Angelie's POV Simula ng halikan ni Ayen ang labi ko parang ang dami ng nagbago sa akin. Sa tuwing may magsasalita sa harapan ko ay napapatingin ako sa labi ng nagsasalita agad na bumabalik sa akin ang eksenang paghalik niya sa labi ko. Mabuti na lang at hindi iyon kasama sa commercial namin na in-edit ni Ayen dahil kung kasama mas lalo akong mahihiya kung makita ng buong klase iyon pati ng professor namin. Kaya nga laking pasasalamat ko kay Cyrine dahil wala naman siyang pinagkwentuhan sa kung ano ang nakita niya noong sabado. "Diretso uwi na ba kayo?" tanong sa amin ni Gab habang naglalakad kami palabas ng building namin. Tapos na ang klase namin para ngayon Lunes at buong araw din akong tahimik. Ngayon, hindi ko na talaga kayang dumaldal lalo na at malapit lang sa akin si Ayen. Pakir