Chapter 4
Amarha's P. O. V.
Kinabukasan ay nagising ako sa katok ng pintuan. Agad akong napabangon at binuksan ang pinto. Kinukusot ko ang mga mata ko habang tinignan kung sino ang kumatok.
"Daniel... Good morning," bati ko.
"Good morning-- Here's your--uhmmm... Y-your uniform, nalabhan na at tuyo na 'yan," ani Daniel sabay iwas ng tingin.
Kinuha ko ang uniform ko sa kamay niya at napatitig sa kaniya.
"Bakit parang naiilang ka? May problema ba?" tanong ko.
Agad kong inamoy ang hininga ko.
"S-sorry, you don't have a--a bra? I didn't mean to saw it because I just saw it and it's accidentally..." pagpapaliwanag niya.
Agad akong napa-cross arms at nagtago sa likod ng pinto.
"H-Hala! Sorry talaga! s**t nakakahiya!" sabi ko sabay kamot sa ulo.
"It's fine... Bumaba ka na, m-may damit sa closet na pang-alis, kuha ka na lang," sabi niya.
"Naabala ka tuloy--"
"I am willing to help," aniya dahilan para mapangiti ako.
"S-sige, mag-aayos ako ng mabilis lang!" sabi ko.
"Sure, take your time. I'll close the door," sabi niya sabay sara sa pinto.
Agad akong tumakbo ng banyo para mag-ayos. Mabuti na lang at kumpleto lahat ng gamit dito na para bang nasa hotel talaga ako.
"Walang deo--potek bakit ako naghahanap ng deo!?" inis kong sambit sa sarili ko.
Naghilamos na ako, nagsipilyo at nagsuklay ng buhok. Nagtungo ako sa closet at kumuha ng isang simpleng dress. Puro maarte ang mga damit dito halos litaw ang kaluluwa. Akala ko naman may T-shirt lang? Wala pala.
"Mukha akong mayaman," bulong ko habang nakatingin sa whole body mirror.
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Akala ko hindi ka na lalaki. Kailangan ko lang pala mabuntis," bulong ko.
Bumaba na ako dala ang mga gamit ko. Nakita ko namang sinalubong ako ng nanlilisik na mga mata ni Sia habang pababa ako ng hagdanan.
I walked towards her and flipped my hair sabay rampa papunta sa dining table. I may look like maarte but wala na kasi siya sa tama. Below the belt na kaya lalaban na talaga ako.
"Take a seat," ani Daniel.
"Aray! Bakit mo 'ko sinipa?" iritang sabi ni Nathaniel. Nakaupo na sila at magkaharap.
"Come on! Move the chair for her?" ani Daniel.
Walang nagawa si Nathaniel kundi ang tumayo saka hinila ang upuan. Naupo ako doon at ngumiti kay Daniel.
Jusko! Pwede bang anak mo na lang ang dinadala ko?
"Thank you."
"Let's eat, in the name of the father.."
Nagulat ako nang bigla siyang magdasal. Napa-sign of the cross ako kaagad.
Lord, napakaswerte ng babaeng mapapangasawa ni Daniel. Hindi ba pwedeng ako na lang 'yon? Sobrang ideal man niya. Napakamaka-diyos din pala. Ano na? Paano naman ako? Bakit sa opposite ako napunta?
"Amen."
Napatitig ako kay Daniel. Kumuha na siya ng sandok at nagsimulang kumuha ng pagkain.
"Wow, mukhang masarap," sabi ko at kumuha na ng pagkain.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay bigla kaming nakarinig ng isang sigaw.
"HELLO GUYS! WHERE'S MY BROTHERS? YOOOHOOO! HELLO!"
"s**t!"
Biglang nataranta si Nathaniel at Daniel. Tumayo si Daniel at akmang hihilahin ang braso ko patayo pero bigla kong nakita ang isang magandang dalaga.
Nakasuot ito ng croptop, ripped jeans, heels, naka-full make up at agaw pansin ang glossy lips niya. Kumikinang ang mga alahas nito sa katawan. Tinanggal niya ang glasses niya.
"W-Who is she?" tanong nito at napatingin sa akin.
"Lisle! B-Bakit nandito ka?" nauutal na tanong ni Daniel.
"Why? Am I not allowed to come home? Kuya, I am so tired to see a Merlion, besides, I am planning to study here in the Philippines since tapos na ang contract ko sa singapore," aniya.
Napatulala naman ako sa ganda niya. Bigla niyang hinawi ang blonde niyang buhok at nakita ko ang marami niyang earings. Grabe! Halos mapuno ang tenga niya.
"Sis, bakit naman nagpa-piercing ka na naman? I told you, Mom will get angry again!" ani Nathaniel.
Tumingin sa paligid si Lisle at nang makitang walang tao ay lumapit na siya kay Nathaniel at saka bumeso rito.
"Back to my question, who is she?" sabay turo sa akin.
Napalunok naman ako.
"S-she's my friend--" ani Nathaniel.
"No, she's carrying Nathaniel's baby and yes we are in trouble--"
"WHAT THE f**k!?" sigaw ni Lisle.
Napatakip ito sa bibig niya at lumayo kay Nathaniel.
"I-it's not what you think--"
"L-lalake ka na? N-nag-modelling lang ako sa singapore for years and--and--" tinuro niya at para bang maluluha na siya.
"s**t, come on Carlisle, it's just a mistake. She's now pregnant because of her doings, she raped me--"
Napatayo ako sa kwento ni Nathaniel.
"Hoy! Hindi kita ni-rape. Akala ko ikaw si Daniel! Lasing na lasing ka habang papunta sa unit mo, aba! Malay ko bang ikaw si Nathaniel e magkamukhang-magkamukha kayo? Desperada lang ako kay Daniel nung time na 'yon kasi nga crush ko siya since highschool ako! Sobrang gusto ko siya mapangasawa at sinira mo ang plano ko!" inis kong sigaw.
Bigla akong hinawakan ni Daniel sa magkabila kong balikat.
"Calm down. The baby," bulong niya.
"Shocks. You guys had s*x?" diretso niyang tanong.
"Y-Yes..." nauutal na sagot ni Nathaniel.
"You're not my sister anymore," ani Lisle.
"Hoy gaga ka huwag ka namang ganyan! Look, we are facing a big problem, now I have to go with her to confess to her parents that she is freaking pregnant!" naiiritang sabi ni Nathaniel sabay sabunot sa sarili niyang buhok.
"That's stressful. Hindi ka man lang nakapag-family planning. She's pregnant, I am having a niece---"
"I hope nephew--" ani Daniel.
"No, it must be a girl!" ani Nathaniel.
Nagulat kami ni Daniel. Parang tanggap na niyang may anak siya at nagde-decide na ng gender.
"Don't stare at me--whatever! Can we please finish this!" ani Nathaniel sabay hawi sa buhok niya.
Huwaw....
"Masanay ka na sa kaniya. Natalie is very maarte but she's a good person," ani Lisle sabay lapit sa akin.
"By the way, I am Carlisle Elide. Their bunso, I am still studying and now, I will call you ate. So, what's your name?"
Nilahad nito ang kamay niya sa akin. Biglang nahiya ang kamay ko sa sobrang ganda ng kamay niya at kuko. Puro design ang kuko nito at kumikinang sa ganda ang beads.
"A-Amarha Villanueva," sabi ko sabay abot sa kamay niya.
"You're kinda pretty, mabuti na lang hindi ka sa pangit nagkaanak, Natalie," pang-aasar ni Lisle.
Naupo siya sa tabi ni Daniel at kumuha ng pagkain.
"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka. I should have fetch you," ani Daniel.
Napatitig lang ako sa kanila at kumuha ng isang basong tubig saka ininom.
"This is a surprise. But it looks like ako ang na-surprise. You guys are amazing," maarteng sabi ni Lisle.
"Yeah right. Will you stay here for good?" tanong ni Nathaniel.
"I will come back to Singapore to get my card and transfer here in the Philippines," aniya.
"Good news for our parents."
Pinanood ko lang silang magkwentuhan habang kumakain kami.
*************************