Angelie’s POV
“Hoy!” Napatigil ako sa pag-iisip tungkol kay Ayen ng bulabugin ako ng kaibigan ko na nakaupo sa likod ko lang. Payapa akong nakaupo sa silya ko na pangalawa sa likod ng umepal ang kaibigan ko na palagi na lang akong ginugulo.
Iritadong napalingon ako sa likod ko. “Ano na naman ba, Alaina? Ano na naman ang chika mo ngayon?” kunot noong tanong ko sa kanya.
Grade 10 pa lang ako ng makilala ko si Alain at simula no’n hanggang ngayon palagi na kaming magkasama sa iisang klase. Minsan nga nagsasawa na ko sa mukha ng kaibigan ko kasi kahit na matagal na ang bakasyon ko pakiramdam ko palagi ko pa rin siyang nakikita.
“Kanina ka pa kasi diyan lutang. Ano na naman ba ang iniisip mo hah? Iniisip mo na naman ba na magiging third wheel ka sa amin ni Gio?” tanong nito at lumingon sa lalaking katabi niya na si Gio. Ang boyfriend niya simula grade 11 kami.
Napailing ako sa sinabi niya at ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa harapan ko at nangalumbaba. Wala ako sa mood na isipin ang pagiging third wheel sa kanila ng boyfriend niya na palagi niyang ginagawa sa akin taon-taon. Balang araw magkakaroon din ako ng boyfriend. Ayoko lang madaliin dahil masyado pang maaga para do’n.
“Hoy! Kinakausap kita, teh!” Lumipat siya ng silya at naupo sa tabi ko.
Sumandal ako sa silya ko habang si Alaina naman ay nakapangalumbaba patagilid at sa akin siya nakaharap.
“Ano na naman ba ang problema ng isang Maria Angelie Dedales? Pinilit ka na naman ba ng daddy mo na mag artista?” tanong niya na agad ko naman na ikinailing.
Noon pa lang kasi pinipilit na ko ng daddy ko na itigil ko ang pag-aaral ko at pumasok na lang sa showbiz pero paulit-ulit ko lang ‘yun tinanggihan dahil ayoko ng showbiz at mag gusto ko ang mag-aral. Mas gusto kong gumawa ng thesis at research kesa ang pagaaksaya ng oras sa pag arte. Kaya naman galit na galit sa akin ang daddy ko dahil ayoko sa gusto niya. Wala naman magawa si daddy dahil si mommy naman ang magagalit sa kanya kapag sumobra na siya.
“Eh ano ba kasi ang problema mo sa buhay? Bakit nakatunganga ka lang diyan? Samantalang noon kapag pumapasok ka sa classroom dadaldalin mo na agad kami ni Gio kahit na mag mukha ka pang third wheel. So, anong ganap sa’yo? Tell me. May problema ba ang kaibigan ko?”
Napangiti ako kay Alaina dahil kahit anong pang-aasar niya sa akin sa pagiging third wheel ko sa kanila ni Gio, nagiging ganito pa rin siya ka sweet kapag alam niyang may iba sa akin. Bukod sa kuya ko at mga pinsan ko, siya lang ang bukod tanging matuturing kong kaibigan. ‘Yung kaibigan na matatawag mo talagang kaibigan kahit saan ka magpunta.
“Nakakilala ako kanina ng lalaki.”
“Oh, nakapasa naman ba sa standard mo? Knowing you, sobrang taas ng standard mo sa lalaki. Ayaw mo ng maputi. Ayaw mo ng sobrang mabango. Ayaw mo ng masyadong ma porma. Ayaw mo ng sikat na lalaki. Ayaw mo ng walang sense pagdating sa pagiging babae mo. Ayaw mo ng pinagbabawalan ka sa gusto mong gawin at isuot. Ayaw mo ng nasasakal ka sa relasyon kaya sino naman ‘tong lalaking nakilala mo na mukhang naka agaw yata ng atensyon mo, aber?”
Hindi naman mataas ang standard ko. Ang baba nga e. Simple lang naman ang lalaking hinahanap ko at halos lahat ng ‘yun ay kay Ayen ko nakita. Kaya siguro sobrang gaan ng loob ko dahil nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki. Ilang beses ko ng sinubukan na makipag date pero wala talaga.
“Alam mo kasi, Alaina. Kanina sa LRT may matandang lalaking bumastos sa akin tapos tinulungan niya ko. Ang mas maganda pa do’n sinabi niya pa ‘yung magic world na gustong-gusto ko na naririnig. ‘Yung pang women empowerment!”
“Ano naman ‘yun at mukhang sayang-saya ka?” nakangising sagot niya.
“Ang sabi kasi niya, wala naman daw sa suot ng isang babae kung bakit siya nababastos. Walang kasalanan ang babae kung maikli ang suot niya.” Na i-imagine ko ang mukha ni Ayen habang nag kwe-kwento ako sa kaibigan ko. “Alam mo naman na major turn on sa akin ‘yung mga lalaki na alam kung ano ang mga babae, kung paano sila pinahahalagahan at nirerespeto.”
Hindi ko naman kailangan ng sobrang gwapong lalaki, ang gusto ko ay ‘yung lalaki na may sense of humor at alam kung paano rumespeto lalo na sa mga babae. Sa tanan ng buhay ko kay Ayen ko lang ‘yun nakita dahil miski ang kuya at daddy ko ay hindi ko ‘yun nakita.
“Tinulungan ka lang tapos sa tingin mo agad siya na ‘yung dream guy mo? Wake up, girl! Kilalanin mo muna dahil baka mamaya may tinatago pa pala ‘yang ibang ugali. Hindi kasi porket kung ano ang ipinakita niya sa’yo nang unang beses kayong magkakilala ay ‘yun na rin ang palagi niyang ugali kapag mas nagkakilala pa kayo,” mahabang lintaya niya at napatingin sa boyfriend niyang si Gio na naka upo lang sa likod namin.
Napairap na lang ako sa kanya dahil masyado siyang negative. Minsan na nga lang ako makakilala ng lalaking pasok sa standards ko tapos ganito pa siya. Kung hindi ko lang kaibigan si Alaina baka binatukan ko na siya ng napakalakas. Masyadong nega! May boyfriend naman na siya pero bakit parang may pinaghuhugatan pa rin?
“Hindi naman sa sinasabi ko na masama ang lalaking ‘yan o nagpapakita lang siya sa simula ng kabutihan hah. Gusto ko lang na mag-ingat ka. Alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko ‘di ba? At ayokong masaktan ka dahil bago pa lang sa’yo ‘to. Baka nga nabibigla ka lang kasi may lalaking tumulong sa’yo laban sa nambabastos sa’yo.” Napatango na lang ako.
May past kasi ang kaibigan ko kung bakit ako lang ang kaibigan niya at kung bakit nawala ang iba. Bilang mabuting kaibigan iintindihin ko na lang din.
“Sige na. Lumipat ka na sa pwesto mo dahil baka parating na rin ang prof natin,” sambit ko at pilit na ngumiti sa kanya.
“Basta huwag papadala sa mga pa good boy sa simula, okay? Mas maganda kung bad boy agad—”
“Alis na nga!” iritadong sambit ko sa kanya at tinulak siya paalis sa tabi ko.
Kaya naman pala ang nega niya pagdating kay Ayen dahil nga good boy ‘to ayon sa diskripsyon ko sa kanya tungkol kay Ayen. Ayaw pa naman nito sa good boy at mas gusto ang toxic tulad ng mga relasyon niya.
“Nagsasabi lang ako ng totoo, Angelie,” natatawang sambit nito habang lumilipat sa likuran ko.
Napailing na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko at napangalumbaba na lang muli habang nakatingin sa harapan. Ilang sandali lang at pumasok na ang babae naming prof na bitbit ang gamit nito.
“Good Morning, ma’am.” Sabay-sabay na pagbati ng mga kaklase ko at tumayo pa pero ako hindi ko magawang bumati o tumayo.
Inaalala ko pa rin kasi ang tungkol kay Ayen. Mukhang hindi ko nga siya magiging kaklase ngayon pero sana naman sa ibang subject maging kaklase ko na siya o kaya naman ay makasama ko sa isang club. Nakita ko siyang nakikinig ng music kanina sa LRT, siguro mahilig siya sa music at maganda ang boses niya. Sana nga lang ay sa isang banda siya sumali kung sakali man na singer siya.
“Okay. Seat down, guys,” our professor said.
Sabay-sabay din na napaupo ang mga kaklase ko at nakatunganga lang ako sa harap ng professor ko. Akala ko pa naman magiging masaya ang unang araw ng klase ko pero mukhang hindi dahil ang boring. Sana pala isang Linggo muna ako na hindi pumasok dahil sa loob ng isang linggo na ‘to sigurado kong wala namang gagawin kundi ang e-welcome na lang ang mga freshmen.
“There are six new students outside that you will be classmate in other subjects, including my subject so, I hope you all will be good to them—”
“Nasaan sila, ma’am?!” Mabilis na tanong ko at napatayo pa sa silya ko.
Napunta sa akin ang mga tingin ng mga kaklase ko pero wala akong pake. Bigla na lang nawala ang pag ka bored ko dahil purong excitement lang ang nararamdaman ko. Gusto ko ng makita kung sino ang tinutukoy ni ma’am na magiging kaklase namin at umaasa ako na sana… Isa siya sa mga ‘yun.
“Ms. Dedales, can you please settle down?” my professor said calmly as wind in the outside of our building.
Bigla naman may humawak sa balikat ko mula sa likod at napatingin ako dito at nakita ko si Alaina na halatang naguguluhan din sa inakto ko. Diniinan niya ang balikat ko kaya naman napaupo ako muli sa silya ko.
“Behave, Angelie. Pinagtitinginan ka ng mga kaklase natin,” bulong niya sa akin.
Napatango na lang ako kahit na nanginginig na ang mga kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko dahil sa pamamawis nito. Wala naman akong dapat na ikakaba pero bakit ganito? Namamawis ang mga kamay ko at para bang maiihi pa ko sa panty ko.
Dahil lang sa lalaki na tumulong sa akin kanina sa LRT, nag kaganito na agad ako? Ganito ba talaga ang epekto kapag nakakita ka ng isang lalaki na lahat ng ugali na gusto mo ay nasa kanya na? Siguro nga ay oo dahil madalang na lang talaga makakita ng lalaking nasa standard ko.
“Wait me here, guys. I will call the new students.” Naglakad palabas ang professor namin at sinundan ng mga mata ko ang professor namin na dumuwang sa pinto.
Ilan sandali lang at bumalik na muli ang professor namin kasama ang mga bagong studyante na makakasama namin sa buong taon.
It's like a slow motion when the last man entered our classroom. The man that I met at the LRT, the one that help me. The man that I dream. A tan skin man, a tall man, a handsome man, and lastly, the man that knows how to treat a woman. The first man that help me against the man that accused me, that it is my fault why man lusting me because of what I wore. He depends that it's not a woman's fault because a woman can wear anything she wants. And that's my dream guy.
“Ayen Martin,” pagpapakilala niya sa harapan.
Nagpakilala silang lahat pero kay Ayen lang talaga ang atensyon ko. Isa-isa silang namili ng silya at nanghihinayang ako dahil may nauna ng babae na naupo sa tabi ko. Sa pagkakarinig ko Cyrine ang pangalan niya. Si Ayen naman ay naupo sa row ko rin pero may isang pagitan kami. Sayang naman… Akala ko pa naman sa tabi ko na siya mauupo.
"Hi Cyrine, I' am Angelie," masayang pagpapakilala ko.
Sigurado kong magkakilala sila ni Ayen kaya maganda kung sa kanya ako mauunang magiging malapit bago kay Ayen.
"Hi Angelie," bati niya rin sa akin pabalik.
Napalingon naman ako kay Ayen na kaonti lang ang pagitan sa amin. Nagkunwari akong nakikinig kahit na si Ayen naman talaga ang tinitignan ko. Nag-uusap rin kasi sila Alain at Cyrine kaya inabala ko muna ang sarili ko kay Ayen pero ng matapos sila sa pag-uusap nila agad na bumalik ang atensyon ko kay Cyrine dahil baka mahalata niya na ko.
“Saan school kayo galing?” tanong ko habang sa harap nakatingin este sa likuran ni Ayen.
“Sa Laguna,” sagot niya.
“Hmm. Magkakasama kayong anim na galing ng Laguna?” tanong ko muli.
Ayokong diretsuhin sa kanya ang tungkol kay Ayen dahil bawal maging halata. City girl ako at baka iba ang isipin sa akin ni Cyrine. Mukha pa naman siyang mabait na babae at disenteng-disente. Ang hinhin pa niya.
“Hindi. Si Janna at Miguel sa ibang school nang galing pero kaming apat pare-parehas. Mga kaibigan ko sila.”
Napangiti ako dahil tama nga ang naisip ko. Magkakilala nga sila ni Ayen at magkaibigan pa. Ngayon isa lang ang plano ko at ‘yun ay ang mapalapit sa kanilang mga new student lalo na kila Ayen.
“Gano’n ba. Hmm…”
Minsan lang ako magkaroon ng interes sa isang lalaki kaya gagawin ko talaga ang lahat mapalapit lang kay Ayen. Gusto ko pa siyang makilala at makipagkaibigan sa tulad niya. Ano pa at naging isang Dedales ako kung hindi ko naman gagamitin ang charm ko? Ngayon lang naman ‘to sa buong 19 years ko dito sa mundo kaya pagbibigyan ko na ang sarili ko.
I want him. The man that I dream of. My dream guy is here, so it’s now or never. I will make myself close to him.