Angelie’s POV
Nanalamin muna ako ng maigi upang makita kung maayos ba ang pagkakalagay ng moon gold hairclip sa gilid ng buhok ko. Inayos ko rin ang polo shirt na suot ko na maayos ang pagkaka-tack-in sa blue pleated skirt ko.
Kinuha ko ang liptint ko sa ibabaw ng vanity table ko at naglagay ng kaonti sa labi ko. Disenteng-disente na ako at maganda syempre. “Anong oras na ba?”
Napatingin ako sa wall clock ng nag-iisang kwarto sa condo ko at alas-siete na pala ng umaga kaya napatayo agad ako sa silya ko at mabilis na kinuha ang bag ko sa sofa ko. Sinukbik ko ang bag ko at tumakbo palabas ng condo unit ko at nagtungo sa elevator ng condo ko.
Mabuti na lang at wala akong ibang kasabay ngayon kaya agad kong pinindot ang push botton para makarating agad ako sa unang palapag.
“Baka hindi ko makasabay si Ayen nito sa LRT. Bakit ba kasi ang tagal kong mag-ayos ngayon? Nagpaganda pa ko para sa kanya kaya sayang naman kung hindi ko siya makakasabay. Sayang ang effort ko!”
Para kong tanga na nagpapadyak sa loob ng elevator. Sigurado kong late na ko para makasabay si Ayen sa LRT dahil 7:30 ang klase namin tapos alas siete na. Sure ako na kanina pa siya umalis. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng skirt ko at pinunasan na lang ang labi ko ng hindi humaharap sa salamin.
“Nakakainis talaga—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang elevator sa twelve floor kaya agad akong napatagilid para hindi maitago ang mukha ko. Nakakahiya! Mukhang nakita pa ng taong ‘to ang ka emehan ko!
Naramdaman ko ang pagsakay niya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Muling sumara ang elevator kaya dahan-dahan kong sinilip ang pumasok sa elevator.
“Ayen!”
Napaharap siya sa akin at saglit lang na ngumiti at ibinalik niya na rin ang tingin niya sa harap kung nasaan ang pinto ng elevator. Sayang naman! Inalis ko pa ang lipstick ko tapos makakasabay ko pa pala siya sa elevator. Ang tanga ko grabe.
“Dito ka rin pala nakatira,” pagsisimula ko na makipag kwentuhan sa kanya.
“Bagong lipat lang,” maikling tugon niya.
Pilit akong napangiti dahil mukhang pilit lang ang sagot niya sa akin. Ayaw niya ba kong kausap? Bakit parang ilap na ilap siya sa akin? Samantalang kahapon, tinulungan niya pa ako. Siguro matulingin lang talaga siya sa mga babae lalo na ‘yung mga nababastos.
“Ah ako matagal na rin. Maganda dito sa MS Condominium. Malinis at mababait ang mga tao,” sambit ko.
Gusto ko siyang kausapin ng matagal pero wala naman akong maisip na pwedeng i-topic para pahabain ang conversation naming dalawa. Anong gagawin ko? Hindi ako ready! Dapat pala nag-isip din ako ng pwedeng pag-usapan namin habang nasa byahe papunta ng Makati. Sa gano’ng paraan mas magiging magaan ang pakiramdam niya sa akin.
“Hmm,” tanging sagot niya.
Bakit naman ganito siya? Hindi ba niya maramdaman na gusto ko pa siyang makausap ng matagal? Nadadaldalan na ba siya sa akin? Baka naman ayaw niya sa maingay. Hindi na lang tuloy ako ulit nagsalita dahil para lang akong tanga sa kanya.
Hanggang sa makarating sa unang palapag ang elevator hindi na ko nagsalita. Siguro bukas na lang ako makikipag close sa kanya dahil mukhang wala siya sa mood na makipag-usap ngayon o baka naman inborn na sa kanya ang pagiging tahimik?
Nauna na kong lumabas sa kanya ng elevator pero agad akong napabalik ng hawakan niya ang kamay ko at hinatak niya ko pabalik sa elevator.
“A-ahm? B-Bakit? M-May problema ba?” pumiyok ang boses ko.
Napalunok ako sa sarili kong laway dahil sa ginawa kong pag piyok habang kausap siya. Bakit naman pumipiyok pa?
“Lagpas ang lipstick mo,” sambit niya at inabutan ako ng panyo na galing sa bulsa ng pantalon niya.
Agad ko naman itong kinuha sa kanya at inalis ang kamay ko na hawak niya. Dali-dali kong inilabas ang cellphone ko at nanalamin gamit ang cellphone ko at lagpas nga. Mabilis kong pinunasan ang labi ko na lagpas ang lipstick dahil siguro sa pagpupunas ko kanina.
“Salamat sa panyo mo—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang lumabas ng elevator kaya agad din akong lumabas. Tumakbo ako papunta sa kanya para maabutan ko siya. Masyado siyang mabilis maglakad dahil nasa lobby na agad siya ng condo.
“Ito ‘yun panyo mo,” hinihingal na saad ko habang mabilis na naglalakad para lang masabayan siya.
Nagmamadali na siguro siya dahil mahuhuli na rin siya sa klase namin tulad ko. At mahirap na rin makasakay ngayon dahil sigurado kong marami na ang tao sa LRT station sa oras na ‘to. Na late ako dahil sa pag-aayos ko na hindi ko naman kasi ginagawa noon. Siya kaya bakit siya na late?
“Iyo na ‘yan,” aniya.
Huminto siya sa paglalakad ng makalabas siya ng condo kaya pati ako ay napahinto na rin. Inilabas niya ang cellphone niya at may tinignan doon na kung ano. Hindi ko naman magawang masilip ‘yun dahil nahihiya ako. Baka isipin niya na piling close agad ako.
Akala ko ba nagmamadali rin siya pero bakit huminto pa siya sa paglalakad? ‘Di ba dapat maglakad na siya papunta sa LRT? May inaantay pa ba siya dito? May kasabay ba siya?
“Hindi ka ba sasakay sa LRT?” tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya bilang sagot at ang mga mata niya ay nasa cellphone niya pa rin. ‘Yung totoo? Alam ba niya na nandito ako? Para kasing hangin lang ako dito sa tabi niya e. Ang ilap pala sa tao nito ni Ayen. Akala ko pa naman mabilis ko lang siya na makaka-close dahil tinulungan niya ko kahapon pero mukhang mali ako.
“Anong sasakyan mo—” hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang may bumusina sa harapan namin.
Hindi na niya pinansin ang sinabi ko at naglakad na agad siya papunta sa isang kotse na nasa harapan namin. Basak ang balikat ko na pinanood siyang sumakay ng kotse. Akala ko pa naman makakasabay ko na siya pero makakasabay ko lang pala siya na bumaba ng condo.
“Bye, Ayen,” bulong ko sa hangin.
Isang minuto pa ang nagdaan pero hindi pa rin umaalis ang sasakyan na sinakyan ni Ayen. May inaantay pa ba siya? Baka ma late na siya sa klase niya. Ako kasi okay lang naman sa akin kahit ma late ako sa klase ko dahil malakas naman ako sa mga professor dahil na rin sa apilyido ko.
Dalawang minuto pa yata ang lumipas ng biglang bumama si Ayen mula sa kotse. Naglakad siya patungo sa akin kaya napalingon ako sa likod ko dahil baka nag a-assume lang ako pero wala namang ibang tao sa likuran ko. Inikot ko pa ang tingin ko sa tapat ng condo at wala rin namang ibang tao dito sa labas ng condo maliban sa akin.
“Hindi ka ba sasabay sa akin?” Agad akong napaharap kay Ayen na nasa harapan ko na pala ngayon.
“H-Hah? A-Ako?” gulat na tanong ko sa kanya.
Niyaya niya ba ako na sumakay sa kotse na kasama siya? I thought snob siya…
“Yeah.”
Totoo nga! Inaalok niya kong makisabay sa kanya. Sa kanya na mismo nang galing ang salita. Napakurot tuloy ako sa hita ko para siguraduhin kung totoo at totoo nga! Mukha lang siyang snob pero maginoo pa rin talaga siya. Hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging maginoo niya.
“Sasabay syempre,” sagot ko.
Bakit ko naman tatanggihan ang alok niya at bakit pa ko mag papabebe sa kanya? Siya na ang nag-alok sa akin at baka mamaya kapag tumanggi pa ko sa kanya hindi na niya ko pilitin. Sayang naman ang pagkakataon na ‘to.
“Tara na. Baka mahuli pa tayo.” Tumalikod siya sa akin at agad naman akong sumunod sa kanya.
Pagdating namin sa harap ng kotse akala ko siya ang mauunang sumakay sa back seat dahil siya ang nagbukas nito pero mali ako. Dahil gumilid siya para paunahin ako na sumakay.
“Salamat, Ayen.” Sumakay ako sa back seat at naupo sa gitna.
Sunod naman siyang sumakay sa back seat at binuksan niya muli ang cellphone niya. Nagsimula siyang maglaro ng sikat na larong mobile legends at pinanood ko na lang ang daliri niya na mabilis ang pag galaw sa screen ng cellphone niya.
“Naglalaro ka rin pala niyan,” saad ko.
“Pampalipas oras,” maikling tugon niya.
So, dapat ba matuto na rin akong maglaro ng mobile legends para may mapag-usapan kaming dalawa? Pero ilang beses ko na rin sinubukan na matutong maglaro niyan pero hindi ko talaga kaya. Litong-lito pa rin ako. Tanging café land lang ang alam kong laruin dahil ‘yun lang din naman ang apps na gusto ko.
“Marunong ka nito?” tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa unang beses ngayon araw, siya ang na unang gumawa ng topic sa aming dalawa. Gusto niya na rin ba kong kausap? O baka naghahanap lang siya ng kalaro? Ganyan kasi ang kuya ko noon kaya alam ko.
“Hindi e,” nanghihinayang na sagot ko.
Nakakapanghinayan dahil kahit pilitin ko ang sarili ko mukhang hindi pa rin ako matututo na maglaro ng mobile legends na ‘yan.
“Okay nga ‘yan e.”
“Okay? Bakit naman naging okay? Gusto ko nga matuto e tapos para sa’yo okay lang?” nag tatakang tanong ko sa kanya.
Gusto ko ngang matuto niyan para naman makisabay sa ibang mga kaklase ko na naglalaro niyan. Minsan kasi nagugulat na lang ako, nagsisigawan sila tapos malalaman ko naglalaro lang pala sila ng mobile legends. At mas lalo ko pang gustong matuto dahil naglalaro rin pala si Ayen nito.
Mas maganda kung gagawin ko rin ang mga bagay na hilig niya para mas mapalapit ako sa kanya. Sa ganito man atleast alam kong magkakasundo talaga kami.
“Halos puro mga lalaki ang makakalaro mo dito at hindi mo pa mga kakilala. Hindi ligtas para sa’yo ang larong ‘to dahil baka mamaya mag pa uto ka pa sa ibang lalaki dito at ibigay ang impormasyon tungkol sa’yo.”
“Hah?! Hindi ako uto-uto ‘no! Kahit kailan hindi ako naging uto-uto. I’m not what you think!” I hissed.
Uto-uto ang tingin niya sa akin? Totoo ba? Ang taas-taas ng tingin ko sa kanya bilang lalaki tapos sa akin ang tingin niya ay isang uto-uto lang? Holy Mother!
“Okay sabi mo e.”
“Hindi nga talaga ako uto-uto, Ayen,” pag-uulit ko dahil mukhang hindi siya naniniwala sa akin.
“Oo nga hindi ka uto-uto,” sambit niya at itinigil ang paglalaro niya.
Ibinulsa niya ang cellphone niya at bumuntong hiniga pa bago lumingon sa akin. Na g na g na sa kanya. Medyo na iinis ako dahil tinawag niya kong uto-uto lang. Panay positive pa naman ang sinasabi ko patungkol sa kanya tapos sa akin negative? Uto-uto talaga?
“Kaya nga binabawi ko na, Angelie. Hindi ka uto-uto,” aniya na para bang nagpipigil ng tawa dahil sa nakikita niyang reaksyon ko.
Nawala tuloy bigla ang kaonting inis na nararamdaman ko dahil muntik ko ng makita ang pagtawa niya. Kaonting inis na nga lang ang nararamdaman ko sa kanya tapos ang bilis pang mawala.
“O-Okie.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ako makahinga ng maluwag.
My heart was skipping very fast right now like the cars in the past and furious. I think my heart needs to have a check-up with my brother because he is a doctor. My heart is under in not normal heartbeats, and it scares me.
“Are you okay, Angelie?” he asked.
“Y-Yes,” I answered.
“Namumutla ka ngayon. Mukha kang kulang sa dugo.”
“W-Wala ‘to. Ayos lang ako,” sagot ko sa kanya ng walang lingon-lingon at diretso sa harap lang nakatingin.
Hindi na niya ko ulit tinanong na kinasalamat ko naman. Nang makarating sa tapat ng Makati University ang kotse na sinasakyan namin agad akong bumaba sa side ko at bumaba naman siya sa side niya. Umikot ako at lumapit sa kabila.
“Nagbayad ka na?” tanong ko agad sa kanya.
“Oo,” sagot naman niya.
Sabay kaming naglakad papasok ni Ayen at nakita ko ang pila sa iba’t ibang stall ng club. Ngayon na nga pala ang simula ng pag re-register ng mga studyante sa mga club ng University.
“Saang club ka sa sasali?” tanong ko kay Ayen.
Mabagal lang ang paglakad naming dalawa dahil siguradong wala pang studyante sa classroom namin dahil nagkakagulo pa sila sa mga club.
“Football.”
“Marunong kang mag football?” masayang tanong ko sa kanya.
“Football captain ako noon,” aniya at huminto kami sa hindi kalayuan sa football club na band club lang ang katabi.
“Ikaw? Saang club ka naman?” tanong niya sa akin habang nakatingin kami parehas sa harapan namin.
“Sa University band,” sagot ko.
“Singer?”
“Oo, sana nga lang at matanggap ako. Ito pa naman ang gusto ng daddy ko na salihan ko.” Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan ito ng litrato tsaka ko ipinasa sa daddy ko ang larawan.
To: Best Actor of my life
‘Daddy, I’m going to be a singer of this band! I love u!’
Pagkatapos kong i-send ang message ko sa daddy ko agad kong ibinulsa sa skirt ko ang cellphone. Napatingin ako kay Ayen na nakatingin pala sa akin.
“Daddy’s girl?” he asked.
“Nope. Bumabawi lang ako kasi may atraso ako sa daddy ko,” sagot ko naman.
Alam ko kasi na masama pa rin ang loob ng daddy ko kasi tinanggihan ko ang pag-aalok niya na maging artista kaya kahit sa pagsali lang sa banda na gusto niya ay masunod ko naman.
“Sana nga lang at ako ang mapili na maging lead singer nila. Kaya lang ang daming mag papa-register na kasabayan ko. Mukhang kailangan kong ilabas lahat ng talent ko sa pagkanta para lang ako ang mapili,” natatawang sambit ko.
May ipagmamalaki naman ang boses ko dahil maganda ang boses ng daddy at mommy ko. Nagmana ako sa dalawang singer kaya siguradong mas magaling ako. Mataas ang confident ko lalo na’t naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko silang mataasan.
“I didn't hear your voice while singing, but I know you can be the best singer in this band. Good luck, Angelie. I hope you will be the chosen one for this band.”