Chapter 5
Amarha's P. O. V.
Habang nasa sasakyan kami ni Nathaniel ay pansin kong hindi siya mapakali. Siya ang nagda-drive at ako naman ay na sa passenger seat.
"Liko sa kanan," pagturo ko sa daan.
Agad naman siyang lumiko at nilakasan bigla ang aircon. Napatitig naman ako sa mukha niya.
"Natatae ka ba?" tanong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin sabay irap sa akin.
"Hell no!"
"Eh bakit pawis na pawis 'yung noo mo--" akmang hahawakan ko ang noo niya pero bigla niyang tinabig ang kamay ko.
"Don't touch me gurl!" maarte niyang saad.
Napairap naman ako sa kaniya. Nakita ko na ang pulang gate ng bahay namin.
"Sa red na gate, hinto ka," sabi ko.
Sinunod naman niya ako. Nag-park siya sa tapat. Tumingin kami sa paligid at tahimik ang kalsada. Magtatanghaling tapat na rin kasi at mainit na kaya wala na ang mga chismosang kapitbahay.
"Tara," sabi ko at tinanggal ang seatbelt ko.
Hihilahin ko na sana ang pambuhay ng pinto pero biglang hinawakan ni Nathaniel ang braso ko at nanlaki ang mga mata ko dahil sa lamig ng kamay niyang nagpapawis pa.
"H-Hala... Kinakabahan ka ba?" tanong ko at tumingin sa kaniya.
Dahan-dahan siyang tumango dahilan para matawa ako.
"Baklang 'to! Tara na, ako bahala sa 'yo. Kilala ko naman 'yung pamilya ko e," sabi ko.
Lumabas na ako ng kotse at binuksan ko ang gate. Nakita kong sumunod sa akin si Nathaniel at nagulat ako sa inakto niya. Nakatayo siya ng tuwid at nakapamulsa ang dalawang kamay sa pants na akala mo lalakeng matigasin.
"Wow ha..." kumento ko at pinapasok siya.
Ni-lock kong muli ang gate. Bigla namang lumabas si Papa kaya naramdaman ko ang pag-atras ni Nathaniel.
"P-Pa!"
"Sino 'yan? Bakit may kasama kang lalake pagkatapos mong mag-overnight sa kaibigan mo!?" galit nitong sigaw.
"P-Pa! Teka!" sabi ko at tumakbo papunta sa pinto saka niyakap si Papa.
"Kakausapin po namin kayo ni Mama--"
Nagulat ako nang makarinig kami ng malakas na pukpok ng sandok mula sa kusina. Biglang lumabas si Mama.
"ANONG KAKAUSAPIN!? TUNGKOL SAAN!?" sigaw ni Mama.
"Pasok!" utos ko kay Nathaniel dahil bigla siyang nanigas doon sa labas ng bahay.
Pumasok na siya at hinila ko sila Papa sa sofa. Hinila ko rin si Nathaniel at pinaupo.
"M-Ma... Kalma..." bulong ko.
Napabuntong hininga ako at nakaramdam na rin ng kaba. Nagkatitigan kami ni Nathaniel na parang nagtuturuan kung sino ang magsasalita sa amin.
Bigla niya akong siniko. Napakamot ako sa ulo ko at humarap kala Mama.
"M-Ma... B-Buntis po ako at siya po ang ama ng-"
"SINASABI KO NA NGA BA! WALANGHIYA KA!" nagulat ako nang sugurin ni Mama si Nathaniel.
Agad siyang pinigilan ni Papa.
"Teka! Ma! Ano ba!?" sigaw ko dahilan para mapatigil sila.
"Aba! Ikaw pa ang may ganang magalit siraulo kang bata ka! Bakit ka nagpabuntis diyan sa lalakeng 'yan!?" aniya.
"Ma!"
"M-Ma'am, S-Sir, I am really sorry for my carelessness but I will surely be responsible for what I have done with your daughter. I am a stylist and model," biglang tumayo si Nathaniel at nilabas ang wallet niya sabay kuha ng card at inabot kay Mama, "I am Nathaniel Marcus, the son of the actress named Joeryl Cayona and the director named Ruzzel Zialcita."
Biglang natahimik si Mama at Papa habang inuusisa ang card ni Nathaniel at napatitig sila kay Nathaniel?
"A-Anak ka ng artista?" nauutal na tanong ni Mama.
"Yes po."
Bigla akong kinurot ni Nathaniel sa tagiliran. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakas sa mukha niya ang takot.
"Akong bahala," bulong ko.
"Gurl, ang terror," bulong niya.
Mahina ako ng natawa.
"Kung ganoon nga, wala na tayong magagawa kundi tanggapin na may anak na kayo," biglang naging malumanay ang pagsasalita ni Mama.
Sabi na e, papayag din siya dahil alam na mayaman si Nathaniel at kaya kaming buhayin.
"I will be responsible, Ma'am," ani Nathaniel.
"Ilang buwan ka na bang buntis?" tanong ni Papa.
"Two months po," sagot ko.
"Kaya pala iba ang kilos mo, buntis ka," ani Mama pero halata ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Mayroon lang po sana akong favor," sambit ni Nathaniel.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Hindi po pwedeng kumalat na nakabuntis ako. If you don't mind... Because my family is a big name that it can't just be ruined by some issues that I have a child," aniya.
"Ayos lang sa amin iyon, hijo. Alam naman naming may reputasyon ka. Ang sa amin lang, totohanin mong maging responsable ka sa ginawa mo dahil hindi biro ang maging isang Ama," ani Mama.
"Yes po. Sisiguraduhin kong maibibigay ko ang pangangailangan ng anak at magiging apo niyo," matapang na sabi ni Nathaniel.
"Sisiguraduhin din naming walang makakaalam nito basta hindi ka tatakas," ani Papa.
"Yes, sir."
"Oh siya... Magluluto na ako para sa tanghalian. Dito ka na kumain," ani Mama kay Nathaniel.
Napangiti ako nang makitang maayos na sila. Naglakad si Mama at Papa patungo sa kusina.
"I am impressed..." bulong ko at ngumiti sa kaniya.
"Shh! b***h, I am so nervous!" aniya.
Tumawa ako ng mahina. Napatigil kami ni Nathaniel nang bumukas ang pinto.
"Daniel!?" sigaw ng kapatid kong si Aisha na highschool pa lang.
"N-No--"
"Si Nathaniel 'yan," sabi ko.
"Nathaniel? 'Yung stylist? Ang gwapo mo sa personal!" sigaw ni Aisha at nagtatatalon.
"Huwag ka nga magulo! Ingay nito!" saway ko.
Napatakip siya ng bibig at tumayo naman si Nathaniel at nilahad ang kamay.
"Nathaniel Marcus, nice to meet you... Your name?"
"Aisha Villanueva, ang dyosang kapatid ni ate Amarha," aniya.
"Kapal.." bulong ko.
"Aisha, nandito ka na pala," ani Mama sabay lapit.
Nagbeso si Aisha kay Mama.
"Huwag mo gagayahin ang ate mo. Buntis 'yan. Si Nathaniel ang ama."
Tila ba binuhusan ng malamig na tubig si Aisha sa narinig niya at humarap sa amin.
"B-Buntis ka?" nauutal niyang sambit.
"Oo."
"Gosh! Sobra na 'to! Ayoko na! Napakadaya! Ang swerte mo naman! Isang Nathaniel Marcus--AAAAAAA!" bigla siyang tumakbo papunta sa kwarto niya at halos ibalibag ang pinto sa lakas ng pagkakasara.
Nang matapos si Mama sa pagluluto ay nagtungo na kami sa hapagkainan. Habang nagsasandok si Mama ay bakas ang saya sa mukha niya.
Ang babaeng 'to!
"Kailan niyo balak magpakasal?" tanong ni Mama.
Biglang nabulunan si Nathaniel. Agad ko siyang inabutan ng tubig.
"Ma naman... Huwag mo biglain!"
"Actually, Ma'am. My parents doesn't know about it because they are still in Mindanao for film. I-I will tell them once they come home," aniya.
"Ganoon ba... Eh saan ka ba nakatira? Ibabahay mo na ba ang anak ko?" tanong pa ni Mama.
"A-Around Quezon city lang po. Actually I-I don't know we haven't planned it yet..."
"Kung kami ng asawa ko ang tatanungin. Pwede mo namang ibahay na ang anak namin kung ganong magiging pamilya rin naman kayo--"
Napansin ko namang na-pressured si Nathaniel.
"Ma! Hayaan mo na kami... Para namang pinapamigay mo 'ko," inis kong sabi.
"We will talk about it po," ani Nathaniel.
******************
Nathaniel's P. O. V.
Nagising ako sa kakambal kong hinampas ako ng malakas sa balikat.
"Ano ba! Natutulog ako--"
Napamulat ako nang hilahin nito ang kamay ko paupo.
"Look at this s**t," aniya sabay tapat ng cellphone niya sa mukha ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang isang article with pictures.
"Nathaniel Marcus Zialcita, dating a guy in a bar. Is he a gay?"
Nakita ko ang picture ko na nakaakbay sa isang lalake sa bar habang umiinom ng wine.
"BULLSHIT!"
****************