Angelie's POV
Life is short so, make more memories with the people that you know can be healthy for your life.
"Bakit wala si Cyrine? Nasaan siya?" tanong ko kay Gab na todo pag-aayos sa sarili niya.
Nandito kami sa ground sa bandang likod ng university at nakaupo kaming apat sa isang bilog na lamesa. Si Andrew, Ayen at Gab lang ang kasama ko ngayon at buong araw din kaming walang klase dahil ngayon na magaganap ang audition ng mga clubs.
Hindi na ko masyadong nag-ayos at nagsuot lang ako ng normal na sinusuot ko sa tuwing pumapasok ako ng University. Skirt at polo t-shirt na fitted sa katawan ko. Hindi naman kasi mahalaga ang mukha ko. Mas mahala pa rin ang boses.
"Hindi na siya pumasok dahil wala naman daw klase at hindi rin naman siya kasali sa mga club," sagot naman ni Andrew.
"Hindi man lang ba niya kayo papanoorin na mag audition?" kunot noong tanong ko.
Wala man lang ba siyang balak na mag bigay ng moral support sa mga kaibigan niya? Hindi niya ba pa nonoorin ang mga kaibigan niya? Kung ako nga gusto kong manood ng audition nila Gab at Andrew sa drama club e kaya lang hindi kaya ng oras ko. Sabay kasi ang oras ng audition ng banda at drama club. Ang oras naman ni Ayen ay pagkatapos pa ng audition time namin kaya pwede pa siyang makanood kila Gab.
"Aalis kasi sila ng boyfriend niya," sambit ni Gab na naglalagay pa ng pilik mata. "Si Cyrine kasi mas pipiliin no'n ang boyfriend niya kesa sa aming mga kaibigan niya."
Napatango na lamang ako dahil parehas na parehas si Cyrine at Alaina. Mas pipiliin nila ang boyfriend nila kesa sa kaibigan nila. Wala tuloy akong kasama na mag a-audition sa banda dahil absent din ang lokaret na si Alaina at mukhang naglakbay sa kung saang lupalop kasama ang boyfriend niya.
"Eh ikaw? Wala kang kasama?" tanong sa akin ni Andrew na todo ayos naman sa wig niyang kulay dilaw.
Hindi ko alam kung drama club ba talaga ang sasalihan nila o comedy bar dahil sa ayos nila ngayon. Feel ko mas bagay kung sa comedy bar sila kasi bentang-benta naman ang mga jokes nila sa akin. Kaya sigurado kong bebenta rin sa iba ang jokes nila lalo na sa mga taong mababaw lang ang kaligayahan tulad ko.
"Wala akong kasama e," sagot ko at tumingin kay Ayen na nakikinig lang ng music sa nakasalpak na air pods niya.
Kanina pa kami nandito at kanina pa rin siya walang pakielam sa pinag-uusapan namin at nakikinig lang sa music. Gusto ko nga sana siyang yayain na samahan ako kaya lang baka gusto niyang samahan ang mga kaibigan niya.
"Oh bakit nasaan si Alaina?" tanong ni Gab sa akin. "Kasama na naman niya siguro si fafa Gio!" kinikilig na saad nito.
Napatango na lang ako sa kanya bilang sagot. Si Gab kahit na sinong couple ang makita niya sa University, kinikilig siya at todo kung makasuporta pa kahit na hindi naman niya kilala. Gwapo si Gab kung titignan mo maigi ang mukha niya. Ang laki pa ng pwet na pwede nang ipanglaban sa Miss U.
Si Andrew naman ay ayos din. May itsura siya at maputi. Mas maputi pa nga ang balat niya sa akin na parang hindi nasisinagan ng araw. Malaki nga lang ang mata niya at may pagkasunki ang ibang parte ng ipin niya.
"Teka anong oras na ba?" Gulat na tanong ko.
Kanina pa kami dito nag-uusap pero hindi namin alam kung anong oras na. Baka mamaya mahuli pa kami ng pag audition nito dahil sa kadaldalan naming tatlo.
"Maaga pa naman, sis. 10:30 pa lang oh," sagot ni Andrew at hinarap pa sa akin ang wrist watch niya.
Mabilis akong napatayo sa silya ko at napatingin pa sila sa aking tatlo dahil bigla akong nataranta. Mabilis kong inayos sa bag ang mga gamit ko na nakakalat pati ang mga note book ko na may lyrics ng kanta.
"11:15 ang audition natin!" histerikal na sigaw ko.
"So? Ang aga-aga pa kaya. Haler! Pagpunta rin naman natin do'n hindi tayo agad mag a-audition dahil marami pang hanash ang mga judge do'n," sagot ni Gab na hindi pa rin tapos sa pag-aayos ng mahaba niyang pilik mata na nabili niya lang daw sa online store.
Maaga pa sa kanila ang 10:30? 45 minutes na lang at magsisimula na ang ang audition. Sanay na sanay ba sila sa Filipino time? Kaya nasasabi nilang maaga? Ang layo kaya ng building ng pag a-aundition-an namin dito sa pwesto namin ngayon. Halos 15 mins din na lakaran bago makarating sa building ng auditorium tapos sasakay ka pa sa elevator na siguradong mahaba ang pila ngayon.
"Bahala kayo diyan! Basta ako aalis na. Mas okay na maaga kesa ang late 'no!" anas ko at sinukbit na ang bag ko sa balikat ko.
Napatayo naman si Ayen sa silya niya at inalis niya mula sa tenga niya ang air pods na suot niya at ibinalik niya 'yun sa lalagyanan niya. Hindi tuloy ako makaalis at nakataas lang ang kilay ko sa kanya.
"Saan ang punta mo, Ayen?" tanong ni Gab kay Ayen na nag-aayos na ng gamit niya.
Mamaya pa naman ang audition niya sa football team kaya bakit nag-aayos na agad siya? Wala pa siyang balak na samahan sila Gab at Andrew sa audition nila? O baka naman mag p-practice muna siya para sa audition na gagawin niya mamaya?
"Aalis. Sasamahan si Angelie," sagot nito.
Nalaglag ang panga ko sa sinagot niya. Sasamahan niya ko? Expected ko na sasamahan niya sila Gab dahil ito ang mga kaibigan niya kaya gulat na gulat ako na sa akin siya sasama. Mapapanood niya kong kumanta? Mas lalo akong na motivate dahil panonoorin niya ko... Exciting masyado...
"Eh kami? Grabe ka naman papa Ayen. Pinagpalit mo agad kami kay Angelie," nagtatampong saad ni Gab at ibinaba ang make up na hawak niya.
Gusto ko tuloy matawa ng malakas dahil sa itsura ni Gab pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Kalahating mukha niya at tapos ng lagyan ng make up pero ang kalahati nito ay sabog pa rin. Mas lalo ko pang pinigilan ang paglabas ng tawa ko at napakagat labi na dahil ang isang pilik mata na nakakabit na sa mata niya ay may pakulot-kulot pa. Mas kulot pa yata ang pilik mata niya kesa sa buhok niya.
"Manahimik ka nga diyan, Gab," anas ni Ayen at sinukbit na rin ang bag niya. "Ikaw may kasama ka. Kasama mo si Andrew pero si Angelie, walang kasama. Bibilhan na lang kita ng make up na 'yan, itigil mo lang ang ka artehan mo."
Sabay-sabay kaming napatawang tatlo dahil sa inasta ni Ayen. This time, hindi ko na talaga kayang mag pigil. Ganyan ba talaga siya bilang kaibigan? Masyado niyang ini-spoil sila Gab. Siya lang ang lalaking nakita ko na ini-spoil ang bakla nitong kaibigan.
"Sabi mo 'yan hah!" nakangiting saad ni Gab.
"Paano naman ako, Ayen?" sabat ni Andrew. "Nagtatampo rin ako."
"Bahala ka. Bumili ka ng iyo." Basta na lang tumalikod si Ayen at naglakad na palayo.
"Sige. Bye! Go! Go! Sabay-sabay tayong makakapasok sa club!" masayang sagot ko at tumalikod na rin sa kanila.
Sinundan ko siya Ayen at ng maabutan ko siya agad siyang napalingon sa akin. Inabot niya sa akin ang isang box. Isang box na lalagyanan ng bracelet. Parihaba ito kaya alam na alam ko.
"Ano 'to? Para saan?" tanong ko sa kanya.
May paregalo agad? Nanliligaw na ba siya sa akin? Syempre hindi. Baka naman gusto niya lang talaga ipahawak sa akin ang box na 'to.
"Kunin mo na lang bago pa mag bago isip ko," sabit niya at napaiwas ng tingin sa akin.
Agad ko naman kunuha sa kamay niya ang box at balak ko sanang buksan 'yun ng makita kong naka lock pala 'yun. Kakaiba ang box niya dahil may napalaliit pang nakakabit dito para sa passcode. Kaya naman pala mabigat dahil may pa passcode na nakasabit. So, baka nga hindi 'to para sa akin dahil may passcode.
"Buksan mo sa lang 'yan pag-uwi mo," aniya na may pagkailang.
So, akin pala talaga 'to? Ano naman kaya ang laman nitong binigay niya sa akin? Anong design na bracelet? At paano ko mabubuksan 'to? Gusto ba niya na wasakin ko na lang 'yung kahon para mabuksan ko?
"Ano passcode?" tanong ko muli sa kanya.
Sayang naman kasi 'yung box kung sisirain ko lang. Ang ganda-ganda ng box at pwede kong i display sa condo ko.
"Send ko na lang din sa'yo pag-uwi natin para hindi mo talaga mabuksan ngayon. Baka kasi mamaya kapag nakatalikod na ko bigla mo na lang buksan."
Ano ba ang laman nito at parang nahihiya siyang malaman ko? Baka naman mamaya hindi pala bracelet ang laman nito at ipis pala talaga o kaya gagamba. Malay ko bang mahilig siya sa pranking. Malay natin...
"Paano mo naman ma se-send sa akin? Hindi mo alam ang number ko, ang f*******: account ko, ig account ko at twitter account ko."
"Alam ko."
"Alam mo?!" gulat na tanong ko sa kanya.
Hindi ko naman kasi napapansin ang pangalan niya na nag a-add friend sa akin o nag fo-follow sa akin. Sa dami ba naman ng taong nasa list ko hirap na hirap talaga kong makita. Panay kasi mga supporters ng daddy ko ang nag a-add sa akin at nag f-follow.
"Yeah. Check mo na lang ang message request sa'yo mamaya." Napatango na lang ako sa kanya at ipinasok ko na sa bag ko ang binigay niya.
Kung ano man ang binigay niya, itatago ko lang 'yun. Minsan lang ako makatanggap ng regalo kaya iingatan ko talaga 'yun lalo na't galing pa sa kanya.
"Teka bakit mo nga pala ako binigyan ng regalo? Hindi ko naman birthday," natatawang sambit ko habang naglalakad kami papunta sa auditorium.
Ngayon lang ako naglakad ng hindi nakakaramdam ng pagka bored o pagod. Hindi ko rin maramdaman na palapit na pala kami ng palapit sa building. Masyadong mabilis ang takbo ng oras kapag kausap ko siya.
"Nang makita ko kasi 'yan naalala agad kita kaya binili ko na. Regalo ko na rin 'yan para sa'yo dahil ikaw ang unang tao na nanlibre sa akin," aniya.
So, big deal pala sa kanya ang ginagawa kong paglibre? Maliit na bagay lang naman 'yun tapos may kapalit pa. Hindi naman ako humihiling ng kapalit dahil sa ginawa ko.
"Hoy Ayen! Baka sa susunod na ilibre kita, isipin mo na gusto kong makatanggap ng regalo mula sa'yo kaya kita inilibre. Hindi 'yun totoo hah! Inuunahan na kita para--"
"Di mo na kailangan mag paliwanag. Alam ko naman," aniya.
Napangiti ako at sabay kaming pumasok sa auditorium building. Nasa bungad pa lang kami pero ang dami nang tao at ang ingay-ingay pa.
"Ang daming tao," saad ko.
Nandito kasi lahat halos ng club maliban sa mga sport na ginagawa sa swiming pool area, football field, or sa gym na may basket ball court. Ilan kaya ang makakalaban ko sa pwesto bilang singer?
"Tara na. Umakyat na tayo." Hinila niya ko papunta sa hagdanan na walang masyadong tao at umakyat na kami.
Mabuti na lang at sa second floor lang ang auditorium na pag a-audition-an ko kaya kahit hagdanan na lang ang gamitin namin ay ayos lang.
"Papasukin ka kaya sa loob?" tanong ko sa kanya ng makatapat kami sa pinto ng Makati University Band.
Ayokong masayang lang ang pagsama niya sa akin dito at maghintay sa akin sa labas. Baka kasi mamaya kapag iniwan ko siya dito sa labas, maraming babae agad ang lumapit sa kanya at maraming babae rin ang ma snob niya. Matataray pa naman ang ibang babae dito sa University at baka i rant pa siya sa social media.
"Oo. Nag sabi na ko sa may-ari ng University kahapon pa lang," sagot niya.
"Kahapon ka pa nagsabi?!"
Hindi ako nagulat dahil sa kinausap niya ang may-ari ng University pero nagulat ako dahil kagabi pa siya nagpaalam. So, kagabi pa lang desidido na talaga siya na samahan ako dito?
"O-Oo." Napaiwas siya sa akin ng tingin.
Mukhang pati siya nagulat sa sagot niya. Ayokong mailang siya kaya kahit na gusto kong pa siyang tanungin tungkol do'n pinigilan ko na lang ang bibig ko na mag tanong.
"Tara na, Ayen. Pasok na tayo," nakangiting sagot ko at hinawakan siya sa braso.
Binuksan ko ang pinto at agad na lumapit sa babaeng nakaupo sa desk. Isa siyang senior base sa suot niyang I.D lace na iba ang kulay.
"Registration form po?" tanong sa akin ng babae.
Agad ko naman nilabas ang papel ko at inabot sa kanya. Tinignan niyo 'to at hinanap ako sa checklist nila at tinatakan ng number. Ibinalik niya sa akin ang papel ko at napatingin naman siya kay Ayen at biglang lumawak ang ngiti niya. Bakit mas malaki ang pag ngiti niya kay Ayen kesa sa akin? Palibhasa gwapo kaya nag papa cute siya.
"Ikaw beh? Nasaan ang registration form mo?" tanong niya kay Ayen.
Beh? Betlog. Ang pangit.
"I'm here to watch her performance. I have consented to Mr. Peterson. You can check it to be sure," Ayen said.
"Ay! Englishero. Wait, beh, check ko lang," sagot ng senior na babae at napahawak pa sa ilong niya.
Napatawa ako kay ate dahil parang bigla siyang umatras ng mag salita ng english si Ayen. Bakit ba parang natatakot sila kapag nag e-english ang isang tao? Wala namang nakakatakot kung may mag english sa'yo.
"Umatras yata sa pag papa cute si ate," bulong ko kay Ayen habang nakatingin kay ate na busy sa paghahanap ng name ni Ayen.
"Dapat lang na umatras siya dahil wala naman akong oras sa ibang babae…"