eh. Nahiga uli ako sa kama at nakipagtext pa kay Kenneth. Ang tagal din naming nagpapalitan ng mensahe. Nalilibang akong kausap ang lalaking ito. Masyado akong nalibang sa kakatext namin kaya hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto. "Ahaaaaaa!!!" Napatili ako sa gulat. Tawa naman ng tawa ang lokang si Zildjan. Sinamaan ko tuloy ng tingin. "Why are you so early? Ang usapan natin one diba?" Tinaasan nya ako ng kilay. "Anong maaga ang sinasabi mo dyan?" Tapos sinipat sipat niya ako. "Hindi ka pa naliligo Cyrelle?!" Nagtakip ako ng tenga. Ang lakas kasi ng boses eh. "Ano naman? 11 am palang naman, atat ka kasi masyado!" Pinameywangan niya ako. "Hoy Cyrelle Audrey Guevarra! Anong 11 am?! 12:50 na po!!" "Kakatingin ko lang sa orasan kanina no!" "Aba't ayaw pa maniwala? Oh!" Pinakita nya sakin ang relo nya. 12:50 na dun. I checked my Iphone's time. s**t! 12:51?!!!! Parang kanina lang nung tumingin ako 11 am palang! Ganun ba ako nalibang pati paglipas ng oras hindi ko namalayan? "Oh ano? Ligo na! Don't make me wait for too long, okay? Inaatupag kasi ang cellphone." Tumayo na agad ako sa kama. I grabbed my towel and barged inside my bathroom. JIANNE'S POV "Cyrelle, bilisan mo ha?!" I shouted. Baka kasi makalimutan niyang naghihintay ako at magbubble bath pa ang bruha. "Oo, saglit lang to. Swear!" Sagot nya naman. I sat on her bed. My phone vibrated. I received a msg from Ryan. Tapos mo na ba yung plate? Kukulayan ba? I replied. Not yet, pero konti nalang. Yes, kukulayan. I pressed send, pero nagfail ito. Huh? Bakit? Tinignan ko yung bar ng signal, isa lang. Mahina talaga dito ang smart. Si Cyrelle kasi globe. Makikitext nga ako sa kanya. Kinuha ko yung phone nya na nasa gilid ng kama. Nabungaran ko ang 3 new messages and all from KENNETH GARCIA?! Damn, seriously?! I opened his messages. Ang pakialamera ko talagang kaibigan hehe. First message: Kumain ka na ng lunch. Don't skip. Second message: Hey, kumakain ka na ba? Third message: Eat well, Cy. Hmm. Napangisi ako. Kaya naman pala nakalimot sa oras to eh. Katext pala ang anak ng may ari ng university. I know what to do. Mwahahaha. I started typing. Sent! Tapos dinelete ko ito at ang mga reply ni Kenneth. Nagvibrate sa kamay ko yung iphone nya. May reply na si Kenneth. Omg ano kayang sagot nya?! I opened it. Yes. Nanlaki ang mga mata ko at lalo akong napangisi. CYRELLE'S POV Twenty minutes bago ako natapos maligo. Minadali ko na, ayokong paghintayin ang loka. Lumabas akong nakatapi ng twalya. Ngising ngisi si Ji, kumunot ang noo ko. "I think you've gone mad." Naiiling na komento ko habang namimili ng maisosoot. "I've gone mad, alright." Ngumisi pa siyang lalo. Ano na naman kayang nasinghot nya? Rugby? Katol? Baygon? "Anong meron?" Nagtataka na talaga ko, naglalakad na kami sa loob ng cemetery ngayon pero yung pagngisi nya hindi parin mapalis. "Wala Cyrelle. Napakaskeptic mo." "Para ka kayang baliw, tinitignan ka nung lalaki kanina oh. Ngisi kasi ng ngisi, wala namang dahilan." "Tinitignan nya ko kasi nagandahan siya sakin." She laughed. Inikutan ko siya ng mata. My phone vibrated. Akala ko si Kenneth yung nagtext, hindi pala. 8888 lang. Medyo nadismaya ako dun ha. Hindi na siya nagreply sakin kanina. Bakit kaya. "Expecting a text from someone?" Jianne asked, her eyebrows raised in inquiry. "No, I just checked the time." I replied. She chuckled. "Whatever you say, denial queen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD