Chapter 3

1416 Words
Chapter 3 Amarha's P. O. V.    Pagdating namin ni Daniel sa mansion nila ay halos malula ako sa laki ng bahay nila.   "Nobody knows that we live here, for our privacy, I am expecting that you won't tell anyone about our home," sabi ni Daniel at lumabas ng kotse.   Hindi ako nakasagot dahil mabilis siyang umikot papunta sa pinto ko para pagbuksan ako ng pinto. Tinanggal ko na ang seatbelt. Nilahad ni Daniel ang kamay niya.   Sandaling nakaramdam ako ng kilig nang mahawakan ko ang kamay niya.   "Salamat," sambit ko at ngumiti.   "I must, a child is a big responsibility," aniya.   Para bang siya ang ama. Ganito pala ang mangyayare sa amin kapag siya ang naging ama ng anak ko kaso nagkaroon pa ng aberya at hindi pala sperm cell niya ang pumasok sa akin. Nakakainis!   "Let's go," ani Daniel at hawak pa rin nito ang kamay ko habang papasok ng bahay nila.   May isang security guard ang nagpasok ng kotse niya at nagbukas ng gate para sa amin. Pagpasok mo ng gate ay bubungad ang maliit na fountain sa gitna at puro carabao grass ito. May path walk naman at maraming halaman sa bawat gilid.   Agaw pansin ang mga bulaklak sa paligid ng fountain. Mukhang alembong ito na matataas na at namumulaklak ng iba't ibang kulay.   "Good evening, sir," nagulat ako sa pagbati ng dalawang maid sa main door.   Binuksan nila ang pinto at hinila na ako ni Daniel. Napansin ko namang masama ang tingin sa akin ng dalagang maid, ang matanda namang maid ay walang emosyon.   "Don't be shy, wala sila Mom and Dad. They have a shooting in Mindoro and it'll last for weeks. Kami lang ang tao dito sa bahay at ang dalawang maid," sabi ni Daniel.   Dinala niya ako sa sofa nila. Nagulat ako sa haba ng kurtina nila. Sobrang taas ng bahay nila at puro bintana ito. Napakaganda rin ng desenyo ng bahay nila at sobrang elegante tignan.   "Stay here. Tatawagin ko si Nathaniel."   Tumango ako at naupo sa sofa. Kapansin-pansin ang malamig na temperatura ng bahay nila mukhang naka-aircon ang buong bahay. Grabe! Pakiramdam ko ay nasa palasyo ako.   "Ma'am, sino ka po? Anong relasyon niyo kay sir Daniel?" muli akong nagulat sa pagsulpot ng dalagang maid.   "H-Ha? A-Ano, friend niya lang ako," naiilang kong sambit.   "Friend? Hawak mo kamay ng boss ko tapos friends lang? Ano 'yon? Friends with benefits?" aniya.   Bigla namang uminit ang dugo ko. Napakachismosa naman ng babaeng 'to!    "Excuse me? Kung wala kang sasabihing maganda, huwag ka na magsalita. Friend niya lang talaga ako at walang benefits. Judger!" inis kong sabi.   Bigla naman siyang humalukipkip at tinaasan ako ng kilay.   "Matagal ko nang nakasama si sir Daniel at ikaw pa lang ang babaeng dinala niya rito! Imposibleng girlfriend ka niya dahil matinong lalake si sir at ipapakilala ka niya sa parents niya pero dinala ka niya dito nang wala ang magulang niya kaya--"   Nanlaki ang mga mata ko nang takpan ng matandang maid ang bibig ng babae.   "Ano ba, Sia? Wala ka talagang hiya!" inis na sabi ng matanda.   Tinanggal na niya ang kamay sa bibig ni Sia at napayuko naman si Sia.   "S-sorry na--aray! Manang!" napatakip ako sa bibig ko nang hilahin ni Manang ang buhok ni Sia.   "Madam, pagpasensyahan niyo na ang bunganga nito. Hayaan niyo, ako na ang tatahi para sa 'yo," aniya.   Lumakad na sila patungo sa dulo pero hindi ko na tanaw sa laki ng bahay. Pu-pwede ka na pala makipagtaguan dito. Paniguradong aabutin ng gabi kakahanap sa laki ng bahay.   Nakarinig ako ng footsteps mula sa hagdanan. Nakita ko si Daniel at Nathaniel na pababa ng hagdanan.   "Nakakaloka! Nandito ka na naman? Para kang multo!" salubong sa akin ni Nathaniel at mabilis na lumakad patungo sa akin.   "Bibig mo, baka marinig ka ng Maids," ani Daniel.   Shit? So, hindi alam na bakla siya dito? Kami lang ang nakakaalam? Sarap i-blackmail ng baklang 'to!   "Kasalanan ko bang nag-spotting ako at hindi ako makauwi? Kasalanan mo 'to e!" inis kong sabi.   "Your voices--f**k! Baka may makarinig sa inyo. Wait, papaalisin ko muna ang maids," natatarantang sabi ni Daniel at nagtungo sa pinuntahan ng maids kanina.   "Pwede bang 'wag mo ako sisihin diyan sa bata na 'yan ha, una sa lahat, I am not ready to have a kid. I am gay! Hindi ko naisip na magkakaanak ako!" Umupo siya sa katapat kong sofa at saka nag-cross legs.   Lalo akong na-frustrate sa kaniya. Imbis na i-comfort niya ako ay nagkakaroon pa ng sisihan.   "Oh? Anong gagawin ko? Ayoko naman ipalaglag 'to. Akala ko ba fixed na tayong bibigyan mo 'ko ng sustento?" tanong ko.   Biglang dumating si Daniel at tumabi kay Nathaniel.   "Hindi naman pwedeng pabayaan mo. Whether you like it or not, nandiyan na 'yan. You have to face it!" ani Daniel.   Mas lalo akong na-iinlove sa kaniya. Sobrang manly niya. Grabe ang pagka-matured niya mag-isip. Hindi kagaya ng bading na 'to. Utak pambakla! Gigil sa babae!   "What should I do? Change myself for her?"   "Yes."    "Daniel--"   "Nathaniel-"   "It's Natalie--"   "Whatever! Mas lalo lang paghihinalaan na bakla ni Mom and Dad. Remember that our parents are religious and they don't believe at other gender than man and woman," ani Daniel dahilan para matahimik si Nathaniel.   "Fine!"   Nagkaroon ng katahimikan.   "S-so, ano na?" tanong ko.   "We have to solve this problem. Hindi ba? Hindi pa alam ng parents mo?" tanong ni Daniel.   Tumango ako.   "What!? Hindi mo pa rin sinasabi sa kanila?"   "Ano ba!? Takot nga ako 'di ba!?"   "Bakit ka matatakot e ginusto mo namang gawin 'yan! You f****d me--"   "Yes! I f****d up!" sigaw ko.   Bigla akong napatayo sa gigil. Nilapitan na ako ni Daniel at hinawakan ang magkabilang balikat ko.   "Nathaniel! Can you please be considerate? Kakasabi ko lang sa 'yo na galing kami sa hospital and she can't be stressed! Anak mo ang dinadala niya at hindi ibang tao, I am willing also to take care of her because she's carrying my nephew!"   Napahawak si Daniel sa ulo niya at napakamot. Ngayon ay mas na-stress siya dahil sa amin.   "O-Okay, I am sorry," mahinang sabi ni Nathaniel na parang labag pa sa loob niyang humingi ng tawad sa akin.   "So, what now?" tanong niya pa.   "You will come with her to tell her parents that she's pregnant. Don't you dare forget that she's carrying your freaking baby so please be serious," ani Daniel.   "S-sorry, kailangan mo pang madamay dito--"   "No, it's fine."   "Ano namang sasabihin sa akin ng pamilya niya? Baka magalit, baka kung ano gawin sa akin--"   "Pipigilan ko, if ever," sabi ko.   "Gosh! I just finished my skin care routine and you're stressing me," mataray na sabi ni Nathaniel.   Napairap naman ako. Mas maarte pa sa akin!   "For now, you have to rest. Ihatid mo na siya sa guest room para makapagpahinga siya. She bleed so bigyan mo siya ng damit mula sa closet," utos ni Daniel kay Nathaniel.   "Okay," walang ganang sagot ni Nathaniel at tumayo.   "Thank you," sambit ko kay Daniel.   Ngumiti lang ito sa akin. Lumakad na ako at sumunod kay Nathaniel habang papaakyat ng hagdanan. Nilingon kong muli si Daniel at nagtungo na ito sa pinuntahan ng maid kanina.   "Ang bait talaga niya..." bulong ko.   Nakakailang hakbang pa lang ako ay parang sumakit na naman ang binti ko. Kanina ko pa gustong magpahinga sa totoo lang.   "Hay naku!" nagulat ako sa daing ni Nathaniel.   Bigla niya akong binalikan at halos mapatili ako nang buhatin niya ako. Napapikit pa ako sa pakiramdam na baka mahulog niya ako. Naramdaman ko na lang ang paglakad niya.   Kahit ba bakla siya. Malakas siya, kung buhatin niya ako ay parang papel lang ako.   "Don't you dare stare at my biceps. I am working out girl," maarte niyang sabi.   Binaba na niya ako nang marating namin ang dulo at hinawakan niya ang dulo ng manggas ko saka ako dinala sa isang kwarto.   "Diyan ka. Wait lang, kukuha ako ng pamalit mo," aniya.   Tumango ako at binuksan ang pinto. Napanganga ako sa ganda ng guest room. Akala mo ay nasa isang hotel ako sa sobrang ganda. Lumakad ako sa bintana at hinawi ang kurtina.   "Wow... Best view," bulong ko nang makita ang buwan.   "Babae, I'll leave this here," biglang sabi ni Nathaniel.   Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang paglapag niya ng damit sa side table. Sinarado na niya ang pinto.   Napangiti ako at kinuha ang damit saka nagbihis. Nag-text ako kay Mama na mag-oovernight ako sa kaibigan ko para hindi maghinala. Bahala na bukas. Isang bagsakan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD