Angelie's POV Sa isang linggo na boyfriend ko si Ayen sobrang laking pag a-adjust ang ginawa ko dahil hindi ko alam kung paano ako kikilos, paano magsasalita sa harap niya at kung ano ang dapat kong gawin bilang girlfriend niya. Pero mabuti naman at nakakaabante kahit na nag a-adjust sa kanya. "Boss Ayen, may kasamang chicks!" sigaw ng isang lalaki na mukhang ka team niya sa football. "Gago! Si Angelie 'yan! Vocalist ng banda," anas naman ng katabi nang nagsalita. Hindi na lang sila pinansin ni Ayen. Dinala ako ni Ayen sa pangatlong silya ng bleacher at pinaupo ako doon. Ipinatong niya rin ang t-shirt niya sa skirt ko at hinarang ang bag niya sa paanan ko. "Dito ka lang, okay?" nakangiting tanong niya sa akin. "Oo." Tumango pa ako sa kanya. May practice kasi siya ngayon sa football