Angelie’s POV
“Saan po kayo?” tanong ng babaeng teller ng LRT.
Ito ang pinakamalapit na LRT sa condo ko at ito lang din ang madaling sakyan patungo sa Makati University na pinapasukan ko bilang 1st year college na business ad ang kurso. Hindi pa kasi ako hinahayaan ng daddy ko na magmaneho kaya nag titiis akong mag LRT at makipag unahan sa mga tao.
“Sa Makati lang,” sagot ko at inabot ang bente pesos na bayad.
Mas okay na rin ang ganito dahil hindi rin naman ako marunong mag maneho ng sasakyan at wala akong balak na magmaneho pa. Wala akong tiwala sa sarili ko na payapa ako makakapag maneho lalo na nasa lugar ako na palaging traffic at baka maubusan lang ako ng pasensya.
“Ito po.” Inabot niya sa akin ang isang beep card at mabilis ko itong kinuha.
Umalis ako sa mahabang pila at naglakad ako patungo sa mismong tren. Itinapat ko ang card na hawak ko sa isang scanner at agad na nawala ang bakal na nakaharang kaya mabilis akong naglakad padaan doon dahil nakita ko na rin ang tren.
Hindi ko na tinignan kung pang ilang bagon ako na sumakay basta sumakay na lang ako. Pero mukhang napunta ako sa parte ng bagon na halo-halo dahil babae at mga lalaki ang nakasakay. Agad akong naupo sa bakanteng upuan at ipinatong ko sa hita ko ang back bag ko dahil bahagyang umaangat ang skirt ko.
Napatingin ako sa kaharap ko at agad nitong na agaw ang atensyon ko. Ang lalim ng pagtitig niya sa akin habang may airpods na nakasalpak sa magkabilang tenga niya. Maayos ang pagkakasuot niya ng puting t-shirt at pantalon. Ang lakas niya maka Korean actor dahil sa simpleng suot niya pero ang gwapo agad. Ang na iba nga lang ay moreno ang lalaking ‘to. Maayos din ang buhok niya na nakababa kaya natatakpan ang buong noo niya.
Ang gwapo niya… Pero wala man lang ka ngiti-ngiti sa labi niya. Napatingin ako sa suot niyang I.D lace at agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at ngumiti.
“Akalain mo nga naman… Unang araw pa lang bilang college pero nakakita na agad ako ng gwapong studyante ng Makati University,” bulong ko sa sarili ko.
Base kasi sa I.D niya na may logo at pangalan ng Makati University, alam ko na agad na studyante siya do’n lalo na’t parehas pa kami ng kulay ng ID lace. Mukhang parehas pa yata kami ng kurso. Ang gandang umaga naman nito. Ano naman kayang pangalan niya?
“Kalma ka muna, Angelie…” bulong ko ulit sa sarili ko at ibinalik ko na ang tingin ko sa lalaking katapat ko lang sa LRT.
Nakapikit na ang mga mata niya ngayon hindi tulad kanina na titig na titig sa akin. Pero kahit gano’n ang gwapo pa rin niya. Mas lalo pang na depina ang matangos niyang ilong. Sigurado din ako na matangkad ang lalaking ‘to. Ako pa. Ang galing ko kayang kumilatis pagdating sa matangkad.
“Ehem.” Napatingin ako sa matandang lalaking kakaupo lang sa tabi ko.
Agad akong napahawak sa ilong ko ng umalingasaw ang amoy ng alak mula sa lalaking nasa tabi ko. Mukhang lasing na lasing si manong kaya naman umusog ako palayo sa kanya pero wala pa rin dahil lumapit lang siya sa akin.
“Manong umusog ka naman,” magalang na pakiusap ko.
Pero tinignan lang ako ni manong at mas lalo lang siyang umusog sa akin. Ngumisi lang sa akin ang matanda at kita ko ang madilaw niyang ipin. Agad akong napalingon sa kabila ko. Bakal na pala ang katabi ko kaya wala na kong maiuusog pa.
“Manong!”
Napasigaw ako ng maramdaman ko ang kamay ni manong sa hita ko. Agad na bumaba ang tingin ko sa hita ko na natatakpan ng bag ko at wala na ang kamay ni manong do’n. Napatingin ako sa mga taong nasa LRT at halatang nagtataka sila sa pagsigaw ko.
Kaonti pa lang ang tao sa LRT dahil hindi pa masyadong rush hour ngayon at unang station ang sinakyan ko kaya maluwag-luwag pa.
“Ano ‘yun, miss?” Inosenteng tanong ng matandang lalaki na katabi ko.
Napakuyom ako ng kamao at gustong sapakin ang lalaking nang hipo sa akin kaya lang ayokong mapahiya dito dahil wala namang akong ibidensya. Isa pa sikat ang daddy ko bilang artista at baka pati siya ay madamay kung wala naman akong ebidensya na ipapakita na nahipo ako ng lasing na ‘to.
“May gusto ka ba sa akin, miss?” muling tanong sa akin ng lalaki at ngumisi pa talaga siya.
Napahawak ako sa skirt ko ng mahigpit sa sobrang gigil kay manong. Gustong-gusto ko na siyang sapakin dahil sa katarantaduhan niya. Anong taon na pero nagkalat pa rin ang mga bastos na tulad niya. Ilang beses na kayang nagawa ni manong ang ganito? Sino-sino na kaya ang kawawang nabiktima niya?
“Bakit ka naman niya magugustuhan?” Mabilis na umangat ang tingin ko sa lalaking nagsalita.
Ang gwapong binata na kanina lang ay nakaupo sa tapat ko ay nakatayo na ngayon sa harapan ko. Nakasukbit ang back bag niya sa kanang balikat niya at seryoso pa rin ang mukha niya. Wala na rin ang airpods na kaninang nasa tenga niya.
“Sino ka ba?” lasing na tanong ng lalaki sa tabi ko.
“Ako? Sino ako?” Sarcastic na tanong niya sa lasing.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil halatang mainit ang ulo ng lalaking nasa harapan ko at mukhang pala away pa yata ang lalaking ‘to dahil sa pananalita niya na parang palaging nag hahamon ng away. Mahina lang ang pananalita niya pero ramdam ko ang paghahamon nito ng away.
“Girlfriend ko ang binabastos mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking gwapo sa lalaking lasing.
Girlfriend? Ngayon ko pa nga lang siya nakita tapos girlfriend agad? Oo gwapo siya pero hindi naman ako pa easy to get ‘no! Oo, gwapo siya pero ayoko naman sa lalaking parang palaging gusto ng away. Gusto ko ng maayos na lalaki at walang toxic sa dugo.
“Baka nagkakamali ka lang ng tinutukoy na girl—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kunin niya ang bag na nasa hita ko at itinayo ako.
“Makisabay ka na lang, miss. Para rin naman magantihan ko ang bastos na ‘to,” bulong nito sa akin.
Agad ko naman na intindihan ang sinabi niya. Sinabi niyang girlfriend niya ko para malayo sa lalaking nanghipo sa akin. Kahit pala mukhang nang hahamon ang pananalita niya ay may concern pa rin siya sa akin dahil gusto niya kong mailayo sa bastos na ‘to.
“T-Thank you… L-love…” Parang naputol ang dila ko sa pagkakanda utal ko.
Sinadya kong lagyan ng endearment para mas mukhang kapanipaniwala na may relasyon nga kaming dalawa ng gwapong ‘to.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya pa at napatango na lamang ako bilang pagsagot.
Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya at nasa kanan naman niya ang back pack kong violet. Nakaharap na kami ngayon sa lalaking nakaupo sa silya at nakatingin sa hita ko. Bakit ba nagkalat ang mga bastos dito?
“Sa ginagawa mong ‘yan pwedeng-pwede kitang ipakulong sa ginawa mong pambabastos sa girlfriend ko.”
Kalmado ang boses niya pero ang otoridad dito ay hindi pa rin nawawala. Ano na kayang year ng gwapong ‘to? Kung umasta siya mukhang 4th year na siya. Baka naman senior ko siya kaya ganyan siya ka concern sa akin.
“Kasalanan na ‘yun ng girlfriend mo kung bakit siya nababastos. Tignan mo naman kasi ang suot niyang palda na sobrang ikli na halatang nang aakit.” Hahawakan pa sana ng lalaki ang hita ko ng mabilis na sipain ng lalaking gwapo na moreno ang kamay niya.
Hindi ko nakita ang pagsipa niya at masyadong mabilis ang paa niya. Nagulat na lang ako at namimilipit sa sakit ang lalaking lasing.
Napatingin tuloy ako sa paligid namin dahil agaw pansin na talaga kami. Napayuko ako dahil may iilan na parang kinikilala ang mukha ko. Ayokong makilala nila ko dahil baka gumawa pa sila ng isang maling storya sa social media at maapektuhan pa ang career ng daddy ko.
“Tandaan mo ‘to, Manong. Walang mali sa suot ng girlfriend ko. Maikli man ‘yan o mahaba. Hindi pa rin ‘yan dahilan para lang bastusin mo ang isang babae lalo na ang girlfriend ko. Sisiguraduhin ko na hindi ka makakatulog ng mahimbing mamayang gabi sa kama mo dahil sa selda ang bagsak mo.”
“Pinagbabantaan mo ba ako? Eh totoy ka lang naman.”
“Anong totoy?!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabat na.
Bulag ba siya? Hindi ba niya nakikita na hindi na totoy ang gwapo at moreno na lalaking ‘to. Mas mukhang mature pa nga siyang mag-isip kesa sa matandang ‘to na sobrang kitid ng utak.
“Hindi na siya totoy ‘no!”
Agad naman akong natauhan sa pagsigaw ko. Nakalimutan ko na marami nga palang tao ang nakatingin sa amin. s**t! Miski ang gwapong may hawak sa kamay at bag ko ay nagtataka sa pagsigaw ko.
Bakit ba parang apektado ako kung tinawag siyang totoy? Mas apektado pa nga ko sa sinabi sa kanya ng lalaki kesa sa pambabastos sa akin. Sira na yata ako. Pero okay na rin ‘yun kasi ipinagtanggol niya ko kaya dapat ko rin siyang depensahan.
“Basta sisiguraduhin ko na sa selda pa rin ang bagsak ng tulad mo. Hindi dapat pinalalagpas ang mga bastos ng tulad mo.” Huling salita ng gwapong lalaki at hinila na niya ko palapit sa pinto.
Sakto naman na huminto ang tren at nasa harap na kami ng Makati Station. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makalagpas kami sa harang. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nadadala niya ko dahil sa lakas niya.
Nang makalabas kami sa mismong LRT agad kaming huminto at napapunas pa ko ng pawis ko dahil sa bilis niyang maglakad.
“S-Salamat sa kanina,” nakangiting sambit ko.
Kahit na nabastos ako ngayong araw, sa tingin ko naman ay maswerte pa rin ako kasi may lalaking tumulong sa akin. Sa panahon pa naman ngayon, iilan na lang ang mga taong tutulungan ka sa nambabastos sa’yo dahil ang iba sa kanila ay makikisali pa sa pambabastos.
Masaya rin ako sa mindset niya na hindi dahilan ang suot ng babae para lang mabastos siya. Ang mga tulad niyang lalaki ay ‘yun dapat na tinutularan. Sobrang mature niyang mag-isip. Ang ganda pa ng mindset niya pagdating sa mga babae.
“Lahat naman ng babae na makita kong na iipit sa gano’ng sitwasyon, tutulungan ko,” aniya.
Napababa naman ang tingin ko sa bag ko na hawak pa rin niya at ang kamay ko na hawak pa rin niya. Bigla akong na ilang dahil mukha talaga kaming mag boyfriend at girlfriend sa pwesto namin ngayon. Dagdag pa ang pagbuhat niya sa bag ko.
“Y-yung kamay ko.” Mabilis naman siyang napabitaw sa kamay ko na parang isang nakakapasong apoy.
Napaiwas siya ng tingin sa akin at napakamot sa ulo niya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya agad akong nagsalita para mawala ang hiya niya.
“Tara! Sabay na tayong pumasok,” anyaya ko sa kanya at mabilis na kinuha ang bag ko sa kanya at na una ng lumakad papunta sa pedestrian lane.
Hindi dapat siya mahiya dahil wala namang dapat na ikahiya sa paghawak sa kamay ko. Alam ko naman na nabigla lang din siya dahil tinulungan niya ko sa manong kanina.
“Anong year mo na?” tanong ko sa kanya ng maramdaman ko ang pagtabi niya sa akin habang inaantay ang go signal para makatawid kami.
“1st year.”
“Talaga?” gulat na tanong ko sa kanya.
Mukha ko kasi siyang senior pero same level lang pala kami. Akalain mo nga naman. Hindi na ko magugulat kung mag ka kaklase lang kami lalo na’t parehas kami ng kurso base sa I.D lace niya.
Tumango na lamang siya sa akin at naglakad na kami patawid ng mag go signal na. Halos katapat lang kasi ng LRT ang Makati University. Pagtawid namin nasa harap na agad kami ng 3rd gate ng Makati University.
“Business Ad ka at business Ad din ako. Baka sakaling magkaklase tayo,” sambit ko.
Sa nilalakaran ko ako nakatingin habang siya ay ramdam ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin habang naglalakad kami sa gitna ng pedestrian lane.
“Baka nga,” maikling sagot nito.
Pagtapat namin sa gate agad namin itinapat sa scanner ang I.D namin bago tuluyan na makapasok. Tuloy-tuloy lang ako na naglakad ng maramdaman ko na wala na ang gwapong moreno sa tabi ko. Nilingon ko ang tabi ko at wala na nga siya. Napahinto ako sa paglalakad ko at napalingon sa likod ko. Nakita ko siya na nakatayo lang malapit sa gate at ang mga mata niya at nakatingin sa akin.
“Anong ginagawa mo diyan? Hindi ka sasabay sa akin?” nanghihinayang na tanong ko.
Gusto ko pa siyang maka-usap ng matagal at makipag close sa kanya. Ang gaan-gaan kasi ng loob ko sa kanya lalo na’t tinulungan pa niya ako.
“Hihintayin ko pa ang mga kaibigan ko. Mauna ka na.”
“Teka. Ano pala pangalan mo?” Naglakad ako palapit sa kanya at huminto lang ako ng tumapat ako sa harapan niya. Napatingala ako sa kanya dahil sa katangaran niya at hanggang balikat niya lang ako.
Kanina pa kami nag-uusap at dapat malaman ko na ang pangalan niya para mas madali ko siyang makikita sa susunod.
“Jade Ayen Martin.”
Napangiti ako dahil miski ang pangalan niya ay maganda. Hindi na ko nag alinlangan at inilahad ko na ang kamay ko sa tapat niya.
“Maria Angelie Dedales.” Pagpapakilala ko sa sarili ko.
“Alam ko.”
“Alam mo? Kilala mo ko?” Ibinaba ko ang kamay ko at inilagay ko na lang ito sa likuran ko.
Paano naman niya nalaman ang pangalan ko? Imposible naman na makita niya sa I.D ko dahil napakaliit nito para mabasa niya.
“Anak ka ng artista kaya kilala kita. Sikat ang daddy mo at magaling na aktor.”
Napatango-tango na lamang ako. Hindi ko akalain na kilala niya ko dahil sa daddy ko. Hindi naman kasi ako itinatago ni daddy sa media pero minsan niya lang din naman ako ilabas sa mga social media account niya kaya nakakagulat na kilala niya ko.
“Sige na, Angelie. Pumasok ka na kesa mahuli ka pa sa klase mo.”
“Ah s-sige. Salamat ulit, Ayen.” Tumingkayad ako at binigyan siya ng isang halik sa pisngi. “Sana magkita pa tayo ulit.”
Halata naman ang pagkagulat sa kanya pero hindi na ko nailang dahil lahat naman ay hinahalikan ko sa pisngi kapag magpapasalamat ako. Maliban na nga lang kung hindi kita kilala o kakikilala ko lang sa’yo. Kaya lang iba ang sitwasyon kay Ayen dahil sobrang gaan ng loob ko sa kanya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan agad siya sa pisngi.
“Why did you do that, Angelie?” he asked.
“As a thank you for what you did. Normal na sa akin ‘yun. Sorry kung nagulat ka. Sige alis na ko!” Mabilis akong tumalikod sa kanya na may malawak na ngiti sa labi ko. Sana lang at mas maging malapit pa kami ni Ayen. Gusto ko ang mindset ng taong tulad niya at ang pagiging mature niya kung mag-isip.