Angelie's POV "Nakakainis naman 'tong LRT na 'to. Ngayon pa nasira kung kailan naman nagmamadali ako!" Rinig kong reklamo ng isang pasahero na papalabas pa lang ng LRT Station. Sunod-sunod ang pagbaba ng mga tao mula sa taas at lahat sila masama ang timpla ng mukha. Mukhang alam ko na kung ano ang nangyari. "Sira na naman yata ang tren ng LRT," sambit ko kay Ayen. "Mukha nga," sagot naman niya at hinila ako papunta sa gilid para hindi ako mabangga ng mga galit na galit na pasahero. Ang iba kasi sa kanila grabe ang sama ng tingin. Parang kapag nabangga mo, bigla na lang sisigawan dahil sa init ng ulo. Medyo rush hour pa naman na ngayon kaya siguradong mahihirapan kami nito na makakasakay ng bus. "Mag uber na lang tayo," suhetyo niya. "Sige. Mas maganda nga 'yan," tugon ko. Inilabas