Angelie's POV Sobrang bilis lumipas ng panahon lalo na't ngayong mas lalo kong minamahal ang boyfriend ko. Mas lalo ko pa siyang nakikilala at ang pagiging seloso niya na walang oras na pinipili. "Hey, Love." Napatigil si Gab sa pag lalagay ng make-up sa mukha ko ng pumasok si Ayen. Nagsisimula pa nga lang siya sa paglalagay ng foundation sa pisngi ko pero dumating agad itong boyfriend ko. "Nariyan na pala ang kaibigan kong palaging nakabuntot sa'yo," sambit ni Gab at na pa irap pa. "Sige, ang boys na muna ang lalagyan ko ng make-up." Umalis si Gab at nagpunta sa mga ka member ko na nag-aayos ng instrument nila. "What are you doing here?" tanong ko kay Ayen na naupo sa vanity table na kaharap ko. "Masama ba? Laban 'to ng girlfriend ko," sagot niya at kumuwa ng wipes sa ibabaw ng vani