Angelie’s POV
“Pasabay sa inyong kumain,” nakangiting sambit ko kay Cyrine na nag-aayos ng gamit niya.
Alas dose na nangtahali at break time na namin ngayon. Pangatlong araw pa lang ng klase namin ngayon at wala pa rin kaming masydong ginagawa at puro pag papa-register pa lang sa iba’t ibang club ang ginagawa namin. Binibigyan din kami ng time ng University na kilalanin muna namin ang isa’t isa bago simulan ang normal na klase ng sa gano’n, hindi mahirapan ang bawat isa sa amin na makisalamuha sa tuwing may group activity.
“Sige ba,” sagot nito at sinuot ang bag back niya. Humarap siya kila Gio at Alaina na naghaharutan na naman.
“Kayo, sasabay ba kayo sa amin?” tanong ni Cyrine sa kanila.
“Hindi na,” sagot ni Alaina at bumalik na agad sa pakikipagharutan sa boyfriend niya.
Nagkatitigan kami ni Cyrine at sabay na napatawa dahil sa sobrang pag ka PDA ng dalawa. Kahit saan talaga napakaharot! Walang pinipiling oras o lugar.
“Tara na? Baka kasi langgamin na tayo dito,” umiiling na saad ko.
“Anong langgamin?” singgit ni Gab na kaklase ko rin.
Isa siyang bakla at unang araw pa lang ng klase na kasundo ko na siya dahil ang sarap niyang kausap. Ang dali niya pang makasundo.
“Ano pa ba? Syempre sila Alaina at Gio na naman,” sabat naman ni Andrew na isa rin bakla.
Dalawa silang bakla sa klase namin na kaibigan din nila Cyrine. Mabait sila at sobrang daldal na para bang pinakain ng p**e ng manok. Siguro kung madaldal na ko aba mas madaldal ang dalawang ‘to. Bago pa lang sila sa University pero sobrang dami na nilang alam na issue tungkol sa mga famous dito.
“Hayaan niyo na sila. Relasyon naman nila ‘yun. Huwag na lang kayong makielam,” singit ni Cyrine at sinukbit ang braso niya sa akin at nilagpasan na namin sila Gab.
Napatingin ako kay Ayen na lalagpasan na rin namin. Ngumiti ako sa kanya at mabilis naman siyang ngumiti ng tipid pabalik sa akin bago ko pa man siya malagpasan. Agad akong napalingon sa likuran namin ni Cyrine at nakita kong nakasunod ang tatlo sa amin. Sila Gab, Andrew at syempre si Ayen.
“Saang club ka sumali?” tanong sa akin ni Cyrine kaya naman mabilis na napunta sa kanya ang tingin ko.
“Sa banda,” nakangiting sagot ko. “Eh ikaw saan ka sumali?”
“Wala akong sinalihan. Ayaw ng boyfriend ko na sumali ako dahil baka mapagod lang ako.”
“May boyfriend ka?!” gulat na tanong ko sa kanya.
Alam ko naman na maganda si Cyrine pero hindi ko naman napapansin na may lalaking umaaligid sa kanya sa University namin. Hindi ko rin naman siya nakikita na busy sa cellphone niya para kausapin ang boyfriend na sinasabi niya.
“Oo,” nakangiting sagot niya at napalingon pa sa likod namin. Agad din bumalik sa akin ang tingin niya.
Kinabahan ako bigla dahil tumingin siya sa likuran namin. Tatlong lalaki lang naman ang nasa likod namin at ‘yun dalawa ay bakla pa. So, si Ayen ba ang tinutukoy niyang boyfriend?! Kaya ba parang medyo mailap si Ayen sa mga tao at pati na rin sa akin dahil may girlfriend na siya? Dahil isa siyang faithful na boyfriend at ayaw niyang nag e-entertain ng ibang babae?
“S-Sino ang boyfriend mo? S-Si A-Ayen ba?” mahinang tanong ko sa kanya at nauutal pa.
Wala pa man din pero para na kong nawawalan ng pag-asa. Ano ba naman kasing laban ko kay Cyrine? Maganda nga kami parehas pero sobrang hinhin niya naman at bagay na bagay ang tulad niya kay Ayen. Matalino rin siya dahil maganda ang background niya ng senior high pa lang siya samantalang ako kahit sa top 10 hindi ko magawang pumasok…
Teka! Bakit ko pa ‘to iniisip? Bakit parang apektado ako? Gusto ko lang naman makipag close kay Ayen at wala talaga kong balak na maging boyfriend siya! Masyado lang akong natuwa sa kanya dahil sobrang ganda ng ugali niya. ‘Yun na ‘yun!
“Si Ayen?” napatawa siya at muling napaharap kay Ayen at bumalik din sa akin agad. “Kaibigan ko lang ‘yan, Angelie. Isang Attorney ang boyfriend ko.”
“Ah! Okie!” masayang sagot ko.
Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ko dahil iba naman pala ang boyfriend niya. Kung gano’n wala namang magagalit kung makikipag close ako kay Ayen. Ang ibang girlfriend kasi diyan masyadong selosa. Hindi ko naman nilalahat pero kung may tiwala naman sila sa boyfriend nila, dapat wala na silang dapat na ika-selos pa.
“Good for you at may boyfriend kang abogado,” saad ko na lang kahit na medyo nakakaramdam na ko kung sino talaga ang boyfriend niya.
Noong nakaraan kasi tinanong ko siya kung siya ba ang anak ng may-ari at ang fiancé ng isa pang may-ari ng University namin pero tinanggi niya. Kung alam ko naman na confidential then hindi ko na siya pipilitin na sabihin. Marunong naman ako rumespeto.
“Saan tayo pwe-pwesto?” tanong ni Gab pagpasok na pagpasok namin sa loob ng cafeteria.
Maluwag ang cafeteria ng building namin dahil buong secong floor nito ay sinakop lang ng cafeteria. Kaya hindi ko talaga makikitaan ng mahabang pila ang bawat stall ng mga pagkain dito at hindi ko rin nakikitaan ng pagkakulang ng silya.
“Maghanap na lang kayo ng pwesto at bibili na lang muna ako ng pagkain natin,” singit ni Ayen.
Agad ko naman inalis ang braso ni Cyrine na nakakapit sa akin at humarap kay Ayen na malawak ang ngiti sa labi ko.
“Sama ako! Tulungan na kita sa bibitbitin mo,” saad ko.
Mas gusto kong samahan siya kesa ang makipag kwentuhan kay Cyrine. Siya naman kasi talaga ang purpose ko kung bakit ako nakipag close kay Cyrine. Gusto ko siyang makasama sa lahat.
“Hayaan mo na si Ayen, Angelie. Kayang-kaya niya ang bibilhin niya para sa amin,” saad ni Gab at hinawakan ang siko ko.
Nag-aalinlangan na napatingin ako kay Gab dahil hindi ko siya magawang tanggihan. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko na okay lang ang tumanggi dahil wala namang masama sa pagtanggi pero bakit ngayon parang nahihiya ako?
“Hindi ko kaya ‘yun,” seryong saad ni Ayen kaya napaharap ako agad sa kanya. “Tara na, Angelie.” Tumalikod na siya.
Mabilis kong kinalas ang kamay ni Gab na nakahawak sa akin at tumakbo para masundan si Ayen. Sumabay ako sa paglakad sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang stall. Napapatingin sa kanya ang mga ibang babae na napapadaan sa gilid namin dahil masyado talaga siyang agaw pansin. Moreno man siya pero matangkad naman at gwapo.
“Ano sa’yo?” tanong niya sa akin.
“Chao fan with siomai,” sagot ko at naglabas ng wallet.
Inilabas ko ang pera ko sa wallet ko pero iaabot ko pa lang sa kanya ang pera ko ng hindi ko na siya makita sa gilid ko. Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Ayen na nasa harapan na pala mismo ng counter at nagbabayad na.
Ang bilis naman niya masyado. Hindi ko man lang naramdaman na umalis siya sa tabi ko tapos hindi man lang niya hinintay ang bayad ko.
“Ayen.” Naglakad ako palapit sa kanya at nang makalapit ako agad kong inilahad ang kamay ko na may hawak na pambayad. “Ito ang bayad ko.”
“Okay na. Nabayaran ko na,” aniya.
“Pahintay na lang ng order niyo,” sambit ng babae sa counter kaya napagilid kami ni Ayen dahil may susunod na rin sa amin.
“Ito ang bayad ko sa inabono mo.” Na ngangalay na ang mga kamay ko sa kakalahad ng kamay ko sa harapan niya.
Hinawakan niya ang nakalahad kong kamay, akala ko kukunin na niya ang pera sa kamay ko pero ibinaba niya lang ang kamay ko.
“Mangangalay ka lang sa ginagawa mo.”
“Sige. Ikaw bahala.” Ibinalik ko sa wallet ko ang pera at binulsa ko ulit ‘to sa skirt ko.
Nakatayo lang kami sa gilid ni Ayen habang naghihintay ng order namin ng mapansin ko na parang kinukuhanan siya ng litrato ng dalawang babae na medyo malayo sa amin. Hindi naman niya ‘yun nililingon at sa harapan lang siya nakatingin.
“Ayen.” Kinalabit ko siya.
“Hmm?” Humarap sa akin si Ayen.
“May dalawang babae sa gilid mo na kinukuhaan ka ng litrato oh,” sambit ko ng hindi nakatingin sa dalawang babae.
Baka kasi mamaya niyan malaman pa nila na sila ang pinag-uusapan namin dito. Masyado kasing usesera ang dalawang babaeng ‘yun. Sana lang talaga na kasama ako sa litrato na kinuha nila kay Ayen at sana rin maganda ako do’n at hindi epic ang mukha ko.
Nilingon niya ang dalawang babae sa gilid namin. Saglit niya lang tinapunan ng tingin ang dalawa at bumalik din sa akin ang mga mata niya. “Baka hindi naman ako ang kinukunan nila.”
Napailing ako sa kanya dahil sure ako na siya talaga ang kinukunan ng mga ‘to. Hindi ba siya confident sa sarili niya na gwapo siya? Ang ibang lalaki kasi diyan proud na proud pa.
“Ikaw talaga ‘yun. Sandali, palit tayo ng pwesto.” Nagpalit kaming dalawa ng pwesto at ngayon ako na ang nasa kaliwa. Sigurado kong mahaharangan ko kahit pa paano si Ayen.
Napatingin ako sa dalawang babae na nadismaya at napatingin sa cellphone nila. Parehas nakakunot ang noo nila habang nakatingin sa cellphone na ginamit nila pangkuha ng litrato kay Ayen.
Sabi na nga ba at si Ayen ang kinukuhaan nila ng litrato e. Kasi kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha nila ng magpalit kami ng pwesto ni Ayen. Sigurado kong na agaw ni Ayen ang atensyon nila dahil sa gwapo ito tulad ng una ko siyang makita sa LRT.
“Buti nga sa inyo…” bulong ko sa sarili ko.
“May sinasabi ka, Angelie?”
Nanlaki ang mga mata ko at napaharap kay Ayen na nasa kanan ko. Nakatingala ako sa kanya dahil sa sobrang tangkad niya.
“Wala. Eme ko lang ‘yun—”
“Hi po!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may sumingit sa akin mula sa likod namin.
Sabay na napalingon kami ni Ayen at nakita ko ang dalawang babae na kanina lang ay kinukuhaan siya ng litrato. Sabi na nga e. Simula pa lang duda na ko.
“Hello. May kailangan kayo?” sagot ko.
“Ako si Amber at ito naman ang kaibigan kong si Jean,” pagpapakilala pa niya.
Napakamot ako ng ulo ko dahil para kong naging hanggin dahil hindi nila ko pinansin. Si Ayen lang talaga ang gusto nilang kausapin at hindi ako. Tapos mukhang malaki pa ang sama ng loob ng dalawang babaeng ‘to dahil tinakpan ko si Ayen kanina ng kumukuha sila ng litrato.
“Order number 06!”
“Nandiyan na ang order natin, Angelie. Tara na.” Nauna siyang maglakad papunta sa counter na may nakalagay na ‘Claim here’
Ako naman ay nginitian ko pa ng malawak ang dalawang babaeng hindi pinansin ni Ayen bago sinundad si Ayen na nasa counter na. Seryoso niyang kinuha ang tray na maraming laman at ako naman sa tray na kaonti lang ang laman. Naglakad kami kung saan natatanaw namin nakaupo sila Cyrine.
Napatingin ako kay Ayen na nauna sa aking maglakad. Hindi nila alam na nasa ugali na ni Ayen ang pagiging snob minsan at pansin na pansin ko rin na mailap siya sa ibang tao. Mahirap din siyang basahin kung galit ba siya o masaya dahil palagi na lang seryoso ang mukha niya. Ganito lang siguro siya dahil bagong kilala ko pa lang sa kanya. Sana naman kapag nagtagal-tagal pa mas lalo pa siyang maging bukas sa akin.
“Bilisan mo ang paglakad mo, Angelie.”
“Ah oo!”
Binilisan ko ang paglakad ko na may pag-iingat dahil may hawak-hawak akong tray. Bumagal naman ang paglakad niya kaya mabilis ko siyang na abutan. Sabay kaming nakarating sa table namin at nauna niyang ilapag sa mesa namin ang tray na hawak niya. Humarap siya sa akin at kinuha sa kamay ko ang tray. Siya na ang naglapag nito.
Nagsimula kaming kumain apat habang nag kwe-kwentuhan sila Gab, Andrew at Cyrine habang ako ay hindi makapag concentrate dahil panay ang tingin ng mga babaeng dumadaan kay Ayen. Halata naman na hindi niya nagugustuhan ‘yun dahil ramdam ko ang pag kailap niya.
“Aalis lang ako saglit,” pagpapaalam ni Ayen at umalis bigla. Iniwan niya lang ang bag niya sa silya niya.
Pinagmasdan ko na lang siya na lumabas sa cafeteria na madaling-madali. Napatingin ako sa tatlo na nakatingin din pala kay Ayen na umalis.
“Hindi pa rin talaga nawawala kay Ayen ang bagay na ‘yun,” umiiling na saad ni Cyrine.
“Ang alin?” tanong ko na punong-puno ng kuryosidad.
Gusto kong malaman kung ano ba ang mayroon kay Ayen at parang ilap na ilap siya sa mga tao. Bakit parang ang laki ng problema niya sa mga pagtingin sa kanya ng mga tao lalo na ng mga babae? Matulungin siya sa mga babae na nababastos pero bakit parang ilap na ilap din siya sa mga babae? Ano bang kasalanan naming mga babae sa kanya?
“Alam mo kasi ‘yang kaibigan namin, marami ng naging ex at lahat ng ex niya at pare-parehas lang,” sagot ni Andrew sa tanong ko.
Nabitawan ko ang kutsara at tinidor ko na hawak ko at napangalumbaba. Gusto kong marinig at itatak sa isip ko lahat ng tungkol kay Ayen kaya handa akong makinig.
“Sobrang buting lalaki ni Ayen pero lahat ng babaeng naging girlfriend niya, niloko lang siya,” pag kwe-kwento ni Cyrine. “Mayaman ang pamilya ni Ayen at madali siyang utuin noon. Mabilis din siyang mahulog sa isang babae kaya naman halos lahat ibigay na niya dito pero sa huli lolokohin lang siya nito at malalaman niyang pera lang talaga ang habol sa kanya. Mula noon naging mailap na siya sa mga tao lalo na sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya at kaya rin kami lang ang mga kaibigan niya.”
So, kaya pala ibang-ibang si Ayen sa ibang mga lalaki diyan? Ang ibang lalaki kasi mas gugustuhin na maging kaibigan ang puro lalaki pero si Ayen iba siya. Ang laki rin ng sinayang ng mga babaeng naging ex ni Ayen dahil na hulog na nga sa kanila ang isang Jade Ayen Martin pero nagawa pa rin nila ‘tong lokohin.
May mga babae talaga na hindi pa rin marunong makuntento kahit na nasa gwapo, matangkad, mabait, at maginoo na sila. Mas pipiliin pa rin talaga nila ang toxic na lalaki.
“Oh, Ayen. Okay ka na?” tanong ni Cyrine.
Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Ayen na kararating lang. Naupo siya sa tabi ko at tumango kay Cyrine.
“Ayen,” pagtawag ko sa pangalan niya.
“Hmm?”
“Sabay tayong umuwi mamaya. Tutal parehas lang naman ang condo na inuuwian natin.”
Handa akong patunayan kay Ayen na hindi lahat ng babae na magkakagusto sa kanya ay pera lang ang habol sa kanya. Gagawin ko lahat ng makakaya ko mawala lang ang pagkakailap niya sa mga babae.
“Sige, Angelie. Gusto ko rin naman na isabay ka talaga sa akin para alam ko kung sino ang mga babastos sa’yo.”