Angelie's POV "Ayen, sorry na. Pang palakas lang naman ng sigawan ng mga tao kaya ko ginawa 'yon," sambit ko sa kanya. Narito kami sa loob ng kotse niya dahil nawalan na siya ng gana na manood ng iba pang mag p-perform simula kanina. Ang lakas na naman ng toyo niya at kanina ko pa siya sinusuyo dito pero dedma lang ako sa kanya. "Ayen naman," nagtatampong saad ko. Paano ba naman kasi mas inuuna pa niya ang paglalaro ng mobile legends kesa ang kausapin ako. Ako na nga itong nagpapakumbaba sa aming dalawa para mag kaayos na agad kami tapos ayaw naman niyang magsalita. Ang boses ko nga lang ang naririnig ko sa loob ng kotse niya pati na rin ang tunog nang tunog sa cellphone niya na nagsasabing triple kill keme. "Ayen naman. Kapag hindi mo pa ko pinansin dito bahala ka na sa buhay mo. M