Angelie's POV "Anong mayro'n? Bakit nagkakagulo yata ang klase?" tanong ko kay Cyrine na nakaupo na sa silya. Kapapasok ko lang sa classroom namin at sumalubong agad sa akin ang sobrang ingay kong mga kaklase. Wala na naman bang klase ngayon? Friday na at last day na ng araw na mag e-enjoy kami dahil next week magsisimula na talaga ang klase namin. "May student's night daw kasi bukas," sagot sa akin ni Cyrine. "Bukas agad?" gulat na tanong ko sa kanya at naupo na sa tabi niya. Bakit naman bukas agad? 'Di ba dapat nagpasabi man lang sila, isang linggo bago ang party. Paano naman ako nito makakapagpatahi ng dress ko kung bukas agad? Ang hirap pa naman makakita sa mall ng dress na maganda, 'yung pasok sa panlasa ko. "Oo, kaya nga nagkakagulo sila dahil wala silang masusuot bukas. Miski